CHAPTER THREE
“CARMENCITA!”
Napapikit na lamang si Carmie nang narinig niya ang buo niyang pangalan. Seriously, hindi talaga niya gusto ang tunay niyang pangalan dahil tunog makaluma iyon. And to make her feel worse, narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Michael na para bang inaasar siya nito dahil lang sa pangalan niya. Siniko na lamang niya ang binatang pinagtatawanan lang siya nang oras na iyon.
“Pinagtatawanan mo ba ako?” tanong agad ni Carmie sa binata sa isang pabulong na tinig. “Hindi naman ito ang unang pagkakataon mong narinig ang tunay kong pangalan ah!”
“Hindi naman sa pinagtatawanan kita,” sagot naman ni Michael. “Natawa lang talaga ako sa reaksyon mo nang tinawag ka ulit sa pangalang Carmencita.”
Inirapan na lamang ni Carmie si Michael nang sandaling iyon. Kahit na sabihin pang inosente ang binata sa alegasyong ibinibintang niya ay hindi pa rin niya ito mapapatawad sa ginawa nitong pagtawa. Isang glare ang ibinigay niya sa binatang nasa tabi lang niya nang sandaling iyon dahil hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi nito.
“Buburahin mo ba ang ngiti mong iyan o hahalikan kita bago pa man magkahalikan ang bride at groom mamaya?” tanong ni Carmie na biglang nagpawala sa ngiti ni Michael. “You know kung gaano ako ka-shameless.”
“Hindi mo na ako kailangang pagbantaan pa,” mabilis na sabi ni Michael. “I can erase this kung iyon lang ang gusto mo.”
“Pero kung hindi naman kita pagbabantaan ay siguradong aasarin mo na ako dahil lang sa pangalang iyan,” inis na sabi ni Carmie sa binata.
Bago pa man makahirit si Michael ay sinenyasan na siya ni Carmie na tumahimik na dahil magsisimula na ang wedding ceremony. Napailing na lamang siya dahil kahit na sabihin pang mga kaibigan nito ang ikakasal ay parang wala naman doon ang atensyon ng nasabing dalaga. Hindi man niya aminin ay nahalata na niya kaagad na parang may nabago sa dalagang katabi niya. Alam naman niyang masaya si Carmie para sa mga kaibigan nito, pero something is off with her lalo na kapag napapatingin na ito sa groom na halatang masaya sa piling ng bride nito.
“Bored?” pabulong na tanong ni Michael sa dalagang nasa tabi niya.
“I am fine,” sagot naman ni Carmie. “Medyo bored lang dahil mahaba-haba rin pala ang wedding ceremony na ito.”
“Gusto mo bang umuwi na pagkatapos ng ceremony?” tanong ulit ni Michael sa dalaga.
“Baka magtampo ang mga kaibigan ko kapag hindi na ako dumalo sa reception,” sagot naman ni Carmie. “Isa pa, matagal-tagal ko rin namang hindi sila nakita kaya kailangang sulitin ko na ang dapat sulitin bago pa man tayo magbalik ng Maynila.”
Napatango na lamang si Michael nang sandaling iyon. Kahit na sabihin pang nakangiti si Carmie ay alam niyang may nararamdaman itong itinatago lang sa kanya. Well, hindi na niya iyon sakop dahil kahit sabihin pang date nga siya nito nang araw na iyon ay hindi naman iyon nangangahulugang kailangan na niyang panghimasukan ang pribado nitong buhay. He is just an editor in her life.
“MATAGAL-TAGAL din bago tayo nagkasama-samang muli,” banggit ni Pearl nang nagkasama na sila ni Carmie sa iisang mesa. “And you look so beautiful, parang hindi ikaw.”
“Naayusan lang, ako pa rin ito,” nakangiting sagot ni Carmie. “Still the same weirdo back in our high school days.”
“Weird nga pero successful naman, halos mapuno na kaya ang shelf ko ng mga libro mo,” sambit ni Pearl. “Maski si Sofia ay napapabili ng libro dahil sa iyo.”
“Oh? Talaga? Hindi ko alam iyan ah!”
“Hindi mo talaga malalaman dahil simula nang nagsulat ka ay nakalimutan mo na kami,” mabilis na sabi ni Pearl. “Maski si Mark ay hindi mo na kinausap.”
“Sorry naman, naging busy lang talaga ako,” sagot naman ni Carmie in an awkward tone. “Anyways, may bad feedback ba akong makukuha mula sa iyoo? Kilala kita, alam kong totoo ka sa mga sasabihin mo lalo na kung pangit ang pagkakasulat ko.”
Natawa na lamang si Pearl, “Saang banda naging pangit ang gawa mo? I can feel the emotions na para bang nanggaling sa puso mo ang lahat. Tell me, siya ba ang inspirasyon mo sa pagsusulat mo?” tanong agad ni Pearl bago pa man niya ininguso si Michael na katabi lang nila nang sandaling iyon.
“Sabihin na lang nating -”
Hindi na nagawa pang tapusin ni Carmie ang sasabihin niya dahil pumunta na sa table nila ang bagong kasal na sina Sofia at Rafael. Seriously, masaya naman talaga siya para sa dalawa lalo na at alam naman niya kung paano hinabol ni Rafael ang kaibigan niya. Iyon nga lang, a part of her heart is shouting in pain dahil alam niyang nagkagusto siya sa lalaki. Kailangan lang talaga niyang igive up ang pagkagusto niya kay Rafael dahil ayaw naman niyang masira ang friendship nilang dalawa ni Sofia. Oo, may pagkakataong ipinagtulakan na ni Sofia sa kanya ang nasabing lalaki pero since mas mahalaga para sa kanya ang kaibigan niya ay hindi na niya nagawa pang patulan ang kagagahan nito.
“And here comes my favorite author! Buti at nakadalo ka!” masayang sambit ni Sofia sa kaibigan.
“Para namang mahilig kang magbasa ng fiction stories? Kaya mo lang naman ako paborito dahil gawa ko lang namana ang binabasa mo,” pambabara agad ni Carmie sa bagong kasal na babae.
Isang mahinang tawa na lamang ang pinawalan ni Sofia bago pa man niya napansin ang binatang nasa tabi ng kaibigan, “Boyfriend mo?” tanong pa niya sabay turo kay Michael.
Bago pa man makasagot si Carmie ay si Michael na ang sumagot para sa dalaga, “Yes, ako ang boyfriend niya. Bago lang kami kung tutuusin. Michael nga pala ang pangalan ko.”
“Wow, hindi ko inakalang tutuparin talaga ni Carmencita ang sinabi niyang magkakaroon siya ng boyfriend bago pa kami ikasal ni Rafael,” nakangiting sabi ni Sofia sa binata. “Nice to meet you. I do hope na hindi mo sasaktan ang kaibigan kong iyan dahil mahal ko iyan.”
“Mas mahal mo kaysa sa akin?” pabirong tanong ni Rafael sa asawa.
“Hmmm? Pag-isipan ko muna kung sino ang mas matimbang sa inyong dalawa.”
Isang dry chuckle na lamang ang pinakawalan ni Carmie nang sandaling iyon. Somehow, alam niya sa sarili niyang hindi siya nagkamali sa naging desisyon niya noon na huwag patulan ang kagagahan ni Sofia.
“SABI na eh, nasasaktan ka talaga kanina,” sambit ni Michael habang pauwi sila ni Carmie mula sa kasalan. “Bakit hidni mo ipinaalam sa kaibigan mong gusto mo ang asawa niya noon?”
“Para saan pa? Ramdam ko namang hindi magiging akin ang asawa niya,” sagot naman ni Carmie. “Isa pa, I can give up anything para lang sa happiness nila.”
“Paano naman ang happiness mo?” tanong ni Michael sa dalaga.
“Hindi ko alam,” sambit ni Carmie in a strained tone.
“Nagpipigil ka ng iyak? Itabi mo na lang muna itong kotse sa isang gilid at umiyak ka,” sabi agad ni Michael in an annoyed yet worried tone. “Ayaw ko pang mamatay dahil lang sa pagiging broken mo.”
Nang sa tingin ni Carmie ay hindi na niya kakayanin pa ang sakit na nararamdaman niya ay nagpasya na siyang itigil sa isang tabi ang kotseng minamaneho niya. Narinig na lamang niyang nakapagmura si Michael nang wala sa oras dahil biglaan din naman ang ginawa niya. Kinastigo agad siya ng binata nang sandaling iyon.
“Ang sabi ko, itabi mo ang kotse, hindi ibangga! Paano kung natuluyan ang kotse na ito?! Namaalam kaagad tayo sa mundong ito nang hindi ko man lang nararanasan ang -”
Bago pa man matapos ni Michael ang sermon niya sa dalaga ay naramdaman na lamang niya ang biglaang paghalik nito sa labi niya nang walang pasintabi. Dahil sa sobrang gulat niya ay nanigas na lamang siya sa kinauupuan niya nang sandaling iyon. Ni hindi na niya nagawa pang itulak ang babaeng lumalapastangan sa birhen niyang labi.
“There, matatahimik ka pala kapag hinalikan,” nakangiting sambit ni Carmie sa binata bago pa man siya nagpasyang yakapin ito. “Ayaw ko munang makarinig ng sermon mula sa iyo. Pwede bang hayaan mo muna ako kahit saglit.”
Kahit na sabihin pa yata ni Michael na kailangan pa rin nitong marinig ang sermon niya ay hindi na rin makikinig pa ang dalaga sa kanya. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan niya nang sandaling iyon bago pa man siya nagpasyang pabayaan na lamang si Carmie sa gusto nitong gawin. Hindi na siya nagulat pa nang naramdaman na lamang niya ang dalawang mainit na likido sa balikat niya. Alam niyang umiiyak si Carmie nang sandaling iyon.
“Hindi mo naman kailangang iyakan ang isang lalaking hindi naman deserving sa pagmamahal mo,” iyon ang katagang nais ilabas ni Michael nang sandaling iyon sa umiiyak na dalaga. “May handa namang magmahal sa iyo nang higit sa kaya mong ibigay.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Michael nang narinig na niya ang paghikbi ni Carmie. Kasabay ng mga hikbi nito ay ang pagbagsak ng ulan. It seems like pati panahon ay nakikisama sa pagluluksa ng dalaga nang sandaling iyon. Well, wala naman na siyang ibang magagawa kundi ang hayaan na lamang munang umiyak si Carmie hanggang sa maging okay na rin ito. Hopefully, pagkatapos ng pag-iyak nito ay maging maayos na rin ang pakiramdam nito.