CHAPTER FOUR

KAHIT na sabihin pang umiyak na sa balikat ni Michael si Carmie ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya sa dalagang writer. She is still weird in his eyes dahil hindi pa rin nagbabago ang reference nito pagdating sa pagsusulat.

“What the hell?!” iyon kaagad ang lumabas sa labi ni Michael nang nakita niyang nanonood ng porn si Carmie nang pinapunta siya nito sa bahay para lang ipakuha ang manuscript na katatapos lang nitong isulat. “Patayin mo nga iyan!”

Hindi naman nakipagtalo si Carmie sa binata nang sandaling iyon at sa halip ay sinunod niya agad ang binata. Isinara na niya ang program na para sa porn at hinarap ang binata na para bang hindi niya ito naabutang nanonood ng porn.

“Seriously, hindi ka pa rin ba sanay sa akin?” naiiling na tanong ni Carmie sa binata. “Alam mo namang dito ko kinukuha ang mga sex scenes na included sa mga akda ko.”

“Hindi naman sa hinuhusgahan na kita, pero sana naman ay iwasan mo na ang panonood ng mga ganyan kapag may pinapapunta ka rito,” sagot naman ni Michael. “You know, hindi pa rin naman ako komportable kapag iyan ang pinapanood mo. Kung hindi iyan, yaoi naman. Hindi na ako magtataka pa kung bakit sila na ang natatakot sa iyo.”

Napangisi na lamang si Carmie sa sinabi ni Michael, “Hindi ko alam kung concerned ka lang ba sa akin o naapektuhan ka sa nakita mo. Tell me, alin ba sa dalawa ang nagtrigger sa iyo para sermunan mo ako?”

Hindi na lamang nagsalita si Michael nang sandlaing iyon at sa halip ay kinuha na niya ang manuscript na sinasabi sa kanya ng dalaga. Hindi na niya ito pagtatangkaan pang basahin sa harapan ni Carmie dahil alam naman niyang aasarin na siya nito.

“Really? Hindi mo talaga babasahin sa harap ko ang ginawa kong akda?” sunod-sunod na tanong ni Carmie kay Michael.

Isang annoyed look na lamang ang ibinigay ni Michael sa dalaga nang dahil sa sinabi nito sa kanya, “Alam mo naman sigurong mas sanay akong binabasa ko ang gawa ng authors ko sa isang tahimik na lugar.”

“Para namang tahimik sa boarding house na tinutuluyan mo,” naiiling na sabi ni Carmie. “Open naman itong bahay ko kung sakaling maisipan mo nang umalis sa kanila.”

“Thank you na lang sa offer, but no,” tanggi kaagad ni Michael sa offer ni Carmie. “I can manage to read your works there.”

“Nang hindi nag-iinit?” tanong ni Carmie sa binata. “Sa pagkakaalam ko ay erotic ang ginagawa ko kaya imposibleng hindi ka nag-iinit sa mga nababasa mo.”

“Alam ko kung gaano ka kaweird kaya bawas na agad ang sinasabi mong init sa akda mo,” pambabara agad ni Michael sa dalaga. “Alam mo naman siguro kung ano ang ibig sabihin ng self-control, right?”

Isang mahinang ‘tsk’ na lamang ang pinakawalan ni Carmie nang sandaling iyon. Hindi niya inakalang magagamitan pa siya ni Michael ng salitang self-control. Kunsabagay, bawas na bawas nga ang charm niya sa pagsusulat kapag nababasa na ng mga kaibigan niya ang akda niya noon. Ni wala yatang epekto sa kanila ang mga isinulat nila dahil sila pa ang nagsabi na kung gagawa man siya ng sex scenes, kailangan muna niyang humanap ng tamang posisyon mula sa porn sites na alam nila.

“Kung wala ka na rin namang ibang sasabihin sa akin ay kukunin ko na itong manuscript mo para maumpisahan ko na ang trabaho ko,” sambit ni Michael sa dalaga. “Itatawag ko na lang sa iyo ang mga revisions kung mayroon man.”

Bago pa man makaalis si Michael ay hinarang na siya ni Carmie nang sandaling iyon. Hindi lang basta harang ang ginawa nito sa kanya dahil itinumba pa siya nito sa sahig bago daganan.

“Carmie, ano na naman ba ang problema mo at inaatake mo na naman ako?!” inis na tanong ni Michael sa dalaga.

“Wala naman, tinitingnan ko lang ang magiging reaksyon mo sa ginagawa ko,” sagot naman ni Carmie in an amused tone. “Iba ka nga sa kanila.”

“Ano ang -”

Hindi na nagawa pang tapusin ni Michael ang sasabihin niya dahil naramdaman na lamang niya ang paghalik ni Carmie sa labi niya nang sandaling iyon. Napatulala na lamang siya nang natitigan niya ang weird na dalaga.

“Swerte ka dahil nahulog na ang isang tulad ko sa iyo,” nakangiting sabi ni Carmie bago pa man niya hinalikang muli si Michael.

TULALA na lamang si Michael nang nakabalik na siya sa boarding house na inuupahan niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayaring naganap, ilang oras pa lang ang nakalilipas. OA na OA, pero hindi talaga niya matanggap sa sarili niyang nanakawan siya ni Carmie ng halik, hindi sa pisngi kundi halik sa labi. Hindi iyon pangkaraniwan sa kanya lalo na at ni minsan ay hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend. Dahil sa pagiging tulala niya ay hindi niya napansing nakuha na pala ni Joey mula sa kamay niya ang folder kung saan nakalagay ang manuscript na ibinigay ni Carmie sa kanya. Nagulat na lamang siya nang narinig niya ang malakas na pagbabasa ni Joey nang sandaling iyon. Bago pa man tuluyang makilala ni Joey ang mga taong bubuo sa bagong kwento ni Carmie ay marahas na niya iyong kinuha mula sa kamay ng binata.

“Absolutely, killjoy ka talaga,” sambit ni Joey nang nawala na sa kamay niya ang nasabing manuscript. “Para namang babasahin ko lang eh.”

“Hindi ko pwedeng ipabasa ito sa iyo sa ngayon dahil dadaan pa ito sa editing,” sagot naman ni Michael. “Hintayin mo na lang ang paglabas nito in book form para makatulong ka sa writer.”

“Brad, kaya ko nga babasahin na agad ay para mairekomenda ko na sa girlfriend ko iyan,” sambit ni Joey.

“Palusot mo hindi effective,” pambabara agad ni Michael sa binata. “Parehas lang tayo ng estado ngayon.”

“Sorry, but not so sorry dahil sa totoo lang ay mayroon na akong girlfriend, nasa senior high school,” pagmamalaki agad ni Joey sa binata. “Ipabasa mo na sa akin iyan para makatulong ako sa writer.”

“Minor ang girlfriend mo? Lalong hindi ko pwedeng ipabasa sa iyo ito,” sagot naman ni Michael. “Restricted ang readers na pwedeng makabasa nito.”

“Huh?!”

“You better know what is really good for her kung ayaw mong magkaproblema sa mga susunod na araw,” mabilis na sabi ni Michael. “Kung mahal mo ang girlfriend mo ay makikinig ka sa akin.”

Bago pa man makapagreact si Joey sa sinabi ni Michael ay iniwanan na ito ni Michael. Pumasok na ang binata sa kanyang kuwarto at sisimulan na niya ang pag-eedit ng mga akdang nakuha niya. Sabihin mang hindi pa iyon kasama sa scheduled na ilalabas ng Lion Heart ay inihahanda na niya iyon agad lalo na at alam niyang mahihirapan siya sa pag-eedit ng gawa ni Carmie. Lagi na lang siyang nahihirapang iedit iyon dahil sa katotohanang naiilang talaga siya sa mga nababasa niya. Oo, lalaki siya, pero siya ang lalaking hindi nag-iisip ng kung ano mang kalaswaan dahil hindi naman iyon pumasok basta-basta sa utak niya. Kinuha na lamang niya ang eyeglasses niya nang sandaling iyon at sinimulan na niya ang pagbabasa sa manuscript ni Carmie.

LOVE does not really exist sa mundo nina Michael at Carmie, tanging lust lang ang namamagitan sa kanilang dalawa. Para sa kanila, sapat na ang one night stands na pinagsasaluhan nila sa tuwing sila ay tinatamaan ng kanilang init ng katawan.

HINDI mapigilan ni Michael ang mapangiwi sa pagbabasa pa lang ng teaser ng bagong akda ni Carmie. Hindi man bastusin sa paningin niya ang mga salitang ginamit ay ramdam pa rin ni Michael ang ilang factor na madalas niyang maranasan sa tuwing babasahin niya ang mga manuscript na ipinapasa nito sa kanya. Sinubukan pa niyang magbasa ng ibang parts pero suko na agad ang mata at kaluluwa niya nang sandaling iyon. Hindi siya nakatiis at tinawagan niya kaagad ang weird na dalaga.

“Napag-isipan mo na ba ang suggestion ko sa iyo na dito ka na tumira?” iyon agad ang tanong na ibinungad ni Carmie nang sinagot niya ang tawag ni Michael.

“Tempting ang offer pero, no,” sagot naman ni Michael. “Sapat na ang paghalay mo sa akin sa isipan mo.”

“Eh bakit napatawag ka? Huwag mong sabihin na gusto mong gawin natin ang ilan sa maiinit na eksenang inilagay ko riyan?” tanong ni Carmie in a teasing tone.

“Carmencita, tigilan mo ako kung ayaw mong sunugin ko ang manuscript mo,” pagbabanta agad ni Michael na tinawag pa ang dalaga sa buong pangalan nito. “You are going to revise everything, mula teaser hanggang dulo.”

“What?! Bakit ipaparevise mo pa ang buong manuscript?” tanong agad ni Carmie sa binata.

“That is simply because I am not comfortable with it,” sagot naman ni Michael. “Ilang beses mo akong hinalay sa utak mo?” tanong pa niya sa dalaga.

“I do not know, and for your information, hindi panghahalay ang ginawa ko dahil may consent naman ng karakter na kapangalan mo ang eksenang inilagay ko riyan,” sagot ni Carmie. “Masyado ka lang feeling dahil halata namang may pagtingin ka sa akin.”

“That is a big lie!”

“Nope, hindi ka naman magpapahalik kung hindi mo ako gusto,” mabilis na sabi ni Carmie. “Maswerte ka talaga dahil ako ang nagkakagusto sa iyo. Subukan mo lang makipaghalikan sa ibang babae at malalagot ka sa akin.”