CHAPTER TWO

CARMIE is not the best writer for Michael. He knows her as a weird writer na handang gawin ang lahat para lang inisin ang sarili nitong editor. Michael is not proud of it lalo na at siya ang laging nakikita ni Carmie kapag may naiisip na itong mga kakaibang eksena na ilalagay sa storya nito.

“Ayaw mo noon? At least, alam mong pinagnanasaan ka ng isang magandang writer,” sambit ni Anthony nang nagreklamo na naman sa kanya ang binata. “Wala namang masama sa ginawa niya ah.”

“Hindi ko pinangarap na maging karakter sa story niya,” sagot naman ni Michael. “Sinisira niya ang innocent boy image ko.”

“Para namang malalaman ng readers niya na ikaw ang naging inspirasyon niya,” naiiling na sabi ni Anthony sa binata. “Ni hindi nga rin nila alam kung may kilala ba talaga siyang Michael o gawa-gawa lang niya ang pangalang ibinigay niya sa karakter niya eh.”

”But -”

“Hayaan mo na ang sarili mong writer sa pag-iisip ng isusulat niya,” sabi agad ni Anthony nang napansin niyang magpoprotesta na naman si Michael. “Mas makabubuti rin naman sa iyo kung mabilis siyang makapag-iisip at makabubuo ng isang kwento. At least, hindi ka gahol kapag malapit na ang deadline.”

Napahinga na lamang nang malalim si Michael. Bawat editor ay nangangarap na makuha ang isang tulad ni Carmie na mabilis na nga sa pagsusulat, dahil hindi naman na sila mahihirapan pang mag-edit at mababasa nila nang hindi minamadali ang akda nito. Iyon nga lang, hindi naman siya sigurado kung gugustuhin pa ba nilang kunin ang akda ni Carmie kung malalaman nila ang reference na ginagamit nito sa pagsusulat.

“Kung nahihirapan ka na sa author mo ay pwede mo na siyang ibigay sa akin,” sambit ni Anthony in a suggestive tone. “Tapos ipapalit ko na iyong isang writer ko na madalas na late palagi sa mga deadline natin.”

The offer is too tempting for Michael. Wala naman kasi siyang problema kung ibibigay man ni Anthony sa kanya ang isang writer na kailangang madaliin para sa mga deadline. Sigurado naman siyang may malalim na dahilan ang writer nito sa mga delay na naibibigay nito sa kasama niya. Iyon nga lang, hindi naman siya sigurado kung kakayanin ba ni Anthony ang paghandle sa mga akda ni Carmie.

“So, ano na ang desisyon mo?” tanong ni Anthony in a hopeful tone. “Are you willing to give her to me?”

Umiling na lamang si Michael nang sandaling iyon, “Mas mabuting ako na lang ang makaranas ng pagiging weird niya at baka mamaya ay ibalik mo rin siya sa akin nang wala sa oras dahil lang inatake ka na niya.”

“Huh?! Ano ang ibig mong sabihin?” tanong agad ni Anthony sa binata.

“Basta, ako na lamang muna ang nakakaalam ng kaweirduhan ng writer ko,” sagot naman ni Michael. “At least, alam mo nang inililigtas lang din kita sa future na sakit ng ulo mo.”

Bago pa man makapagsalita si Anthony para barahin si Michael ay narinig na nila pareho ang pagtunog ng phone ng binata. Wala namang ibang choice si Michael kundi sagutin ang tawag na iyon lalo na at kilala niya kung sino ang tumatawag sa kanya nang sandaling iyon, si Carmie.

“Anthony, sandali lang at sasagutin ko muna ito,” pagpapaalam ni Michael na tinanguan na lamang ni Anthony.

“Buti naman at naisipan mo pang sagutin ang tawag ko,” pambabara agad ni Carmie nang sinagot na ni Michael ang tawag nito sa kanya. “Ang tagal mong sumagot ah.”

“Excuse me, nakakailang ring ka pa lang at mabilis naman akong sumagot sa iyo,” sagot naman ni Michael. “Ano na naman ba ang kailangan mo? Magpapasa ka na ba ng manuscript mo?”

“The fuck! Hindi pa ako tapos!” pagrereklamo naman ni Carmie. “Baka naman gusto mo lang mabasa ang kwentong binuo ko para sa ating dalawa.”

“Yuck! Hindi! Ano ba kasi talaga ang kailangan mo?” inis na tanong ni Michael sa dalaga.

“Wear something that is formal this coming Saturday, 12 pm,” sambit ni Carmie sa binata. “May pupuntahan tayo. Susunduin kita sa boarding house na tinutuluyan mo. Huwag kang humindi kung ayaw mong may gawin akong kakaiba sa character na nakapangalan sa iyo.”

MABILIS na lumipas ang mga araw at namalayan na lamang ni Michael na dumating na ang araw na ayaw niyang dumating, ang Sabado. Gusto mang magdahilan ni Michael na may gagawin siya ng Sabado ay hindi na niya nagawa pang mahindian ang dalaga. Hawak na kasi siya nito sa leeg lalo na at pinagbantaan na siya nito gamit ang karakter na nakapangalan sa kanya. Kilala niya si Carmie, isa itong shameless writer na ilalagay palagi sa alanganin ang katinuan ng pag-iisip niya. Who knows? Baka biglang gawing bakla ni Carmie ang karakter na iyon dahil lang sa hindi niya ito sinunod.

Napatitig na lamang si Michael sa sarili niyang repleksyon sa salamin habang nilalagyan niya ng wax ang buhok niya. Seriously, hindi siya sanay sa black and blue suit na suot niya nang sandaling iyon. Naiinitan siya na hindi niya mawari.

“Angas ng pormahan natin ah!” sambit ni Joey na kasama ni Michael sa kwarto. “Sino ang papakasalan mo?”

Isang masamang tingin agad ang ibinigay ni Michael kay Joey nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa tanong sa kanya ng binata. Ang alam lang niya ay hindi pa niya nakikita ang sarili niyang bride.

“Chill, alam ko namang wala ka pang nakikita dahil hindi mo naman pinapansin ang babaeng nakadikit sa iyo,” sabi agad ni Joey nang nakita niyang handa na siyang patayin ni Michael sa tingin nang sandaling iyon. “Wala ka namang date, right?”

“Wala, trabaho lang ito,” sagot naman ni Michael.

Bago pa man makasagot si Joey sa sinabi ni Michael ay umakyat na ang kakambal niyang si Jed para sabihin kay Michael na may magandang babaeng naghihintay sa binata sa labas ng boarding house.

“Maniniwala lang ako na maganda siya kung hindi siya weird sa paningin ko,” mabilis na pambabara ni Michael bago pa man siya bumaba para makipagkita kay Carmie.

Isang pormal at sophisticated na Carmie ang tumambad sa paningin ni Michael. Suot naman nito ang isang blue long gown na pwedeng imatch sa suot niyang suit. Hindi niya napigilan ang pagtitig sa mukha nito lalo na at mukha itong Chinese actress na si Li Qin kapag naaayusan na. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang nilapitan ni Carmie nang sandaling iyon. Gamit ang isang panyo ay pinunasan nito ang gilid ng labi niya na para bang sinasabihan siya nitong hindi niya kailangang maglaway sa kagandahang taglay nito. Tinabig na lamang niya nang marahas ang kamay nito. Napailing na lamang si Carmie at inaya na siya nito sa kotse.

“Again, resisting me and my charms,” naiiling na sabi ni Carmie sa binata. “Sabihin mo na lang kasing attracted ka sa akin para lagi akong nag-aayos.”

“As if namang gagawin ko ang bagay na iyon,” nakasimangot na sagot ni Michael. “Saan ba kasi tayo pupunta at kailangang ganito pa ang ayos natin?”

“Pupunta tayo sa kasal ng mga kaibigan ko,” sagot naman ni Carmie sa binata. “Sa Bulacan.”

“Kasal pala ng mga kaibigan mo, bakit damay ako?” tanong naman ni Michael.

“That is simply because kailangan ko ng date,” sagot ni Carmie. “Ayaw kong matukso kapag nagkita-kita kami dahil single pa rin ako hanggang ngayon.”

“Hindi ka naman magiging single kung hindi ka weird,” pambabara ni Michael sa dalaga. “Halos lahat na yata nang ireto kong manligaw sa iyo noon eh umaayaw. Ano ba kasi ang ginagawa mo at umaatras sila?” tanong pa niya sa dalaga kahit na may ideya na siya sa isasagot ni Carmie sa kanya.

“Mga bagay na madalas ko rin namang gawin sa iyo,” sagot naman ni Carmie. “Such as binibigyan ko sila ng yaoi manga at pinababayaan ko silang manood ng porn sa bahay.”

“Hindi nga sila tatagal sa panliligaw sa iyo,” sambit ni Michael in a bitter tone. “Tinatakot mo eh.”

“Akala ko naman kasi makakatagal sila sa ganoon dahil madalas ko rin namang gawin iyon sa iyo,” depensa ni Carmie sa binata. “I mean, hindi ka na nga nagagalit sa akin kapag binabagsakan kita ng isang bagong yaoi manga sa kandungan mo.”

“I just know how to hold my emotions dahil author kita,” mabilis na sagot ni Michael. “Nasanay na lang ako sa kagagahang taglay mo sa iyong katawan. Mukhang magpapasalamat pa yata ako sa kanila dahil hindi nila pinapatulan ang pagiging weird mo. Inilalagay mo naman sa alanganin ang sarili mo eh.”

“Hindi ko naman inilalagay,” sambit ni Carmie. “Ipinapakilala ko lang sa kanila ang tunay na ako dahil mas mabibigla sila sa akin kung gagawin ko iyon kapag may relasyon na kami. Alam mo namang virgin pa ang buong katawan ko bukod sa mata, tenga at utak ko.”

“Yeah, yeah, yeah,” naiiling na sagot ni Michael. “Sa isang tingin ay mapagkakamalan ka pa ngang mahinhin, huwag ka na lang kayang magsalita at kumilos para hindi nila malaman ang pagiging weird mo? Magpakatino ka na.”

“Kapag sinunod ko ang sinabi mo ay siguradong hahanap-hanapin mo ang pagiging weird ko,” nakangiting sabi ni Carmie sa binata. “Sige ka, baka mahulog ka pang lalo sa akin kapag naging matino ako.”

“Para namang mangyayari iyon,” sambit naman ni Michael. “Hindi ako mahuhulog sa iyo.”

“Who knows? Ngayon pa nga lang ay attracted ka na sa akin.”