Chapter 29
Lahat kami napatingin sa lalaking nagsalita. “Hindi. I mean, si Mylene ay hindi makakasama mamaya sa inyo dahil may dinner kami.”
Pumagitna siya sa aming dalawa ni Zan. Nakangiting nakatingin siya kay Zan. “ Nauna ako sayo. I mean, nauna kong sabihan si Mylene kanina, diba Mylene?” ngumiti siya sa akin.
“Pasensya na Zan!”
“Ayos lang!”
Hindi ko na masyado marinig ng maayos ang sinabi ni Zan dahil hinila ako paalis ni Axelle palabas ng court.
Ano ba 'tong pinaggagawa ng lalakeng to. “Bitawan mo nga ako," sabi ko sa kanya. “Salamat naman nakahinga na 'tong kamay ko.”
“Pwede bang i-cancel muna natin ang dinner. Once lang kasi itong celebration na ito. Yung dinner pwede naman araw araw diba?"
“Papayag ako pero ang kapalit, araw araw tayo magdinner. I mean, tuwing uwian sa hapon, kakain tayo or gagala.”
“Pero wait lang, ayos lang ba 'to sa girlfriend mo? Ang ibig kong sabihin, hindi ba siya magseselos o magagalit lalo na alam niyang dati tayong magkarelasyon?”
“Hindi ka pa ba naka move on?!"
Nagulat ako sa tanong niya. “Ano? Ako ba? Matagal na akong naka- move-on. Kinalimutan ko na ang mga nangyari.”
“Yun naman pala. Tsaka, narinig mo naman sinabi ng fiancee ko kanina, hindi siya nagseselos sa ating dalawa. Nagpaalam na rin ako sa kanya tungkol sa dinner natin.”
“Ang swerte mo pala sa girlfriend mo Axelle.” iyon ang nasa isip ko.
“ Okay. Papayag ako sa deal natin pero dapat tuparin mo yung araw araw na dinner natin?”
“Oo. Sige maiwan na kita diyan, maghahanda pa kami,” Masaya akong nagpaalam sa kaniya para umalis na. Nakangiti lang siya as usual.
Gaganapin ang selebrasyon sa bahay ni Zan. Hindi naman marami ang dadalo sa selebrasyon. Mga ka-team niya, mga kaibigan, mga kaibigan ko, tsaka balita ko pupunta rin si Kan. Wala akong pakialam sa kanya, pumunta siya kung gusto niyang pumunta.
Magkasabay kaming tatlong pumunta sa bahay ni Zan. Sa gate pa lang, nakikita na namin sa bintana ang mga istudyanteng naroon na.
“Ano ba 'to guys?! Ano ba 'tong pinasoot niyo sa akin?!” Hindi ako komportable sa soot ko. Hindi naman ako sanay magsoot ng mga ganitong uri ng gown. Ang dress code kasi sa party ay yung kingdom kingdom, royal people ba tawag doon? Basta yun.
“Wag ka ng mag-inarte diyan. Bagay naman sa iyo. Lalo kang gumanda, oh!” wika ni Iza.
“Oo nga. Tsaka, sinadya namin yan kasi panigurado hindi yun magpapakabog ang karibal mo na si Kan. Panigurado mamahalin at maganda yung soot na dress niya ngayon. Aakitin niya ang future boyfriend mo,” Inayos ni Mikaela ang damit niya habang naglalakad sila papasok ng gate.
“Wag kayo mag-expect guys na makipag kompetensya ako sa kanya. Ginawa ko lang naman yung mga bagay kahapon dahil gusto ko siyang mainis. Pero pagdating sa mga ka-sosyalan, alam ko naman wala akong ibubuga, wala akong sapat na money. Hindi ko siya papatulan sa mga ganiyang bagay.”
“Don't worry freny, kami ang bahala sayo pagdating sa mga ka-sosyalan.” Mayaman din kasi Iza. Si Mikaela naman masasabi mong medyo mayaman. I mean, may kaya, nasa gitna lang siya.
“Tsaka freny, kapag naging kayo na ni Zan. You can do whatever you want. Mabibili mo ang mga gustong bilhin like mamahaling dress or accessories. Isa rin sa pinakamayaman sa school natin si Zan. Tsaka, look at his mansion, ang laki at ang ganda. Magiging buhay prinsesa ka talaga as his girlfriend.”
“Well honestly, before, I dream what you said. I can buy whatever I want. I can go to a different places. Travelling. Do whatever I want using money. But now, I realized it's not important at all. Yan yung hangad ng mga walang pera, mga mahihirap gaya ko rati pero nang nagkaroon kami ng enough money. Nabibili na namin ang gusto namin parang wala ng silbi yung pera, parang nagsasawa ka na? Or naging normal nalang hindi gaya rati na inaasam asam ko ang ganitong buhay pero ng dumating ako sa ganitong buhay nawala na ng excitement, naging normal nalang ang lahat habang tumatagal. Kaya nga sabi nila, that's life.”
“Ang dami mong dama. Ako na magdoorbell,” sabat ni Iza.
“I love their roses. Tingnan niyo guys! Ang ganda!” wika ni Mikaela.
Si Zan ang nagbukas ng pinto. “Hi girls! Welcome to the party!”
Nakangiti kaming salubong sa kanya. Ginaya niya ang soot ng prinsipe sa Snow white. He looks very handsome. Ganun ba talaga mostly mga mayayamang pogi, kahit anong soot nila. They look always adorable, admirable, so handsome!
Iyan din napansin ko, kahit hindi nga kapogian basta mayaman. Alam naman natin yung mga pure mayaman talaga, makikinis ang mga balat tsaka maputi kaya kahit hindi ka pogi, attractive pa rin.
Naunang pumasok ang dalawa. Sinadya talaga nila para maiwan rito at expected, my prince escorted me papasok ng bahay.
“Masaya akong nakapunta ka rito. Akala ko hindi ka matutuloy dahil may dinner kayo ni Axelle.” Umupo kaming dalawa.
“Nag-usap na kaming dalawa bukas nalang yung dinner kasi minsan lang ito mangyari.”
“Tama ka. Minsa lang 'to” Inabutan niya ako ng alak.
“Ayaw kong uminom dahil underage pa tayo,” sabi ko sa kanya.
“Wine lang ito. This is a type of wine na hindi matapang. Sige na tikman mo pa, paniguradong magugustuhan mo yung lasa nito.” Kukunin ko na sana ng inunahan ako ng isang kamay ng isang lalake.
Nagulat ako dahil siya ay si Axelle. “Axelle?! Anong ginagawa mo rito?” pagtatakang tanong ko.
“This is a party. Everyone is invited. And I love a party, a music, the light and everything. Diba sabi mo, minsan lang 'to kaya pumunta ako rito,” pilosopong sagot niya.
“Really?!”
“Yes.” Tumingin ako sa paligid. Nakita kong hindi niya kasama ang girlfriend niya.
“Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo?” tanong ko sa kanya.
“Kailangan ba dapat kasama ko siya lagi?” masama ang tingin ko sa kaniya kaya umayos siya ng pagsagot. “ I mean, busy siya ngayon kaya hindi siya sumama.”
Binigyan ulit ako ng wine ni Zan. Ngunit kinuha ulit ni Axelle at siya ang uminom. “Nang-iinis ka ba?” pumagitna si Zan sa aming dalawa. Masama ang tingin niya kay Axelle.
“Ano?! Bawal siya malasing. Tsaka, magsasayaw pa kami.” Hinawakan niya ang kamay ko. Hinila ako papunta sa gitna para sumayaw kaming dalawa.
“Lasing ka ba?! Uminom ka ba, ha?!”
“Hindi. Bakit?”
“Bakit ganito ka kumilos? Bitawan mo nga ako. Ako ang nahihiya sa 'yo!”
“Really?! Is that you Mylene?! Ang kilala kong Mylene makapal ang mukha!”
“Bakit, hindi ba pwede magbago?” Naglakad ako papunta sa isang upuan.
“Ano ba?! Sayaw tayo!”
“Hoy lalake! tantanan mo nga ako. Nandito ako para magsaya kaya wag kang epal diyan!”
“Gusto ko rin naman magsaya, kaya nga halika na diyan, sumayaw tayo. Huwag kang KJ diyan!”
Mabilis niyang kinuha ang kamay ko kaya napatayo ako para tanggihan siya.
Ayaw niyang magpaawat. Patuloy pa rin sa paghila ng kamay ko.
“Kapag hindi ka pumayag sumayaw sa akin, hindi kita tatantanan. I will make sure, hindi ka rin mag-e-enjoy!”
“Ang galing mo talagang mag threaten?!” Nginitian niya lang ako. Napapansin ko sa kanyang mga ngiti parang sini-seduce ako.
Tama na brain. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano pa. Baka, kung ano lang hindi mabuti ang mabuo ng iniisip mo.
“Okay, fine! Sige. Okay!" Kinalma ko ang aking sarili. Ako ay nagbuntong hininga.
“Payag na ako. Pero after ng sayaw na ito. Please, lubayan muna ako ng ilang minuto. Let me enjoy myself and with my friends. Okay?”
“Okay. ”
“Tsaka, puwede bang tigilan mo 'yang kakangiti sa akin.”
“Bakit naman? I'm happy kaya nakangiti ako. Wait! Bakit?! Sa tuwing ngumingiti ba ako nahuhulog ka ulit," nang marinig ko ang sabi sa akin ni Axelle, bigla akong napaubo.
“What?! Are you serious? Tinanong mo talaga ang bagay na 'yan?” Hindi ako makapaniwala na ibabalik niya ang nakakaraan. Wait. Ibinalik ba niya? Or ako lang nag-isip ng advance na related sa nakaraan ang sinabi niya. Ano ka bang isip ka! Please focus! focus, baka kung ano pa ang masabi mo!
“Oo. Diba pareho na tayong naka-move on kaya hindi na tayo maaapektuhan sa ganitong bagay bagay.
Bakit ms Mylene Gomez?” Nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
“Hindi ka pa ba naka-move on sa akin?”
Yan na naman siya, he seducing me with her smile and looks. Self pumigil ka! Pumigil ka!
Nilayo ko ang mukha ko sa kanya. “You wish!”
“Talaga?! Well, I have something to tell you about our relationship status ni Allyson," nang marinig ko ang sinabi, napa-seryoso ang tingin ko sa kanya.
“Alam mo ba, kung bakit hindi nagseselos si Allyson sa ating dalawa? Nakakapagtaka diba?!
Tapos pumayag pa siyang pumunta rito. Alam niyang nandito ka rin.
Nakikita niya rin na parang close na rin ulit tayo but she ignored lang. Interesado ka bang malaman?
“Wala akong pake!” Tumingin ako sa gilid. Pagpapanggap ko, na wala akong pakialam sa bagay na 'yan. Pero ang totoo, interesado akong malaman.
Oo nga, eh! nakakapagtataka kung bakit hinayaan lang ni Allyson mapalapit ang boyfriend niya sa akin.
Kung ibang babae pa 'yan. Bumuga na ng apoy sa akin. Kahit sabihin pa natin, mabait pa na girlfriend.
“Ang totoo, kaya hinahayaan niya lang ako dahil hindi namin mahal ang isa't-isa," nagulat ako sa sinabi niya. Ewan ko pero bakit ganito ang nararamdaman ng aking puso, may part na masaya.
“Oo tama ang narinig mo, hindi namin mahal ang isa't-isa, nagpapanggap lang kami lalo na sa harap ng mga magulang namin para kampante lang sila. Hinahayaan ko lang din si Allyson sa mga bagay na gusto niya.
Sa katunayan, may sekretong boyfriend din siya sa ibang school. Tsaka, the reason kung bakit hindi siya nakasama sa akin dito dahil magkikita sila ng boyfriend niya ngayong gabi na ito.”
I can't believe na iyan pala ang totoong status ng relaayon nina Axelle at Allyson. Hindi naman ako natutuwa pero ewan ko ba. Ewan ko ba sa nararamdaman na ito, hindi ko maintindihan.
“Talaga!? Eh paano yung kasal niyo after college?”
“Sa ngayon, hindi muna namin iyon iniisip. Uubusin muna namin ang panahon sa paggawa ng mga bagay na nagbibigay sa amin ng saya. Ikaw ba Mylene, may boyfriend ka na?” nagulat ako sa biglaang tanong niyang ganiyan.
Naubo ako sa tanong niya. “Bakit mo naman naitanong yan?”
“Wala lang. Sagutin mo na!"
“Wala. Tsaka, wag na nga natin pag-usapan ang tungkol sa mga ganyang bagay.”
Nakita ni Axelle, wala sa mood si Mylene na pag-usapan ang mga bagay na yan kaya hindi na siya nangulit pa.
“Fine!” Tinanggal ni Mylene ang kamay niya kay Axelle. “Tapos na, kanina pa tayo sumasayaw dito.”
“Hindi pa nga nag-iisang oras, eh!”
“Oo pero lagpas na isang oras." Nang sinabukan kong humakbang, bigla niya akong hinila papunta sa kanya. He hug me tightly.
“Maginaw. Nagiginawan ako. Malakas yung aircon dito, eh!”
“Ano ba?!” I tried na makawala pero mahigpit talaga ang pagkakayakap niya. Ano bang ginagawa ng lalakeng ito?
“More minutes pa, please?! Like I said, giniginaw din ako. Pwede munang ganito muna tayo?!” Pagpapa-bebe niya.
“Wala ka talagang pinagbago, Axelle Maldrid. Ang kulit kulit mo!”
“ Okay. I accept your complement.”
“It's not a complement. Got it?!”
“Whatever. Basta ganito muna tayo.”
“Fine!” Naiinis na ako sa lalakeng ito. Ano bang trip nito. I already move-on to him tapos ito magpapapansin na naman siya. Ano bang nasa isip nito?! Nakakainis na siya!
“Pwede bang, let go me to your mahigpit na yakap, hindi na ako makahinga.” Pati ang pagsasalita ko, nahihirapan din ako.
“Pag pinakawalan kita baka tatakbo ka, baka hindi ka na babalik!” sa mga sinabi niya, lalo na yung huling linya parang may kaunting pirasong natamaan ako, naiibang emosyon ang naramdam ko gaya nang nangyari sa amin. I mean, gaya ng ginawa ko sa kanya.
“Okay. Hindi ko nalang hihigpitan yung pagyakap ko sayo.”
Mas na-awkward ako dahil nag-iba yung pinatugtog, love song plus heartbroken plus nagsalita 'tong si Axelle. Hay, life! Bakit ka ba ganito sa akin?!
“Lasing ka na ba ha?! Kung ano-ano na ang pinagsasabi mo, ha?!”
“Alam mo bang nasaktan ako ng husto sa ginawa mo. Dinurog mo ang puso ko. Nasaktan ako ng husto!”
Biglang nanigas ang katawan ko sa mga sinabi niya. Naramdaman ko ang emosyon niya.
Oh my God! Lasing na talaga siya! Baka marami pa itong sasabihin na kadramahan! Hindi ko kayang marinig ang mga kadramahan niya!