Chapter 43: Magnolia Is Pregnant
Muli na namang nag-rebolusyon ang sikmura ni Magnolia bago pa siya makapagsimulang kumain ng almusal. Nagtataka siya dahil wala namang lumalabas sa kanyang sikmura. Nang bahagyang maayos na ang kanyang pakiramdam ay saka niya naalala ang biro ng mga kasama sa opisina. Napatutop siya sa bibig nang marealize na delayed siya. Gusto niyang maiyak dahil mukhang tama nga ang hinala niya. Wala sa loob na pumunta siya sa isang pharmacy store at bumili ng ilang pregnancy test. Pagbalik niya sa condo unit niya ay napaupo siya sa kama dahil sa kaba. Pinilit niya munang kumalma bago siya nagdesisyong pumasok ng banyo at alamin.
Napapikit pa siya at nagdasal na sana mali ang hinala niya pero bigla siyang napahagulgol nang makita ang dalawang pink na linya sa pregnancy test. Inulit niya pa iyon hanggang maubos ang mga binili niya pero pare-pareho na sinasabi ng mga itong may isang sanggol sa sinapupunan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Sasabihin niya ba kay Carlo na buntis siya? Gusto niyang sampalin ang sarili kung niya naisipang pumunta sa bachelor’s party nito at binigyan pa ito ng free access sa kanya. Hindi naman niya alam na may mabubuo sila. Doon niya naalala na iyon ang pagkakataong fertile siya kung bakit niya ba nakalimutan iyon.
Ilang oras siyang nakahiga sa kama bago siya nagdesisyong kumain muna. Makakasama sa kanya ang magpagutom lalo na at dalawa na sila ng nasa sinapupunan niya. Of course, abortion was out of the question. She did not want to get pregnant, but somehow she was happy. Nang mailigpit ang pinagkainan ay sumalampak siya sa couch bago nag-message na hindi muna siya makakapasok. Nag-aalala ang mga itong tumawag dahil hindi raw siya nagrereply sa mga messages ng mga ito. Maayos naman ang naging presentation ng kanilang gawa at pagbalik ng kliyente ay pipirma na ito ng kontrata kaya dapat daw ay naroon siya.
Habang nagbabasa siya ng e-book, nag-pop ang notification ng messenger mula sa isa niyang kaibigan sa New York. Kinukumusta siya at sinabing maayos naman daw ang negosyo nila. Mas maganda raw kung makadalaw siya para makita niya kung gaano na kalaki ang paglago nito. Doon siya nagkaroon ng ideya. Sa mga sumunod na sandali ay nag-e-empake na siya. Nagpa-book na siya ng flight papuntang New York pagkalipas ng ilang araw. Nang maayos na ang pakiramdam niya ay nagdesisyon siyang pumunta ng ospital at doon ay nakumpirma niyang buntis siya ng mahigit isang buwan. Pwede naman siyang bumiyahe dahil normal naman lahat ng resulta niya. Pagkatapos ay dumiretso siya sa bahay nila para sabihing magbabakasyon muna siya sa US. Nagtaka pa ang mga ito dahil pwede naman daw siyang magbakasyon sa hacienda nila. Ayaw pa siyang payagan ng mga ito dahil wala pang isang taon siyang nakakauwi sa Pilipinas. Sinabi na lang niyang gusto lang muna niyang makita ang negosyo niya at ng mga kaibigan. Napilitan na lang din sumang-ayon ang daddy niya dahil ayon dito ay wala daw siyang tigil sa pagtatrabaho. Dahil pinayagan siya ng mga ito ay nagpasya siyang doon na lang muna tumuloy hanggang sa flight niya. Pinakuha na lang ng daddy niya ang maleta at passport niya para hindi na raw siya masyadong mapagod.
Pagsapit ng hapunan ay nagulat siya dahil naroon na naman si Carlo. Pinapunta pala ito ng daddy niya dahil may itatanong ito tungkol sa bago na namang winery na ipapatayo ng pamilya nito. May expansion project pala muli ang mga ito. Hindi na nakakapagtaka dahil mahusay na negosyante talaga ang lalaki at malakas ang demand ng produkto ng mga ito. Habang kumakain ay naikuwento rin ng mga ito ang paglipad niya papuntang US kaya muling napatingin ito sa kanya. “Aalis ka na naman?” Hindi niya sigurado pero parang may halong frustration ang boses nito.
“Iyan din ang sinabi ko riyan sa kaibigan mo. Pareho silang magkapatid na kapag may naisipan ay tiyak na gagawin. Pagsabihan mo nga iyan.”
Hindi na ito kumibo at pailing-iling lang na ipinagpatuloy ang pagkain. Gusto tuloy niyang mainis dito dahil para bang sinasabi nitong palpak na naman ang ginawa niya. Para bang iritable ito tuwing mapapatingin sa kanya. Naiinis siya dahil paniguradong kakausapin na naman siya nito kahit magtago siya sa kuwarto niya. Matapos ang hapunan ay muling nagpunta ang daddy niya at si Carlo sa library para mag-usap. Siya naman ay nagtungo sa likod-bahay para magpahangin. Pagkalipas ng ilang minuto ay bahagya pa siyang napapitlag nang madamang may kamay na mahigpit na humawak sa braso niya. Napaismid na lang siya dahil sigurado siyang si Carlo iyon.
Nang makarating sila sa gazebo ay umupo siya at pinagmasdan ang lalaking parang problemado na palakad-lakad. “So that’s it? Aalis ka na naman? Hindi ka na ba pipirmi dito?”
“Alam mo wala kang pakialam sa mga desisyon ko. Sino ka ba para magsalita ng ganyan?”
“Eh kung hinahalikan kita ngayon para maalala mo kung sino ako.”
“Damn you,” aniya at sinampal ito.
“Nakakarami ka na ha,” naiinis na sabi nito at walang babalang siniil siya ng halik nito. Hinihingal na kumawala siya rito.
“Ano bang problema mo kung pupunta ako ng US? Wala namang dahilan para hindi na ako pumunta doon.”
“Meron!” Malakas ang pagkakasabi nito na parang nagpapanic.
“Ano na naman iyon?”
“Basta! Huwag kang umalis, please.”
“Hindi pwede! Magbabakasyon ako doon noh! Gusto kong mag-relax. May business kami doon ng mga kaibigan ko, kailangan kong ma-check.”
“How long will you stay there?”
“I don’t know yet. Two months? Three months or a year. I’m not sure,” sabi niya at nagkibit-balikat.
“Two months or three months tops,” pinal na sabi nito kaya napamaang siya rito. “Hindi ka na pwedeng mag-extend.”
“Hoy ang kapal mo! Wala kang karapatang diktahan ako ha! Hindi kita boss duh.”
“Bahala ka sa buhay mo!” Inis na inis itong tumalikod at iniwan siya sa gazebo. Lalo niyang ikinapikon ang ginawa nitong pagtalikod na para bang irrational siyang kausap. Pinulot niya ang tsinelas at inis na ibinato dito. Natamaan ito sa likod ng ulo. “Sumusobra ka na ha!” Lumapit ito sa kanya at isinalya siya sa pader. Mabuti na lang kahoy iyon kaya hindi gaanong masakit. “Ano bang problema mo ha?”
“Ikaw ang anong problema! Pinapakialaman mo ang mga desisyon ko sa buhay! Ang kapal mo pagkatapos mo akong landiin gaganyanin mo ako!” Pinagbababayo niya ito sa dibdib hanggang maiyak siya.
“Sorry na,” malumanay na sabi nito at niyakap siya nang mahigpit.
“Carlo, please naman. Please stay away from me. Wala din naman tayong kinalaman sa isa’t isa eh. Tahimik naman ang mga buhay natin. Sorry sa pakikialam ko sa kasal niyo ng kapatid ko. But you have to understand how feisty my sister is. There is nothing you can do to stop her with or without my help.”
“I understand. Please stop crying. Sige na, magbakasyon ka na sa US. Pasensya ka na ha.” Itinaas nito ang mukha niya at pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “Hayaan mo, hindi na ako manggugulo sa ‘yo. Just let me do it.” Walang babalang hinalikan siya nito. Akala niya ay mapupugto ang hininga niya sa intensidad nito pero naging malumanay iyon hanggang sa tumugon siya. Ilang beses pang naghiwalay at naghinang ang kanilang mga labi hanggang sa parang mamamaga na ang mga labi niya.
“Carlo…”
“Thank you very much,” anito bago siya mahigpit na niyakap. “Babalik ka pa ba dito?”
“Oo naman.”
“Good girl,” anito bago muling dinampian ng halik ang ilong at mga labi niya.
“Oh siya nakakarami ka na masyado ha! Bitawan mo na ako.” Nakangiting umiling-iling lang ito at lalong hinigpitan ang pagkakahapit sa kanya. Muli nitong inilapit ang mukha pero sa halip na halikan ay idinikit nito ang ilong sa ilong niya.
“Mami-miss kita. Mami-miss mo din ba ako?”
“Parang hindi.” Natawa siya nang umungol ito na parang nagpoprotesta at pinatulis ang nguso kaya hindi niya maiwasang kintalan ito ng halik. “Mami-miss din kita.”
“Namiss ko nga rin iyung exercise natin dito eh. Pwede bang makahingi ng bonus sa kiss?”
“Tumigil ka diyan ha!” Natawa lang ito at niyakap siya nang mahigpit. Mahigit dalawampung minuto lang silang magkayakap. Alam niya sa sarili na mababaw lang iyon para dito pero gusto niyang pagbigyan ang sarili. Huli na naman iyon. Huwag kang mag-alala, Carlo, hindi kita guguluhin. Alam ko namang wala ka talagang malalim na pagtingin sa akin pero hindi kita matiis eh. Pasensya ka na at ayokong malaman mo na baby mo itong dinadala ko.
“Ano iyon?” Napatingin siya kay Carlo nang makarinig ng tugtog.
“Baka naisipan ni Daddy magpatugtog.” May malaki kasing speaker na maririnig sa vicinity ng mansiyon. Dahil nasa gazebo sila ay hindi nila masyadong dinig iyon. Lumabas sila roon at pumunta sa bench. Iyon ang madalas na puwesto noon nina Carlo at Rose dati. Bigla tuloy siyang nakadama ng lungkot. Maya-maya ay nagbago ang tugtog. “Gosh,” napatutop siya sa bibig dahil sapul na sapul ang emosyon niya at akma sa sitwasyon nila ang kanta. Isang OPM na kanta ito noong ‘80s pa.
“Shall we?” Nakangiti si Carlo na inilahad ang isang kamay na tinanggap din niya. “Naisayaw ba kita noong JS Prom natin dati?”
“Hindi yata.” Nakangiti siya pero parang nagkakapira-piraso ang puso niya. Hindi mo din naman maaalala dahil mula noon hanggang ngayon na kay Rose lang ang puso at atensyon mo. Lagi lang akong supporter at fan niyo, painter niyo sa mga memorable moments niyo. Ewan ko ba, kaibigan mo ako pero ginawa mo akong kalaro. Hindi mo naman pala ako kayang mahalin. Kumanta na lang din siya. “I've known you for so long. You are a friend of mine. But babe, is this all we'd ever be? I've loved you ever since. You are a friend of mine. But babe, is this all we ever could be? You tell me things I've never known. I've shown you love you've never shown. But then again, when you cry, I'm always at your side. You tell me 'bout the love you've had. I listen very eagerly. But deep inside you'll never see this feeling of emptiness. It makes me feel sad. But then again I'm glad.”
Hanggang sa matapos ang kanta ay nakayakap ito sa kanya habang siya ay pigil na pigil ang pagpatak ng mga luha. Iniangat nito ang mukha niya at masuyo siyang nginitian. “Thank you for being a good friend. Kahit sinusungitan mo ako lagi, kahit ang dami kong kasalanan, magkasama pa rin tayo.”
“Ewan ko sa’ yo. Ang drama mo.” Mahal kita eh. Mahirap kang matiis kahit anong iwas ang gawin ko. Muli siya nitong hinalikan sa noo bago bumaba ang mga labi nito sa ilong at mga labi niya. Iyon din ang pinakamatagal na halikan na hindi naghihiwalay ang mga labi nila. Iyon na yata ang pinakamasuyo at pinakatotoo. Gusto niyang maniwalang totoo iyon pero alam niyang nag-iilusyon lang siya. Walang kapupuntahan iyon dahil sa mahigit sampung taon ay hindi nito nagawang tugunin ang damdamin niya. Wala na siyang makapang hinanakit dito dahil pinapalaya niya na ito.