Chapter 44: Carlo Loves Magnolia
Ibinaba ni Magnolia ang shades nang makalabas ng eroplano. Hindi niya maiwasang mapangiti nang makita ang mga kaibigang may dalang placards na para siyang artista. Paglapit niya sa mga ito, mahigpit na yakap agad ang isinalubong ng mga ito. “Ang OA niyo ha! Wala pa akong isang taon sa Pilipinas ha!” Tawa siya nang tawa sa mga ito dahil mula kolehiyo ay silang lima ang magkakasama.
“Tagalan mo naman ang pagbabakasyon mo dito,” sabi ng isa sa mga kaibigan niyang si Elaine.
“Oo nga, Magnolia, para makita mo iyung expansion ng retail outlets natin,” si Kelly.
“Tingnan natin. Alam niyo namang marami na akong responsibilidad sa kumpanya nina Daddy.” Hindi siya tinigilan ng mga ito kakatanong hanggang makarating sila sa condo unit niya at magsimulang kumain. Mabuti na lang at nagpa-deliver na ang mga ito sa biyahe.
“Sa kumpanya ba talaga? Baka doon sa poging guy sa paintings mo?”
Napatingin siya sa mga ito “Paano…”
“Haller? Kami ang tagalinis mo ng condo unit mo twice a month. Free of charge pa,” sabad naman ni Charmy.
“Pero bakit pati kuwarto ko kinalkal niyo?”
“Kalkal talaga? Hindi ba pwedeng nakita lang. Eh nakadisplay lahat sa pader,” natatawang sabi ni Bernadette.
“Shocks!” Napatutop siya sa noo nang maalalang hindi niya nasabi sa mga ito na huwag pasukin ang artroom niya. Pero mukhang kahit magsabi siya ay hindi naman susunod ang mga ito.
“Sino ba kasi iyon?”
“Wala! Produkto lang iyon ng imahinasyon ko.”
“Wala pero parang totoong tao. Hay naku hula ko first love niya na hindi niya makalimutan. May mga dates pa Magnolia. Iyung iba luma na kaya malamang nasa Pilipinas iyon,” muling sabi ni Charmy.
“Mukhang siya iyung dahilan kaya hindi gustong bumalik dito ni Magnolia,” susog ni Elaine.
“Eh nandito na ako ngayon kaya walang meaning iyan.”
“Nandito ka dahil nagkita na kayo pero may nangyaring kakaiba at iniiwasan mo siya,” si Kelly.
“Oh baka brokenhearted na naman,” si Bernadette.
“Tigilan niyo nga ako! May jetlag pa ako ha. Walang katuturan iyung mga imahinasyon niyo. Ewan ko ba bakit napasama pa ako sa inyong mga tsismosa.”
“Imaginative and investigative, we’re artists,” natatawang sabi ng mga ito. “Hindi ka muna namin tatanungin pero mag-uusap pa tayo. Hindi pwede ang sikreto dito ha! Matagal mo pang kinimkim iyan.”
“Walang dapat ikuwento dahil wala namang totoo sa mga paintings na iyon. Random person lang iyon na na-fascinate ako.”
“Oh sige, magtatanong na lang kami sa friends mo.” Nakangising inilabas ng mga ito ang mga cellphone na may pictures ng paintings niya.
“Iyan ang hindi niyo gagawin. FO tayo!”
“Okay lang din,” balewalang sabi ng mga ito.
“Oo na, magkukuwento na ako.” Naiinis na ikinuwento niya ang pagsinta niya kay Carlo pero siyempre hindi na dapat malaman ng mga ito ang intimate details. Para lang sa kanya iyon.
“Alam mo, masyadong kulang iyung kuwento mo, Magnolia. Pero sige pagbibigyan ka namin dahil hindi ka pa komportableng magkuwento.” Maya-maya’y isa-isa nang nagsabing uuwi na ang mga ito para makapagpahinga muna siya.
MAG-ISA na namang umiinom si Carlo sa bar. Halos gabi-gabi siyang naroon dahil hindi siya makakatulog nang maayos kung hindi uuwi ng pagod at lasing. May mga lumalapit din sa kanyang mga babae pero agad umaatras ang mga ito dahil dinidirekta niya ang mga ito na ayaw niya sa mga ito. Ang iba ay biglang natatakot kapag titingnan niya nang matalim. He has been like that for more than a week. Why did she have to leave? Was he not enough for her? He told her he wanted to marry her. Rose was already married. Magnolia was gone. Worse, Gladiolus was nowhere to be found.
“Damn it,” napipikon na bulalas niya nang maramdaman ang malakas na pagtapik sa balikat niya. Handa na ang kamao niya pero agad nagsalita ito pagharap niya. Si Joseph pala.
“Not the face, bro. I don’t want to go home with wounds and bruises.”
“What the heck are you doing here? Isusumbong kita kay Liberty.”
“Alam niyang pupunta ako dito. Tara sa bar sa bahay na lang tayo uminom.”
“Fuck off, bro,” iritableng sagot niya rito.
“I’m serious, man. Let’s drink. Miss na rin kita,” biro nito at hinila na siya palabas ng bar. Pagkarating sa bahay ng mga ito ay paakyat pa lang ang pinsan niya.
“Mabuti at sumama naman ang pinsan ko sa ‘yo, Joseph,” anito at bumaba lumapit sa kanila. “May gusto ba kayong kainin?”
“Ikaw po, honey,” nakangising sabi ng luko-luko niyang kaibigan.
“Bastos!”
“Ang ibig-sabihin ay ikaw na ang bahala, honey.”
“Tse!”
“Ito naman galit agad,” anito at yumakap sa asawa bago hinalikan sa pisngi. “Kami na ang bahala dito. Umakyat ka na at tingnan si junior ko.” Tumalima naman agad si Liberty. Nagbilin pa ito na may mga chips pa para maging pulutan.
“Tara na sa bar,” aniya sa kaibigan. Maya-maya pa ay nagtatawanan na sila habang inaalala ang mga kalokohan nila noong high school. Panay pa ang hirit nito sa mga babaeng nakuha niya. “Abnoy, mas babaero ka sa akin. Hindi pa natin kaklase si Magnolia, naka-bente ka na, hindi ka na virgin.”
Huminga lang ito nang malalim. “Magnolia, Magnolia, Magnolia na naman. Don’t you get it, man? You’re in love with her!”
“Hindi.”
“Sige lang, mag-deny ka pa kahit halata naman. Sa classroom pa lang natin, halata ka na. Selos na selos ka sa akin nang makita mong pinapanood ni Magnolia ang lambingan namin ng misis ko. Akala mo sa akin may gusto.”
“Wala naman din talaga siyang gusto sa ‘yo. Pero sa akin, meron yata.”
“Yata?” Napamura pa ito. “You idiot. Hindi ka lang niya gusto, mahal ka pa niya.”
“No, she doesn’t love me.”
“But you love her.”
“I can’t fall in love with her.”
“You didn’t answer me, man.”
“I don’t know. I don’t know. Damn it. What will I do now? She already left for the states.”
“Magbabakasyon lang naman. Babalik din iyon.”
“What if she doesn’t?”
“Alam mo ang dapat gawin pare. You owe her big time. Ang tagal kang hinintay ng tao. Binabalewala mo lang.”
“Wala akong kasalanan kung minahal niya ako. Wala naman siyang sinabi eh. Ayoko siyang mahalin. Masyado nang magulo ang sitwasyon. Bahala na.”