Chapter 34

HARIETH ZARIE / HAZEL

Bumagal ang pagmamaneho ko ng kotse nang makapasok ako sa subdivison. Nagtataka nang makitang nagkalat ang mga kapulisan sa paligid.

Anong mayroon? Bakit nakapaligid sila sa bawat sulok?

Lalo pa akong nagtaka nang hanggang sa makapasok ako ng gate ng mansyon nila Ryker, mas dumami ang mga Police sa paligid. Nag-umpisa akong kabahan.

Anong nangyayari? Bakit sila nandito? Kaaalis ko lang kanina ngunit bakit ganito na? May nangyari bang hindi maganda?

Mabilis akong lumabas sa sasakyan at pumasok sa loob. Unang bumungad sa akin si Yaya Celia na umiiyak habang may kausap na Police.

My heart immediately beat so fast. "W-what happened?" I was clueless and nervousness was eating me.

"L-lady Hazel, si Z-zseto po." She was crying so hard.

"W-what happened to him?" I tried myself not to panic but my heart can't do that. Yaya Celia couldn't answer me that's why I burst in anger. "YAYA!"

"Sorry po... sorry po.. may mga armadong dumukot kanina sa grocery store kay Zseto. H-hindi ko po kilala, alam na rin po ito ni Señorito Ryker. P-pasensiya na po L-lady Hazel..."

Nanigas ako sa kinatatayuan. Nanginginig ako at halos hindi na makagalaw sa pwesto ko.

"He what?" I asked incredulously. Bahagya pa akong napatawa sa kanya. "What kind of joke is that?"

"L-lady Hazel..." Akmang hahawakan niya ako nang tampalin ko ang kamay niya. Napasinghap silang lahat na nasa paligid. Ang mga Police, si Yaya Celia, even Ryker and his Parents na kararating lang ay nasaksihan ang ginawa ko kay Yaya Celia. But I don't care kung ano man ang isipin nila sa akin.

Nagagalit ako. Nagagalit ako, hindi dahil sa kanila kundi dahil sa sarili ko.

"WHAT DID YOU DO?! BUNTIS SI YAYA CELIA, PAANO KAPAG NAPAHAMAK SIYA SA GINAGAWA MO? NAIISTRESS NA SIYA KAYA H'WAG MO NG DAGDAGAN PA, WALA RIN SIYANG KASALANAN."

"At ano? Wala akong karapatan na magalit dahil may dumukot sa anak ko?" Napamaang silang lahat sa akin pero wala akong pakialam. Tumulo ang mga luhang kanina pa naiipon sa mga mata ko.

Nagkatitigan kami ni Ryker. Kung kanina ay galit ang mababakas sa mukha niya, ngayon ay wala ka ng makikita na emosyon sa mukha niya.

Isa-isa ko silang tinignan lahat. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat sa mga sinabi ko, maliban kay Mr. Monterealez at Ryker na walang emosyon ang makikita sa mukha.

Tinalikuran ko sila pero kaagad na hinawakan ni Ryker ang braso ko ngunit mabilis ko din itong kinuha.

"Saan ka pupunta?" Nakatiim bagang niyang tanong.

"Wala.. Ka.... ng... Pakialam.... Doon..." Mariin kong sabi bago tuluyan silang talikuran para hanapin ang anak ko.

Panay ang hagod ko at pagsabunot sa sariling buhok.

No! Not my Zseto. Hindi ko makakaya kapag nawala siya sa akin. Hindi pa kami nagkakasama ng matagal. Hindi pa ako nagiging ina sa kanya. Bakit ba ganito ang buhay ko? Ang gusto ko lang naman ay sumaya pero bakit parang ang hirap naman nitong maabot.

Hindi sapat sa akin ang makita lamang ang anak ko. Dati palagi akong nakabantay sa kanya. Sa tuwing iiyak siya at gusto ko siyang lapitan pero bawal, wala akong magawa at sobrang nadudurog ang puso ko. Sa tuwing malungkot siya at wala akong magawa napapaiyak na lang ako. Patawad baby, hanggang ngayon na nasa malapit lang kita ay wala pa rin akong magawa.

Nakarating ako sa isang overpass bridge. Pinipilit kong tumingin sa paligid na baka andito pa sila. Kilala ko ang mga kotse na ginagamit nila Amanda. Kahit gabi na ay nakakasigurado akong makikilala ko sila. Patuloy rin ang pagtawag ko sa buwisit na babaeng 'yon pero hindi niya sinasagot.

"NASAAN ANG ANAK KO?!" Sigaw ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko.

"Well, well, well, it nice to hear your voice again my little toy..."

"Nasaan ang anak ko?!" Ulit ko pa sa kanya. Nauubos na ang pasensiya ko sa kanya.

"Ayoko na sanang gamitin ang anak mo, kaso mapilit ka! Kaya ayan, wala na, nakuha ko na,"

"N-nakikiusap ako sa iyo ibalik mo na siya. P-pakiusap huwag mo siyang sasaktan..."

"Hindi ko naman siya sasaktan at sa katunayan nga ibabalik ko pa siya sa iyo kapag... nagawa mo na ang mga plano." Napakuyom ako ng mga kamao.

"Aman-" Napasabunot ako sa sariling buhok nang babaan niya ako ng tawag.

I wanted to shout. I wanted to shout all my grievances to the world. I'm getting tired. Is there still any hope? I hope so.

Wala sa sarili na sumakay ako sa kotse na iniwan ko kanina sa gilid ng overpass bridge. Hindi ko nga alam kung maswerte nga ba ako dahil walang traffic enforcer ngayon. Kung matatawag nga ba itong swerte.

Napahinto ang kotse ko nang makarating ako sa tagaytay. Mapait akong napangiti habang nakatanaw sa malaking bahay o mas tamang sabihin na isa sa mga hideout nila Amanda.

Naisalampok ko ang ulo sa manubela. Bahagya ko pang nasabunutan ang sarili ko.

Heto na naman, bumabalik na naman sa akin ang alaalang 'yon. Ang araw nang pagkuha sa akin ni Amanda sa grocery store malapit sa subdivision ng bahay namin noon ni Ryker.

Maswerte ako noon kasi biglang humiwalay si Yaya Celia bitbit ang sanggol na si Zseto sa pamimili. Kung nasa akin Zseto noon? Malamang ay dalawa kaming nahihirapan ng mga panahon na iyon.

Isinakay nila ako sa isang Van. Nagulat ako noon nang makita ko si Anthony na bugbog sarado na nasa likurang upuan ng kotse. May isang babae, hindi ko siya kilala, nagustuhan niya ang singsing ko at kinuha bago isuot sa sarili niya. Makalipas ang ilang oras noon, huminto ang van namin katapat ng isa pang Van. Pinababa kami ni Anthony at pinasakay sa isa pang Van.

Hindi ko alam na swerte pala ang paglipat namin sa kabilang Van dahil nasunog iyong unang van na sinakyan namin, ilang minuto lang nang pagkakaalis namin doon. Nasunog ang ilang tao doon kasama ang babaeng kumuha sa singsing ko.

Namalisbis ang mga luha ko sa nakapikit na mga mata. Muli kong naalala ang mga kaganapang nangyari matapos kaming dalhin sa isang lugar. Hindi ko alam kung saan iyon. Basta ikinulong kami ni Amanda. Si Amanda na doon ko lang nakilala na siya pala ang nagpanggap na Aniza Monterealez para maloko kami ni Kuya Kenie.

Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang lahat. Mga paghihirap namin, mga parusa na naranasan namin. Pero kumpara sa naranasan nina Kuya Kenie at Anthony, walang wala ang mga naranasan ko. Oo dinukot din nila ang kuya kenie ko. Sila ang higit na nagdusa kaysa sa akin. Sila ang mas naghirap sa araw araw na pangbubugbog nila.

Napahikbi ako nang maalala ang araw na iyon. Sariwang sariwa pa sa aking alaala na parang kahapon lang.