Chapter 35

HARIETH ZARIE FEDENCIO MONTEREALEZ

Iminulat ko ang aking mga mata. Nabugaran ko ang kisame na puno ng mga alikabok at mga sapot.

Madilim, mainit, at walang kahit na anong bintana ang makikita.

Natatakot ako....

Natatakot ako....

Kailan ba ako makakalabas sa lugar na ito?

Makakalabas pa ba ako?

Kahit na hinang hina at latang lata, pinilit ko paring bumangon sa pagkakahiga sa sahig.

Iginalaw ko ang mga paa ko dahilan para makarinig ako ng tunog ng mga bakal.

Tinignan ko ang kanang paa ko kung saan nakakabit ang kadena. Agad na nasipagtuluan ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung ilang taon na akong nandito.

I was chain for how many days? A month? A year? I don't know.

I can't feel anything. I'm tired.

Whenever I fight, they imprison me and punished. Whenever I don't follow Amanda's orders, they will beat up Kuya Kenie and Anthony. Whenever I do not follow them in learning about medicine, they will be punished. I didn't want to study medicine but they forced me for their own purpose. I can't do anything but to obey Amanda's orders and wants.

Napabuga ako ng hininga bago punasan ang mga luha sa mukha at lumabas sa kotse. Dumaretso ako ng pasok sa malaking bahay. Pagkarating sa loob kaagad akong sinalubong ni Dylan. Isa siya sa matagal ng kasapi ni Amanda pero sa tingin ko ay mabait naman siya.

"Nasaan sila Kuya Kenie?" May pag-alinlangan siya sa mukha bago napabuntong hininga.

"They beat up, again."

"What?! Bakit?"

"Utos ni Amanda, ininis mo na naman ata." Napatiim bagang ako.

Mabilis akong pumasok sa kwarto kung saan nakakulong ang dalawa. Unang nabugaran ko si Kuya Kenie na nakatali sa upuan. Nakalaylay ang ulo nito, senyales na tulog siya. Nilukob ng awa ang puso ko. Marami itong sugat sa mukha ganon din sa katawan.

I close the door before i kneeled infront of him. Marahan kong hinawakan ang pisngi niya. Nanginginig ang kamay ko na nilapat sa mukha niya. Napahikbi ako at napahagulgol ng iyak. Napakapit ang isa kong kamay sa upuan ng mahigpit.

"I-i'm s-sorry kuya, hanggang ngayon wala pa rin akong magawa para makatakas kayo. The deal was over, ang gusto na ngayon ni Amanda ay makakuha ng malaking pera kay Ryker pagkatapos ay isasama niya na tayo paalis ng bansa. Wala na siyang balak na patakasin tayo. I-i'm sorry napakahina ko."

"B-bunso?" His head slowly lift up before he smiled at me. "N-nandito ka na. B-bakit ka u-miiyak? Ah!" Kaagad akong nag-alala sa kanya nang dumaing siya sa sakit ngunit bahagya siyang ngumiti para sabihin na ayos lang siya. "Di ba sabi ko sa'yo, h'wag kang umiyak? H'wag mong ipakita na mahina ka."

Umiling ako sa kanya. "Napapagod na ako kuya."

"H-h'wag! K-kayanin mo bunso, para sa pamilya mo, para sa pamilya na itinuring natin na atin na."

"K-kuya, si Zseto kinuha din nila."

Sa namimikit na mata ni kuya nagawa niya paring mapalaki ito sa pagkagulat. "Fuck! Mga h-hayop talaga sila."

"Kuy-"

Napatingin kami sa pinto nang marahas itong bumukas at itinulak ng armadong lalaki ang bugbog sarado na si Anthony. Ngayon ko lamang napansin na wala pala siya dito.

"Ngayon magtatanda ka na!"

Napasulyap pa sa akin ang armadong lalaki bago isara ng malakas ang pinto.

"Anthony!" Mabilis ko siyang inalalayan ng tayo bago akayin pahiga sa kama.

Tinanggal ko na rin ang mga taling nasa kamay ni Kuya Kenie.

Sunod-sunod ang ubong pinakawalan ni Anthony. Si Anthony ay isang Police at kaibigan ni Ryker. Magaling siyang programmer/hacker kaya kinuha din siya ni Amanda. Siya ang may kagagawan kung bakit walang naiiwan na ebidensiya sa mga transaction nila Amanda. Pagbura o pagtampered ng mga CCTV. Ayaw man sumunod ni Anthony pero wala siyang magagawa. Si Anthony rin ang gumawa ng panibagong profile ko sa lipunan.

Umuubong napaupo si Anthony, nagtatakang napangiti pa siya sa akin kung bakit nandito ako. Sinong hindi? Isang taon ata akong hindi nakapunta dito.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Imbis na sagutin siya iba ang isinagot ko. "Ang buwisit na si Amanda, kinuha si Zseto, kinuha niya ang anak ko."

Umubo ulit siya bago nagsalita. "S-sundin mo ang gusto ni Amanda."

"Kahit ayoko wala akong magagawa, ayokong mapahamak ang anak ko."

"N-nakahanap na ako ng paraan kung paano tayo makakatakas dito, kung paano mahuhuli ng mga Police si Amanda. Pero sana lang ay mapansin ni Ivan ang CCTV na tinampered ko sa bahay ni Arnold. Sana lang ay mabasa niya ang minsaheng kalakip ng mga scene na pinagtagpi tagpi ko doon. Sana'y makaabot kay Ryker ang pahiwatig ko."

"Kung hindi man makarating sa kanya, ako mismo ang magsasabi."

Umiling si Anthony. "Alam mong hindi pwede Zarie. Alam mong may micro recorder na nakatanim sa iyo."

Napatahimik ako. Totoo ang sinasabi ni Anthony. Nalalaman nila ang mga ginagawa ko dahil may itinanim sa balikat ko ang isa pang Doctor na kasanib nila Amanda. Isang micro sound recorder, kung saan lahat ng conversation na nagagawa ko kasama ang mga nakakasama ko ay maririnig nila.

Pinilit nila si Anthony na makagawa ng ganitong device's. Pero may hindi alam sila Amanda dito. Kayang ishutdown o magbura ni Anthony sa devices na ito ano mang oras na gustuhin niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at ibinigay kay Anthony. Mabilis niya itong kinuha at binura ang mga pinag-usapan namin pati na rin ang pag-uusap namin ni Kuya Kenie.

Tumango ako sa kanya at parang naintindihan niya naman kaya itinago niya sa ilalim ng kama ang cellphone. Tinurn off niya muna ito bago siguraduhing nasa maayos na ito sa ilalim ng kama. Nagpaalam na din ako sa kanila na aalis.

Sa dating bahay ako tumuloy. Dito muna ako magpapalipas.

Dalawang araw, dalawang araw ang lumipas bago ko gawin ang plano. Napatitig muna ako sa bahay ng mag-asawang Monterealez. Wala na rin ang mga Police, pero nandito kaya ang mag-asa? Nakokonsensya ako sa mga ginagawa ko at gagawin palang pero wala akong magawa kundi ang sundin sila.

Napabuntong hininga muna ako bago pumasok sa loob. Bumungad sa akin si Yaya Celia. Napakagat pa ako ng labi ng makita niya ako at manlaki ang mga mata niya.

"L-lady."

Bahagya akong lumapit sa kanya. "O-ok naman ba ang pakiramdam mo?"

Ngumiti siya sa akin nang makabawi sa pagkabigla. "Opo."

"Sorry pala sa nagawa ko 'nong isang araw."

"Naku! Wala na po iyon, naiintindihan ko po. Magiging Ina na rin po ako at naiintindihan ko po talaga. Akala ko po hindi na kayo babalik dito, mabuti naman po at bumalik kayo." Bahagya akong ngumiti sa kanya.

"N-nandiyan ba sina Mr. and Mrs. Monterealez?" Umiling siya sa akin. "Si Ryker?"

Umiling ulit siya. "Wala din po." Bahagyang namungay ang mga mata niya. "Patuloy po silang naghahanap kay Zseto."

Tumango ako sa kanya bago lumunok sa nanunuyo kong lalamunan. "P-pwede po ba akong umakyat sa itaas? May nakalimutan po kasi ako."

"Sige lang po, always po kayong welcome dito."

Tumango ako sa kanya bago naglakad papunta sa hagdan. Nakokonsensya ako pero wala akong magawa para itama ang mga mali ko. Maitatama ko pa kaya?

Imbis na sa kwarto ako ni Zseto pumunta sa kwarto ako ni Ryker. Alam ko na nandito sa kwarto ang mga pera niya at tseke. May vault din siya, alam ko dahil ako ang asawa niya.

Nang makapasok ako kaagad na pinuntahan ko ang vault niya. Inikot ko ang maliit na bilog sa gitna para sa password.

012517

Ang araw ng unang pagkikita namin ang siya ring ginawa niyang password.

Napangiti ako nang magbukas ito pero agad ding napawi nang may magsalita sa likuran ko. Nanigas ako sa malamig, naiirita, at barito niyang boses. Para akong pusa na nahuling nagnakaw ng ulam sa lamesa. Tuluyan akong naestatwa at hindi makaharap sa kanya.

"What the hell are you doing here?" Nagtatangis ang mga bagang na sambit niya. Bakas rin sa boses niya ang pagkariin nito at pagkairita.

____________________________

____________________________

©Khay2626

©Copyrights 2021.

All Rights Reserved, 2021.