Chapter 21
HARIETH ZARIE FEDENCIO
Napamulat ako ng mga mata. Napalibot ang paningin ko sa puro puti na paligid. Kahit na nahihirapan ay pinilit kong umupo, saka naman ang pagpasok ni Ryker sa pinto.
"Baby love!" Mabilis pa sa alas kwatro ang pagpunta niya sa harapan ko para tulungan akong makaupo ng maayos. "H'wag ka munang masyadong magkikilos at baka mabinat ka."
"Asan na ang baby natin?"
Ngumiti siya sa akin, as if on cue the door suddenly open. Pumasok ang nurse, karga karga ang baby na natutulog. Nangilid ang mga luha ko dahil sa saya. Sa kabila ng lahat ng paghihirap ko sa panganganak sa kanya, napawi lahat ng ito ng masilayan ko ang maayos at ang mabuting lagay ang baby ko.
"Mommy ito na po ang baby boy niyo." Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak ng tuluyan ng mailagay ang anak ko sa mga bisig ko. Ngumiti ang baby ko kaya marahan ko siyang hinalikan sa nuo.
"T-thank y-you." Malat ang boses ko na nagpasalamat sa nurse.
"Babalik po ako dito mamaya para kunin ulit si baby at ibalik sa ward niya."
Nang tuluyan ng makalabas ng kwarto ang nurse, saka pa lang ako napabaling ng tingin kay Ryker na kanina pa hinihimas ang likod ko.
"Feeling better?"
I smiled at him before giving him a quick kiss.
"Damn! Baby love naman, h'wag kang mang-akit."
Napatawa ako sa kanya, napailang siya at napapahagod sa buhok.
Nangingiting bumaling ako sa anak namin.
"Ang gwapo ng anak natin."
"Naman! Kanino pa ba magmamana ang anak natin? Syempre sa'kin, ang poging Daddy niya."
Napanguso ako. Tsk. Yabang!
"Pero nag-alala talaga ako, baby love."
Nangunot ang nuo ko. "Nag-alala? Bakit?"
Napatawa siya. "Akala ko kasi balak mong ipangalan sa kanya ang Zest-O. Kinabahan ako, 'yun pala nabingi lang ako."
Napatawa din ako sa kanya. "Grabe ka! Syempre aayusin ko naman."
"Yeah! I can't believe na isinunod mo siya sa second name ko."
Napabaling ang tingin ko sa anak namin. "Ang cute kasi ng name mo, Ryker."
"Yeah! I like that too."
I kissed my baby forehead. "Zseto Luis Monterealez, do you like his name?"
"So much."
I look at him and smiled. "I love you Ryker."
Mabilis niya akong hinalikan sa labi bago kami yakapin ni Zseto. "I love you too baby love, I love the both you."
RYKER LUIS MONTEREALEZ
"Fucking hell! Anong sinasabi mo Arnold!" Banas ang pakikipag-usap ko sa landline kay Arnold ng ibalita niya sa akin ang tungkol kay Amanda Norcis, ang pagtakas niya.
Amanda Norcis, 'yan ang totoong pangalan ng taong nangloko kina Kenie sa pagbinta ng lupa.
"General, inambush ang sasakyan ng mga preso papuntang bilibid. Sa hinuha nila ay mga kasamahan ito ni Amanda, dahil siya ang unang pinuntahan ng mga di kilalang tao, matapos kunin si Amanda ay wala na silang pakialam sa iba."
"Fuck! Gawan mo 'to ng report! Hindi pwedeng makatakas ang babaeng 'yon. Halughugin niyo ang lahat ng lugar na pwedeng pagtaguan nila."
"Yes, General."
"Call, Anthony."
Natahimik sa kabilang linya si Arnold kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Damn Arnold!"
"G-general, s-si Anthony ginawang hostage, kasama siyang isinakay sa Van ng mga di kilalang tao na kumuha kay Amanda."
"Fuck! Trace them, Arnold. Asap!"
"Y-yes, General."
Shit!
Napahilamos ako sa mukha dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko.
Hindi pwedeng makalaya ang babaeng 'yon!
Bumibigat ang paghinga ko.
Shit talaga!
Mabuti na lang at nasa US si Kenie dahil may seminar siya.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang mahal kong asawa. It's been 5 months ng manganak siya. Natakot talaga ako non dahil nakatae na daw ang bata sa loob ng tiyan ni Zarie, ang mabuti na lang ay naagapan. Nagpapasalamat talaga ako dahil parehas silang ligtas.
Idinayal ko ang numero ng asawa ko. Sa una'y hindi niya sinasagot kaya lalo akong nainis. Hindi ko talaga gusto kapag hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nakakainis!
Nakahinga ako ng maluwag ng sagutin niya ito sa pangalawang dial.
"Fuck baby love! Why aren't you answering my call, again?"
"Sorry baby love, na busy lang ako." Napalunok ako sa pagtawag niya sa'kin ng baby love.
Fucking hell! Kumalma nga ako, pero ang nasa ibaba ko naman ay nagwawala.
Nangunot ang nuo ng makarinig ng ibang mga boses, marami sila. Ba't ang ingay?
"Baby love nasaan ka? Ba't ang ingay diyan."
"Ow! Nasa grocery store ako, kasama si Yaya Celia at Zseto."
Napabuntong hininga ako. Kahit na pagsabihan ko siyang h'wag ng magkikilos sa bahay ay hindi niya pa rin ako sinusunod. Mas gusto niya daw kumilos sa bahay.
"Baby love naman."
"Hayaan mo na ako Ryker." Napangiti ako at napailing sa tono ng boses niya. Napatawa ako lalo ng maimagine ko ang itsura niyang nakanguso.
"Pinagtatawanan mo ba ako, Ryker?"
"Hindi ah!" Pagtanggi ko kahit na pigil ang pagtawa ko.
"Che! Ewan ko sa'yo, ibababa ko na ang tawag para matapos na ang pamimili namin."
"Sige, pauwi na rin ako, ingat kayo diyan baby love."
"Ikaw din, ingat ka pag-uwi mo. I love you, muaahh."
Napatawa ako sa kakulitan niya. "I love you too, more kisses pag-uwi."
"Che! Bye."
Napatawa ako hahahaha. Ang kulit talaga niya kaya mahal na mahal ko siya.
Napatayo ako sa pagkakaupo sa swivel chair. Inabot ko ang jacket sa gilid, ang hindi ko inaasahan pagtalikod ko nabangga ko ang gilid ng mesa. Bumagsak ang isang picture frame. Binundol ako ng kaba, nanginginig ang kamay ko na kinuha ang nakataob na picture frame. Pag-angat ko nito naglaglagan ang mga bubog. Napalunok ako bago dahan dahang hinarap ang litrato. Nanlalambot ang katawan ko ng makita ang picture namin ng asawa ko ang nandoon. Picture namin ng ikasal kami.
H-hindi hindi ito pamahiin, di ba? Aksidente lang 'yon. Ayokong may mangyaring masama sa asawa ko.
Walang mangyayaring masama!
Mabilis akong lumabas sa head quarter office.
Mabilis ang mga lakad ko, kahit na may bumabati sa akin at gusto akong kausapin ay hindi ko pinapansin. Daretso ang lahat ko palabas. Pabilis ng pabilis kagaya ng kung paano patuloy na bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
Natatakot ako, ayokong may mangyaring masama sa asawa ko.
Mabilis akong sumakay sa kotse at iminaobra papunta sa malapit na grocery store sa subdivision namin.
Huminto ang pag-ikot ng mundo ko ng makita ang maraming police na nakapalibot sa nasabing grocery store.
Hindi!
Mabilis kong kinuha ang cellphone at idinayal ang numero ng asawa ko.
Napatulala ako sa isang boses na sumagot sa akin.
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try call later."
H-hindi!