Chapter 22
RYKER LUIS MONTEREALEZ
Walang pakundangan kong ininom ang alak na nasa baso ko. Gusto kong magpakalasing, tipong hindi na ako makakabangon sa pagkakahiga o di kaya 'yung tipong malulumpo ako, pero sadyang mataas talaga ang tolerance ng alak sa katawan ko at hindi ako malasing lasing kahit na isang case ng alak ang maubos ko.
My life is useless. Useless without her.
It's been 4 years without her but still it feels like, it was happened yesterday. Sa bawat araw na dumadaan ang siya ring unti unting pumapatay sa akin.
It's been 4 years ng mangyari ang trahedya sa grocery story malapit sa subdivision namin. Sinabi ni Yaya Celia na may kumuhang mga armado kay Zarie, isinakay ito sa Van at hindi na nahabol. Ito rin ang Van na ginamit ng makatakas si Amanda.
Sa mismong araw din na 'yon sumabog ang balitang ikinaguho ng mundo ko. Natagpuan ang Van na ito na nasusunog. Ayokong maniwala na isa sa sakay na 'yon si Zarie. It's hard for me to believe that she is one of those person's who are burned in that Van. Nang mailabas ang mga kagamitang pangmamay-ari ng mga taong nasa sasakyan at makita sa daliri ng isang sunog na katawan ang singsing ng asawa ko, hindi pa rin ako naniwala. Ayoko! hindi iyon totoo, hindi siya ang asawa ko. Pinaautopsy ko ito, bagay na lalong ikinaguho ng mundo ko ng maconfirm na Positive ang result ng autopsy. I've been depress, hindi ko magawang mabuhay ng wala siya. Even my son, napabayaan ko dahil sa pagkawalang pag-asa na mabuhay.
Everything change. Hindi ko alam ang gagawin, sa araw ng pagkawala ni Zarie ay ang araw ng pagkawala sa US ni Kenie, maging si Anthony ay hindi na natagpuan.
Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko. General nga ako pero hindi ko kayang bigyan ng hustiya taong mahal na mahal ko.
Nagkahalo halo ang mga problema ko. Until now, I was like a dead living person without a soul.
Pinagmasdan ko ang singsing ng Asawa ko. Bakit Zarie? Bakit iniwan mo akong mag-isa? Bakit hindi mo man lang inantay na makapag-asawa si Zseto?
Yumugyog ang balikat ko tanda ng paghagulgol ko ng iyak.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na ang babaeng minamahal ko. I love her so much. Hindi ko kaya na wala siya, hindi ko kaya. Araw araw, habang tumatagal lalong akong namamatay sa sakit at kalungkutan. Hindi ko na magawang ngumiti, ni hindi ko na magawang magalit at makipagsagutan kahit kanino. Para akong utusan na walang kalandas landas ang buhay.
Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. Nagdadasal na sana sa pagmulat kong muli ay magising ako sa isang bangungot na nararanasan ko ngayon.
TULAD ng dati ay papasok ako sa head quarter office. Babatiin nila ako ngunit wala akong tugon sa kanila, walang buhay na mga mata ang sasalubong sa kanila.
"G-general, n-nahospital po si Major Arnold. May nakainkwentro po kasi siya at may tama siya ng baril sa hita. Need niyo pong pumunta doon."
Hindi ako sumagot sa kanya basta na lamang ako umalis sa harapan niya. Sanay na sila sa akin, kapag may sasabihin sila hindi ako tumutugon at ginagawa ko na lang ang sinasabi nila.
Nang makarating ako sa hospital na pinagdalhan kay Arnold agad ko siyang hinanap. Nalaman ko naman agad kung anong room number niya. Pagkapasok ko natagpuan ko siyang tulala sa kawalan at nang tumikhim ako saka pa lang siya nagising sa pagkakatulala.
"R-ryker?" Gulat na tanong niya.
Hindi ako nagsalita, tinignan ko lang siya bago umupo sa upuan katabi ng hospital bed niya.
"K-kamusta?"
Hindi pa rin ako sumagot dahil alam kong alam niya ang sagot sa mga tanong niya. Kumuha ako ng orange sa table bago balatan ito.
Napabuntong hininga si Arnold. "P-pupunta ako sa bahay niyo para makipaglaro kay Zseto, namimiss ko na ang inaanak ko."
Tumango ako sa kanya. Mahabang katahimikan ang namayani hanggang sa magsalita ulit siya.
"I-i think, I saw her..."
Hindi ako kumibot dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya.
"I think, I saw Zarie..."
Napatigil ako sa pagbabalat ng orange. Nakuha niya ang atensyon ko sa bagay na 'yon. Nagdilim ang paningin ko at tiim bagang na inungusan siya.
"Anong sinasabi mo? Hindi ka nakakatuwa."
"L-look Ryker, I know you, we're bestfriend at kung meron mang nakakaalam sa lahat ng pinagdaanan mo, ako iyon at hindi ako gagawa ng kwentong barbero kung alam ko namang hindi ito magandang bagay o biro."
Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ako nakapagsalita at nanuyo ang lalamunan ko.
"S-saan mo siya nakita?"
"Kanina lang kaya ako nakatulala, siya ang Doctor na nagtanggal ng bala sa hita ko. Ayoko sanang paniwalaan pero kahit saang anggulo ko tignan, si Zarie ang nakikita ko."
Ewan ko, kung anong lumukob sa akin at mabilis akong lumabas sa kwarto ni Arnold. Mabilis akong pumunta sa information table.
Alam ko para akong tanga na nananalangin na sana siya si Zarie. Oo nakita ko ang resulta ng Autopsy pero gusto kong umasa na mali sila. Buhay pa si Zarie! Tumaas ang pag-asa sa katawan ko na buhay pa nga siya.
"Nurse! Pwede ko bang malaman kung sino ang Doctor na gumamot kay Major Arnold?"
"Sandali po General, hanapin ko lang po."
Mabilis na hinanap ng babaeng nurse ang taong gumamot kay Arnold. Kumunot ang nuo ng babae bago nag-angat ng tingin sa akin.
"General, hindi Doctor sa hospital na ito ang gumamot sa kanya. Nakalagay dito na emergency at walang Doctor kaya yung exchange Doctor ang gumamot."
"N-nasaan na siya?"
"Last day niya dito sa hospital, kaaalis niya lang po baka maabutan niyo pa siya."
Mabilis ang kilos kong lumabas sa hospital pero wala akong naabutan. Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa puno ng frustration na nararamdaman ko. Bawat sulok ay inililibot ko ang mga paningin ko, nagbabakasakaling makita siya. Sa kawalang pag-asa bigla akong natuod sa aking kinatatayuan. Naestatwa ako sa babaeng ngayon ay nakikita ko na.
Hindi ba ako nananaginip?
Nasa loob siya ng Cafe katabi ng hospital. Nakapila at bumibili.
Mabilis akong pumasok sa Cafe, hinanap ko siya pero wala na siya sa pila. Nahagip siya ng mga mata ko palabas sa back exit ng Cafe.
Mabilis ko siyang sinundan pero bumangga ako sa isang Ale. Humingi ako ng pasensya sa kanya bago ibinaling ang paningin sa exit door pero wala na siya.
Shit!
Nang makalabas ako ng exit, hinanap siya ng mga mata ko pero hindi ko na siya nakita.
Damn it! Napakabilis niyang mawala.
Sigurado ako! Siya ang nakita ko, ang pagngiti niya, ang bawat galaw niya, ang bawat pagbuka ng bibig niya kanina ay alam ko lahat, kabisado ko siya.
Walang pakundangan na bumalik ako sa information ng hospital.
"Nurse? Anong buong pangalan ng Doktorang gumamot kay Major Arnold?"
"Teka lang po General, tignan ko lang po."
Tumango ako sa kanya at inantay siyang makita ang pangalan nito.
"Nakita ko na po." Nag-angat siya ng tingin bago sinagot ang tanong ko. "Ang buong pangalan niya po ay Hazel Aleriya."
Napalunok ako.
'Hazel Aleriya?'