CHAPTER 24
“Yes I can, but I have my conditions,” pag-ulit ko sa sinabi ko nang makitang mula sa malungkot na mga mata niya na tila nagulat. Hindi niya siguro inaasahan na papayag akong ipakilala siya kay Cianna na anak niya rin naman.
Hindi ko ipagdadamot na magkakilala at magkasama silang dalawa dahil matagal ng pangarap ni Cianna iyon at hindi ako hahadlang sa bagay na alam kong ikakasaya ng anak ko.
Growing up, I’d never experience a happy and complete family. Mula bata ako, madalas akong saktan ni Mama kahit wala akong ginagawa, kaya naman lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit nabuhay pa ako sa mundong ito kung palagi lang naman akong masasaktan? Wala na mga akong kinilalang Papa, madalas pa akong saktan ni Mama. kaya pakiramdam ko noong bata ako ay sobrang malas ng buhay ko.
Hindi na ako umasa noon na makikilala at makikita ang ama na matagal ko nang hinahanap, dahil kahit katiting na pagkakakilanlan sa kaniya ay wala ako pero hindi ko inaasahan na magiging mabait sa akin ang tadhana, dahil siya mismo ang gumawa ng paraa para magkita at magkakilala kaming dalawa.
Bilang isang ina na minsan ding naghangad ng isang masaya at buong pamilya, hindi ko hahayaang maramdam ni Cianna na tila may kulang sa pagkatao niya at tila ipinagdadamot ko pa iyon sa kaniya.
I will never let my daughter feel or experience those things that I’ve been through before. Ayaw kong masaktan at mahirapan siya kaya hangga’t maari ay gusto kong palagi siyang masaya at maayos at kung kaya ko ay ibibigay at gagawin ko lahat ng naisin at hilingan niya.
“W-what conditions Erem?” utal niyang tanong sa akin matapos ang ilang minutong pananahimik.
“Huwag mong hahayaan na umiyak at masaktan ang anak ko. Don’t break my trust Lucas or else, may kalalagyan ka sa akin lalo na kay Dad!” I said before I turned my back to him and slid myself to our car. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at basta ko na lang siyang iniwanan sa kinatatayuan niya.
Nang makauwi kami sa bahay ay kaagad na nag-aya si Cianna sa kuwarto para matulog, kaya naman mabilis akong naglinis ng sarili para samahan ang anak.
Pansin ko ang mumunting ngiti niya at alam ko na ang dahilan kung bakit. Sigurado ako na masaya siyang nakita ang ama kahit na hindi pa sila pormal na nagpapakilala sa isa’t isa.
Dahil sa sobrang pagod at stress dulot ng buong araw na trabaho at problema dahil sa article na lumabas ay mabilis din akong nakatulog sa tabi ni Cianna noong gabing iyon.
Kinabukasan ay nagising ako nang maaga dahil ginising ako ni Dad at sinabing may naghihintay umano sa akin at gusto akong makausap.
“Sino ba iyon, Dad?” tanong ko sa ama nang maupo ako sa kama at mapansing wala na pala si Cianna sa tabi ko.
“Si Lucas,” tugon ni Dad na ikinalaki bigla ng mga mata ko.
“Sa ganito kaagang oras Dad nandito na siya? Hindi naman kaya siya excited?!” iritadong sabi ko sa ama.
“You promised him that you will introduce my apo to him today kaya mag-asikaso ka na at mag-ayos nang makababa ka at magkausap kayong dalawa,” saad ni Dad habang pinanonood akong magpalakad-lakad sa harapan niya.
“Where is Cianna Dad?!” tanong ko nang maalalang wala si Cianna sa kuwarto naming mag-ina.
“Nasa baba na ang apo ko and don’t worry, hindi pa sila nag-uusap na dalawa. Fix yourself,” mabilis na tugon ni Dad ‘tsaka ako mabilis na iniwan sa kuwarto.
Mabilis akong naligo at nagbihis at kaagad na bumaba sa sala ng bahay kung saan naghihintay raw si Lucas sa akin.
Kaagad ko siyang natagpuan na nakaupo sa sofa at tila kinakabahan. Kita ko kasi ang bilis ng paghinga ng dibdib niya kaya sigurado akong kinakabahan siya.
“Lucas,” pukaw ko sa atensiyon niya na kaagad niya namang narinig at mabilis na tumayo para salubungin at batiin ako.
“Good morning, Erem,” Lucas uttered as he immediately saw me, “Your Dad let me in,” dahdag pa niyang nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya.
“Okay lang. Paano mo nalaman na rito ang bahay namin?” tanong ko.
“Tinawagan ko ang sekretarya mo and luckily, binigay niya ang address ninyo. I really want to see our daughter,” paliwanag niya habang hindi makatingin nang diretso sa akin.
“You looked so tense, Lucas. Kalma ka lang. Cianna knows everything about you, madalas kitang makuwento sa anak mo,” nakangiti kong sabi kay Lucas dahil pansin ko itsura niyang kinakabahan.
Napansin ko naman ang kaunting pag-aliwalas ng paghinga niya.
“Hindi ko ginawang sikreto sa kaniya ang tungkol sa iyo at sa atin but don’t worry, hindi ko sinama ang tungkol sa pananakit mo noon sa akin at ang mga bagay na hindi masyadong kaaya-aya. Let me talk to her first ‘tsaka kita ipapakilala sa kaniya. I will let you two have time for each other, don’t worry,” seryoso kong ‘tsaka mabilis na nag martsa papunta sa kung nasaan si Cianna pagkatapos tumango ni Lucas sa akin.
Kaagad kong natagpuan ang anak na nakakandong kay Dad habang kumakain ng almusal niya. Nandito sila ngayon sa garden kaya pala hindi niya nakita kaagad si Lucas.
Nakasunod lang sa akin si Lucas at hindi kumikibo, at nang lingunin ko nga siya ay halos hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniya mga mata.
“Mommy,” masayang tawag sa akin ng anak nang makalapit ako sa kanila ni Dad.
“Good morning, baby ko,” bati ko sa anak ‘tsaka siya binigyan ng halik sa pisngi, “May ipakikilala sa iyo si Mommy, okay lang ba? I am sure na matutuwa ka!” tanong ko sa anak habang hawak ko ang mga kamay niya na hanggang ngayon ay kandong pa rin siya ni Dad.
“Si Daddy po ba ang ipakikilala mo, Mommy? Is it okay to you po ba? Kasi kung magiging sad ka po, kahit next time na lang po Mommy,” kaagad na sagot ng anak ko habang nakangiti. Hindi ko tuloy maiwasang mapaluha dahil sa sinagot niya.
“No anak, of course, it’s okay to me. Alam ko naman na gustong gusto mo na siyang makilala at ganoon din siya sa iyo. You looked so happy last night when you saw him, kaya Mommy decided to introduce you to him because I know that you will be happy,” sabi ko sa habang pinipigilan ang nagbabadyang luha.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot dahil baka ilayo siya ni Lucas sa akin, pero isasantabi ko na lang muna ang kung anong nararamdaman ko dahil gusto kong matupad ang matagal ng pangarap ni Cianna— at iyon ay ang makilala ang ama.
“Come here to Mommy dali,” pag-akay ko kay Cianna kaya mabilis siyang umalis sa kandungan ni Daddy na hanggang ngayon ay walang kibo.
Inakay ko si Cianna kung saan ko iniwan kanina si Lucas. Sinabi ko kasi sa kaniya na hayaan niya muna akong makausap ang anak bago siya ipakilala nang maayos.
Tulala lang siyang nakaupo habang hawak ang baba niya at tila nag-iisip ng kung ano. Hindi nga niya kaagad namalayan na nakatayo na pala kami sa harapan niya dahil kung hindi ko pa siya tinawag ay hindi niya kami mapapansin.
“Lucas,” pagkuha ko sa atensyon niya dahilan para magulat siya.
Mabilis siyang napatayo nang tuwid habang palipat-lipat ang tingin sa amin ng anak. Pinagpantay ko ang tingin namin ni Cianna at masuyo siyang hinawakan sa pisngi.
“Baby, today is one of your most awaited days, because finally you’ll meet your Dad,” nakangiti kong sambit sa anak habang nakatingin sa kaniya. Nang dahil sa sinabi ko ay mabilis niyang nilingon si Lucas na nakatitig lang din sa anak.
“Daddy, daddy!” naiiyak na sabi ni Cianna at ‘tsaka mabilis na yumakap sa ama. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapaiyak dahil ramdam ko ang labis na tuwa niya ngayong may ama na siyang matatawag talaga.
“My baby. I’m sorry anak ngayon lang tayo nagkita, mahal na mahal ka ng Daddy,” umiiyak na sabi ni Lucas habang buhat ang anak at hinihimas ang likod nito.
“M-may daddy na ako! T-tanggap ninyo po ba ako, daddy?” umiiyak na tanong ni Cianna habang nakatago ang mukha sa leeg ni Lucas. At dahil sa naging tanong niya ay hindi ko na napigilan ang luha kong kanina pa gustong umagos.
Mula kasi noong magtanong sa akin si Cianna tungkol sa Daddy niya ay palagi niyang iniisip kung tatanggapin ba siya nito o hindi. Dahil kung hindi raw ay gagawa siya ng paraan hanggang sa matanggap siya nito.
Sa tuwing sinasabi niya sa akin ang tungkol sa bagay na iyon ay parang dinudurog ang puso ko, lalo na ngayong tinanong niya mismo sa ama kung tanggap ba siya nito.
“You’re my daughter so I wholeheartedly accept you, my princess. Daddy loves you so much. Always remember that, okay? At sorry kung ngayon lang tayo nagkita anak. I love you,” umiiyak na sabi ni Lucas sa anak habang patuloy na hinihimas ang likod nito habang ako naman ay nakasubsob kang sa dibdib ni Dad dahil hindi ko na napigil ang luha ko.
“You made the right decision, Sweetie. Cianna is so happy,” sabi ni Dad habang yakap ako gamit ang isang kamay niya. Dad is right. Masaya ang anak ko dahil ang makilala si Lucas ang pinakamunting hiling niya mula pa man noon.
“Mommy! Tanggap ako ni Daddy!” Cianna said as she stopped from crying na hanggang ngayon ay karga ni Lucas.
“Go with Ate Farra muna to take a bath kasi you will spend the day with your Daddy,” nakangiti kong sabi sa anak na mabilis naman niyang sinunod at halata ang excitement sa mga mata.
“You will let our daughter to be with me today?” kaagad na tanong ni Lucas sa akin.
“Oo kaya sana huwag mong sirain ang tiwala ko Lucas,” kaagad kongvtugon sa naging tanong niya.
“Why are you being like this, Erem? Why are you being nice to me?” biglang tanong nito.
“Ano bang gusto mong trato ko sa iyo? Gusto mo bang murahin at awayin kita, ganoon ba? Don’t worry, hindi ako ganoong tipo ng tao Lucas. Kung iniisip mo iyong mga nagawa mo noon, huwag kang mag-alala, nakabaon na lahat iyon sa limot,” malumanay kong sabi.
“I’m sorry,” he said while directly looking in my eyes.
“Spend the day with Cianna at iuwi mo siya sa akin nang ligtas at masaya. That’s all what I want Lucas.”