CHAPTER 23
“I was never your wife, Lucas. Our marriage is fake!” I said while directly looking into his eyes at kita ko na mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa mga binitawan kong salita.
“You’re lying Erem, you’re lying!” galit na sigaw ni Lucas habang masama ang tingin sa aming dalawa ni Dad.
Hindi nakawala sa paningin ko ang gulat na reaksiyon nila lalo na ang mommy niya na mukhang may ideya na sa mga puwede kong sabihin.
But I don’t care! Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Inumpisahan nila. Puwes, tatapusin ko!
I turned my gaze to attorney Amanda who looks so nervous.
“Why don’t you ask your own mother, Lucas? Bakit hindi mo sa kaniya itanong mismo kung nagsisinungaling ba ako?” I said while looking at Attorney Amanda na bakas ang kaba sa mga mata.
“Attorney Amanda, bakit hindi ikaw mismo ang magsabi sa anak mo na totoo ang sinasabi ko? Na peke ang kasal namin at palabas lang lahat ng iyon para sa kapakanan niya? Why don’t you tell him na ginawa mong kontrolin at sirain ang buhay ko para sa patapon na buhay ng nag-iisa mong anak?!
“Watch your words, Erem!” galit na sabat ng Daddy ni Lucas. Kaya naman bumaling ako sa kaniya na may masamang tingin.
“Oh kinakabahan po ba kayo sa mga sasahihin ko, Doc? Kinakabahan ka bang masabi ko kung paano mo ako muntik nang pagsamantalahan noon sa mansion ninyo? Natatakot kayong malaman ng asawa at anak mo na pinagnasaan mo ako dahil bata ako noong mga panahon na iyon?!”
“What the fuck are you talking about, Erem?!” galit na sigaw muli ni Lucas.
“Masyado kang feelingera, Erem! Stop it! Nakahihiya ka! Kumabit ka na nga sa isang matanda tapos gumagawa ka pa ng eksena ngayon! Have some class and decency, girl!” maarteng sabat naman ni Nikki na ikinatawa ko lang.
“Well, tell that to yourself Nikki dahil sa ating dalawa, ikaw ang walang class!” mapang-insulto kong tugon ‘tsaka siya inirapan lang.
“How dare you?!” tugon niya pabalik at akmang tatayo sana para sampalin ako pero pinigilan siya ni Dad.
“Slap Blythe and I will make your life like hell!” puno ng galit na sambit niya sabay simsim sa wine niya.
“Attorney, hanggang ngayon ba ay walang alam si Lucas sa mga ginawa mo?” baling ko sa ginang na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang tensiyon sa mga mata, “May sakit ka na nga at lahat, marami ka pa ring sikreto. Hindi kaya kinakarma ka na?” nakangisi kong sabi.
Halos dinig ko na ang tibok ng puso niya.
“Well, Luca—” Naputol ang sinasabi ko nang magsalita si Attorney Amanda.
“Erem, don’t you dare tell him!” may pagbabanta sa boses nitong saad.
“You’re hiding something from me mom?!” Lucas said while looking so confused to her mother.
“Of course n—”
“Yes, she’s hiding something from you!” putol ko sasabihin sana ni attorney Amanda, “Stop hiding your secrets, Attorney Amanda. Limang taon akong nawala at akala ko malalaman niya na ang lahat, pero hindi pa rin pala so let me tell him everything.”
Hinarap ko si Lucas.
“Your mother forced me to marry you, Lucas. She forced me. Tanda mo noong pumutok ang issue tungkol sa iyo at ang scandal mo? Pinuntahan niya ako sa university para takutin at pagbantaan dahil gusto niyang akuin ko lahat ng pagkakamali tungkol sa scandal mo at palabasin sa media na may relasyon tayo. Ako naman si tanga sumunod at ginawa ang sinabi niya,” pagsisimula ko.
“Dahil gusto mo rin talagang maging sa iyo si Lucas kasi may gusto ka sa kaniya,” maarteng sabat na naman ni Nikki.
“Maaring gusto ko siya noon pero hindi ko pinangarap na maging sa akin siya sa ganoong paraan!” tugon ko.
“You have your own mind to decide, Erem. Bakit ka pumayag?! Stop blaming my mother dahil ginusto mo rin ang lahat!” pagsali naman ni Lucas nang may galit na tono ng boses niya.
“Maaring ginusto ko ang lahat pero hindi Lucas e, hindi. Binayaran niya si Mama ng malaking halaga para kung sakaling tumanggi ako ay may pang-black mail siya sa akin at sa nanay ko. I don’t have any choice but to agree dahil wala akong kawala sa mga gusto ng mommy mo kasi ayaw kong makulong ang Mama ko!” pagpapatuloy ko.
“Pumayag akong gawin lahat ng gusto niya para sa ikalilinis ng pangalan mo. Pumayag ako sa kasal na gusto niya na sana ay hindi ko dapat ginawa dahil naging isang bangungot at kalbaryo ang buhay ko simula ng ikasal ako sa iyo!” singhal ko.
“Doc Lucio, alam mo ba kung bakit binayaran ni attorney Amanda ang Mama ko ng dalawang milyon?” baling na sabi ko sa daddy ni Lucas na walang kibong nakikinig lang sa mga sinasabi ko, “Because your wife is you’re brother’s mistress!”
Bakas ang gulat sa mukha ng mga Sandoval.
“So hindi niyo rin pala nalaman ang iba niya pang dahilan kung bakit binayaran ng malaking halaga ang nanay ko? Attorney, ako ang nahihiya sa propesiyon mo. Napakarami mong sikreto!” Tinawanan ko siya nang may pang-iinsulto.
“Binayaran niya ang Mama ko dahil siya ang totoong kabit ng kapatid mo, Doc! Bukod sa pagpapakasal ko kay Lucas, dalawang milyon ang binigay niya, kasi gusto niyang lumayo ang nanay ko para wala siyang kahati sa atensyon ng kapatid mo!” pasigaw kong sabi para marami ang makarinig.
Isang malakas na sampal ang sinalubong ko mula kay attorney Amanda matapos kong sabihin iyon. Bakas na bakas sa mukha niya ang sobrang galit pero wala akong pakialam.
“How dare you?!” Dinuro niya ako pero hindi ako nagpatinag.
“How dare you too, Attorney?! How dare you para ipa-raid ang bar na tinayo ni Mama at ipakulong siya? How dare you para ipapatay siya nang malaman mong tinutulungan siya ng tito ni Lucas?! Bakit mo pinapatay sa loob ng kulungan ang Mama ko?!” pasigaw na sambit ko sa kaniya habang dinuduro siya pabalik.
Nag-umpisa nang mag-init ang bawat sulok ng mata ko dahil naalala ko ang lahat ng sinapit ng nanay ko dahil sa kasakiman nila.
“Amanda, what did you do?!” biglang tanong ni Doc Lucio
“I can’t believe you, Mom!” si Lucas sabay sapo ng dalawang palad sa mukha.
“Hindi ninyo alam kung gaano kasakit sa akin noong malaman ko na patay na ang Mama ko, pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko nang malaman ko na kayo mismo ang gumawa noon sa kaniya. Tanggap ko nang diniktahan at kinontrol ninyo ang buhay ko noon, pinagkaitan niyo ako ng kalayaan at pagkakataon sa buhay, pero ang hindi ayos sa akin ay iyong malaman ang katotohanan na nasira ang buhay namin ni Mama nang dahil sa mga taong katulad ninyo. Pinagkaitan ninyo ako ng pagkakataon na makasama siya dahil sa mga kasakiman ninyo!”
Hindi ko na nakontrol ang emosyon ko. Bigla kong binalingan si Lucas.
“At ikaw Lucas! Sobrang sising sisi ako na ginusto at minahal pa kita! Sana hindi na lang kita nakilala, baka hanggang ngayon ay buhay ang Mama ko!”
“Kung tutuusin ay puwedeng puwede kitang kasuhan at ipakulong, Attorney Amanda. Dahil bukod sa may ebidensiya ako, siguradong mawawalan ka ng lisensiya bilang abogado! Pero huwag na lang dahil sure naman ako na ngayon pa lang nag-uumpisa ka ng makarma!” singhal ko, “Hindi kayo mga tao kung tutuusin lalo ka na, Attorney! I used to admire you before, pero mali pala ako ng hinangaan na tao! Basura ang pagkataong mayroon ka. Basura kayong lahat!” sigaw ko sabay duro sa kanila isa-isa.
Mabilis kong pinahid ang mga luhang nakatakas sa mga mata ko matapos na sabihin iyon kay Lucas, dahil sa totoo lang, sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyari ay hindi ko maiwasang masaktan at magsisi. Sobrang sakit na maalala na dahil sa kanila, muntik nang gumuho ang lahat ng pangarap ko. Na dahil kay Lucas, muntik ko ng makalimutang mahalin ang sarili ko.
“Pero minahal mo ako, Erem!” dinig kong sabi ni Lucas ng akmang tatalikuran ko na silang lahat.
“Nakatatakot at nakapapagod kang mahalin, Lucas. Sana hindi ko na nga lang naramdaman iyong pesteng pagmamahal na iyon. Nadurog at nasira ako nang dahil doon!” Umiling ako. “Ngayon na alam ninyo na ang lahat, magsama-sama kayo tutal ay pare-pareho kayong basura ng magulang mo,” sabi ko ‘tsaka sila tinalikurang lahat.
“Let’s go Dad,” pag-anyaya ko ulit kay daddy na prente lang na nakaupo na tila nanonood ng isang komprontasyon sa isang palabas.
Alam kong narinig nila ang naging pagtawag ko kay Dad ng ‘Daddy’ na sinadya ko talagang iparinig, pero hindi ko na sila nilingon pang muli.
“Mommy!” napalingon ako nang mabilis nang marinig ang boses ng anak kong tinawag ako at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makitang papalapit siya sa gawi namin kung saan nakatayo at nakatingin sa kaniya sila Lucas.
Napatingin ako kay Dad para sana humingi ng saklolo pero mukhang wala siyang balak na tumayo mula sa kinauupuan.
“Mommy nandito ka lang pala. Hello Grandpa! Tapos na po ba ang dinner meeting? Let’s go home na po kasi I’m sleepy na talaga,” nagpapa-cute na sabi ni Cianna habang nakayakap sa bewang ko.
“Cianna!” dinig kong sigaw naman nang humahangos na si Farra.
“I’m sorry Ma’am tinakasan ako e, gusto kasing maglibot at hanapin kayo ni sir. Sinabi kong hindi puwede pero natakasan pa rin ako e!” paliwanag niya sa akin.
Pansin ko ang tingin nilang lahat sa anak ko, lalo na si Lucas na tila sinusuri si Cianna gamit ang tingin.
“Cianna, let’s go na anak. Uwi na tayo,” sabi ko sa anak at ‘tsaka siya binuhat para hindi na matingnan pa ni Lucas.
“Hello everyone! Sorry po sa istorbo. My name is Lucianna Adrielle Valderama Sandoval, I am four years old po,” masayang sabi ng anak ko na tila inosente sa tingin ng mga taong nakatingin sa kaniya sa mga oras na ito.
“She’s a Sando—”
“No! Let’s go, Dad!” putol ko sa sasabihin ni Lucas ‘tsaka muling inaya si Dad na ngayon ay nakatayo at nakaalalay na sa akin dahil karga ko si Cianna.
“Dad? So he is your father?” naguguluhang sabi ni Nikki habang papalit-palit ang tingin sa amin, “Lucas, that baby girl is like a girl version of you!” dinig kong dugtong pa ni Nikki.
“Mommy, baba po please,” nakikiusap na sabi ni Cianna kaya naman binaba ko siya kahit na labag sa loob ko.
“Mommy?” pagtawag niyang muli sa akin habang nakatuon ang tingin sa isang direksyon, “Mommy, Daddy ko po ba iyong ka meeting mo?” basag na boses niyang tanong— hudyat na naiiyak na siya.
Kaya naman tinahak ng mga mata ko ang kung ano mang tinitingnan niya at kaagad na nagsalubong ang tingin naming dalawa ni Lucas.
“Alam niya na po ba, Mommy?” tanong na namang muli ni Cianna habang hawak ang kamay ko.
“Not yet, baby. Sama ka muna kay Ate Farra, I will talk to him first tapos ipakikilala kita sa kaniya, okay?” umiiyak ko ng sabi dahil naging sunod-sunod ang pag-agos ng luha ng anak.
“Can I hug him before I go, Mommy?” tanong ng anak ko na tila nakikiusap sa akin.
Hindi ko tuloy napagilang mapaiyak. Sobrang sabik siya na makilala ang ama, kaya sobrang sakit para sa akin na makitang umiiyak siya dahil sa mga oras na ito ay nakita niya na ang ama kahit na hindi pa siya kilala nito.
“Mommy, please?” pag-ulit niya sa nakikiusap na boses.
“Go on, my princess. Grandpa is here.” Si Dad na ang sumagot para sa akin kaya naman mabilis na tumakbo si Cianna kung saan nakatayo si Lucas.
“Can I hug you po?” dinig kong tanong niya sa ama.
Hindi agad sumagot si Lucas, bagkus ay tumingin muna sa akin, kaya tumango ako bilang pagsang-ayon sa gusto ng anak ko.
Niyakap siya ni Cianna sa leeg ng magpantay ang tingin nila mag-ama. Tila dinudurog ang puso ko sa nakikita kaya sinenyasan ko si Farra na akayin na palabas si Cianna.
“Sana po tanggap mo ako kapag sinabi na ni Mommy kung sino ako. Bye-bye po!” kumakaway pang sabi ni Cianna bago tuluyang sumama kay Farra.
May luha sa mga mata ang anak ko pero kita ko ang pagkatuwa niya. Marahil ay nakita at nayakap niya na ang amang matagal ng gustong makita.
“Is she mine, Erem?” malungkot na tanong ni Lucas, “And this old man is—”
“My father, Lucas. He’s not my sugar daddy dahil siya ang amang matagal ko nang pinangarap na makita at makilala. And Cianna… Yes Lucas, she’s your daughter.”
“But how?!” malungkot at tila naguguluhan niyang tanong.
“I convinced her doctor to inform you that the baby didn’t survive because I want my daughter to have her reason to leave you! I can sue all of you! From forcing her to marry you, pati ang pagpapatay sa Mama niya at ang pagpapakalat ng issue tungkol sa kaniya at sa akin. So better be ready! Let’s go, sweetie,” galit at seryosong sabi ni Dad bago tuluyang nagmartsa palabas ng restaurant.
“Erem,” dinig kong habol na tanong ni Lucas sa akin nang sundan ko si Dad palabas ng restaurant.
Mabilis ko siyang nilingon at sakto namang nagtagpo ang tingin naming dalawa, at kita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya.
“C-can you introduce me to her?” utal niyang tanong sa malungkot na boses.
Huminga muna ako nang malalim at tinanaw si Dad sa exit ng restaurant na naghihintay sa akin. Ngumiti siya sa akin bago tumango. Marahil ay hinayaan na niya akong magdesisyon tungkol sa tanong ni Lucas na narinig niya.
“Yes I can, but I have my conditions.”