CHAPTER 25
Nang araw ding iyon ay pinili kong pumasok sa opisina para gawin ang mga trabahong nakaatang sa akin.
Sumasagi kasi sa isip ko na baka hindi ibalik sa akin ni Lucas si Cianna, kaya ginawa ko na lang abala ang sarili ko kaysa naman mag-isip ako ng kung ano-ano.
Nasa social media pa rin ang article na kumalat tungkol sa akin at kay Daddy bilang sugar daddy ko umano pero hindi ko na lang pinagtuunan pa ng pansin dahil alam ko namang lilipas din ang bagay na iyon.
Lumipas ang buong araw ko na nasa opisina lang ako dahil bukod sa binabaling ko sa iba ang atensyon ay dini-distract ko rin ang isip ko sa mga bagay na alam ko na posibleng mangyari lalo ngayong alam na ni Lucas ang tungkol sa anak namin.
Natatakot akong baka kunin at ilayo niya sa akin ang anak ko. Bilang isang ina ay hindi maalis sa akin ang mag-isip at mag-alala, dahil kilala ko si Lucas at alam kong gusto niyang makuha lahat ng kahit anong gustuhin niya.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa opisina ko at pumasok si Daddy. Sumama kasi siya ngayong araw sa akin dito sa trabaho para tapusin ang mga kailangan niyang tapusin.
“Sweetie, it’s already seven o’clock in the evening,” he said and seated on the swivel chair in front of me, “You skipped your lunch, Blythe!” May bahid ng pagkamaawtoridad sa boses niya. Ang punto kasi ni Dad ay nalilipasan ako ng gutom.
“I just got busy Dad,” pangangatuwiran ko.
“Saan ka naging busy? Sa pagtulala buong araw dito sa office mo?! Come on, anak I know you. Alam kong iniisip mo si Lucas,” nanunudyong sambit ni Dad, dahilan para mapaayos ako ng upo at gulat na tumingin sa kaniya.
“Of course not, Dad!” mabilis kong depensa sa kaniya.
“So defensive,” natatawang sabi ni Dad kaya naman inirapan ko siya, “I didn’t expect that you will let my apo to be with Lucas today, but I guess I’m wrong,” biglang seryosong sabi ni Dad.
“Cianna wants to be with him, Dad. Alam at ramdam ko iyon kahit hindi niya sabihin,” sagot ko.
“Oo nga pala, Lucas called me earlier para sabihing nakauwi na sila,” imporma sa akin ni Dad.
“Thank God, inuwi niya ang anak ko! Let’s go home na Dad. I miss Cianna! Siurado ako na maramimg ikukuwento sa akin ang batang iyon,” I said while gathering all my things that scattered on my office table. Masyado kasi akong marami ginawang trabaho kanina kaya naman halos nakasabog ang ilan sa mga gamit ko.
“Blythe, I know you’re thinking about something. So tell me, what is it?” seryosong tanong ni Dad sa akin. Tanong na alam ko na hindi lang siya interesado sa isasagot ko kung hindi concern siya at gusto niyang iparamdam sa akin na karamay ko siya sa lahat.
Mula nang makilala at makasama ko si Dad, hindi siya palaging nagtatanong kung kumusta ako, pero madalas niyang iparamdam sa akin na kasama ko siya sa lahat ng bagay— karamay ko siya sa lahat ng sakit at lungkot sa buhay at higit sa lahat, palagi siyang handa na umalalay sa akin sa tuwing nalulungkot at nahihirapan ako.
“Mahal mo pa ba siya?” muling tanong sa akin ni Dad gamit ang pinakaseryoso niyang boses.
“Mas mahal ko na ang sarili ko Dad,” tugon ko na lang.
“So mahal mo pa nga siya anak?” biglang saad ni Dad
“Mas mahal ko nga ang sarili ko Dad. Mas mahal ko si Cianna at ikaw,” sagot kong muli sa tanong ni Dad.
“What if Lucas will ask you for a second chance, ibibigay mo ba?” tanong muli ni Dad.
“Why are you asking these questions , Dad? Alam mo naman iyong mga dinanas ko sa kaniya, ‘di ba?!” may inis sa tono kong sagot.
“Kasi gusto kong makasiguro muna sa lalaking iyan bago mo siya papasuking muli sa buhay mo. Ayaw kong masaktan ka ulit nang dahil na naman sa kaniya!”
“Dad, papasukin ko man siya o hindi sa buhay ko, wala akong magagawa. He’s Cianna’s father at wala tayong magagawa sa bagay na iyon,” pagtugon ko.
“I just want to make sure hija, ayaw ko lang na masaktan ka at ang apo ko!” may bahid ng galit sa boses ni Dad.
Alam ko kung bakit nagkakaganito si Dad. Minsan na kasi niya akong nakita na nahirapan at nasaktan nang sobra kaya nauunawaan ko kung bakit ganito siya mag-react.
“Awww, ang Daddy ko nag-aalala sa akin,” nanunudyo kong sabi para kahit paano ay maiba naman ang mood niya.
“Tsk!” tanging tugon lang sa akin sabay irap.
“Dad, mahal ko man siya o hindi, mananatili siyang parte ng buhay ko, ng buhay natin dahil siya ang ama ng anak ko. Kung nag-aalala ka na baka masaktan ako, don’t worry Dad, I will never let that happen again. Wala rin naman sa plano ko ang makipagrelasyon dahil masaya at kuntento na ako sa buhay ko. I have you and Cianna at okay na ako roon.”
“Don’t you want to have someone in your life? Someone you can lean and defend on? Don’t get me wrong anak, okay? But you still have your own life at kailangan mo ng magpapasaya sa iyo bukod kay Cianna…” puno ng pag-aalalang sabi ni Dad.
“Dad, I don’t need someone in my life except you and Cianna, okay? Masaya na ako sa buhay ko Dad. I’m living the best life than before! Masaya ako sa kung anong mayroon ako at hindi ko kailangan ng someone sa buhay ko. Isa pa, Cianna is my life kaya okay na okay ako Dad at kasama kita kaya mas lalo akong masaya,” pagsisimula ko.
“Maaring mahal ko pa nga si Lucas pero Dad, mas mahal ko nang higit ang sarili ko at hindi ko na hahayaan na masaktan na naman ako. It’s not like that. I will never let someone to hurt me again, okay? ‘Tsaka dad, nakapapagod kaya masaktan kaya mas mabuting focus tayo sa self love. At least doon, sigurado ako na safe and secured ang puso ko.”
Tumango-tango siya.
“I’m so proud of you hija. You’re really a strong woman at nakatiuwa lang kasi isa ako sa mga masuwerteng ama dahil ikaw ang anak ko. I may have lots of shortcomings as your father, but still you grew as a better person.”
“Dad naiiyak ka na, tama na sa ganitong usapan,” nanunudyo kong sambit dahil kita ko ang pamumula ng mga mata niya.
“Gusto ng bawiin iyong sinabi ko. You are such a bully daughter!” inis niya kunwaring sabi.
Tinawanan ko lang ang sinabi niya dahil sa totoo lang ay masaya akong makapag-usap ulit kami ni Dad ng ganito.
“By the way, what’s your plan about Lucas and his family? Hindi mo ba talaga sila kakasuhan?” kunot-noong tanong ni Dad. Marahil ay naalala ang tungkol sa matagal na naming napag-usapan— ang kasuhan ang mga magulang ni Lucas oras na magkaharap na kaming lahat, lalo na ni Attorney Amanda.
“Hindi na Dad,” maiksi kong tugon, “Gustuhin ko man pero maapektuhan si Cianna, kaya huwag na lang Dad. Ang Diyos na lang ang bahala sa lahat. Okay na siguro iyong hindi ko pagpayag sa partnership, Dad. Alam ko na noon pa lang pangarap na ni Lucas ang maging CEO, pero ayaw ko na ang company natin ang maging dahilan para makuha niya iyon. Isa pa, bahala siya sa buhay niya. Kailangan niyang paghirapan ang lahat ng mga pangarap niya. Kahit doon man langa ay makaganti ako sa kaniya bukod sa kinakarma na ang Mommy niya!”
Kahit gusto kong magbayad si Attorney Amanda sa mga nagawa niyang kasalanan, pinili kong huwag na lang ituloy ang pagsampa ng kaso sa pamilya nila. Gusto kong bigyan ng hustisya ang ginawa niya sa akin lalo na kay Mama, pero alam kong lubos na maapektuhan ang anak ko kapag ginawa ko iyon. Hahayaan ko na lang ang Diyos ang humusga sa huli. Mauunawaan naman ako ni Mama kahit na wala na siya, dahil hindi lang naman palaging sa pagsampa ng kaso nakukuha ang hustisya. Minsan, nakakamit rin iyon kapag ipinakita natin sa kanila na naging matagumpay ang buhay sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan.
“Alright sweetie, let’s go home kasi kanina pa naghihintay sa bahay si Lucas. He wants to talk to you,”
“Sa iyo nagpaalam?!” gulat kong tanong habang salubong ang kilay.
“Kailangan ninyong mag-usap and I’m sure gusto mo rin iyon anak. Let him know what you really feel for the past years. Masakit man alalahanin lahat but I know it will help you totally heal from everything. From everything that happened before. I’m here for you, sweetie, “ seryoso pero nakangiting sabi ni Dad. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti rin kaya naman mabilis ko siyang niyakap.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at suporta ng isang ama, at sobrang saya ko dahil mula nang makilala ko siya, kailanman ay hindi na ako nakaramdam na mag-isa ako sa buhay.
“I love you Dad and thanks for always being there for me.”
Siguro tama nga si Dad, I should talk to Lucas and let him know what I really feel.
Masakit man pero kakayanin kong masabi sa kaniya ang lahat ng mga inipon kong sakit at hirap mula pa man noon.
“Okay Dad. I will talk to him, kakausapin ko si Lucas.”