CHAPTER FOUR

PIGIL ang hininga ni Jandie habang pinagmamasdan si Aaron papalapit sa kaniya. God, he's so attractive! He's wearing a dark blue trouser and a gray fitted shirt. Napalunok siya nang mapagmasdan ang katawan nito. His six-packed abs ay lalong bumakat dahil sa suot nito.

"You missed me?"he teased when he caught her feasting on his body.

She blushed and turned her face away in an attempt to hide it.

"You looked very flushed and nervous. I wonder why?"he asked as he walk towards her with confidence.

Napaatras si Jandie nang humakbang ulit si

Aaron palapit sa kaniya.

"Scared?" he grinned.

"Go away! Don't you dare come near me!" she blasted habang patuloy na umaatras palayo.

Lalong lumapad ang pagkakangiti nito. Bakas ang amusement sa mga mata ng binata. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito at patuloy pa rin ang paglapit sa kaniya.

"Watch your step." babala nito, and in a long stride—tuluyan na siyang nakalapit sa kaniya.

"I said, go aah!!"

Bago pa man siya mahulog sa tubig ay mabilis na siya nitong nayapos sa baywang. Nanlambot ang mga buto niya dahil sa takot. Idagdag pa ang pagkakadikit ng kaniyang katawan sa katawan ni Aaron at lalo pa siyang nanginig dahil sa nadarama niyang init ng mga palad nito sa kaniyang baywang.

"That’s what you got for not listening to me." Although he said it like that, the way he spoke those words doesn’t really feel like he’s blaming her. She looked up to him and they gazed at each others eyes and stayed that way for who knows how long.

Pilit niyang inignora ang init na nanulay sa kaniyang mga ugat hatid ng paglalapat ng kanilang

mga katawan. Aaron struggled with the burning sensation inside him— the lust that he felt for her.

Pilit niyang inignora ang nararamdaman dahil baka hindi siya makapagpigil ay muli nanaman siyang matukso na angkinin ang mapag-anyayang mga labi ng dalaga.

Unconsciously, ibinaba niya ang kaniyang paningin at tila nabuhay ang kaniyang pagkalalaki nang mapadpad ang kaniyang mga mata sa dibdib ni Jandie. He didn't want the lust that he’s feeling while staring on her breasts as it moves up and down against his broad chest kaya naman ipinilig niya ang kaniyang ulo. Bagama't nakadamit ito at hindi naman nakalantad ang dibdib, his manlihood is already raging inside.

He doesn't want to love her. It would be more disastrous if he does. Atraksiyon— iyon ang alam niya pero ‘di niya rin nais ang atraksiyong nararamdaman.

Lust and attraction. Ang mga salitang iyon ang paglalarawan niya sa nararamdaman para kay Jandie. Pinagtatawanan niya rin ang sarili kapag sumasagi sa isip niya na baka nahuhulog na ang puso niya sa dalaga.

He got off his arms around her and ignored her luscious curved body. Marahas niya ring hinila ang kamay ng dalaga palayo sa lawa.

"Good. You found your way back to Grandia all on your own. Hindi ko na kailangang umapak sa teritoryo ng mga Sulivan para malapitan ka." pagkuwa'y ani Aaron.

Nagtaka si Jandie sa bilis ng pagbabago sa ekspresiyon ng mukha nito. Bakit bigla itong nagalit?

"I'm here for a vacation at para dalawin si Karen. I don't intend to play games with you, Mr. Fontierra." Nakipagtagisan siya ng titig dito.

"Oh, yeah? Did you forget where you are, Ms. Sulivan? You’re in my teritory,"malumanay pero mariing paalala ni Aaron.

"How could I ever forget? Say whatever you want, but I'm not leaving this place yet Mr. Fontierra." Hanggang masiguro kong ligtas ka na sa kamay ng ama't kapatid ko. Gusto niyang idagdag, pero nagpigil siya.

"Good. Dahil kahit gustuhin mong umalis ay hindi mangyayari iyon," makahulugang anito.

"What was that supposed to mean?" kunot- noong tanong ni Jandie.

Ngumisi ito nang nakaloloko. "You'll find out soon, Maria Jandie." tugon ni Aaron bago nito marahas na binitawan ang kamay ng dalaga at humakbang patungo sa kinaroroonan ng itim na kabayo.

Hanggang sa makaalis si Aaron ay umaalingawngaw pa rin sa kaniyang pandinig ang huling sinabi nito.

May pangamba sa puso niya na baka mas lalo lang lumala ang problema kapag nakialam siya.

Ngunit hahayaan na lamang ba niya na mapahamak si Aaron sa kamay ng kaniyang ama at kapatid?

Galit na galit si Jason nang mariing itinanggi ni Karen na doon nagtungo si Jandie. Binantaan niya ang kaibigan ng kapatid para umamin ito sakaling itinatago lang nito si Jandie pero wala itong inamin. Palabas na siya kasama ang ilan sa mga bodyguards niya sa nasasakupan ng Melbourne Valley nang may itim na van ang humarang sa gitna ng kalsada.

"Anong nangyari?" tanong ni Jason sa driver niya nang bigla itong nagpreno

"Boss, may biglang humarang sa daan.

Agad bumaba mula sa kotse ang dalawang tauhan ni Jason. Sunod-sunod ding nagsibaba mula sa itim na van ang mga armadong kalalakihan. Nagliyab ang galit ni Jason nang mapagsino ang huling lumabas doon. Agad siyang bumaba sa kotse at galit na sinugod si Aaron. Ngunit mabilis siyang hinarang ng kaniyang dalawang bodyguards nang tutukan siya ng baril ng mga tauhan ni Aaron.

Ngumisi si Aaron dahil sa reaksyon ni Jason.

"Wala ka pa ring ipinagbago, Jason. Masyado ka pa ring matapang." Nang-uuyam nitong sinalubong ang nagpupuyos na lalaki. "Baka nakakalimutan mong andito ka sa teritoryo ko." Mapanganib nitong tinitigan isa-isa ang mga tauhan ng huli.

"Damn you, Mc Fadden! Hinding-hindi ako aapak dito sa teritoryo mo kung hindi ka muling nagpakita sa kapatid ko!" bulyaw ni Jason.

"Wala namang masama, 'di ba? Ang masama ay kung si Maricar ang nilapitan ko." Ngumisi itong muli. "Sa pagkakatanda ko, sinabi mo noon na huwag na huwag na muli akong lalapit at magpapakita kay Maricar, hindi kasali sa usapan si Jandie, hindi ba?" Kasunod ang pagsenyas nito sa mga bodyguard niya para ibaba ang mga baril.

"Hayop ka! Huwag mong idamay ang kapatid ko rito! Hinding-hindi kita bubuhayin pa sa pangalawang pagkakataon!" Banta ni Jason na ikinatawa naman ni Aaron.

"Iyon ay kung magkakaroon ka ulit ng tiyansa para patayin ako, Jason. Pagsisisihan mo kung bakit hindi mo ako pinatay noon. Sinisiguro ko sa 'yo, Sulivan."

"Hindi ako natatakot sa 'yo, hayop ka! Huwag mong guluhin ang buhay ng kapatid ko kung ayaw mong ibaon kita nang buhay!"

"Puwes, huwag ka nang magkakamaling aapak pang muli rito sa teritoryo ko dahil baka ikaw ang ililibing kong buhay." mariing banta ni Aaron.

"Tantanan mo ang pamilya ko kung ayaw mo nang gulo."

"Pag-iisipan ko." saka ito ngumisi. "Ngunit kung ayaw mong may mangyaring masama sa kapatid mo, huwag ka nang paparito ulit."

Nagpupuyos ang kalooban ni Jason. Ngayon ay sigurado na siyang nasa poder ni Aaron si Jandie. He cursed his sister for such a hardheaded. Ngayon ay naging bihag siya ni

Aaron at sigurado siyang ito ang gagamitin niyang sandata para maagaw si Maricar sa kaniya. "Damn! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!"

"Sa ngayon, wala pa. Ngunit bukas, makalawa, o sa mga susunod na araw..." Ibinitin nito ang sasabihin.

"Huwag na huwag kang magkakamaling saktan si Jandie, Aaron. Wala siyang kasalanan sa 'yo!"

"Then give me Maricar instead." He doesn't mean that. Stupid him. Nagsukatan sila ng titig.

"Gago! Hinding-hindi iyon mangyayari!" Jason sneered.

"Then leave Jandie with me. At huwag ka na muling babalik dito kung ayaw mong ipadala ko sa inyo ang ulo ng kapatid mo!" mariing banta niya bago tumalikod at sumakay ng van.

"Hayop ka, Aaron!" Umabot pa sa kaniyang pandinig ang mura ni Jason sa kaniya habang naiwan itong nagwawala.

Mabilis na nakabuo ng desisyon si Jandie, aalis siya sa bahay ni Karen. Ayaw niyang mapahamak ang kaibigan niya at buong pamilya nito. Nang makaalis ang kuya niya ay lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan at mabilis na tinungo ang guest room at nag-impake ulit.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Jandie?" Nag-aalalang si Karen habang pinapanood siya nito sa pag-iimpake.

"Oo, Karen. Ayaw kong madamay ka at madamay ang asawa't anak mo," tugon niya. "Kung mahahanap man ako nina kuya at papa, mas mabuti nang sa ibang bahay ako matagpuan. Huwag dito dahil siguradong mapapahamak kayo."

"Kung may magagawa lamang sana ako para tulungan ka." Naaawang si Karen.

"May mga paupahan dito, hindi ba?" Pagkuwa'y tanong ni Jandie.

"Oo, mayro'n akong kilala na nagpapaupa ng bahay. Iyon lang siguro maitutulong ko, Jandie. Pasensya ka na, ha?"

"Okay lang iyon. Salamat sa tulong mo, Karen." Nagyakapan silang magkaibigan nang matapos siyang magbalot ng mga gamit.

Isang maliit na cottage malapit sa Meadow Lake ang inupahan niya. Maganda iyon at halatang alaga ang cottage. Nakilala niya ang caretaker ng bahay na si Aling Rosa sa pamamagitan ni Karen. Medyo malayo-layo iyon at walang gaanong nagpupunta roon. Bagay na ikinapanatag niya. May kalayuan ang cottage na iyon mula sa mga bahay ng mga tagaroon. Mainam na iyon para hindi siya agad matunton ng kaniyang ama at kuya. Hindi na niya pinansin

ang takot na maaring mapahamak siya dahil nag-iisa lamang siya doon. Ang mahalaga sa kaniya ay matupad ang kaniyang mga plano.

Magdidilim na kaya't naghanda na siya ng kaniyang hapunan. Mabuti na lamang at hindi nagsawa si Karen na bilhan siya ng mga groserya para sa kusina. Nag-iingat siya sa paglabas-labas dahil baka maka-engkuwentro niya ang mga tauhan ng ama. Alam niyang hindi papalya ang ama sa pagpapadala ng mga tauhan para hanapin siya. Matapos kumain ay agad siyang naligo. Maalinsangan dahil umpisa na ang summer.

Ilang minuto din ang itinagal niya sa banyo bago nagdesisyong lumabas. Pakanta-kanta siya habang inaayos ang pagkakabuhol ng kaniyang roba. Dinampot niya ang tuwalya at lumabas habang tinutuyo niya ang buhok sa pamamagitan ng puting tuwalya.