chapter 7 Road to epic
"Wow naman beshy, pa epic ka na pala? Ang bilis naman!" Naiinggit na tili ng kayang kaibigang bakla.
"May malakas na nagbubuhat eh, paano ba yan..." Kinikilig na sabi ng dalaga.
"Naku ha mamaya niyan, bubuhatin ka lang para ibagsak! Pabirong sabi nito na agad din naman napahawak sa braso nito na tinampal ng dalaga.
"Ouch naman beshy! Muntik na magkahiwalay mga love joints ko sa lakas ng hampas mo ah." Reklamo nito sabay agaw sa cellphone na hawak ng dalaga. Itinakbo nito iyon at napasigaw na lang ang dalaga sa ginawa nito.
"Hoy, naka in-game ako lukaret! Afk labas ko niyan mamaya. Akin na nga yan, ginugulo mo laro ko eh." Parang batang nagdadabog at nagpapadyak pa sa sahig ang dalaga. Buti na lang talaga at classic lang ang nilalaro niya noong araw na iyon. Pinag-aaralan kasi niya iba ibang hero kasi sabi dun sa favorite streamer niya na kailangan nga daw sa epic division marunong ka kahit na anong hero kasi nga may banning daw. Paano na lang daw kung yung main hero mo yung maban eh di tutunganga ka lang sa rank.
"Ibabalik ko to sayo in one condition!" Iwinasiwas pa nito ang cellphone ng dalaga sa hangin na para bang wala talaga itong balak na ibigay ito dito.
"What's the condition ba? Baka naman mamaya niyan katawan ko kapalit wag na lang. Ayaw kol bata pako kol!" Pabirong sabi ng dalaga sa pamosong linya ng mga gen z ngayon.
"Loka ka, di ako pumapatol sa kapwa ko sirena, baklang to!" Kunwaring nangdidiri na tili nito.
"Ano ba naman kasi iyon, bilis na 3 minutes na oh AI na talaga nagdadala ng saber ko ngayon."Nagpapaawang sabi ng dalaga dito.
"Bigyan mo ko skin ni kadita." Nagsasayaw pa ito habang nakawasiwas pa rin ang cellphone ng dalaga sa hangin.
"Aba't ang mahal kaya noon. Iba na lang libre na lang kita Mang inasal may unli-rice na, sigurado mabubusog ka talaga." Wika ng dalaga na pilit inaabot Ang cellphone na hawak nito. Ayaw niyang ma afk dahil 92 na lang yung credit score niya kagabi at kung ma afk ulit siya ngayon baka di na siya makalaro sa rank.
"Ayoko ng foods. Kadita skin lang sapat na." Hirit pa nito at dahil kalkula Ng dalaga nasa 3 minutes na talaga siya nawawala sa laro kaya napilitan na lang siyang umoo dito.
"Sige na, sige na. Gcash ko na lang mamaya after ng game. Sama mo!" Saka niya biglang inagaw ang cellphone na agad din naman nitong binitiwan noong marinig nito ang sinabi ng kaibigan.
"Sabi mo yan ha. Dito lang ako until matapos ang game." Sabi nito na pumuwesto na sa kung saan abot-kamay niya lang ang dalaga kung sakali may balak itong tumakas.
Natatawa na lang ang dalaga sa kakulitan ng best friend niya. Sanay na siya dito. Mula pagkabata ay higit na sa magkapatid ang turingan nila sa isa't-isa kaya di na sila nagkakapikunan.
"Tingnan mo AFK na talaga ako. Buti na lang talaga magagaling na mga AI ngayon lamang pa din kami sa gold." Pagyayabang pa Ng dalaga.
"Sus, buhat ka lang naman ng vale niyo eh. Kung di lang magaling mage niyo, talo yan." Kantiyaw nito.
"Bili ako vale mamaya. Mukhang madali lang naman gamitin." Sagot ng dalaga.
"Naku, wag na! Gagawin ka lang fertilizer ng kalaban. Tingnan mo nga build ng saber mo, mage ba iyan ha?" Pang aasar na naman nito.
"Di ka lang kasi nanonood ng mga streams eh kaya di mo alam. Ganyan build nila para one-hit-delete." Pagtatanggol niya sa binuong build.
"Sus, kakatiktok mo yan!" Wika nito sabay bato sa kanya ng unan.
Natatawa na lang na umilag ang dalaga at binalik na ang focus sa laro.