Chapter 6 love invite

"Uyy, ayaw mo na ako kalaro?"

Ilang segundo din napatitig sa screen ng cellphone niya ang dalaga. Hinintay niya na mag reply ang lalaki.

"Bakit pa? May iba ka ng kaduo di ba?" Reply naman nito.

"Uy, di ah. Siyempre ikaw pa din gusto ko kaduo. Selos ka noh?"

Biro niya sa lalaki.

Gulat na gulat naman siya sa sagot nito.

"Bakit may karapatan ba ako?

Mabilis nitong reply.

Natulala naman saglit ang dalaga. Di niya alam kung anong isasagot sa kachat.

"Laro na nga lang tayo sayang oras magbabatak ako ngayon, malapit nako mag epic eh." Pag iiba niya sa usapan.

"Game!!!"

Mukhang nakatunog naman to na ayaw niya pag usapan ang tungkol sa bagay na yun.

Di naman talaga dapat. Unang una di pa niya ito nakilala sa personal. Malay ba niya may asawa nato o pinagtitripan lang siya nito. Ayaw din naman niyang mapagtatawanan siya kung saka sakali. Di naman siya ganun kaatat magkaboyfriend at kung sinu sino lang yung kukunin niya sa tabi tabi kahit pa sabihin niyang ito ang pumupukaw ng damdaming babae niya.

"Open mic na ba?" Maya maya nakatanggap siya ng message nito noong nasa lobby na sila.

"Huh? Ahm ano kasi.."

Tarantang reply niya. Hindi niya alam kung bakit parang naeexcite siya na parang natatakot sa isiping mag open mic sila ng kaduo. Naduwag siya na di niya alam kung ano ang dahilan.

"Di ka pa ready?" Maya maya ay sagot naman nito.

"Medyo.."

"Ganito na lang, magseset tayo ng oras kung kailan natin gawin yun para exciting. hehe"

"Geh, may naisip ka ba kailan? haha" Sinakyan niya na din ang pagbibiro nito.

"Kailan ba dapat? Ikaw kung kailan mo gusto." Ayon naman dito.

"What if kung maabot ko na mythic division, mag open mic na ako. Ano game ka? haha" natatawang saad niya dito.

"Game.."

"Bah, mukhang ginagalingan mo naman masyado. Bilis natapos ang laban ah."

Chat ng dalaga after ng game nila noong araw na yun.

"Siyempre, may usapan tayo eh. Gusto ko na marinig boses mo." Mabilis na saad nito sa kanya.

"Wow ha! Para pala to sa kasundoan natin ha."

Kinikilig na naman ng lihim ang dalaga. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit nabubuhay nito agad ang kalandian niya.

"Boses na muna sa ngayon ang pangarap ko. Balang araw, makikita din kita tandaan mo yan. Ikaw kasi ayaw mo pa ibigay fb mo sa akin."

"Di ba nga sabi ko sayo we will take one step at a time. Mag enjoy na muna tayo sa laro."

Saad niya. Medyo matagal tagal na ding nangungulit sa kanya ang lalaki na mastalk man lang kahit fb account niya pero di siya nagpaunlak. Masaya siya kalaro ito at ayaw niya maputol yun. Gusto niyang hayaan na muna ang isip niya na mag imagine kung ano hitsura nito sa personal.

Sa isip niya, baka maglaho ang kilig na nadarama nila ngayon sa oras na makita nila ang isat isa.

Naisip din niya na baka natrauma na siya sa nangyari sa kanila ng dating nobyo kaya ayaw na muna niya ng seryosohang relasyon.

"Sabi mo eh. Basta pag mythic ka na yung usapan natin wag mo kalimutan."

"Oo na oo na po. A promise is a promise!" Para ng baliw na humagikgik pa ang dalaga kahit wala namang ibang kasama.

Mukhang di na niya nga naiisip pa ang dating nobyo at sa tingin niya ay ready na ulit siya sumubok na ulit. Pero wag na muna sa ngayon, ienjoyin na muna niya ang feeling Ng pinapakilig..

To be continued..