Chapter 8 The streamer

"Wazzzz up!!!"

"Busy?"

"What's wrong?"

"Lag ka ba?"

"Problema nito di ako pinapansin :("

Sunod-sunod na ginawang chat ng dalaga sa kaduo pero di nito nirereplyan kahit isa sa labis niyang pagtataka. Naninibago na siya kasi lagi naman ito noon na unang nagchachat sa kanya once makita nito na online siya. Pero ngayon ay ilang minuto na siyang naghihintay ng reply mula dito ay wala pa din.

"Tampo na ko, galit ka ba sa akin?" It was the last straw, totoong nagtatampo na siya sa kaduo. Pag ito di pa din magreply, iaunfollow na niya ito. Bahala na talaga. Sa isip niya ay di naman sila pero bakit ganun na lang ang nadama niyang pagtatampo dito.

"Hahaha nakalive ako wait lang end ko na live ko in 2 min shout-out ko lang mga viewers." Reply nito.

"Live??" Takang tanong niya.

"forgot to tell you I'm a streamer."

"That's why di ako nagrereply, nababasa ng mga viewers sa screen hahaha"

Natampal ng dalaga ang noo sa gulat at pagkapahiya. Ano na lang sasabihin ng mga viewers nito sa pangungulit niya.

"Aaahhhh kakahiya!" Sinubsob ng dalaga ang mukha sa unan.

Maya -maya pa ay nakita ng dalaga sa screen ng cellphone niya na may nag appear na 1 message sa inbox niya. Dali dali niya itong binuksan sa labis na pagkagulat sa nabasang mensahe.

"Puwede ba daw isang match request ng viewers, please! hahaha"

Mensahe nito.

"Live ka pa din?" Reply niya.

"Oo eh, kinukulit ako ng mga viewers."

"Eh yoko kakahiya di ako magaling." Pag aatubili ng dalaga.

"Sige na kunti lang naman viewers ngayon. Classic lang naman."

"Ilan ba followers mo?" Tanong ng dalaga na curious na din sa kaduo.

"Kunti lang. About a thousand. Ano game na?"

"Curious kasi viewers sayo. Ikaw kasi kulit mo kanina napilitan ako magreply baka tampo ka na talaga." Paliwanag nito.

"Sige. Pero 1 match lang ha off mo na live mo after, promise?" Paniniguro niya.

Sino ba naman kasi gustong mabasa ng mundo ang landian niyo ng kaduo mo.

"Promise. Napilitan lang talaga. Baka mag alisan followers ko eh hahaha" sabi nito at ilang sandali lang ay narecieve niya ang classic invite nito.

"𝑪𝒍𝒂𝒔𝒔𝒊𝒄 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏,𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒕𝒐." Sa isip ng dalaga.

Tamang-tama kakabili lang niya ng vale. Napractice na niya ito sa AI mode pero di pa niya natry ito sa totoong laban.

"𝑷𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂𝒇𝒆 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒖𝒏𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒃𝒂𝒌𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒐 𝒑𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒉𝒊𝒚𝒂.𝑰𝒔𝒊𝒑𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒗𝒊𝒆𝒘𝒆𝒓𝒔 𝒏𝒊𝒕𝒐 𝒑𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒕 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒐." Pilyang sabi ng dalaga sa sarili.

"Bah, new hero!" Chat nito.

"Practice hehe" reply niya.

Sa simula ng laban ay patulong tulong lang ang dalaga sa pagclear lanes at sa farm. Core ang kaduo sa match na yun. Ayaw din naman niya masabihan ng mga viewers nito na walang mapa at di marunong mag assist sa farm. Napapansin kasi niya sa mga mage user lagi nababash pag di marunong mag rotation. Kailangan kasi matuto kang magdefend sa midlane kasabay ng pag assist sa core kasi ikaw ang nasa gitna ng battlefield at ikaw ang pinakamalapit sa lahat ng zone. Yung mga magagaling nga na mage user ay kasama na nilang inaassist ang sa bottom lane at sa top lane. Ganyan dapat sa larong iyon. Dapat lagi lang aware sa mapa para di mabash.

Level 5 na siya nang mapansin niya na nag attempt na ang kaduo niya na mag invade. Alerto siya at delikado yun baka maambush ang kaduo. Mabilis siyang nagtago sa bush na malapit sa blue buff na napangalahati na ng kaduo ang life. Naghintay lang siya na may lumapit na kalaban anumang oras para di nila maagaw ang buff ng core. Tamang tama naman noong magamit na ng core ang retribution spell ay siya namang litaw ng tank at balak pa yata iset ang kaduo. Noong mag ulti ang kaduo sa tank ay nakita niya na papalapit ang core ng kalaban kaya yun ang pinatamaan niya ng second skills niya kasabay ng pagpindot sa ultimate skills niya. At dahil kalahati na nga ang life ng core sa kalaban ay napatay niya ito. Noong makita niya na patakas ang tank ng kalaban na di napatay ng core na kaduo sapagkat nagamit na nito ang retri spell ay pinindot niya ang flameshot spell niya.

"𝑫𝒐𝒖𝒃𝒍𝒆 𝒌𝒊𝒍𝒍!" Narinig niya ang boses sa background.

Nakita niya na napa TP pa ang kaduo sa tuwa.

"Lakas!" Maya maya pa ay chat nito.

"Lakas makatsamba sabihin mo." Reply niya.

Bumalik na siya sa lane niya nang makita niya pinupush na ng cyclops ang tower nila. Ginamitan niya ito ng second skills at saka basic attack at sa tulong ng tower ay napatay niya to.

"Killing spree!" Sabi sa background.

"Wooohhhh go babe!" Sabi ng marksman nila.

"Tahimik ka. Kaduo niyan si lodi Rico gaming! Shout out idol." Sabi naman ng nasa exponent lane.

"Legit?" Chat naman ng kalabang team.

"Legit nga yata, nakita ko kahapon smurf account nga niya tong gamit niya." Sabi naman ng marksman ng kalaban.

Nagulat ang dalaga nang mabasa iyon. Di nga ba't madami palang nakakakilala sa kaduo niya. Siya lang yata ang walang kaalam alam sa katauhan ng kaduo.

"Naka live ako ngayon mga lodz. Shout out ko kayo lahat." Chat ng binata.

Natapos ang larong yun na ang dalaga ang nag MVP. Hanggang triple kill lang siya at 5 legendary. Kahit siya MVP, di din naman nagpapahuli sa kanya ang kaduo. Nakakuha ito ng savage sa last seconds ng laro. Nagpapatunay lang talaga na malakas pala talaga ang kaduo niya sa larangan ng ML.

(Author's note) Please leave a comments naman mga dear readers para naman malaman ko kung nagugustuhan niyo ba yung story ko o nabobore ko na kayo. I love you all💕💕💕💕