51 | Moment
Follow me on Facebook:
Juanna Balisong
ENJOY READING (/>o<)/
•ווווווווו
HAWAK ang isang librong babasahin, nakaupo si Faith sa isang hammock na nakapwesto sa ilalim ng puno. While Tobi was lying under the hammock and sleeping. Wala naman gaanong gagawin kaya mas minabuti niya na lamang na magpalipas ng oras sa hardin at pagbabasa ng libro.
[ Hammock: a type of bed that consists of a piece of cloth hung between two trees, poles, etc.]
She stretched her long legs and crossed it. Isinandal niya ang sarili sa hamba ng duyan at ipinagpatuloy ang matiwasay na pagbabasa.
Hawak ang phone sa tainga ay napadaan si Lorenzo sa bukana ng hardin upang sana ay dumiretso sa kanyang office. Ngunit natigil siya nang mapansin ang babae na prenteng nakahiga sa duyan na gawa sa tela at nagbabasa ng libro.
“Wait. I’ll just… call you back later.” Aniya sa kausap sa telepono at tinungo ang babae.
Faith flipped the next page when she felt the hammock suddenly joggled. Ibinaba niya ang libro at nilingon si Lorenzo na nakaupo sa tabi niya. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa office ka at gumagawa ng trabaho?”
Kinuha sa kaniya ni Lorenzo ang hawak na libro at nilapag sa tabi. He leaned his body towards her and hug her on her waist.
Napangiti naman si Faith sa inasta ng lalaki at niyakap ito.
Lorenzo rests his head on her chest, resting his head on her breasts like a pillow.
Nilaro naman ni Faith ang maitim nitong buhok at bahagyang minasahe ang ulo nito.
Napapikit si Lorenzo. “I just missed you, hindi ba pwede?” Aniya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa babae.
“Miss ka d’yan? E halos buong magdamag na tayong magkasama.” She buries her hands on his dark hair.
“Nah… Still bibihira pa rin kitang mayakap ng ganito dahil halos buong araw ay nasa office lang ako.” Isinubsob niya ang mukha sa gitna ng dibdib nito. “Sa gabi lang kita nasosolo nang buo.” He then gives a gently bite her right breast.
“L-lorenzo!” Halos mapasigaw si Faith sa sensasyong dulot ng pagkagat nito sa kanya.
Nagising si Tobi nang bahagyang sumayad ang ilalim ng duyan sa kanya. ‘Nandito na naman ba tayo sa kahalayan portion ng dalawang ito?’ Tiningnan niya ang paa ng among lalaki na nakalaylay sa duyan. ‘Kapag itong mga ito hindi pa tumigil sa kakaharutan kakagatin ko na talaga itong ampon kong tatay.’
Lorenzo just rests his head on her and let her hand give him a free and relaxing massage. Hinuli niya ang kamay ng babae at tumingala rito.
Napatigil naman sa pagmamasahe si Faith at niyuko si Lorenzo.
“Ayokong sayangin ang bawat pagkakataon na kasama ka Faith.” Anito at dinala ang kanyang kamay sa labi nito at hinagkan.
Tila nais magwala ng puso ni Faith kahit na sabihin simpleng mga salita lamang iyon. But the way he said it with all his heart, it gaves her chill on her spine and butterflies on her stomach. Pakiramdam niya ay bumabalik siya sa panahon kung saan nararanasan pa niya ang puppy love.
But this is not just a puppy love… He is her love.
“A-ako rin.” Pag-amin niya rito.
Dinala ni Lorenzo ang kanyang kamay sa pisngin nito at dinama iyon.
She looked at his gorgeous face that every woman would die for. Ngunit malas na lamang nila dahil ang kinikilalang dangerous man ay patay na patay sa kanya. It is because, she’s the only woman who can bring the dangerous man inside him. The one who can kneel down and tamed a Lorenzo Zembrano.
When Lorenzo opened his eyes, he met hers. “I want to have you…”
“I’m all yours Lorenzo…” Ngiting saad ni Faith and touches his face by brushing her thumb on his cheek.
But a side of Lorenzo’s lips moves upward. “Alone.” He grinned at walang pasabing bigla siyang hinila patayo.
“H-hey!”
Hindi na nagawa pang makaangal ni Faith dahil sa patuloy na paghatak sa kaniya ni Lorenzo.
Agad na nagising naman ang asong si Tobi at sinundan ang dalawang amo.
“T-teka saan tayo pupunta?” Tanong niya at pilit na hinahabol ang malalaki nitong yapak.
Lumingon sa kanya si Lorenzo. And there again his mischievous smile. “I said I want to have you alone.” Anito at ipinagsiklop ang kanilang kamay at patuloy sa paglalakad nito.
Nagpatianod na lamang si Faith habang nakasunod naman sa kanila si Tobi.
Nang makarating sa likod na bahagi ng kasa ay natigilan si Faith nang may madinig na tila may malakas na hangin ang humahagpis. “Helicopter ba ‘yon?” Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Lorenzo.
Binitawan ni Lorenzo ang kanyang kamay at lumapit sa isang piloto na bumaba sa helicopter.
Napalingon si Faith kay Tobi na halata rin ang pagtataka sa nakikita. “Ano bang balak ng lalaking ‘to at may pa-helicopter pang nalalaman?” Napalingon siya kay Seli at Martha na lumapit sa kanila.
“Suotin mo na ito Tobi.” Ani Martha sa aso at habang isinuot dito ang lace. Si Seli naman ang nagsuot sa aso ng dog vest.
“May alam ba kayo dito? Martha, Seli?” Tanong niya sa dalawa.
Nakangiting magkatinginan lamang ang dalawang dalaga at sabay pang nagkibit balikat.
Muli ay napatingin siya sa direksyon ni Lorenzo nang lumapit ito sa kanya. “Let’s go.” Anito at muling hinawakan ang kanyang kamay.
Nanlaki ang mata ni Faith nang tunguin nila ang helicopter. “T-teka! G-gusto mong sumakay tayo d’yan? DIYAN?!” Turo pa niya sa panghimpapawid na sasakyan.
“Yeah.” Nangingiting tugon ni Lorenzo.
“E sinong magpapalipad niyan kung pinaalis mo yung piloto?” Nagtataka niyang tiningnan ang kanina lamang na kausap nitong lalaki na umalis kasama si Boyet.
“Love, I’m a licenced pilot.”
Marahas na muli siyang napatingin kay Lorenzo. “I-ibig mong sabihin… I-ikaw? IKAW ANG MAGPAPALIPAD NG HELICOPTER NA ‘YAN?!”
Naaaliw na tumango si Lorenzo sa hindi makapaniwalang hitsura ni Faith. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at tumingin sa namimilog nitong mga mata.
“Do you trust me?”
Ninenerbiyos na napatingin si Faith kay Lorenzo. “Oo.” Tango niya dito at napahawak sa dumadagundong niyang puso dala ng matinding kaba at excitement.
This wasn’t her first time to ride a helicopter. Noon sa Brazil ay may nagawa na rin silang project na kailangan niyang magpaka-darna sa himpapawid para sa isang magazine cover.
“Then let’s go.”
Inakay siya ni Lorenzo pasakay ng helicopter. Si Tobi naman ay inaasikaso ng isang lalaki sa likod ng helicopter upang hindi ito makaramdam ng stress habang bumabiyahe.
Isinuot ni Faith ang seatbelt at mahigpit iyong iniyakap sa kanyang katawan. Napatingin siya kay Lorenzo nang isuot sa kanya nito ang isang headset.
“You okay?” Dinig niyang sabi nito mula sa maliit na mic na nakakabit sa suot nitong headset.
She smiled at him and nodded. “Yeah.”
Umayos ng pagkakaupo si Lorenzo at sinimulang manipulahin ang mga switch sa kisame ng helicopter. “This is Lorenzo Zembrano of Franco 8, ready for take-off.” Saad ni Lorenzo sa maliit na mikropono ng headset nito.
Mayamaya lang ay nagsimula nang umangat sa lupa ang helicopter kasabay ng malakas na pag-ikot ng hangin dala ng pabilis na pabilis na pag-ikot ng malalaking propeller nito.
Nang tuluyan nang umarangkada sa himpapawid at hindi na mauga ang kanilang sinasakyan ay nakahinga nang maluwag si Faith. Tila ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang maging stable na ang paglipad ng helicopter.
Napalingon siya kay Lorenzo na mukhang propesyonal na propesyonal sa pagpapalipad ng helicopter. “Franco 8?” Tanong niya dito na ikinalingon nito sa kanya ngunit agad din nitong ibinalik ang tuon sa pagpapalipad.
“Yeah… I named this helicopter after our first child, Franco.”
Tila may mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Faith sa sinabi nito. Nanunubig ang matang napangiti siya rito. “How about the 8?”
“8 symbolizes infinity and thus it sounds like Faith… 8.” Ngiting asong wika nito sa kanya.
Hindi malaman ni Faith kung matatawa ap a ka-corny-han nito ngunit talagang napukaw ang kanyang puso sa pagkakaalam na hindi nito nakalimutan ang namayapa nilang unang anak na si Franco.
“Oh, Lorenzo look! That’s your family’s mansion!” Parang batang turo sa baba ni Faith kung saan mula sa taas ay kita nila ang kabuuan ng Zembrano Mansion.
Napatingin naman si Lorenzo sa masayang mukha ng babae. He smiled when he again saw her glowing smile.
•ווווווווו
INALALAYAN ni Lorenzo si Faith na makababa ng helicopter nang makapaglanding sila sa helipad. Agad naman silang nilapitan ng mga katiwala para sa kanilang mga dalang gamit.
“Where are we?” Tanong ni Faith nang tuluyan siyang makababa ng helicopter at pinagmasdan ang paligid. Puro bulubundukin at matataas na puno lamang ang nakikita niya.
“You’ll know later.” Lorenzo winked at her and hold her hand. Tinungo nila ang isang sasakyan na nakaabang sa kanila.
Kabababa lamang ng lalaking nag-a-assist sa asong si Tobi sa helicopter at isinunod na ibinaba ang aso. Agad na hinanap ng mata ng aso ang mga amo nang makatalon sa helicopter. ‘Aba tingnan mo nga naman… Isasama-sama n’yo ako dito tapos kakalimutan n’yo ko?’ Tiningnan niya ang lalaking may hawak ng lace niya.
“Tobi!”
Hindi na nagawa pang habulin ng lalaki ang aso nang matulin itong tumakbo kasunod ng dalawang nauna na amo.
Pinagbuksan ni Lorenzo si Faith ng pinto ng sasakyan. Sasakay sana ang babae nang mauna pang sumampa sa loob si Tobi at naupo.
Natigil sa paghakbang si Faith nang makita ang aso roon. “Oh my God Tobi! Muntik ka nang makalimutan.” Natatawa niyang wika sa aso at tumabi dito ng upo.
Napamaang na lamang si Lorenzo dahil naunahan pa siya ng upo ng aso sa sana’y pagtabi niya kay Faith.
“Lorenzo c’mon!” Ani Faith sa kanya sa bintana ng sasakyan.
Wala siyang nagawa kundi ang umikot sa kabilang parte at doon maupo. Nang makasakay sa sasakyan ay masama niyang tiningnan ang aso.
“Ba’t ganyan ka makatingin kay Tobi?” Puna sa kanya ni Faith habang hinihimas nito ang ulo ng nakapagitna sa kanilang aso.
“Sabi ko “I want to have you ALONE.” Bakit ba sinama ko pa ‘tong asong ‘to?” Uusog pa sana siya nang iharang ni Tobi ang buntot nito sa kanya.
Napapalatak ng tawa si Faith. “Masyado kang seloso Mr. Zembrano. Pati kawawang aso pinagseselosan mo ‘di ba baby?” Muli niyang hinimas ang ulo ni Tobi na ikinatuwa naman nito.
“But I want to be next with you.” Lorenzo frowned his face and cutely pouted his lips.
Hindi alam ni Faith kung matatawa o maiinis sa lalaki. But damn! He’s so cute!
“Oh, my love, come here.” Faith opened her arms to him.
Agad na napalis naman ang kunot sa noo ni Lorenzo at lalapit sana sa babae nang tumama ang buntot ni Tobi sa kanyang mukha.
“OH! HAHAHAHAHAHAHA!” Hindi mapigilang tawa ni Faith nang makita iyon. Halatang ayaw makipagpalit ni Tobi ng pwesto kay Lorenzo at sinampal pa ang lalaki gamit ang buntot nito.
Lorenzo gave Tobi a death glare as he sits back again to his sit. Hindi na rin siya makikipagtalo pa dito dahil mukhang magmamatigas talaga ito at ibinalandra pa sa kanya ang buntot.
Nagsimula nang umandar ang sasakyan.
‘Akala mo ha!’ Inilabas ng aso ang dila at tiningnan ang among lalaki. ‘Kung sa tingin wala ka ng karibal… Well, I will be your greatest rival.’
“What are you looking at you doggo?” Masama ang tinging ipinukaw ni Lorenzo sa aso.
“Lorenzo!” Natatawang saway ni Faith kay Lorenzo. “Ba’t inaaway mo si Tobi?” Aniya at niyakap pa ang aso.
“That,” turo ni Lorenzo kay Tobi. “He’s looking at me like he is going to ruin my plans with you!”
‘Hah! Talaga! Akala mo nakalimutan ko na atraso mo sa’kin?’ Isiniksik pa ni Tobi ang sarili sa among babae upang hindi magawang makalapit ni Lorenzo.
“Bakit? Ano ba iyong plano mo?” Tila nanghahamon na tanong ni Faith.
“It’s a surprise.” Lorenzo winked at her. Lumapit siya sa babae upang sana ay bigyan ito ng halik sa pisngi nang muli ay maunahan pa siya ng aso.
Tobi licked Faith’s cheek before he did.
“You!” Naiinis na tiningnan ni Lorenzo kay Tobi. “Manong pakitigil ng sasakyan, may ililigaw lang akong aso.”
“Lorenzo?!” Natatawang saway ni Faith kay Lorenzo.
•ווווווווו
Fuentes Mansion
CESAR was sitting on the sofa while playing a video game on his phone. Nakapatong pa ang dalawa niyang paa sa lamesa habang kunot na kunot ang noo sa paglalaro ng nauusong laro ngayon sa internet.
Wala siya sa mood ngayon sa pagsusulat ng ginagawa niyang nobela. He’s been suffering writer’s block this past days dahil palagay niya ay wala nang kalatoy-latoy ang mga sinusulat niya.
Yes, he is famous for writing novels in France at marami na ring nakakakilala sa kanya sa ibang bansa dahil sa mga naisulat na niyang nobela. But it doesn’t mean for him na porque sikat ka na ay kahit wala nang ka-kuwenta-kuwenta ang isusulat mo.
Fame was not his reason why he is writing, it is because, writing is his passion. Isinasapuso niya ang pagsusulat ng mga nobela kaya talagang pumapatok sa madla.
Kaya nga lang ay nawawalan siya ng konsiderasyon ngayon lalo na at nauubusan na siya ng idea ng mga isusulat. He needs to explore more experience in life to make more realistic his novels.
“Cesar where’s Damien?” Saglit siyang napatingin sa ina nang mapadaan ito sa salas.
“Baka naghahanap na ng mapapangasawa.” Aniya at muling ibinalik ang tuon sa nilalaro.
“Nasaan ang kuya mo?” Nakapamaywang na muling tanong ni Celestina.
Napaayos ng upo si Cesar. “Ma, I don’t know. Bigla na lang s’yang umalis kanina with his motor.”
“Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta?”
Umiling ang binata.
Natampal ni Celestina ang noo. “Umiiral na naman ang pagiging lakwatsero ng isang iyon.”
“That’s why he’s Damien the Explorer. Kulang nalang ng backpack at ng alagang unggoy para mas magmukha pa s’yang nawawalang kapatid ni Dora.”
“How about your dad? Where is he?”
“Office. May tinatapos daw.” Muling itinaas ni Cesar ang paa sa lamesa.
“Ibaba mo nga iyang paa mo.” Sita sa kanya nito bago umakyat ng grand staircase.
Ngunit tila walang narinig ang ang binata at patuloy pa rin sa paglalaro.
“Cesar your foot! Puputulin ko talaga iyan!”
Mabilis pa sa alas-kwatro na naibaba ni Cesar ang paa.
**
Kumatok si Celestina sa oak door ng office ni Cesar.
“Come in.”
Nang marinig ang tinig nito ay saka siya pumasok. “Akala ko ba wala ka nang gagawin?” Aniya at lumapit sa asawa.
“Yeah, just advancing the next week’s works.” Tugon nito habang hindi siya nililingon at patuloy sa pagtitipa sa computer habang may suot na salamin.
Naupo si Celestina sa katapat na upuan ng asawa sa office table. “I’m wondering if how is Faith with Lorenzo in Casa? Tingin mo umobra ang plano natin?” She crossed her long legs.
Napatingin si Severino kay Celestina. “Hindi ba at kayo ni Allana ang naka-isip na muling pagsamahin si Faith at Lorenzo sa Casa? Ba’t sa akin mo tinatanong iyan?”
“Wala lang,” Celestina shrugged. “Iniisip ko kasi papaano kung hindi gumana ang plano nating muli silang pagbalikin? Sayang naman kung-“
“I have faith in Lorenzo.” Putol nito sa kanya. “Nakikita ko sa batang iyon na talagang determinado siyang makuha ang anak natin.”
Napangiti si Celestina. “Really? E parang noong nakaraan lang halos kulamin mo na si Lorenzo.” Pagak siyang napatawa.
“It’s because he hurted our child.” Hinubad ni Severino ang suot na salamin. “Maski ako ay nasasaktan na makitang nasasaktan ang anak natin, sinong magulang naman ba ang hindi? But I know, this time, hindi na magagawa pang sayangin ni Lorenzo ang pagkakataon na ibinigay natin sa kanya.”
“So sinasabi mo na ring gagana ang plano natin?”
Napatingin si Severino sa asawa. “I’m sure it will. Baka magulat nalang tayo at umuwi na lamang ang mga iyon dito para ibalita na muli na silang ikakasal na.” Hindi maiwasang mapatawa ng Don.
“Well, that’s a good joke.” Sang-ayon ni Celestina. Tatawagan niya na lamang ang kaibigang si Allana upang ipaalam kung ano ang resulta ng pinagplanuhan nilang pagbalikin ang mga anak.
She can’t wait to know what’s already happening with the two.
•ווווווווו
NANG makababa si Faith ng sasakyan ay hindi niya mapigilang mapasinghap sa tanawin. The nature’s view took away all her senses. She didn’t even notice she’s already walking towards the house veranda. Animo may mga sariling utak ang kanyang mga paa at basta na lamang siyang hinila paparoon.
Nasa kalagitnaan at kataasan sila ngayon ng mga bulubundukin. Mula sa kinatitirikan mismo ng bahay ay kitang-kita nila ang magandang tanawin ng karagatan. Sa ibaba nila ay may swimming pool na nakaharap mismo sa karagatan and by that, it makes more a beautiful serene place to be.
The soft breeze touches her skin that sent chills to her spine.
“W-wow…” Hindi mapigilan niyang untag sa napakagandang tanawin.
Lorenzo walks towards her. Itinukod din ni Lorenzo ang kayang mga braso sa railings upang tingnan ang tanawin.
“Lorenzo this is… This is paradise!” Naghahalo ang pagkamangha at paghangang sabi ni Faith.
Nilingon ni Lorenzo ang babae. “You like here?”
“No. I love here!”
“Woof! Woof!” Kahol ni Tobi na nakasampa din ang dalawang mga paa sa railings.
Nakangiti naman si Lorenzo sa reaksyon ni Faith. “Let’s go downstairs para makita ap a ang kabuuan.” Aniya at sinenyasan ang mga tauhan na ayusin na ang mga dala nilang gamit.
He then possessively wraps his arms around Faith’s waist as they go down the stairs. Nakabunton naman sa kanila si Tobi habang bumababa ng hagdan.
As they reached the ground, mas lalong namangha si Faith sa nakikita. The place was way more beautiful kung nasa mismong kinaroroonan ka. The water on the pool was shining as the sea does. Sa dulo ng swimming pool ay may jacuzzi kung saan mula roon ay matatanaw mo ang kabuuan ng isla.
Bakas sa mukha ni Faith ang excitement na nilingon si Lorenzo. “Pwede ba tayong maligo?” Para siyang batang nagpapaalam na kung maaari ay kumuha ng isang kendi sa sandamakmak na garapon ng matatamis.
Lorenzo smiled at her. “Of course.” He then planted a light kiss on her lips.
Hindi agad nakahuma si Faith sa bilis nito. Ngunit may bahagi ng kanyang puso ang nanghinayang at nagsasabing ‘I want more!’
Makaraan ay natampal ni Faith ang sarili nang makahuma. Kanina pa pala nakaalis sa kanyang harapan si Lorenzo.
Niyuko niya ang sarili.
She’s wearing a simple denim jumper and a fitted shirt as her top. Kung tutuusin ay mukha lang siyang nakapambahay dahil bigla na lamang siya hinila ni Lorenzo sa kung saan.
Tiningnan niya ang lalaki na ngayon ay may kausap na isang tauhan.
She should at least change first.
Muli niyang tiningala ang kanina nilang binabaan. May dalawang kwarto roon na pinagdadalhan ng mga dala nilang gamit.
Muli siyang umakyat roon at nagtanong sa isang tauhan na bitbit ang isang maleta. “Ah kuya, saan n’yo pong kwarto dinala ang gamit ko?”
“Magpapalit po ba kayo ma’am?” Tanong nito nang lingunin siya nito mula sa pagkuha ng iba pang maleta sa sasakyan.
“Opo sana.”
“Sa right wing po sa pangalawang kwarto ay may nakahanda na pong mga damit at gamit ap a sa pagligo.” Turo nito sa kanan niya.
“Okay po. Salamat kuya.” Aniya rito bago tinungo ang itinuro nitong direksyon.
Sa kanyang pagbukas sa naturang silid ay unang bumungad sa kanya ang isang malaking kama na kakasiya ang dalawang tao. Sa gitna niyon ay may nakalagay na isang paper bag.
Tuluyan siyang pumasok at diniretso ang kama. Mula roon ay kinuha niya ang paper bag at binuksan. There’s a small letter attached on it. Kinuha niya iyon at binasa.
Nakalagay roon na galing ang paper bag na iyon sa isang kaibigan niyang designer sa Paris. The clothes inside the paper bag were specially made for her. Pasasalamat daw iyon dahil sa pagpapaunlak niya bilang isa sa mga runaway model sa fashion show na ginanap noon. Naging mabenta raw ang mga design na ginawa nito at maraming offers ang dumating.
She excitedly opened the bag.
Nakabalot sa isang uri ng mamahaling tela ang mismong damit. Una niyang nakuha ang isang white silk swimming robe. Napakaganda at malambot ng telang ginamit. Mukha talaga itong mamahalin kahit na simpleng roba lamang iyon.
She knows how the designer in Paris works with their clothes. Napaka-detalyado at napakagandang klase ng mga damit ang ginagawa nila. Kaya hindi na siya magtataka pa kung kahit simpleng roba ay napaka-high class tingnan.
Then a pair of red two piece fell from the robe.
**
Natigil si Lorenzo sa pakikipag-usap sa isang tauhan nang mapansin ang pagbaba ni Faith mula sa hagdan. She’s wearing a very simple yet so srductive see-through scarf na nakatali sa maliit nitong baywang.
Only the half of her soft andlong legs ang natatakpan niyon dahilan upang malantad sa kanila ang napakagandang hubog ng mga hita at binti nito.
The two-piece bra did give justice to her curvy body. Her long wavy hair was sexily disheveled on her bare shoulder making her look sexier.
Nilingon ni Lorenzo ang kausap. Halatang napatigil din ito nang makita ang babae. Nakaramdam si Lorenzo nang inis sa kung papaano nito haplusin ng tingin si Faith.
He cleared his throat. “Kakausapin nalang kita mamaya. Makakaalis ka na.”
Ngunit tila ay nabingi ito nang lumapit na sa kanila ang babae. The Sun’s kissing her soft and porcelain skin that makes her glow like a goddess in red two pieces.
“EHEM.” Mas nilakasan pa ni Lorenzo ang tikim dahilan para mapalingon na sa kanya ang lalaki.
“A-ano po iyon S-sir?”
“You can go now.” Bakas ang iritasyon niyang tinig.
“O-opo.” Napapahiyang anito at umalis.
Nilingon niya si Faith na ngayon ay nakatunghay sa karagatan.
Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran.
Naramdaman ni Faith ang pagkakulong niya sa mga bisig ni Lorenzo mula sa likuran. He then planted soft kisses on her head at mahigpit na niyakap.
“I want to give everything you deserve Faith.” Wika nito at hinalikan ang kanyang leeg.
“But the only thing I want to deserve was you.” She rested her head to her strong chest.
“I love you.” Hawak nito sa kanyang baba upang mapabalinf dito. He then lowered his head to capture her lips.
She immediately responds to hus kisses at hinawakan ang panga ni Lorenzo.
Oh, how she love this man!
•ווווווווו
NAKAUPO si Faith sa gilid ng pool habang hinihintay si Lorenzo. May aasikasuhin lamang daw ito saglit at babalik rin.
Nilingon niya si Tobi na nakahiga sa isang beach bed. Katamtaman lamang ang sikat ng araw kaya hindi masakit sa balat. Perfect timing ito upang mag-swimming.
Nilaro niya ang mga paa sa tubig.
“Hey there sexy.”
Napalingon siya sa nagsalita.
Si Lorenzo at may hawak na DSLR camera.
Tatayo na sana siya upang lapitan ito nang pigilan siya nito.
“Just stay there.” Anito at ipinuwesto ang sarili hindi-kalayuan sa kanya.
“Ano bang pakulo ‘yan?” Natatawa niyang pinagmasdan ito na animo professional photographer na lumuhod pa.
“Just stay on your position.” He adjusted the lenses of the camera.
Umayos ng pagkakaupo si Faith at ngumiti sa camera.
Lorenzo was mesmerized by her angelic face and heartly smile. Animo uod na nilagyan ng asin ang kanyang puso at nais magwala.
“You’re always beautiful in every angle you are.” Lumapit siya sa babae at ginawaran ito ng halik sa pisngi.
“Sus! Nambola ka pa sa dating modelo!” Marahang kurot ni Faith sa ilong ng lalaki.
Hinapit ni Lorenzo palapit sa baywang si Faith. “You will always be my angel. I love you.”
Ikinawit ni Faith ang mga kamay sa leeg ni Lorenzo. “Napapansin ko na masyado ka nang nagiging malambing nitong nakaraan.” Tiningala niya ito. “Umamin ka nga sa’kin… Buntis ka ba?”
Nagmulat ng isang mata si Tobi at tiningnan ang dalawang amo. ‘Nasiraan na si mama Faith nang tuluyan. Paanong mabubuntis ang shokoy na ‘yan kung wala namang matres?’ Itinahaya niya ang sarili sa beach bed na kinahihigaan upang maarawan ang mabalahibong tiyan. ‘Sa bagay… mga lalaking sea horse nga ang nagdadala sa sinapupunan ng mga baby nila. Kaya siguro malaki rin betlog nitong isang ‘to baka may mga babies ding dinadala.
Napahagalpak ng tawa si Lorenzo sa babae.
The baritone voice of his laugh echoed at the whole place. Animo kulog sa langit ngunit napakasarap sa tainga kung iyong papakinggan ang tawa nito.
Niyuko ni Lorenzo si Faith. “I can’t bear a child for the both of us. But…”
Kinabahan si Faith nang muling pumaskil sa mga labi nito ang isang nakalolokong ngiti.
“… I can impregnate you.”
Sa isang mabilis na pagkilos ay nabuhat ni Lorenzo si Faith sa mga bisig at tinakbo ang diving dock ng swimming pool.
“H-hoy! Lorenzo i-ibaba mo ‘ko! Ano ba-AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!”
Isang malakas na pagtilamsik na lamang ng tubig ang narinig nang tumalon si Lorenzo sa pool habang buhat-buhat nito sa mga bisig si Faith.
“UGH! Ugh! Ugh!” Ubo ni Faith nang makaahon silang pareho mula sa pagtalon.
Agad na iniangat naman ni Lorenzo ang babae dahil mukhang nakainom ito ng tubig. “A-are you okay?” Nag-aalala niyang tanong dito.
“Ugh! Ugh! Mukha b-ba akong okay? Ugh! Ugh!”
Ngunit imbis na makonsensya ay tinawanan lamang siya ng lalaki.
“Sira ka talaga!” Saboy niya ng tubig sa mukha nito at lumangoy palayo.
Ngunit bago pa siya makalangoy palayo dito ay nahila ap a Lorenzo ang kanyang paa pailalim sa tubig. Magpupumiglas na sana siya nang hapitin siya ni Lorenzo palapit sa katawan nito at kulungin ang kanyang mga labi gamit ang mga labi nito.
They kissed under water until they’re both out of air.
Nang sila’y makaahon ay ikinawit ni Faith ang mga kamay sa leeg ni Lorenzo. Lorenzo encircled his strong arms around her small waist and look at her directly to her eyes.
“Baliw ka.” Nangingiting untag ni Faith sa lalaki.
“Baliw sa’yo.” He then again lowered his head to kiss her temple.
“Woof! Woof! Woof!”
Napalingon silang dalawa kay Tobi.
“T-teka Tobi! No!”
Ngunit huli na bago pa nila ito matigilan dahil tuluyan na itong tumalon sa pool.
“O my God! Tobi!”
Agad na nilangoy ni Lorenzo ang aso.
Umahon si Faith ng pool at kumuha ng tuwalya ngunit…
Tiningnan niya si Lorenzo na ngayon ay hawak-hawak ang basang si Tobi.
Kinuha niya ang DSLR camera sa beach bed.
“Lorenzo!”
Lumingon ito sa kanya.
“Hawakan mo nang maayos si Tobi!”
She then positions the camera at kinunan ang mga ito ng litrato.
Lalangoy na sana si Lorenzo upang iahon ang aso nang- “OOOHHH!”
Napadaing siya nang masipa ni Tobi ang kanyang puson at nagpumiglas sa kanya.
Agad na lumangoy ang aso palayo kay Lorenzo. ‘Hah! Hindi ako nagpapahawak sa mga pangit!’