50 | Beast
INIHAHANDA ni nanay Rosa ang hapag katulong ang dalawang dalagita na abala or in-aayos ng kobyertos sa lamesa. Inilapag ni nanay Rosa ang nilutong pagkain nang marinig ang usapan ng dalawang dalagita.
“Oo kilala ko si Rita, iyong anak ni Aling Berta na nagtitinda ng karne sa palengke?” Pabulong na wika ni Martha.
“Oo siya nga.” Ani Seli at naglagay ng tubig sa mga baso.
“O bakit anong meron kay Rita? May nangyari ba?”
Tahimik na inilagay ni nanay Rosa ang dala sa lamesa at inayos ang pagkakasalansan ng mga iyon. Napansin niya ang asong si Tobi na prenteng nakadapa sa carpet mula sa salas.
“Naging usap-usapan kasi iyon na marami nang kargador o mga delivery boy ang nabibingwit. Minsan pa nga ay nagagawa pang pagsabayin ang pakikipagrelasyon sa dalawang lalaki nang hindi nalalaman ng mga ito.” Lahad ni Seli.
“O… E ano naman ang pake ko kung daigin niya pa ang chick girl sa kanto?” Taas ang kilay na tanong ng dalagang si Martha.
Nakapamaywang na hinarap ni Seli ang kaibigan. “Hindi ka ba nababahala or in pati si Boyet ay bingwitin niya rin? Naikwento rin sa akin ng isang kakilala ko roon na nagtitinda ng gulay, na minsan ay nakikita niyang kinakausap ni Rita si Boyet o hindi kaya kung minsan ay inaabutan ng tubig kapag katapos magbagsak ng mga delivery sa gulayan.”
Nangunot ang noong tiningnan ni Martha si Seli. “Aba, ikaw Seli huwag kang gumagawa-gawa lang ng kwento d’yan.”
“Hindi ako gumagawa lang ng kwento. Totoo naman dahil maski ako ay or in ng dalawang mata ko iyon noong minsan ako naman ang namalengke.” Depensa pa ng kaibigan.
Inilapag ni Martha ang huling pinggan sa lamesa at muling bumaling dito. “Totoong or in mo si Rita at Boyet na magkasama?”
Walang pag-aalinlangan na tumango si Seli sa kanya.
“Kung ganon…” Halos talunin pa ng kilay ni Martha ang tirik ng araw sa taas ng arko nito. “Subukan niya lang magpakita sa akin na kasa-kasama ang Rita’ng iyon at pati buhok sa puson niya ay aahitin ko.”
“Ano bang pinag-uusapan or i d’yan?”
Halos mapatalon ang dalawang dalagita nang magsalita si nanay Rosa sa tabi. Hindi nila namalayan na naroon pala ang ginang.
Ipinag-krus ni nanay Rosa ang kamay sa dibdib at tumingin sa dalawa. “Ano itong naririnig ko na may pag-aahit pang magaganap?”
“A-ano po… A-ah…”
“M-mag-aahit po ng balahibo ng manok!” Agap na sagot ni Martha.
“Ng manok? Para saan?” Pang-uusisa pa ng ginang.
“A-ano po kasi…” Napakamot sa ulo si Seli. “B-balak po kasi or in m-magkatay ng manok mamaya. T-titinolahin po para mamayang hapunan… Hehe…” Nakagat niya ang ibabang labi at pasimpleng napadasal or in ay kagatin ni nanay Rosa ang palusot niya.
‘Juice colored! Alang-alang sa love life ni Martha…’
“Good morning nanay Rosa!”
Napalingon silang lahat nang pumasok sa dining room si Faith at Lorenzo. Malapad ang ngiti ni Faith na nakakapit sa braso ni Lorenzo.
“Love, it’s noon time already.” Wika ni Lorenzo at hinagkan ang babae sa sintido.
“O-oo or in…” Hindi pa rin maiwasang pamulahananng babae
Agad na nagpantig ang tainga ng asong nakadapa sa carpet nang madinig ang boses ng amo. Agad na kumuwag-kuwag ang buntot nito nang makita ang ang dalawang pigura at agad na lumapit sa mga ito.
Napalingon si Faith nang maramdaman ang pagdila sa kanyang kamay. “Oh, hi there Tobi.” Niyuko niya ang aso at hinalikan ito sa ulo.
“Aba, tinanghali na ata kayo ng bangon?” Ani nanay Rosa nang mabaling ang atensyon sa dalawa.
Nakahinga naman nang maluwag ang dalawang dalagita nang mabaling na ang atensyon ni nanay Rosa sa dalawang amo.
“N-napuyat po kasi ako kakabasa ng libro.” Kiming na ngiti ni Faith sa ginang at umayos ng tayo.
“Yeah… Napuyat s’ya kakabasa ng libro. Ang ingay niya pa nga magbasa…” Tila may himig ng pangungutya na saad ni Lorenzo.
Nakangiting binalingan ni Faith ang lalaki. “Ang ganda kasi ng kwento kaya inabot na ako ng madaling araw sa pagbabasa.”
‘Oo nga at talagang kinulong niyo pa ako sa study room pagkatapos niyo maglampungan sa harap ko.’ Kamot ng asong si Tobi sa kanyang tainga.
Nakangising tiningnan ni Lorenzo si Faith. “Ahh… Kaya pala-OOHHH!”
“O bakit hijo? May masakit ba sa’yo?” Nag-aalalang wika ni nanay Rosa dahil sa biglaang pagdaing ni Lorenzo.
“W-wala po ‘nay.” Nakangiting napangiwi si Lorenzo. “M-may kumain-AAHHH! Kumagat! Kumagat lang po sa akin na langgam.” Pasimple niyang kinamot kuno ang leeg.
“Sigurado ka?”
“O-opo… Opo.”
‘Nako at heto nagagawa pang magharutan sa harap ko. Nakakalimutan atang may atraso pa itong mga ‘to sa’kin.’ Napabahing ang aso na tumingin sa dalawang amo.
“O siya sige na at kumain na kayo.” Yakad ni nanay Rosa at sinenyasan ang dalawang dalaga.
Nang makatalikod ang ginang ay niyuko ni Lorenzo si Faith na todo ang ngising nakatunghay sa kanya. “Umayos ka.” Anito at pinandilatan siya bago naupo sa hapag.
Nahimas ni Lorenzo ang tagiliran. Pakiramdam niya at natuklap ata ang balat niya sa pagkakakurot ng babae.
Hinila ni Faith ang isang upuan at naupo. Tiningnan niya ang mga nakahain na putahe sa parihabang lamesa at natatakam na tumikim ng scrambled egg. “Hmmm…”
Katabi niya ay naghila ng upuan si Lorenzo at naupo roon saka humigop ng kape sa tasa. “Ang dami niyo naman po atang niluto ‘nay?” Takang tanong niya nang mapagmasdan ang iba’t ibang putaheng nakahain sa lamesa.
“Aba anong oras na kayo bumaba at hindi na nag-umagahan kanina. Malamang ay gutom kayo dahil tinanghali or in gising kaya dinamihan ko na ang luto.”
“Kayo po ba nanay Rosa? Kumain na?” Tanong ni Faith na sunod-sunod ang ginawang pagsubo ng kanin at ulam.
“H’wag mo na kaming intindihan hija at kanina pa kami nakakain. Kayo ang kumain na lang d’yan at kung maaari ay ubusin ang pagkain.” Ngiti ng ginang.
Nilunok ni Faith ang nginunguya bago muling nagsalita. “Oo nga ho, pakiramdam ko makakaubos ako ng isang kalderong kanin sa gutom.” Muli itong nagsubo ng tocino. “Si Tobi po? Nakakain na po ba?”
“Oo. Naku kawawang aso…”
Nagtatakang tiningnan ni Faith si Tobi pabalik sa ginang. “Bakit po?”
“Nakulong kasi iyan sa study room. Kung hindi pa nagkaka-kahol iyan kanina ay baka hindi ko na napansin. Sige na at ubusin niyo iyang niluto ko at may aasikasuhin pa ako.” Nakangiting sabi ni nanay Rosa bago lumabas ng dining room.
Agad na nagpalingon si Faith kay Lorenzo. Sa pagkakaalala niya ay binuhat siya ni Lorenzo palabas ng study room kaya…
Nagsubo ng tocino si Lorenzo.
Baka noong paglabas nila ng study room ay hindi nila namalayang nakalock pala ang pinto. Punos init kasi ang umiral sa kanila noong gabi kaya hindi na namalayan ang pagsara ng pinto.
Ngumunguyang nilingon ni Lorenzo si Faith. “Why?”
“W-wala…” Muli siyang nagsubo ng kanin.
“Ow still sore?” Ngising tanong ni Lorenzo na agad na ikinapula ng babae. “It was just like the first time, eh?”
Halos magmukhang siling labuyo si Faith or in-iinit ng pisngi at agad na inabot ang tubig. “Tumigil ka nga!” Naiinis niyang untag dito at sunod-sunod ang ginawang pagsubo.
“Sobra ba kitang pinagod para gutumin ka ng ganyan?”
Muntik nang mapaubo si Faith sa narinig.
Lorenzo chuckles as he lends her again a glass of water. Agad or in tinanggap iyon ng huli at mabilis na ininom.
Bahagya siyang lumapit sa tabi ng babae and planted a soft kiss on her shoulder. “Oh, love I won’t get tired of making love with you.”
“Dios mio naman Lorenzo. Nasa harapan tayo ng pagkain.” Pinandilatan ni Faith ng mata ang katabi at muli na sanang susubo nang…
“Kung gusto mo pwede or in naman ako kainin.”
Napatayo ang asong si Tobi at pagewang-gewang ang buntot na lumabas ng dining room. ‘Nasaan na ba yung butong binaon ko kanina? May gusto lang akong hampasin ngayon.’
Itutuloy…
•ווווווווו
Hope you enjoyed! Don’t forget to rate★ and leave a comment~