KABANATA 28 (2006 words)

Pabalik-balik ang tingin ni Leah sa dalawang binata na nasa harapan niya ngayon. Nandito sila sa isang restaurant sa beach kung saan din sila nagmeeting kanina. Malapit lang kasi ito sa resort na inuukupa nila.

Hindi niya kasama ngayon si Carlo dahil tulog ito at napagod rin. Napapikit na lamang si Leah ng mapagtanto ang sitwasyon nila.

Tumikhim siya dahilan para mapatingin sa kanya ang dalawang binata. Ginawa niya iyon dahil kanina pa may namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawang binata. Kulang na lang ay magkaroon ng parang electric sa pagitan ng mga mata nila dahil sa talim ng mga titig nila sa isa’t-isa.

“Uhmm…Ano pala ginagawa mo dito, Ariel? Paano mo nalaman na nandito ako?” Tanong niya kay Ariel na ngumiti naman ito sakanya.

“Para kang tuko na laging sunod ng sunod at laging nakadikit sa kanya.” Bulong ni Troy na narinig naman ng dalaga.

Sinipa naman ni Leah ang paa nito sa ilalim ng lamesa at tiningnan ng “Tumigil ka.” Nabasa naman iyon ni Troy ngunit hindi pa rin nito inaalis ang masamang titig nito kay Ariel.

“Sinundan ko kayo. Dumalaw kasi ako kahapon sa bahay niyo pero wala kayo doon. Ang naabutan ko lang ay si Rian, at sinabi nga niya na nandito kayo dahil may outing ang kompanya niyo.” Tugon nito sa kanya at tumingin saglit kay Troy habang sinasabi nito ang huling salita niya.

“Ahh ganun ba. Pasensya kana hindi na’ko nakapag-paalam.”

“It’s okay. Ang mahala---”

“Now you know and have seen Leah. You can go back.” Putol ni Troy sa sinasabi ni Ariel dahilan para tumingin sa kanya ang binata.

Nagulat naman siya sa sinabi nito. “Troy!”

Napansin niyang umayos ng upo si Ariel na nakaharap na ngayon kay Troy.

“And why would I do that? Sino ka ba sakanya? Hindi ko na ba pwedeng sundan ang nililigawan ko, huh?”

“Nililigawan?” Paguulit ni Troy sa sinabi ni Ariel.

“Yes. I’m her suitor. So, ba---”

“Okay, okay. Stop!” Pigil niya sa dalawa ng magsimulang tumayo ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan.

“Pwede bang umupo kayo, dahil nakakahiya sa mga kumakain dito.” Saad niya sa mga ito dahil nakakuha na sila ng atensiyon sa loob.

Umupo naman ang mga ito habang siya ay napahawak na lamang sa noo niya. Hindi na niya alam ang gagawin sa dalawang ito.

“Jusko po. Bakit ba ito nangyayari sa’kin?”

•*•*•*•*•*

Lakad doon. Lakad dito. Lakad doon. Lakad dito. Kanina pa pabalik-balik ng lakad si Troy sa kanyang kwarto ng makabalik ito galing restaurant.

Nasuklay naman siya sa buhok niya ng maalala ang sinabi ng Ariel na iyon kanina.

“Hindi ko na ba pwedeng sundan ang nililigawan ko?”

“Hindi ko na ba pwedeng sundan ang nililigawan ko?”

Paulit-ulit nagreplay ang mga katagang iyon sa utak ng binata.

“Her suitor? Huh. Now I know kung bakit ito buntot ng buntot kay Leah.”

Napahiga naman si Troy sa kanyang kama at bumuntong hininga. Hindi niya maiwasang isipin na ang mga ginagawa niya para sa dalaga ay wala lang ito doon.

Kaya lang naman niya ginagawa ang mga iyon para makuha ulit ang loob ng dalaga na ngayong unti-unti na niyang nakukuha ngunit may isang panira na dumating na kina-iinis niya.

Bumangon naman siya sa pagkakahiga at saka inayos ang sarili. Napag-desisyunan niyang puntahan ang dalaga at kausapin ito. Tumingin muna siya sa salamin para tingnan kung ayos na ba ang suot niya.

Nagpalit lang naman siya ng panibagong damit. Nang makitang ayos na ay lumabas na siya sa kanyang kwarto.

Dumeretso agad siya sa pinto ng dalaga saka kumatok. Ilang saglit lang ay bumukas na ito.

“Leah, we need to talk.” Saad niya at saka nagtaas ng tingin.

Halos mapatalon sa gulat si Troy ng makita niyang hindi ang dalaga ang nagbukas ng pinto.

“What are you doing here? Where’s Leah?” Tanong niya kay Ariel.

Pumasok siya sa loob na hindi naman siya pinigilan nito. Nakita niya ang mga gamit ng binata na nagkalat na sa kama na halatang nagaayos ito ng gamit.

“Where is she? At bakit ikaw nandito sa kwarto niya?” Tanong ulit niya dito. Nainis naman siya ng makitang humalukipkip ito.

“Nasa ibang kwarto, pinalipat ko.”

Seryosong tugon nito na lalo namang kinainis ni Troy.

Lumabas naman ito sa silid at dali-daling pumunta ng sa pintuan para lumabas ngunit napatigil siya ng magsalita ulit si Ariel.

“Dapat hindi kana nagpakita pa. Masaya na si Leah, pero heto ka ginugulo at sinasaktan mo ulit siya.”

Napalingon naman si Troy kay Ariel.

“Wala kang alam sa nakaraan namin.” Madiin niyang tugon dito. Nakita niyang napangisi ito sa sinabi niya.

“Alam ko man o hindi, ngunit hinding-hindi ako papayag na saktan mo uli si Leah. At hindi ako makakapayag na maging sayo muli siya.”

Napakuyom naman ng kamay si Troy ngunit ilang saglit lang ay napangisi naman siya. “Alam mo naniniwala ako sa kasabihang ‘Onc already yours, it’s already yours’ and I will make sure na sa’kin ang bagsak muli ni Leah. Nawalan na ako minsan, hindi ako papayag na mawalan ulit dahil lang sa isang asungot na e-epal.” Saad niya dito at saka lumabas na ng silid.

•*•*•*•*•

“Tara na, baby.” Tawag ni Leah sa anak niya. Lumapit naman ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

Nang mabuksan na ang pinto ay napatalon naman sa gulat si Leah ng makita ang dalawang binata na naka-abang sa labas ng pinto ng kwarto nila.

“Anong ginagawa niyo?” Tanong niya sa mga ito habang pabalik-balik ang mga tingin niya dito.

“Yayain kang kumain.”

“To eat dinner.”

Sabay na sabi ng dalawa na nakapag-pataas sa kilay ng dalaga.

“Ano naman bang nangyayari sa dalawang ito?” Isip-isip niya habang nakatingin sa dalawa.

“Sakin sasama sila Leah.”

“No. Sa’kin.”

Napapikit na lamang si Leah ng magsimulang magbangayan ang dalawa sa harap nila. Akala niya ay titigil na ang mga ito kanina ngunit nagkakamali siya. Heto sila sa harapan niya parang mga aso’t-pusa at nagbabatuhan ng mga salita.

Napatingin naman siya kay Carlo ng hilahin nito ang damit ko.

“Mama, hindi pa ba tayo aalis? I’m hungry na po eh.” Saad nito.

Hinigpitan naman niya ang pagkakahawak niya sa kamag nito at saka binuhat. “Sorry baby, huh. May aso’t-pusa kasing nagaaway eh. Tara na kain na tayo.”

Tumango na lamang si Carlo. Tiningnan niya ang ang dalawa na patuloy pa rin sa pag-babangayan. Napailing na lamang siya sa mga ito. Dumaan siya sa gitna ng mga ito para tumigil sa ginagawa na ikinatigil naman nila at dere-deretsong nilagpasan ang dalawang binata.

Napansin naman iyon ng dalawa at dali-daling sinundan si Leah.

“Wait!”

“Teka, Leah! Hintayin mo’ko.”

Habang kumakain ay wala pa ring nagbabago sa dalawa. Patuloy pa rin silang nagbabato ng mga masasamang tingin sa isa’t-isa. At dahil doon ay nawalan na siya ng ganang tapusin ang kinakain niya.

Inilapag niya ang kaniyang kutsara sa plato na nagbigay tunog dahilan para mapabaling ang atensiyon ng dalawa sa kanya.

“May gusto ko pang orderin?”

“Do you want to order again?”

Sabay na sabi ng dalawa na nagkatinginan pa.

“Wala na. May gusto lang ako malaman.” Saad niya at matalim na tiningnan ang dalawang binata.

“Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?” Tanong niya sa mga ito.

Napatigil naman ang mga ito at napansin ng dalaga ang pagtikhim at pagiwas ng mga tingin nito sa kanya.

“Sabihin niyo nga sakin. Nagaa---”

“No! H-Hindi noh. Hahaha. Actually close na kami ni Pareng Troy. Diba? Diba?” Tugon ni Ariel saka sinipa ang paa ni Troy sa ilalim ng lamesa.

Napa-aray naman dahilan para mapatingin sa binata at tingnan ito bg masama.

“Diba close tayo, Pare?” Saad ulit nito at sipa ulit nito sa paa ni Troy.

Mukhang naintindihan naman ito ni Troy at napatingin kay Leah. “Y-Yeah. Were close.” Tugon nito sabay sipa pabalik ni Troy kay Ariel.

Napakuyom naman si Ariel ng kamay niya dahil sa lakas ng pagkakasipa ng binata sa kanya.

“Sure kayo? Eh ba’t ganoon na lamang ang mga titigan niyo sa isa’t-isa, kulang na lang ay bigyam ko kayo ng kutsilyo eh.”

“You know, boys stuff. Staring each other is the way to know others…like that. Yeah.” Pagsisinungaling ni Ariel habang nakangiti sa dalaga.

Tinitigan pa ni Leah ang dalawa na masigurado kung totoo ba ang mga sinasabi ng mga ito. Hindi pa rin kasi siya kumbinsido na close ang mga ito dahil sa kakaibang mga kilos nitong dalawa kanina.

Bumuntong hininga na lamang si Leah at tumango sa mga ito. Mukha namang nagsasabi ang mga ito dahil nagngingitian na ang dalawa.

“Okay.” Tanging naisaad na lamang niya at tumingin kay Carlo na kumakain pa rin.

Nakahinga naman ng maluwag ang dalawang binata ngunit bumalik ulit ang mga ito sa masamang pagtitigan.

•*•*•*•*•*

“Wow! Ang daming colors sa sky!” Saad ni Carlo na nakatingala at mangha na mangha sa makukulay na fireworks sa kalangitan.

Nandito sila sa beach at nanunuod ng fireworks. Hindi niya alam kung anong meron kung bakit may fireworks ngunit napapangiti na lamang siya dahil sa ganda ng mga ito sa langit. Marami ring mga tao dito at nanunuod rin ng fireworks.

Napatingin naman siya sa kaliwa niya kung saan dumaan si Ariel. May tumawag kasi dito sa selpon nito. Seryoso itong nakatingin sa selpon na kaya napagtanto niyang importante ang tawag na iyon sa binata.

Mukhang walang balak si Ariel na sagutin ang tawag kaya nagsalita na si Leah.

“I think, kailangan mong sagutin iyan. Mukhang importante.” Saad niya dito at tumingin sa binata.

Nagulat naman si Ariel sa sinabi ni Leah at tumingin muli sa selpon nito na patuloy pa rin sa pag-ring. Bumuntong hininga naman si Ariel at ngumiti sa dalaga.

“Saglit lang ako, babalik agad ako.”

“Okay lang. Take your time.” Saad niya sa binata. Nagpaalam naman sa kanya ang binata saka umalis.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ito, siguro nga ay importante ang tawag na iyon.

“Nag-eenjoy ka ba baby?” Tanong niya kay Carlo.

“Yes, Mama!” Saad nito na ikinangiti naman niya. Tumingin ulit siya sa langit.

Habang nakatanaw sa langit ay may naramdaman siyang lumapit sa kanya. Nagulat naman siya ng si Troy iyon.

Kanina kasi ay umalis ito at may aasikasuhin daw ito saglit. Akala niya ay hindi na ito susunod sa kanila dahil ito pa naman ang nag-aya sa kanila na pumunta dito.

“A-Ano…Saan ka pala galing…?” Nahihiyang niyang tanong dito.

“My ghad! Leah? Ikaw? Nahihiya?”

Ang lapit ng mukha nito sa kanya dahilan para hindi siya makahinga ng ayos.

“Leah can I ask your permission?”

“Huh? Saan?” Pagtataka niyang tanong dito.

“F*ck this!” Bulong ng binata na ikinataka naman ni Leah.

“Huh? Teka nga, ano bang pinag---”

Naputol ni Leah ang sasabihin nito ng bigla siyang halikan ng binata. Nanlambot naman ang kanyang mga tuhod dahilan para bumagsak siya sa lupa ngunit nasalo agad siya ng binata.

Nagsimulang gumalaw ang mga labi ng binata sa labi niya kaya naman ay napapikit siya at napakapit sa mga balikat ng binata.

Si Carlo naman ay takip-takip nito ang bibig habang nakatingin kay Leah at Troy. Naghiwalay naman ang mga labi nila at saka pinagdikit ang mga noo nila.

“Can I court you? I promise I will never hurt you again. Please give me a chance, Leah. Hayaan mo’kong bumawi sayo at maging ama rin ni Carlo.” Saad nito na nakatitig sa mga mata ng dalaga.

Hindi makapagsalita si Leah. At dahil doon ay nagsimula ng tumulo ang mga luha niya. Niyakap naman siya ng binata.

“I don’t know…”

Sa kabilang banda naman ay nakamasid lamang sa kanila si Ariel habang hawak ang selpon nito pabalik sa pwesto nila Leah. Ngunit natigilan siya ng makita niyang halikan ng binata si Leah at yakapin ito.

?: “Son! You need to come back here! Hindi ko alam kung ano namang kalokohan ang ginagawa mo. Kapag hindi ka umuwi dito sa America, mapipilitan akong ipasundo kita diyan.” Saad ng sa kabilang linya.

Hindi alam ni Ariel kung ano ang mararamdaman niya sa nakikita niya. Ngunit isa lang ang nangingibabaw sa puso niya. Sakit na makita niya na ang mahal niya ay hawak-hawak ng iba.