KABANATA 27 (1771 words)

“And that’s for our meeting.” Saad ng binata saka ipinatong ang mga kamay sa mesa.

“Thank you, Sir.”

“Thank you po, Sir.” Sabay-sabay na tugon ng mga empleyado habang nagliligpit ng mga gamit.

Nandito sila ngayon sa isang restaurant sa beach at pinagme-meetingan ang mangyayaring photoshoot para sa ilalagay sa magazine nila.

Tatlong araw na rin sila dito sa Boracay at enjoy naman silang lahat. Maganda ang tanawin lalo na tuwing sunset, marami ring pwedeng gawing activities lalo ang scuba diving.

Nagustuhan ito ni Carlo dahil marami siyang nakikitang mga ibat-ibang isda.

Marami pa silang ginawa at pinuntuhan, halos mapuno na ang selpon ni Leah dahil sa dami ng litrato nila.

Hindi doon mawawala ang binata. Kasama nila ito palagi at kasama rin ito sa mga litrato na nakukuha niya. At dahil doon ay, nakita niya kung paano magbonding ang dalawa. Masaya ang mga ito lalo na si Carlo.

At dahil sa ala-ala na iyon ay hindi mapigilan ni Leah makaramdam ng sakit. Napabuntong hininga na lamang siya at saka inayos ang mga gamit niya.

Napatingin naman siya sa anak niya sa tabi niya na busy sa pagkain sa cake na inorder niya.

Isinama niya ito sa meeting nila dahil walang magbabantay dito. Buti na lang at hindi ito makulit. Kalahating oras lang rin naman ang itinagal ng meeting nila dahil ipinaliwanag lang naman ng binata sa kanila na may bagong silang client.

“Ay nako. Ang dungis muna.” Saad niya at saka pinunasan ang bibig ni Carlo ng makitang nagkalat sa gilid ng bibig nito ang mga icing at tsokolate.

Bumungisngis lamang ito sakanya. Napatawa naman siya ng makita niyang puno ng chocolate cake ang ngipin nito.

“Tama na iyan. Inom ka na ng water. Masyado ng matamis ang nakakain mo.” Abot niya dito na agad naman itong ininom.

“Mama. I want to go swim na. Are you finished?” Tanong nito at saka kumandong sa kanya.

“Diba katatapos mo lang maligo?”

“Eh~ sa C. R naman po iyon eh. I want to go swim in the sea! Please, Mama, please?” Pagmama-kaawa nito habang magkadikit ang dalawang palad.

Bumuntong hininga na lamang siya at saka tumango dito. Napa-palakpak naman ito sa tuwa.

“Yehey! I love you, Mama!”

“I love you too.” Tugon niya saka hinalikan ang tungki ng ilong nito.

Tumayo na sila at saka binitbit ang mga gamit nila at lumabas na ng restaurant pabalik ng kwarto nila para magbihis.

•*•*•*•*•*•

Nang makapag-bihis na sila ay lumabas na sila ng kwarto. Sakto naman ay bumukas ang isang kwarto kung saan lumabas si Troy. Muntik niya ng makalimutan na magkasama pala sa iisang silid.

Napadako naman ang tingin ni Leah sa suot nito. Nakasuot ito ng summer short, at polo na kulay blue na nakabukas ang mga butones dahila para makita niya ang six pack abs nito.

Napansin naman iyon ni Troy at muling tiningnan ang katawan niya kung saan nakatingin ang dalaga at dahil dito ay hindi niya mapigilang mapangiti.

“Do you want to touch it?”

“Yes…Huh? Ahh! No! Hindi!” Namumulang tugon ng dalaga at saka umiwas ng tingin.

Napatawa naman siya dahil sa reaksiyon ng dalaga. Nilibot naman niya ang tingin sa suot ng dalaga. Nakasuot ito ng denim short at white t-shirt habang ang buhok nito ay nakatali na pabilog.

“Simple but sexy.” Isip-isip niya.

“Where are you going?” Tanong niya dito.

“Swimming! Sama ka po, Papa!”

Naitikom na lamang ni Leah ang bibig niya ng magsalita si Carlo.

“Oh, sure.” Saad ng binata saka binuhat si Carlo at lumabas na ng silid. Bumuntong hininga na lamang si Leah at4 saka binitbit ang salbabida na gagamitin ng anak niya at sumunod sa mga ito.

•*•*•*•*•*•

Ibinaba naman ni Leah ang gamit na dala niya at ang salbabida sa buhangin. Inilabas niya ang isang balabal at saka inilatag sa buhangin upang upuan.

Marami ng tao na naliligo sa dagat at marami rin siyang nakikitang mga naka-bikini at two piece na mga babae. Napapikit na lamang siya dahil sa ganda ng tanawin. Clear blue na dagat at putting buhangin na nagkikislapan sa ilalim ng araw.

“This is paradise.”

Dederetso na sana si Carlo sa tubig ng hablutin niya ito sa kamay. “Ooppss. Mamaya na. Lalagyan muna kita ng sunblock.” Saad niya dito saka pinahiran ang buong katawan nito.

Hindi na niya ito nalagyan dahil sa pagmamadali nitong lumabas kaya ay maging siya ay hindi na rin nakapag-lagay. Nang matapos lagyan ito ay saka ipinasuot dito ang salbabida na ang disenyo ay pating.

“Hintayin mo’ko at sabay tayo.” Saad niya dito na tumango naman. Kumuha muna ng sandwich si Carlo sa dalang basket ng dalaga at saka kumain.

Hinubad naman niya ang suot niyang putting t-shirt at saka inilagay sa bag na dala niya. Naglagay rin siya ng sunblock sa ibang bahagi ng katawan niya. Ngunit ng lalagyan niya na ng lotion ang likod niya ay hindi niya ito maabot. Napatingin naman siya kay Carlo na busy sa pagkain nito.

Bumuntong hininga na lamang siya at iniligpit na ang lotion Ngunit ng ilalagay niya na ito sa bag niya ay may humawak sa kamay niya. Napatingin naman siya sa may-ari ng kamay na iyon.

“Ako na maglalagay sa likod mo.”

“Huh?”

“Ako na maglalagay ng sunblock mo sa likod.” Saad ng binata at saka kinuha ang lotion sa kanya at pumwesto sa likod nito.

“Naku, ‘wag na. Ay---Ohh!” Para namang nahigit ni Leah ang kanyang paghinga ng maramdaman ang mga kamay ng binata na humahaplos sa likod niya.

Napatakip naman siya ng bibig niya upang pigilan lumabas ang kakaibang tunog. Hindi mapigilan ni Leah ang mapa-pikit at damdamin ang mga kamay ng binata na patuloy sa pag-haplos sa likod niya. At dahil doon ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang elektrisidad. Nagsisimula na ring mag-init ang pakiramdam niya.

“Oh. My. God.” Isip-isip niya.

Sa kabilang banda naman ay kanina pa nagiiwas ng titig si Troy sa likod ng dalaga. Ngunit kahit anong iwas niya ay bumabalik pa rin ang tingin niya sa likod ng dalaga.

Kanina pa siya nakatitig sa dalaga hanggang sa hubarin nito ang putting damit nito. Hindi maiwasang mapalunok siya ng makitang sa harapan niga mismo naghubad ang dalaga. Parang wala siya doon ng gawin iyon ng dalaga.

Napalunok ulit siya ng makita niya itong nagpapahid ng lotion sa braso at sa kamay nito. At dahil doon ay hindi niya maiwasang basain ang kanyang labi. Para siyang tino-torture ng mga oras na iyon dahil sa ginagawa ng dalaga, lalo na nakita niyang nakasuot ito ng black two piece.

Nang mapansin niya na pilit na inaabot ng dalaga ang likod nito ay kusang gumalaw ang katawan niya para kuhanin ang lotion na sana ay ibabalik na sa loob ng bag.

Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. Napalunok muli siya ng mapadako siya sa kanyang mga palad na patuloy sa pag-haplos sa likod ng dalaga.

“This is torture. Definitely torture. F*ck!”

Maya-maya lang ay hindi na namalayan ni Troy na ipinulupot niya ang mga braso niya sa dalaga na siyang ikinagulat naman nito. At dahil doon ay magkadikit na ang katawan nila.

Napatigil naman si Leah ng ng maramdaman ang paghinga ng binata sa batok niya. Hindi siya makahinga ng ayos at malakas rin ang tibok ng puso niya.

Ilang saglit lang ay nakaramdaman siya ng mumunting halik nito mula sa leeg niya paakyat sa tenga niya. At dahil doon ay napahawak siya ng mahigpit sa mga braso ng binata na nasa bewang niya.

“Leah…” Bulong ng binata sa kanya dahilan para manginig ang kalamnan niya.

“I want to make love to you, right here right now.” Madiing saad nito na ikinagulat niya.

Dahil sa init ng tensiyon na nagaganap ay nabasag ito.

“Mama, are you done? Let’s swim na po.” Napatingin naman siya kay Carlo na nakaupo na ngayon sa buhangin at medyo nakasimangot na.

Maya-maya ay napatingin ito sa tiyan niya kung saan nakapulupot ang mga braso ng binata. Napapikit naman si Leah ng maramdamn muli ang mumunting halik nito sa kanyang batok.

Napansin naman iyon ni Carlo at nagtanong. “What are you guys doing? Can I join?”

Halos lumabas na ang mga mata ni Leah ng marinig iyon sa anak niya. Agad naman niyang itinanggal ang mga braso ng binata sa kanya at saka tumayo.

“Huh? Ano baby? Tara na mag-swim na tayo.” Saad niya sa anak niya habang patuloy na umiinit ang mukha niya.

“Oh okay!” Saad nito at saka tumayo sabay hawak sa mga kamay niya. Umalis na sila palayo kay Troy at rinig na rinig niya ang tawa nito papalayo.

“Ano ba iyan, Leah! Ligo ang ipinunta mo dito hindi kaharutan. Jusko po!”

•*•*•*•*•*•

Pasado alas-tres na at napag-pasyahan na nilang umahon na. Napansin niya na kasi na medyo kumukulubot na ang kamay ni Carlo dahil sa pagkaka-banad ng matagal sa tubig.

Pinunasan muna niya si Carlo at saka pinagbihis ng damit. Ganun rin siya at nagbihis rin ng damit. Iniligpit na niya ang gamit nila at saka niya isinukbit ang bag sa balikat niya upang dalhin ngunit may kumuha na ito sakanya.

“Ako na magdadala ng mga ito. Buhatin mo na lang si Carlo at dumeretso na kayo.” Saad ng binata saka binitbit ang bag, basket na may pagkain at ang salbabida ni Carlo.

Hindi na lamang tumanggi si Leah at saka binuhat si Carlo. Habang pabalik na ng kwarto ay naramdaman niyang bumigat ang balikat niya. Nakatulog na si Carlo dahil sa pagod.

Nang makapasok sa resort na inuukupa, agad naman na sila pumasok sa elevator. Tahimik lang ang loob ng elevator at walang nagsasalita hanggang sa tumigil ang elevator sa ikalimang palapag.

Una siyang lumabas dahil nasa kanya ang susi ng kwarto nilang dalawa. Dere-deretso lamang si Leah sa paglalakad hanggang sa may mabangga siya sa harapan niya.

Napaayos naman si Leah ng tayo at hawak kay Carlo na natutulog. Agad naman siyang nag-angat ng tingin.

“Bakit ba nakahar---A-Ariel? Anong ginagawa mo dito?” Gulat na tanong niya ng makita ang taong nasa harap niya.

“Leah! Buti na lang nakita agad kita.” Saad nito saka yinakap siya. Hindi rin naman ito nagtagal dahil napansin nito ang natutulog na si Carlo sa balikat niya.

“I’m sorry. Hindi ko alam na tulog si Carlo.” Paghingi niya ng paunmanhin at saka hinaplos ang buhok ng anak niya.

Magsasalita na sana siya ng may magsalita naman sa likod niya.

“What are you doing here?” Napalingon naman silang dalawa kay Troy na bitbit ang gamit nila. Nakatingin ito ng deretso kay Ariel at ganun rin si Ariel sa binata.

Napapikit na lamang si Leah ng mapagtanto ang sitwasyon nila ngayon.

“Oh my, This is trouble.”