KABANATA 29 (1890 words)

Balik trabaho na ulit sila Leah matapos ang kanilang outing sa Boracay. Naging busy ulit sila dahil sa maraming naiwan na mga gawain at may bago pang kleyente.

Maglilimang araw na ang nakakalipas ng humingi ng permiso si Troy sa kanya na manligaw. Wala naman siyang naisagot dito. Ngunit ng malaman niyang handa itong bumawi sa kanila ni Carlo ay hindi niya mapigilang makaramdam ng saya.

Nang mangyari ang gabing iyon ay araw-araw na siyang binibigyan ng bulaklak ng binata. Tulad na lamang kanina, may nakita na naman siya sa desk niya na isang rosas. Halos mapuno na ang isang vase niya sa bahay nila dahil sa tatlong beses na siyang nakakakita ng rosas sa desk niya sa isang araw.

Hindi niya na kailangan manghula dahil alam niya na kung sino ang nabibigay ng mga iyon. Si Troy. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya dahil sa determinado itong makuha ulit ang loob niya, ngunit aaminin niyang kinikilig siya sa mga ginagawa nito.

Hindi niya pa rin nakakausap si Ariel simula ng may tumawag sa selpon nito nung gabi na sa beach sila. Hindi na rin naman ito bumalik pa. Kinabukasan naman niyon ay umuwi agad ito at nagpa-alam na mayroon siyang aasikasuhin kaya kailangan niya ng bumalik ng Manila.

Nakaramdaman naman ng unting lungkot si Leah ngunit naiintidihan niya ang binata.

Napatingin naman si Leah sa kalendaryong maliit na nasa gilid ng desk niya. Bumuntong hininga siya ng makita ang isang bilog sa petsa ng bente-uno. Malapit na ang kaarawan ni Carlo.

Napatigil naman sa pagtipa si Leah sa kanyang kompyuter at sumandal sa kanyang upuan. Naalala niya kasi ang sinabi ni Carlo. Tinanong niya ito kung ano ang gusto nitong maging regalo sa pagdating sa kaarawan nito, ngunit hindi niya inaasahan ang magiging sagot nito sa kanya.

“Mama, in my birthday. I want to meet my Papa. My real Papa. Naiinggit po kasi ako sa mga kaklase ko po dahil sa tuwing uwian po ay sinusundo sila ng kanilang Papa.” Saad ni Carlo habang nakayuko.

Nang makita at marinig ni Leah iyon ay nakaramdaman siya ng sakit sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mga sinabi ng anak niya sa kanya.

“Mama, Can you grant my wish? I want to know where is Papa and why he left us. I promise, magiging good boy ako.” Dagdag muli nito na nakatingin na sa mga mata ni Leah.

Nasasaktan naman siyang makita niyang umiiyak ang anak niya. Ngayon niya lamang ito nakitang umiyak dahil sa araw-araw na kasama niya ito ay palagi itong nakangiti at tumatawa.

Niyakap naman niya ito ng mahigpit at saka napaiyak na lamang siya.

“I’m so sorry, baby. I’m so sorry…”

“Mama, are you crying? It’s bad po ba?” Saad ni Carlo saka hinawakan nito ang mukha niya.

“No, baby. It’s okay. I promise, sa birthday mo makikita mo siya.” Tugon niya at saka pinunasan ang mga luha niya sabay ngiti sa anak niya.

“Talaga po?”

“Oo naman.”

“Yehey! I love you, Mama!” Saad nito habang tumatalon sa saya.

Napapikit na lamang siya ng maalala iyon. Kahit na may tatay-tatayan itong kinikilala ay hindi pa rin talaga mawawala kay Carlo ang kuryusidad na malaman niya ang tunay na ama.

“Can I really do this? I know, I’m selfish…but.. Hayst.” isip-isip niya.

Bumuntong hininga ulit siya at saka bumalik sa kanyang ginagawa. Saka na niya iisipin ang mangyayari kapag tapos na siya sa gawain niya.

•*•*•*•*•*

“Rian, palagay naman ito sa lamesa sa labas.” Utos ni Leah habang inaabot dito ang bagong lutong ulam.

“Sige, Malapit ka na ba matapos diyan? Sabi ko naman sa’yo pagpa-catering na lang tayo eh.” Busangot na saad ni Rian kay Leah.

Tumawa na lang si Leah at saka humarap sa mga kaldero. “Ayy naku, Okay na ito. Masyadong mahal kapag nagpaluto pa, mas magandang ako na iyong nagluluto.” Tugon niya sa kaibigan at saka nginitian ito.

“Oh siya, sige sige na. Ikaw na. Bilisan mo na diyan dahil magsisimula na iyong party, hindi pwede na wala ko doon noh.”

“Oo, ilagay mo na iyan doon. Susunod na lang ako.”

Nang makaalis na si Rian ay iniligpit niya na ang mga gamit sa kusina. Unti lang naman ang liligpitin niya doon dahil may mga katulong rin naman siya magluto kanina. Nang ayos na ay agad naman siyang umakyat sa kwarto at nagpalit ng damit.

Nagsuoy siya ng putting sleeveless dress na may kaunting ribbon design sa may bandang bewang. Inilugay niya na lamang ang paalon niyang buhok at saka naglagay ng kaunting pink lipgloss at blush on, naglagay rin siya ng pabango. Tumingin naman siya sa salamin at sinuri ang suot niya. Napangiti naman siya ng ayos na ang suot niya.

“May pinaghahandaan ka ba?” Isip-isip niya bigla. Napailing na lamang siya para mawala sa isip niya iyon.

Nang makapagsuot na ng sandal ay bumaba na agad siya at dumeretso sa likod bahay. Doon kasi gaganapin ang kaarawan ni Carlo. Fifth birthday nito ngayong araw, unti lang naman ang mga bisita nila. Iilang kaklase ni Carlo, si Rian at ang partner nito na si Jonathan, si Ariel…

At si Troy.

Oo, inimbitahan niya si Troy dahil napag-desisyunan niyang ipag-paalam na kay Carlo na ito ang tunay niyang ama. Alam na rin naman ito ni Rian at masaya ang kaibigan niya na sabihin ang totoo kay Carlo.

“You know, my friend. Mas magandang malaman na ni baby Carlo ang tunay niyang ama hangga’t maaga pa. Dahil sa huli, magsisisi ka, baka ito pa ang dahilan at mawala sa’yo si Carlo. Dadating talaga ang panahon na hahanapin ng anak mo ang tunay na ama niya.” Saad ni Rian habang kumakain ng mangga at alamang.

Napatahimik naman si Leah sa sinabi ng kaibigan sa kanya.

At dahil sa mga sinabing iyon ni Rian sa kanya napagtanto niyang kailangan na nga niya sabihin ang totoo sa anak niya lalo na’t ang hinihingi nitong kahilingan ay malaman at makita ang tunay niyang ama.

Nang makapunta sa likod bahay ay agad siyang pumunta sa pwesto ni Carlo na kalaro ang mga kaibigan nito. Agad naman siya nitong nakita kaya dali-dali itong tumakbo palapit sa kanya.

“Mama!” Binuhat naman niya ng makalapit sa kanya.

“Are you ready?” Tanong niya dito na nakangiti.

“Yes po!”

Hinalikan naman niya ito sa pisngi at saka lumapit na sa unahan kung saan nandoon ang cake. Ibinaba naman niya si Carlo sa isang upuan kung saan ito nakatayo habang nakaharap sa cake nito na may limang kandila.

“Ok, ready guys! Let’s sing a ‘Happy Birthday’ to our baby boy, Carlo!” Saad ng emcee sabay bilang ng tatlo.

“Happy birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday to you!”

Pagkatapos ng kanta ay saka na hinipan ni Carlo ang kandila sabay palakpakan ng mga tao.

“Happy Birthday, Carlo!”

“Happy Birthday!”

Sigaw na mga tao sa paligid. Ngiting-ngiti naman si Carlo ng mahipan niya ang kandila at saka tumingin kay Leah. Napabuhat naman ito sa dalaga na binuhat rin nan nito.

“Thank you, Mama! This is the best birthday ever! I love you!” Saad nito sabay halik nito sa magkabilang pisngi niya.

Napatawa naman ang dalaga sa ginawa nito. “Happy Birthday, baby boy. And I love you too.” Tugon niya dito at saka ito hinalikan sa pisngi.

Ilang saglit lang ay nagsi-abutan na ng mga regalo kay Carlo na agad naman itong binuksan dahil sa pagkaka-excite. Karamihan sa mga regalo ay laruan at ang iba naman ay mga damit na.

“Hey, Baby Carlo! Here’s Tita gift for you.” Saad ni Rian ng makalapit sa kanila sabay abot ng medyo may kalakihan na box.

Iniwan naman ni Carlo ang mga ibang regalo niya at kinuha niya ang regalo ng Tita Rian nito.

“Wow. It’s big!” Agad naman nitong sinira ang pagkakabalot at tumambad dito ang remote control na helicopter.

“Thank you, Tita Rian!” Saad ni Carlo na yinayakap pa nito ang bago nitong laruan.

“Your welcome.” Pagkasabi nun ay umalis na si Rian para kumain.

Naiwan naman sila ni Carlo at ang iba pang mga bisita na lumalapit sa kanila upang batiin ang anak niya.

Inilibot naman niya ang tingin ng mapansing hindi pa niya nakikita si Ariel. Nagtext naman ito kanina sa kanya papunta na ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang binata.

“Hmm…Baka na-traffic siguro ito.” Isip-isip niya.

Habang busy sa pagliligpit ng mga regalo ni Carlo ay may nakita siyang anino kaya naman ay humarap siya sa likod niya.

“Uhmm…Hi…?”

Napa-ayos naman ng tayo si Leah ng makitang si Troy ang nakatayo sa likod niya.

“Troy…Buti dumating ka.” Saad niya. Napahigpit naman ang hawak niya sa dress niya. Nakaramdaman naman siya ng kaba.

“Where’s Carlo?” Tanong nito habang nakatingin sa mga mata niya.

“Naglalaro kasama ang mga kaibigan niya saglit tatawa---”

“Papa! You’re here!” Biglang sulpot ni Carlo sa pagitan nila dahilan para hindi matapos ni Leah ang kanyang sasabihin.

“Hey, buddy. Happy Birthday. Here’s my gift.” Saad nito at saka lumuhod sa harap ni Carlo sabay bigay dito na maliit na kahon.

Binuksan naman ito ni Carlo at nakita niyang kwintas iyon at nakasulat ang pangalan ng anak niya sa kwintas.

“It’s a necklace! And it has my first name.” Saad ni Carlo habang titig na titig pa rin sa regalo na ibinigay ng binata.

“Talikod ka, isusuot ko sa’yo.” Saad ng binata na ikinatango naman ni Carlo. Agad naman na tumalikod si Carlo at saka isinuot ni Troy ang kwintas dito.

Ngumiti naman si Carlo kay Troy na ikinangiti rin naman ng binata. Nang makita iyon ni Leah ay hindi niya mapigilang makaramdam ng sakit sa dibdib.

“Sabihin mo na Leah. Ito na ang pagkakataon mo na sabihin lahat kay Carlo.” Isip-isip niya.

Bumuntong hininga muna si Leah at saka lumuhod naman paharap kay Carlo.

“Baby, Anak. Naalala mo pa ba iyong wish mo sakin?” Tanong niya sa anak niya.

“Yes po. I want to meet my Papa po. Why? Nandito po ba siya?” Tugon nito at saka inilibot ang tingin sa paligid.

Tumingin naman si Leah kay Troy at kita niya sa mukha ng binata ang gulat sa mga sinabi ng anak niya.

“Yes, he’s here.”

“Leah…”

Ngumiti naman si Leah kay Troy. “The one you’re calling Papa now, is your real ‘Papa’, baby.” Saad ni Leah habang nakaturo at nakaharap sila kay Troy.

Tumingin na rin naman si Carlo kay Troy at ganun rin ang binata kay Carlo.

“Are you my Papa? My real Papa?” Tanong ni Carlo na nagsisimulang mangilid ang mga luha nito.

Bumalik naman ang tingin ni Troy kay Leah. Tumango lamang ang dalaga na nagpapahiwatag na ‘It’s okay.’

“Y-Yes…Yes! I’m your Papa.”

“Uhmm…Can I hug---”

Hindi na natapos ni Carlo ang sasabihin nito ng yakapin niya ito ng mahigpit. “Son. My son.” Bulong naman ni Troy.

Ilang saglit lang ay yumakap na rin si Carlo kay Troy at umiyak ng tahimik sa mga balikat ng binata.

“Papa…Papa!”

“I’m sorry. I’m sorry.” Paulit-ulit na saad ni Troy habang pinupunusan ang mga luha ni Carlo.

Nang makita iyon ni Leah ay hindi niya mapigilang umiyak. Nakahinga na rin siya ng maluwag dahil nasabi na rin niya ang totoo sa anak niya.

Napatingin naman siya kay Troy ng maramdaman niyang nakatingin ito sakanya.

“Thank you, Leah. Thank you.” Saad ni Troy sa dalaga habang nakangiti at may kaunting luha sa mga mata.