KABANATA 25 (1801 words)

“Anak, wala ka na bang naiwan?” Tanong ni Leah habang nagaayos ng mga gamit nila na dadalhin.

“None na po, Mama.” Tugon naman ni Carlo na nakasuot ng rubber shoes, black shorts and white t-shirt. Nakasuot pa ito ng sumbrero na baliktad.

Isang backpak at maliit ng bag lang dala ni Leah. Ayaw niya ng magdala pa ng marami dahil hindi naman sila doon magtatagal. Nang maayos na ang mga gamit ay hinawakan niya sa kamay si Carlo.

“It’s gonna be fun, Mama! So excited!” Tuwang-tuwa saad nito ng makalabas na sila ng bahay at nilock iyon.

Hindi niya maiwanan si Carlo dahil walang magbabantay dito lalo na busy sa trabaho si Adrianne. May bago itong hawak na kaso kaya ayaw niya na itong istorbohin pa at medyo nahihiya na rin siya dahil siya na rin ang nagbabantay sa anak niya sa tuwing overtime siya sa trabaho.

Ayaw niya ring istorbohin si Ariel dah busy rin ito sa konpanya nito kaya naman ay naisipan niyang isama na lamang sa Carlo.

Nag-komyut lang sila papuntang kompanya dahil may sariling service na inihanda ang kompanya nila.

Nang makababa na ay napansin ni Leah na marami ng tao sa labas ng entrance. Ang iba ay nakasuot ng mga shades at sumbrero. Medyo mainit ang panahon ngayon kahit na alas-otso pa lamang ng umaga.

“Mama, kasama po ba natin sila?” Tanong ni Carlo kaya naman ay napatingin siya dito.

“Yes, baby. Kasama natin sila. Kaya behave lang tayo huh?” Tugon niya dito na ikina-tango na lamang ng anak niya.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Troy. “So you’re all here. I hope you enjoy our outing in there. Ten am ang flight natin. We have service na magdadala sa airport.” Saad ng binata sabay dating ng mga nakavan na sasakyan.

Nakasuot ito ng short pants at blue navy v-neck na naka rubber shoes at shades. At dahil sa suot ng binata ay napuno ng tilian at bulungan ang paligid.

“Grabe! Ang gwapo ni Sir.”

“Oo nga eh. Tingnan niyo katawan look! Ulalam~ kyahhh!”

“Ang yaman pa! Akalaing mong may pa-outing si sir. Swerte mapapangasawa niya.”

Dahil sa mga naririnig ay hindi niya rin mapigilang tingnan ang binata. Maskulado itong tingnan sa suot lalo na’t bumabakat sa damit nito ang mga muscle ng binata.

Ngunit nabasag ang bulungan at tilian ng biglang sumigaw si Carlo at tumakbo papalapit kay Troy na ikinagulat ng maramj maging siya ay nagulat rin.

“Mister!” Sigaw ni Carlo sabay yakap sa mga binti ni Troy. Nagulat naman ang binata dahil sa pagyakap nito.

Halos lahat na ng atensiyon nila ay sa anak niya na. Nang papalapit siya sa mga ito ay hindi inaasahang nagtama ang kanilang mga mata kaya naman ay napatigil siya.

“Hey, Mister. Are you also coming with us?” Tanong nito sa binata. Tiningnan naman ito ni Troy sabay ngiti.

“Hey, buddy. Yes, I’m coming with you.” Saad nito sabay buhat kay Carlo.

“Yehey! It’s gonna be fun!” Napatawa naman si Troy ng makitang masaya ang bata habang nakatakas pa ang mga kamay nito sa ere.

Hindi rin nagtagal ay napuno ulit ng bulungan ang paligid.

“Sino kaya ang batang iyan?”

“Anak ba iyan ni sir?”

“Ang gwapong bata. Parang…kahawig ni sir.”

Dahil sa narinig ni Leah sa isang komento ay lunapit na siya sa pwesto ng binata saka kinuha si Carlo.

“Pasensya na po, sir. Makulit lang ang anak ko.” Saad nito saka hinila na palayo si Carlo, ngunit hindi pa siya nakakalayo sa binata ay hinabol naman nito ang braso.

“Get in the car. Sa’kin kayo sasabay.” Saad nito at binatawan na ang braso niya.

Magsasalita na sana siya ngunit ibinaling na nito ang atensiyon sa mga kasama niya.

“Pumasok na kayo sa van, vaka malate tayo sa flight natin.”

Pagkasabi nun ay isa-isa ng pumasok ang mga kasama niya sa mga van. Siya naman ay nakatayo lamang habang hawak sa kamay si Carlo hanggang sa naramdaman niyang may kumuha ng mga bag niya sa kaniya.

“Akin na. Pumasok na kayo sa loob.” Saad nito at saka dumeretso sa trunk ng sasakyan nito para ilagay ang bag nila.

Nakita naman niyang binuksan ng binata ang passenger seat nito na nagpapahiwatig na pumasok.

“Mama. Ayaw mo bang sumabay tayo kay Mister?” Napatingin naman siya kay Carlo na halata sa mukha nito ang pagka-lungkot.

“Hindi sa ganun, baby. Tara na baka mahuli pa tayo sa flight.” Sagot niya dito na ikinatuwa naman nito.

Nang makapasok ay umikot naman agad sa driver seat ang binata saka ipinaandar ang sasakyan nito.

Nagtagal halos ng isang oras ang biyahe nila papuntang airport dahil sa naipit sila trapik. At sa buong biyahe na iyon napuno ng tanungan ang sasakyan nila na sinasagot naman ng binata.

Ang mga tanong ng anak niya ay kung ilang taon na ito, saan siya nakatira, saan niya binili ang sasakyan nito at marami pang iba na talagang hindi nila mapigilang matawa. Ang mas nakakatawa pa ay tanungin ng anak niya kung ano ang pangalan nito.

“It’s Troy, buddy. Troy Salvatore.”

Ngayon lang niya naalala na simula ng magkita ang binata at ang anak niya ay hindi nito alam ang pangalan ng binata at palaging ‘Mister’ ang tawag nito.

“Ohh~ Then, can I call you, Papa?” Dagdag ni Carlo na ikinagulat niya.

“Carlo. It’s ru---”

“Yes. I would love to. You can call me, ‘Papa’.”

“Okay, Papa!” Tuwang-tuwa naman si Carlo ng banggitjn iyon.

Napatingin naman siya sa binata na nakatingin kay Carlo at nagtama naman ang paningin nila. Kitang-kita niya sa mukha nito ang saya ng tawagin siya ng anak niya ng ‘Papa’ lalong lalo na ang mga mata nito na kumikislap dahil sa saya.

At dahil doon ay hindi niya mapigilang mapaisip.

“Tama ba itong ginagawa ko? Ang ilayo sa kanya ang anak niya? It’s been five years ng mangyari iyon…but, still…”

•*•*•*•*•*•

Nakababa na sila ng eroplano at ngayon ay papunta na sila sa resort kung saan doon sila pansamantalang tutuloy. Nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng isang resort ay lahat naman ay nagsibaba na. Siya lang ang huli bumaba dahil kasama niya ang anak niya. Ng maiayos na ang mga bag ay ready niya ng buhatin si Carlo. Tulog ito at halatang napagod sa biyahe.

Ngunit ng bubuhatin niya na ito ay may sumiksik sa gilid niya para buhatin si Carlo. Laking gulat niya ng si Troy iyon.

“Ako na bahala sa kanya. Dalhin mo na lang iyang mga gamit niyo.” Saad nito at naglakad na papasok.

Hindi na rim siya umangal dito at sinundan ito sa loob. Napatayo naman ang ibang mga kasama niya ng makitang pumasok si Troy hindi rin mawawala dito ang nga tingin sa bata na bitbit nito.

“This is were we will stay for a week. You can check your rooms in the reception area. The rooms are up to two bedrooms, so decide it who is your roommate. The food is free don’t worry.” Saad ni Troy na ikinatuwa tuwa ng marami.

Nagdagdag pa ito na bumaba sa buffet area ng resort pagkatapos ng isang oras para sa salo-salo mamaya. Um-oo naman ang mga tingin at saka pumunta na ng reception area para kunin ang mga susi ng kwarto.

Tuwang-tuwa naman ang iba dahil makakasama nila sa isang kwarto ang mga kaibigan nila o kaya naman ang mga kasintahan nila. Matapos ang kalahating oras ay sunod na si Leah. Umakyat na rin ang iba para mag-ayos na ng gamit.

“Hello, Maam. Good day. What’s your name, Maam?” Tanong nito at sumilip sa’kin.

“Uhmm…Leah Alcaraz.”

Pagkasabi niya ng pangalan niya ay agad naman itong chineck ang papel na hawak nito at hinanap ang pangalan niya.

“Your in VIP room, Ma’am with Mr. Troy Salvatore. Here’s your key, Ma’am.” Saad nito sabay abot ng susi ng kwarto.

Natigilan saglit si Leah sa narinig niya. Tiningnan niya ulit ang babae sa harap na hawak ang susi sa VIP room. Para kasi siyang nabingi sa narinig niya dito.

“W-Wait…sino ang kasama ko sa VIP room…?” Tanong niya dito habang nakakunot ang mga noo.

“Si Mr. Troy Salvatore, Ma’am. May problema po ba?” Tanong ng babae sakanya.

“Yes! I think nagka---”

“Thank you for the keys.” Pagpuputol ni Troy sa sasabihin ni Leah at kinuha ang susi dito ang susi ng VIP room.

Tiningnan niya muna si Leah na hanggang ay gulat pa rin kaya naman ay hindi niya mapigilang mapangiti dito. Napansin nanlman agad siya nito kaya naman ay umalis na agad siya doon. Hinabol naman siya ni Leah hanggang sa makapasok sila elevator.

“Yah! Bakit tayo magkasama sa iisang room? At sa VIP pa talaga.”

Tiningnan niya ang dalaga na medyo namumula ang leeg nito. Patuloy pa rin ito sa pagsermon sa kanya ngunit busy siya sa pagsuri sa katawan ng dalaga. Napaka-sexy nitong tingnan lalo na’t nakashort ito na hindi naman gaanong kaikli kaya mapapansin dito ang mapuputi ang bilugang mga hita nito.

Nakasuot rin ng sando sa loob dahil pinatungan ito ng jacket kaya halata rin dito ang hubog ng katawan nito na bumabakat sa suot nitong damit. Tiningnan naman nito ang mukha ng ng dalaga. Napakaganda talaga nito lalo na’t naka-messy bun ang tali nito sa buhok. Hindi naman niya mapigilang mapalunok ng mapadako ang tingin niya sa labi nito na namamasa pa.

“Ang sexy mo pa rin kahit may anak kana…” Bulong niya sa sarili at patuloy pa rin sa oaghangod ng tingin sa dalaga.

“Nakikinig ka ba sa’kin? Akin na si Carlo. Baba ako. Magpapalit ako ng kwarto.” Saad nito at pilit na kinukuha ang anak nito sa kanya.

Ngunit iniiwas niya ang anak nito sa kanya. Humarap naman ito sa kanya kaya naman ay napatigil siya sa ginagawa niya.

“Hindi mo na pwedeng palitan ang mga kwarto dahil naka-reserved na tayo. Well, kung gusto mo talaga ay pwede ka namang mag-check in ng bago.”

“Mura lang naman ang kwarto dito kaya akin na si Carlo.”

“Yeah, it’s cheap. It’s fifteen thousand for one room in one week. It is very cheap.” Tugon nito sa dalaga habang idinidiin ang salitang ‘cheap’ dito.

Natigilan naman si Leah sa narinig sa binata.

“Fifteen thousand? Really?”

“Matutulog lang naman tayo sa isang kwarto with two bedrooms. Walang mangyayari sa atin unless kung gusto mong may mangyari, pagbibigyan kita.” Saad muli nito sa dalaga habang nakasandal ang isang kamay ng binata sa pader.

Magsasalita na sana siya ng tumunog ang elevator at magbukas ito.

“I guess, we’re here.” Sambit at lumayo na sakanya. Inayos naman nito ang pagkakabuhat kay Carlo. Bago makalabas ng elevator ay tiningnan niya muli ang dalaga na hanggang ngayon ay nakasandal pa rin sa elevator. “I’m happy to be your roommate, Ms. Alcaraz.” Dagdag niya sabay kindat sa dalaga at umalis sa harap nito.

Hindi tuloy niya mapigilang maginit ang mukha niya dahil sa ginawang pagkindat nito sakanya.

“T-That…Ang lokong iyon…!”