KABANATA 26 (1799 words)
Napaupo naman sa pagod si Leah sa kama ng matapos niyang ayusin ang mga gamit nila Carlo sa closet. Habang nagpapahinga ay ilang saglit lang ay tumunog ang selpon niya.
Tiningnan niya iyon at nakitang text iyon galing kay Troy. Nagdadalawang isip pa siya kung babasahin niya ba ito o hindi. Naiinis pa rin kasi siya sa binata sa hindi niya malamang dahilan.
Nagtry siya kanina magpabago ng kwarto ngunit ay hindi na daw pwede dahil naka-reserved na ang mga kwarto. Kung meron mang bakante ay mapapamahal naman siya kaya hindi niya na lang ipinilit na magbago ng kwarto at isa pa hindi niya rin naman ka-close ang mga ibang kasama nila para makipag-palit ng kwarto.
Buti na lamang ng pagpasok nila sa VIP room ay mayroong dalawang bedroom kaya naman ay nakahinga siya ng maluwag.
“Ano Leah? May inaasahan ka bang mangyayari?”
Dahil sa isipan na iyon ay hindi niya napigilang paluin ang noo niya. Umalis na rin ang binata pagkatapos niyang mailapag si Carlo sa kama. Hindi niya alam kung saan ito pumunta dahil may katawagan ito sa kabilang linya.
Napatingin ulit si Leah sa selpon niya ng tumunog ulit iyon.
:Sir
“Are you done packing? Come down with Carlo. We’re eating lunch.”
“Why aren’t you texting me back? Are you sleeping?”
Napatawa naman si Leah ng mabasa ang mga text ng binata.
“Pati rin pala sa text ay makulit ka.” Isip niya.
Ilang saglit lang ay nagising si Carlo. Nilapitan niya naman ito at yinakap na sinuklian naman siya nito.
“Are you hungry, baby?” Tanong niya dito habang hagod hagod ang likod nito.
Hindi naman ito nagsalita bagkus ay tumango na lamang ito at kasabay nun ang pagtunog ng tiyan nito.
“Okay okay. Magbihis muna tayo, bago tayo bumaba para kumain.” Saad niya dito at saka humiwalay ng yakap sabay haplos sa mukha nito.
Kinuha naman niya ang selpon niya para itext pabalik ang binata.
: “Baba na kami. Bibihisan ko lang si Carlo.”
Sent.
Nang matapos mag-text ay tumayo na siya at naghanap ng damit ni Carlo upang makapag-bihis ito.
•*•*•*•*•*•
: Sweetie~
“Baba na kami. Bibihisan ko lang si Carlo.”
Napangiti naman si Troy ng magtext pabalik sa kanya ang dalaga. Feeling niya tuloy ay mag-asawa sila base na rin sa text nito lalo na nickname nito sa selpon niya ay ‘Sweetie’.
Ilang minuto ng makalipas ay nakita niya na si Leah at si Carlo. Karga-karga ito ng dalaga ng papasok si sa Buffet hall. Napansin niyang palinga-linga ito na tila naghahanap ng mauupuan kaya naman ay tumayo at kumaway.
“Here!” Sigaw niya habang kumakaway dahilan para mapatingin sa kanya ang mga ibang empleyado.
Nagulat naman si Leah ng marinig ang boses ng binata at nakita niyang nakatayo uto at kumakaway. Medyo nahiya siya sa ginawa nito kaya naman ay agad siyang lumapit sa pwesto ng binata.
Bago pa makalapit si Leah ay biglang bumaba sa pagkaka-buhat niya si Carlo.
“Papa!” Sigaw nito sabay takbo sa binata. Sinalubong naman ito ng binata at saka kinarga. Natigilan naman si Leah sa narinig niya kaya naman ay mas lalo siyang nahiya at naramdaman niya ring umiinit ang mukha. Dali-dali naman agad siya sa pwestl ng mga ito atsaka naupo.
“C-Carlo…dito ka sa’kin. Nakakahiya kay---”
“No! I don’t wanna. I want to sit on Papa.” Iling ni Carlo sabay yakap sa katawan ng binata.
“Carlo, stop that. Beha---”
“It’s okay. Atsaka para naman makapag-bonding rin kami.” Saad nito atsaka tiningnan ito si Carlo na nakatingin rin dito.
Hindi tuloy maiwasan ni Leah ang makaramdam ng guilty sa sinabi ng binata. Feeling niya ay ang sama-sama niyang ina dahil hindi niya masabi ang totoo sa anak niya.
Napansin niya rin kung paano titigan ng binata ang anak niya at kitang-kita niya ito sa mga tingin na ibinibigay nito kay Carlo.
Napakuyom naman ng kamay si Leah. Nararamdaman niyang nangingilid na ang luha niya sa mga mata kaya bago pa man ito tumulo ay tumayo na siya dahilan para mapatingin sa kanya ang binata at si Carlo.
“Kukuha lang ako ng pagkain natin.”
“Oh no. Ako na. Dito na lang kayo ni Carlo. Ako na---”
“Ako na. Ikaw na muna bahala kay Carlo.” Saad nito sa binata atsaka umalis na doon.
•*•*•*•*•*•
Habang kumakain sila Leah at Troy ay bigla namang tumunog ang selpon ng binata. Napatigil naman sila sa pagkain at napatingin sila sa selpon nito. Kinuha naman ito ni Troy at saka tiningnan ang pangalan ng tumatawag.
Dahil sa kuryusidad ay hindi mapigilang sumilip ni Leah sa selpon nito. Umusog siya ng kaunti para makita ang pangalan ng tumatawag ngunit hindi niya pa rin ito makita.
Napansin naman ito ng binata kaya naman ay hindi niya mapigilang mapatawa sa ginagawa nito. Nakita niyang umusog ito ulit at muling sumilip na kunware ay umiinom pa ng tubig. Ngunit bago pa mabasa ng dalaga ang nasa selpon nito ay agad na sinagot na ng binata ang tawag sabay tapat nito sa tenga.
“Hello---Are you okay?” Tanong ni Troy kay Leah ng mawala ang balanse ng dalaga sa pagkakatungkod niya sa siko niya sa mesa.
“A-Ayos lang ako.” Tugon nito at saka inayos ang sarili sabay inom ng tubig na para bang walang nangyari.
“Cute.” Isip-isip ni Troy.
?: “Hello, Mr. Salvatore? Are you still there?”
Natauhan lamang si Troy ng magsalita ang nasa kabilang linya.
“Yes, Mrs. Rosario. I’m sorry, may pusa kasing pilit lumalapit.” Saad ng binata sa kabilang linya habang nakangiti.
Napatingin naman dito si Leah. Hindi na rin maiitago ng dalaga ang pagkakunot ng noo nito.
“Ako ba ang tinutukoy nito?” Isip ni Leah.
“Yes, Mrs. Rosario. I’m free this afternoon. Ako na lang pupunta diyan sa inyo para hindi kaya maabala.”
?: “Oh, Thank you! Maghihintay kami ng asawa ko dito.”
Pagkatapos ng ilang minutong paguusap ay pinatay na ni Troy ang tawag.
“Uhm…Sino pala iyong tumawag? Girlfriend mo?” Tanong bigla ng dalaga sa kanya.
Ngumiti naman dito ang binafa bago ito sinagot. “No. It’s Mrs. Rosario, our new client. Besides kung may girlfriend ako, sisiguraduhin kong ikaw iyon.” Saad nito at tumingin sa dalaga.
Bigla namang uminit ang mukha ni Leah dahil sa narinig nito. Tumikhim naman siya para mawala ang atensiyon niya sa sinabi ng binata.
“Ihahanda ko na ang iyong mga propo---”
“No need. Ako na kukuha. Tapusin niyo na lamang ni Carlo ang pagkain niyo.” Saad nito sabay tayo.
Lumapit naman sakanya si Carlo dala-dala ang fried chicken nito na may kagat na at sabay kandong sa kanya.
“Saan pala nakalagay ang mga iyon?”
“Sa table sa labas. Doon ko ipinatong dahil baka galawin ni Carlo.” Tugon niya dito habang pinupunusan sa mukha ang anak.
“Okay.” Saad nito. Akala ni Leah ay aalis na ito ngunit dumukwang ito papalapit sa kanila.
Hinalikan nito sa noo si Carlo na ikinagulat niya. Hindi niya inaasahan iyon. Hanggang sa maramdaman niyang may malambot na bagay na lumapat naman sa noo niya.
Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto na maging siga ay hinalikan nito kaya naman ay napatingin siya dito ng lumayo ito ng kaunti sa kanya.
“See you later, sweetie.” Saad nito habang nakangiti sabay alis na sa harapan niya.
Ilang saglit natigilan si Leah ng hindi magsink-in sa isip niya ang ginawang paghalik nito kay Carlo lalo na sa kanya.
Napahawak naman siya sa dibdib niya ng muling maramdaman ang pagbilis ng pagtibok ng puso nito.
“S-Sweetie…?”
•*•*•*•*•*•
“Thank you again Mr. And Mrs. Rosario. Hinding-hindi kayo magsisi samin.” Saad ni Troy habang nakikipag-kamay sa mag-asawa.
“Thank you also, Mr. Salvatore.”
Matapos ang kamayan ay nagpa-alam na siya sa mga ito. Tumanggi na rin siya sa alok ng mga ito na sumabay sa kanilang mag-meryenda.
“I a have a wife and kid waiting for me.”
Habang naglalakad ay hindi niya mapigilang mapangiti sa ng sabihin niya iyon.
“Soon, very soon.”
Ilang saglit lang ay natanaw niya mula sa kaniyang pwesto sila Leah at si Carlo. Masaya ang mga ito habang naglalaro ng buhangin. Kitang-kita niya sa mukha ng dalaga kung gaano ito kasaya dahil sa ibinibigay na ngiti nito sa anak.
“What a beautiful sight.” Isip-isip niya.
Agad naman niyang kinuha ang kanyang selpon at pinindot ang kamera. Agad naman niya itong tinutok sa dalaga at sa anak nito na nakangiti.
Napangiti naman siya ng makuhanan ito ng litrato. Kukuha ulit sana siya ng litrato ng mga ito ngunit may biglang sumingit na lalaki.
Napatingin naman siya sa gawi ng dalaga at may kausap na itong lalaki. Sinuri niya ang lalaki at naka-summer short ito habang nasa uluhan nito ang shades.
Nakaramdaman naman siya ng inis ng makita niyang ngumingiti doon ang dalaga kaya agad-agad siyang lumapit doon.
“Uhmm…Can I have your number?” Tanong ng lalaki kay Leah na ikinagulat niya.
Parang kanina lang ay nagtatanong ito ng direksiyon dahil naliligaw ito ngunit ngayon ay numero naman ang hinihingi nito.
“Ahh…Ano…u-uhmm…” Hindi makapagsalita ng ayos si Leah dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
Magsasalita ulit sana siya ng biglang may yumakap sa bewang niya na ikinagulat niya. Napatingin naman siya sa likod niya.
“T-Troy…!”
“Papa!” Sigaw naman ni Carlo at agad na nagpabuhat kay Troy. Nang maibuhat si Carlo ay pinulupot ulit ni Troy ang kamay nito sa bewang niya dahilan para mas lumapit siya sa binata.
“Who’s that, Mama?” Tanong ni Carlo habang nakatingin sa lalaki na nasa harap nila.
Napansin niya na hindi mapakali ang lalaking nasa harapan nila.
“Yeah, who’s that guy, Sweetie? Nawala lang ako saglit ay pinagpalit mo na’ko. Ang bad ni Mama noh?” Kunwaring malungkot na saad ni Troy habang nakatingin sa kanya.
“Sweetie? Huh? T-Teka nga---”
“I’m sorry, Sir. Hindi ko po alam na asawa niyo po pala siya. Sige po mauna na’ko.” Saad ng lalaki at dali-daling umalis sa harapan nila.
Nang maka-alis na ay saka naman nagsitawanan ang dalawa.
“Aba’t talaga namang!”
“You see that, buddy?”
“Yes po! Hahaha. Nakakatawa po ang mukha niya.” Hagikhik naman ni Carlo habang nakatakip pa ang mga kamay nito sa bibig.
Tumingin naman sa kanya ang binata at seryoso na ang mukha nito.
“Sa susunod na may lumapit sa’yong lalaki ‘wag mong kakausapin lalo na’t ‘wag mong ngingitian. Ako lang dapat ang nginingitian mo, wala ng iba.” Madiing sambit nito sa kanya. Bumaba naman ang tingin nito sa labi niya sabay halik sa kanya.
Nang humiwalay ang mukha nito sa kanya ay nagsalita ulit ito. “This is your punishment for smiling at him.” Nang masabi iyon lumingon naman ito kay Carlo na ngiting-ngiti dahil sa nakita.
“Where should we go, buddy?”
“Swimming!”
“Okay, let’s go!” Tugon nito at saka naglakad na palayo sa dalaga.
Si Leah naman ay nakatayo pa rin at nakatakip sa kanyang bibig.
“W-What happened…?” Naibulong na lamang niya sa sarili habang nakatanaw sa binata at sa anak niya.