KABANATA 24 (1630 words)
“Ahh~”
Rinig ni Leah hindi kalayuan sa kanyang pwesto kung saan makikita niyang sinusubuan ng pagkain ni Sabrina si Troy.
Nasa canteen siya ngayon at kumakain ng tanghalian ngunit nawalan na siya ng ganang tapusin ang pagkain niya sa kanyang nakikita.
Kitang-kita niya kasi ang ka-sweetan na ginagawa ng dalawa sa pwesto niya at sa mismong harap pa niya ito.
Hindi niya tuloy mapigilang mapangiwi habang naririnig ang matinis na boses ni Sabrina.
“Grabe. Hindi na ba sila nahiya at nagsusubuan pa sila dito sa canteen?” Naibulong na lamang sa sarili ni Leah.
Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdaman ng pagka-inis na halos kulang na lang ay sugudin niya ang mga ito at paghiwalayin. Mahigit isang linggo niya na itong nakikita. Sa opisina, entrance ng kompanya, sa mga meeting na palaging kasama si Sabrina maging sa pagsabay sa elevator ay nakikita niya silang nagp-PDA.
At hindi na rin siya makapag-concentrate sa trabaho dahil harap-harapan mismo sa kanya ginagawa o sinasadya talaga nila itong ipakita. Halos maloka na siya sa isang linggong iyon.
“Akala nila affected ako. Asa sila!”
Ngunit nawawala agad ito ng parang bula sa tuwing nakikita niya si Ariel. Dahil kay Ariel ay nakakalimutan niya ang mga stressful sa trabaho. Dinadala siya nito kung saan-saan. Sa parke, mall o hindi naman ay inililibre siya nito ng pagkain.
Thoughtfull rin ito dahil hindi niya nalilimutang bilhan ng pasalubong ang kanyang anak. Minsan ay isinasama nila si Carlo sa mga date nila ng binata. Kaya kahit papano ay nag-eenjoy rin ang anak niya.
Natauhan na lamang si Leah ng makarinig siya ng mga bulung-bulungan sa mga katabi niyang mesa.
“Ang sweet naman nila.”
“Swerte ni girl kay boss noh?”
“P-Pero…Teka! Paano naman yung babae na bitbit ni sir na nakita daw ng mga taga design department?”
Napa-ubo naman si Leah sa iniinom niyang tubig ng marinig ang isang komento. Napansin niyang napabaling ang atensiyon ng iba sa kanya lalong-lalo na si Troy na ngayon ay nakatingin na sa dalaga habang nagpupunas ito ng tissue sa damit dahil sa natapon na tubig.
“Ano ka ba! Syempre iyong babae na bitbit ni sir na nakita nila ay itong kasama ni sir na nakikita natin ngayon noh.”
“Hmm…sabagay. Siya siguro iyon.”
Naalala niya bigla ang nangyari sa kanilang dalawa ni Troy. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maialis sa sistema niya ang ginawa nila.
Lalo na ang malalambot na labi ng binata na unti-unting hinahalik-halikan ang kanyang leeg hanggang sa bumaba ito sa kanyang dibdib kasabay sa paglalakbay ng mga kamay nito sa kany---
Nasampal na lamang ni Leah ang kanyang noo ng mapagtantong ini-imagine niya ang nangyari.
“Baliw kana ba Leah? At dito ka pa talaga sa canteen nag-daydream.” Sambit ni Leah sa kanyang sarili.
Sakto naman na tumunog ang isang bell hudyat na tapos na ang lunch break. Nagsipag-tayuan na rin ang mga empleyado sa canteen para bumalik sa kani-kanilang trabaho. Agad naman na iniligpit ni Leah ang kinainan niya. Bago siya maka-alis ay hindi niya maiwasang tingnan sila Troy at Sabrina.
Medyo nagulat pa si Leah dahil nakatingin rin pala sa kanya ang binata kaya naman ay agad siyang nagiwas tingin dito at tumalikod na sa mga ito.
•*•*•*•*•*
Nakasunod pa rin ng tingin si Troy kay Leah habang paalis na ito sa canteen. Nang mawala na sa paningin niya ang dalaga ay saka naman siya napasabunot sa kanyang sarili.
Tiningnan naman siya ng pagtataka ni Sabrina na ngayon ay nagpapalit ng kutsara’t tinidor.
“Anong nangyayari sa iyo diyan?” Tanong ni Sabrina sa kanya habang umiinom ng bagong juice.
“Why…Bakit parang wala lang sakanya?” Bulong ni Troy sa kanyang sarili.
“Huh?”
“B-Bakit…Is she’s seriously ignoring me or it doesn’t affect her?”
It’s been one week, ngunit parang walang epekto kay Leah ang balak niyang pagselosin ito.
“Ang pangit kasi ng naisip mo eh!” Isip ni Troy.
Natigilan naman si Sabrina ng marinig niya ang sinabi ng binata. Napabuntong hininga naman ang dalaga at umayos ng harap sakanya.
“Wala talaga siyang alam sa mga babae.” Isip-isip ni Sabrina.
“I think, she’s jealous.” Saad nito kaya naman ay napalingon si Troy kanya.
“What?”
“She’s jealous. Leah is jealous you know.”
Gustong magsalita ni Troy ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Nahalata naman ni Sabrina ang gustong sabihin ni Troy sa kanya.
“You really don’t know us. Tsk. Leah is jealous. Why? Because I know it. Napapansin ko na ito nitong mga nakaraang araw. Yung mga kakaibang kilos niya, bawat tingin niya sa atin. Hindi mo man makita pero us a woman, I know she’s jealous.” Saad ni Sabrina saka ipinagpatuloy ang paginom ng juice.
Napansin kasi ni Sabrina ang mga ikinikilos ng dalaga. Sa mga ipinupukol na tingin nito sa kanilang dalawa na para bang papatayin ka dahil sa talim ng mga titig nito.
Kung hindi man makita ni Troy ay siya kitang-kita niya. Well, experience. And she can tell that Leah is jealous and she can see it in her eyes. Nakikita ni Sabrina ang paglungkot ng mga mata ni Leah sa tuwing titingin ito sa kanila kaya alam na alam niya na nasasaktan ang dalaga.
Hindi alam ni Troy ang magiging reaksiyon niya sa sinabi ni Sabrina ngunit ngayong alam niyang nagseselos ang dalaga sa kanila base na rin sa sinabi ni Sabrina ay nakaramdaman siya ng saya.
“And I guess, I’m done.”
“Well…Thank you for your hardwork.” Saad ni Troy dito.
Napatawa na lamang si Sabrina sa sinabi ng binata. “Yes. And I have to go now. Baka sundan na naman ako ng asungot na iyon dito.”
Ngayon ay si Troy naman ang napatawa.
“Yahh! Stop laughing. Magkaibigan nga talaga kayo.”
Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti. Kilala ni Troy kung sino ang tinutukoy ng dalaga. His friend. Brian Salcedo. Hindi niya alam ang nangyari sa dalawa ngunit palaging kinukulit ng kaibigan niya si Sabrina.
“I guess it’s a good thing…?”
“Thank you, Sabrina.” Seryosong saad ni Troy sa dalaga.
“Welcome. But promise me, that you should win Leah’s heart.”
“Hahaha. Yes.” Pagkasabi nun ay tumayo na siya. “Hatid na kita sa labas.”
“Oh no. ‘Wag na. You should go. Diba may announcement ka pa?”
“Oh right!” Saad ni Troy ng maalala niyang may ia-announce pa siya.
“Sige na, alis na’ko. Bye! Goodluck!”
Tumango na lamang siya dito. Nang mawala na sa pangingin niya si Sabrina ay umalis na rin siya sa canteen.
•*•*•*•*•*•
Habang inililibot ni Leah ang kanyang paningin ay hindi niya maiwasang kabahan. Pinatawag kasi sila bigla kanina ni Troy dito sa open hall ng kompanya.
First time niyang makapasok doon, kahit na sa ilang buwan niya ng pagta-trabaho ay hindi niya akalain na may ganoon ang kompanya. Malaki at malawak ang open hall na halos kasya na buong empleyado ng kompanya. Malamig rin ang loob dahil sa aircon at makikita rin ang sa labas dahil sa bintanang pader nito.
Nakaupo naman siya dito sa unahan na row. Ang ibang katabi naman niya ay may mga kausap. Well, wala naman siyang pakielam ngunit pakiramdam niya ay nagiisa siya dahil wala siyang masyadong close.
Ilang saglit lang ay pumasok na si Troy kaya natahimik ang lahat. Hindi naman maialis ni Leah ang tingin niya sa binata. Napaka-gwapo nito lalo na’t habang naglalakad ito papuntang stage. Nakataas ng bahagya ang mga buhok nito. Nakasuot naman ito ng polong puti na bukas ang dalawang butones na talaga namang masasabing ‘hot’.
At dahil doon ay hindi mapigilang makaramdam si Leah ng kakaibang init at nararamdaman naman niyang unti-unting nagiinit ang kaniyang mukha.
Iniling-iling niya ang kanyang ulo upang mawala ang iniisip niya. Naibaling naman niya ang atensiyon niya sa unahan sa stage ng magsimulang magsalita ang binata.
“Thank you for coming, everyone. I know it sudden but I have a special announcement.”
Nang dahil sa sinabi ni Troy ay napuno ng bulung-bulungan ang open hall.
“First of all, I want to thank you all for your hardwork this past few weeks. I know it’s hard but the result of your hardwork is a success. As a “Thank you gift’ to all of you, we have an outing in Boracay.” Masayang saad ni Troy dahilan para maghiyawan at magpalak-pakan ang mga tao sa loob ng open hall.
Si Leah naman ay gulat sa mga sinabi ng binata. Oo, naging matagumpay ang pag-launch ng bagong magazine nila kasama si Ms. Heather Manansala dahilan upang maging usap-usapan ito sa mediya.
“I decided na this incoming Saturday ang outing natin. Don’t worry, wala kayong babayaran.” Natatawang saad ni Troy.
Muli ay naghiyawan ang mga tao sa loob. Nagtagal rin ng isang oras ang meeting sa open hall dahil sa may iba pang announcement ang binata.
Nang matapos ay nagsimula ng magsi-alisan ang mga tao sa loob. Palabas na rin si Leah ng open hall para magpunta ng opisina ni Troy.
Balak niya kasing hindi sumama sa outing dahil pagkakataon niya na rin ito upang paghandaan ang nalalapit na kaarawan ng kanyang anak.
Nang nakaalis sa open hall ay dumeretso na siya sa opisina ni Troy. Nakita niya ang binata sa desk nito na may kausap sa kabilang linya.
Lumapit naman siya dito, magsasalita sana siya ng mapansin siya agad nito.
“Okay, okay. See you soon. Thank you.” Saad nito at saka pinatay ang tawag.
“Leah, ihanda mo ang mga proposal natin. Isesend ko sa email mo yung iba. Dadalhin natin sa Boracay ang mga iyon.” Seryosong saad nito at ibinaling na ang tingin sa kompyuter.
Nanigas naman sa kinatatayuan si Leah ng marinig niya ang sinabi ng binata. Napapikit na lamang siya at bumuntong hininga. Gusto niya sanang sabihin na hindi siya sasama ngunit parang nalunok niya ang dila niya.
Pumayag na lamang siya dito at saka bumalik sa table niya.
“’Wag mong bigyang malisya. Trabaho ang gagawin mo doon. Wala ng iba.”