KABANATA 22 (1521 words)

Hindi na maipinta ang mukha ni Troy matapos ang pangyayaring pang-istorbo sa kanya ng tawag.

Nainis na umupo naman siya sa swivel chair niya. Tumawag lang naman sa kanya kanina ang kaibigan niyang si Brian at nag-aalok na magpunta ng bar.

Dahil doon ay hindi niya mapigilang mapamuta dito.

“F*CK YOU! BRIAN!” Diing saad ni Troy sa kabilang linya.

“W-Why? May naistor—”

“Yes! Don’t call me if it’s not important. D*mn it!” Mura ulit niya dito atsaka pinatay na ng tuluyan.

Hindi niya na magawang habulin ang dalaga dahil nakaalis na ito kaya bumalik na lamang siya sa opisina.

Napahawak naman si Troy sa kanyang labi. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa ala-alang nangyari kanina.

Dapat ay gagamutin niya lamang ang sugat ng dalaga ngunit nauwi ito sa paghahalikan nilang dalawa. Halos mabaliw siya ng matikman muli ang mga labi nito. There’s a little bit of taste of a coffee but it’s sweet.

Nang magbitaw sila ng halik kanina, ay hindi niya mapigilang tingnan ang dalaga sa mga mata nito. Napakaseksi nito lalo na’t nakaupo ito sa mga hita niya. Bukas na ang isang butones nito dahilan para sumilip ang mayayamang dibdib nito.

“Ohh…T-Troy…”

“F*ck!”

Hindi niya mapigilang mapamura sa isip niya ng maalala ang pagbanggit ng dalaga sa pangalan niya.

Nang dahil sa ala-alang iyon ay naramdaman niyang sumikip ang pantalon niya.

Her buddy is standing.

Napasuklay na lamang si Troy sa kanyang buhok. “I need a cold shower.” Saad niya at saka pumasok sa isang pinto sa loob ng office.

•*•*•*•*•*

Halos hindi nakatulog ng ayos si Leah kagabi dahil sa patuloy na pag-replay ng ‘make out session’ nila ni Troy sa office nito at dahil dito nangitim ng kaunti ang ibabang bahagi ni mata niya.

Napansin na rin ito sa kanya kanina ni Ariel habang nasa sasakyan siya nito. Hinatid ulit siya ng binata. As usual hindi na naman siya makatanggi dito.

Nandito na siya sa table niya at tinatapos ang gawain na dapat tapos na kagabi pa. Ngunit…

“Kung hindi lang nangyari iyon…Ay naku! Ikaw kasi eh! Bumigay ka rin naman.”

Napahawak na lamang sa noo si Leah at umiling-iling. Napatingin naman siya sa pwesto ni Troy at busy ito sa kausap niya.

Hindi niya alam pero sumama ang mood niya ng makita kung sino ang kausap ng binata. Ang kausap lang naman nito ay walang iba kundi si Ate Sabrina---no! It’s Sabrina!

Basta na lamang kasi ito pumasok sa opisina nila Troy kaya naman ay napatayo siya sa gulat.

“A-Anong gina---”

Hindi na natapos ni Leah ang kanyang sasabihin ng biglang magsalita si Sabrina.

“Troy!” Saad nito at saka dumeretso sa table ng binata.

Parang hangin lamang si Leah dahil dinaanan lamang siya nito. Nakita niyang humalik pa ang babae sa pisngi ng binata na ikinagulat niya. Akala ni Leah ay sisigawan at magagalit ang binata ngunit hindi.

He smiled. He smiled at her!

Bago pa mas lalong sumama ang mood niya ay umupo na lamang siya at hindi na sila pinansin.

Hindi naman mapigilan na kumunot ang noo ni Leah ng makitang ipinatong ni Sabrina ang mga braso nito sa mga balikat ng binata.

“Aba naman talaga!”

Dumako naman ang tingin niya sa binata at nakitang nakangiti ito. Hindi niya naman tuloy mapigilang mainis dito.

“Kung makangiti akala mo parang walang nangyari kagabi.”

Simula ng pumasok siya kaninang umaga ay hindi siya pinansin ng binata. Nasaktan naman siya. Hindi niya alam kung totoo ba ang ginagawa ng binata sa kanya o pinaglalaruan na naman siya nito.

Nang mapagtanto na matagal na siyang nakatitig sa mga ito ay umiwas na siya ng tingin at itinuon ang atensiyon sa mga dokumento na sa table niya.

•*•*•*•*•*

“Aahhh!” Saad ni Sabrina saka tinanggal ang pagkaka-patong ng braso niya sa balikat ng binata.

Bumuntong hininga naman si Troy at saka sumandal sa swivel chair niya. Umupo naman sa harapang upuan si Sabrina at tumingin dito.

“What the hell is this for?”

Hindi naman sumagot si Troy bagkus ay tiningnan lamang si Leah sa pwesto nito. Kita sa mukha ng dalaga ang pagkunot at hindi maipintang mukha nito. Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti.

Nahalata naman ni Sabrina ang kakaibang kilos ng binata kaya sinundan niya ang tingin nito. Bumuntong hininga na lamang siya ng mapagtanto na nakita ito kay Leah.

“So, you’re making her jealous with me?”

This time tumingin na sa kanya si Troy. “Yes.”

Napapikit naman si Sabrina sa narinig niya mula sa binata. “Hindi porke’t nagka-ayos na tayo ay it’s fine with me.”

Oo. Nagkaayos na sila Sabrina at Troy. Nagkausap na sila ng makalabas na ng ospital si Troy. Kahit na masakit kay Sabrina na nireject siya ng binata ay nagdesisyon siyang gawin na lang ang tama.

Ayaw niya ng may masaktan pa na ibang tao dahil sa selfish niyang desisyon. Gusto na rin niyang matapos ito at ayaw niya na ring madawit sa mga problema ng binata at kay Leah. At dahil doon ay Nagdesisyon silang maging isang kaibigan na lamang.

“Alam mo namang hindi pa kami nagkaka-usap at nagkaka-ayos ni Leah ay ginagawa mo na naman ito.” Saad ni Sabrina at humalukipkip sa upuan niya.

Tanggap na ni Sabrina ang buong pagkatao ni Leah. Kahit na iba ang pinapakita niya dito ay parte pa rin sa dalaga na naging magkapatid sila at hindi niya iyon maitatanggi.

Tumingin naman muli si Troy sa pwesto ni Leah at saka nagsalita. “Just one week. Give me one week for making jealous to her. Kapag hindi gumana, that’s it. Hindi na ulit kita kukulitin.” Saad nito at seryosong umingin muli kay Sabrina.

“Hayst. Okay okay. Alam mo namang hindi kita matitiis.” Ngiting sambit ni Sabrina sa binata.

Medyo nalungkot ng bahagya si Troy ng marinig ang sinabi ni Sabrina. Kaya naman ay napansin ng dalaga ito.

“Oh, stop that. It’s okay. And also nakamove on na’ko.”

“But…”

“You know, it’s hurt. But I know someday, makakahanap rin ako ng para sakin. Just wishing to good luck on making her jealous.” Saad nito sabay kindat sa binata.

“Oh siya, mauna na’ko. May aasikusahin pako.” Dagdag nito sabay tayo.

Tumayo rin naman siya. “Hatid na kita sa baba.”

“Oohh~” Hindi mapigilang ngumiti ng nakakaloloko ni Sabrina sa binata.

Halatang sinasadya ng binata na paringgan nito si Leah. Bago pa makalaba sng opisina sila Troy at Sabrina. Sumilip muna si Sabrina sa table ni Leah. Nakita niyang medyo nasaktan ang dalaga sa nakikita nito.

Nang magsara na ang pinto ay hindi mapigilang tumawa ni Sabrina. Nagtataka namang tiningnan ni Troy si Sabrina.

“What?”

“Ohh. I’m gonna enjoy this.”

•*•*•*•*•*

Nang makitang makalabas na sa opisina ang dalawa ay napa-pikit naman si Leah sa inis.

“Teka nga. Bakit ba ako naiinis? Eh ano namang pake ko sa kanila huh? Hayst!”

Napasandal na lamang si Leah sa upuan niya habang naka-kunot ang noo. Kuryos na kuryos talaga siya kanina sa pinag-uusapan ng dalawa.

Kahit na hindi kalayuan ang table niya sa table ni Troy ay hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

Napapansin rin niya kanina pa ang kakaibang kilos ng mga ito. Gusto sana niyang pumunta doon ngunit may pumipigil sa kanya.

Dahil sa malalim na pagiisip ni Leah ay biglang tumunog ang selon niya. Napatingin naman siya doon at tiningnan ang caller.

“Ariel?” Sambit niya ng makita ang pangalan ng binata na tumatawag sa selpon niya. Kinuha niya naman ito sinagot.

“Ariel? Napatawag ka.” Saad niya.

?: “Oh Hey. Busy ka ba?”

Napatingin naman siya sa mga dokumento na nakalatag sa desk niya. Unti na lang naman iyon kaya sa tingin niya ay matatapos niya agad ang mga ito bago mag-tanghali.

“Hindi naman. Patapos na rin naman ako sa ginagawa ko. Bakit?”

?: “Yaya-yain sana kitang kumain mamaya.” Saad ni Ariel sa kabilang linya. Bakas rin sa boses nito ang hiya.

Hindi tuloy mapigilan ni Leah ang ngumiti. Medyo gumaan rin ang pakiramdam niya.

?: “If busy ka. Pwede namang sa susun---”

“Sure. Saan ba?”

?: “Huh?”

Natawa na lamang si Leah sa naging reaksiyon ni Ariel sa kabilang linya. “Sabi ko, saan tayo kakain?”

?: “Ah a-ano…susunduin na lang kita mamaya. S-Sige bye.”

Narinig niyang sambit sa kabilang linya sabay patay ng tawag. Napailing na lamang si Leah sa ginawa ni Ariel.

Ariel is a sweet and caring guy. Hindi niya maitatanggi iyon base na rin sa ipinapakita nito sa kanila ni Carlo. At napaka-swerte niya dahil nakilala niya ito.

Hindi man niya aminin ay kay Ariel niya lang naramdaman na importante siya sa buhay nito. Dito niya rin naranasan ang mahalin at tanggapin ang buong pagkatao niya. Kaya kulang ang salitang ‘salamat’ sa binata sa ginagawa nito sakanya.

Ngunit hindi niya rin mapigilang maisip kung sino ang pipiliin sa dalawa. Sabihin na nating assuming siya pero base na rin sa ikinikilos ng dalawang binata.

Ayaw niyang umabot sa punto na may masasaktan siyang tao.

Napabuntong hininga na lamang siya ng medyo sumakit ang ulo niya.

“Hayss. ‘Wag mo muna isipin iyan, Leah. For now tapusin mo muna itong gawain mo.” Saad ni Leah sa sarili.

Umayos na siya ng upo at nagsimula ulit magtipa sa kompyuter.