KABANATA 23 (1613 words)

“F*ck this traffic!” Mura ni Troy at saka hinampas ang manibela niya.

Tirik na tirik na nga ang araw at heto siya ngayon mainit na naman ang kanyang ulo.

Hindi pa rin mai-alis sa isip ni Troy ang nakita niya kanina. Nakita niyang magkasama si Leah at ang lalaking buntot na buntot kay Leah na nag-ngangalang ‘Ariel’.

Napatingin naman siya sa mga pagkaing tinake-out niya sa isang restaurant. Balak niya sanang magsabay sila ng dalaga mag-tanghalian ngunit naudlot ito dahil sinundo ang dalaga ng isang asungot.

Papasok na sana siya ng kompanya ng mahagip ng mga mata niya si Leah.

Naghihintay ito sa hindi kalayuan sa entrance.

“Where are you going, huh?” Saad niya sa kanyang sarili habang nakatitig pa rin sa dalaga.

Tiningnan naman niya ang relong suot niya at nakitang lunch time na nila. Ibinalik naman niya ang tingin kay Leah ng marinig na may tumigil na sasakyan.

Napakunot naman ang noo niya ng makitang may tumigil na sasakyan sa harap ng dalaga. Hindi naman mapigilang mapakuyom ng kamay si Troy ng makilala ang may-ari ng sasakyang tumigil sa harap ng dalaga.

“It’s him? What is that b*stard doing here?”

“Leah! Kanina ka pa?” Rinig ni Troy kay Ariel ng makababa ng tuluyan sa sasakyan nito.

Lumapit naman ito sa dalaga atsaka hinawakan ang braso ng dalaga dahilan para magpuyos sa inis si Troy.

“Hindi naman. Kakalabas ko lang.” Ngiting saad ni Leah dito.

“Hmm. So, tara na? Nakapag-pareserve na’ko kung saan tayo kakain.” Saad ni Ariel sa dalaga.

Tumango na lamang si Leah dito. Halos maningkit na ang mga mata ni Troy ng makitang humawak ang mga kamay ni Ariel sa bewang ng dalaga at iginaya papasok sa ng sasakyan.

Umikot naman ito at sumakay sabay andar paalis ng sasakyan ni Ariel. Parang hindi magsink-in kay Troy ang nangyari ngunit natauhan na lamang siya ng hindi niya na makita ang sasakyan nito.

Kaya naman ay agad siyang sumakay sa sasakyan niya at pinaandar ito para sundan ang dalaga.

Nang mapansin niyang nagkulay green na ang traffic lights ay agad niyang pinaandar ang sasakyan niya.

Nakasunod siya ngayon sa sasakyan ni Ariel kung saan nasa loob ang dalaga.

Oo. Magiging stalker siya ng mga ito.

Aminin man niya sa sarili na immature itong ginagawa niyang pang-stalk ngunit hindi niya mapigilang makaramdam ng selos lalo na sa Ariel na iyon.

Kaya ngayong may tsansa na siyang patunayan ang sarili muli kay Leah ay hinding-hindi siya papayag na may aagaw dito sa kanya.

Nakita naman niyang tumigil ang sasakyan ni Ariel sa tapat ng isang restaurant. Nakamasid lamang siya sa loob ng sasakyan niya habang tinatanaw ang dalawa na papasok sa restaurant.

Agad naman niyang ipinarada ang sasakyan niya na may dalawang sasakyan ang pagitan. Bumaba na siya atsaka sumunod sa loob.

Hindi naman nahirapan si Troy sa paghahanap sa kanila dahil agad naman niya itong nakita. Umupo siya sa isang bakanteng mesa na hindi kalayuan kay Leah at Ariel.

“Good afternoon, Sir. May I know your order?” Tanong ng isang waitress na sumulpot sa harap niya.

“Ahh, just water.” Tugon niya dito. Hindi na rin naman nagtanong pa at umalis agad.

Ibinalik naman niya ngayon ang tingin sa dalawa na busy na ngayon sa pagtawa at pag-ngiti sa isa’t-isa.

“You should laugh and smile to me not to him.” Sambit niya sa isip habang nakatingin sa dalaga.

Naiinis rin siya dahil hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Maya-maya lang ay biglang tumingin sa direksiyon niya si Leah kaya naman sa pagka-taranta ay ginamit niya ang menu card na nasa table para itakip sa mukha niya.

Ilang minuto rin siyang ganoon hanggang sa ibaba niya ng unti-unti ito. Sumilip naman siya doon at nakitang hindi na nakatingin ito sa kanya. Sakto naman na dumating ang waitress na may dalang tubig.

“Here’s your water, Sir.” Saad nito sabay lapag ng tubig sa table.

Tinanguan na niya lamang ito at saka umalis na. Napainom naman siya agad sa tubig dahil sa kaba na nararamdaman niya dahil sa kamuntikan na siyang mahuli.

Tumingin ulit siya sa ito at napansin niyang kumakain na sila. Masaya ang mga ito. Parang gusto namang tumayo ni Troy sa table niya at lumapit sa mga ito at bigwasan ang lalaking kasama ng dalaga.

“T-That…b*stard!”

Nakita niyang pinunasan ng lalaki ang gilid ng labi ng dalaga dahilan para magulat ito. Nakita naman niyang medyo namumula ang mukha ng dalaga kaya hindi niya tuloy mapigilang mapa-asik sa nakita niyang reaksiyon sa dalaga.

“Kinikilig ka ‘dun? Kinikilig ka sa kanya? Huh!”

Gusto man niya puntahan ang mga ito ngunit mapapansin siya ng dalaga at siguradong magagalit ito sa kanga. Dahil sa nararamdamang inis ay kinuha niya ang selpon niya at tinawagan ang numero ng dalaga.

Nakita niyang napatigil ang dalawa sa pagkain ng marinig ang ring ng selpon ni Leah.

•*•*•*•*•*

Tumingin naman ang dalaga sa bag niya at hinahanap ang selpon niya na nagri-ring. Laking gulat niya ng makita ang pangalan ng taong tumatawag sa selpon niya.

“Who’s calling?” Tanong ni Ariel kay Leah.

Tumingin naman siya sa binata at saka ibinalik ang tingin sa selpon niya ng patuloy pa rin sa ring.

“Ahh, si Troy…tumatawag.” Tugon niya dito. Naramdaman niyang napatigil si Ariel ngunit nagsalita ulit ito.

“Answer it. Baka importante ang sasabihin.” Sambit nito at saka ipinagpatuloy ang pagkain.

“O-Okay…”

Sinagot naman niya ang tawag saka inilapit sa tenga niya ang kanyang selpon.

“Hello?”

?: “Where are you?” Rinig niyang tanong sa kabilang linya.

“Nasa labas. Bakit?”

?: “What are you doing?”

“Kumakain ng tang---”

?”Sino kasama mo? Si Ariel ba?”

“Oo---Teka nga! Bakit ka ba napatawag? Lunch break pa lang naman ngayon ah. At paano mo nalaman kung sino ang kasama ko?” Tanong ni Leah sa kabilang linya.

Napatingin naman siya kay Ariel na ngayon ay nakatingin na sa kanya. Mukhang narinig nito ang pinaguusap nila.

?: “It doesn’t matter how I found who was with you. Bumalik ko na dito dahil marami ka pang tatapusin na trabaho.” Saad nito sa kabilang linya sabay patay ng tawag.

“Huh? W-Wait---Hello? Hello? Aba’t ang…”

Hindi niya tuloy mapigilang mainis ng binabaan siya ng tawag ng binata. Para tuloy siyang nawalan ng ganang tapusin ang pagkain niya.

“May problema ba, Leah?”

Napalingon naman siya kay Ariel at bakas sa mukha nito ang pag-alala. Umiling naman siya dito atsaka sinagot.

“Wala. Pinapabalik lang ako sa opisina dahil may tatapusin pa akong trabaho.” Saad niya sa binata.

“I’m sorry, kung naaba---”

“Don’t be sorry. Atsaka pumayag naman ako sa alok mo eh. Kaya kumain na tayo. Sayang ang mga inorder mong pagkain oh.” Dagdag niya atsaka sumubo ng pagkain sabay ngiti sa binata.

Wala na rin namang nagawa ang binata kundi ipag-patuloy ang pagkain.

“Salamat sa paghatid.” Saad ni Leah sabay ngiti sa binata.

Bababa na sana siya ng pigilan siya sa braso ni Ariel kaya naman ay napatingin siya dito.

Nagulat na lamang siya sa ginawa ng binata sa paghalik sa kanya sa pisngi.

Bigla naman niyang naramdamang naginit ang mukha niya. “Ahh A-Ano…bababa na’ko. S-Salamat ulit sa paghatid!” Sambit niya at dali-daling lumabasa na ng sasakyan nito.

Bago pa siya makalayo ay bigla itong sumigaw. “See you in Saturday!”

Napatingin naman siya sa paligid dahil napansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao. Kahit na hiyang-hiya ay humarap ito sa kanya at sinenyasan na umalis.

Natatawa na lang ang binata sa nakikita niyang reaksiyon sa dalaga. Nang makaalis na ay pumasok na agad sa loob ng kompanya si Leah.

“Jusko. Ang tanda tanda ko na kinikilig pa rin ako.” Saad niya sa sarili habang pinapaypay ang nagiinit niyang mukha.

Kahit na palaging ginagawa iyon ng binata sa kanya ay hindi pa rin siya sanay sa mga gestures nito lalo na’t nangliligaw ang binata sa kanya.

Natauhan lamang siya ng biglang magbukas ang elevator sa huling palapag ng gusali. Lumabas na siya at naglakad na papuntang opisina ni Troy.

Kumatok muna siya bago pumasok sa loob. “Nandito na’ko, Sir.” Saad niya at dumeretso sa table niya.

Nakita niyang umikot ang upuan nito paharap. Napansin niya agad dito ang masamang timpla ng mukha nito.

Paupo na sana siya ng magsalita ito.

“How’s your date?” Tanong nito sa kanya.

“Huh?” Takang tanong ni Leah sa binata.

“Nagenjoy kaba?” Tanong ulit nito sabay tayo sa upuan.

“T-Teka nga! Ano bang pinagsasabi mo?”

Hindi naman ito umimik bagkus ay lumapit lang ito sakanya hanggang sa mapa-upo siya sa upuan niya.

Nagulat na lamang niya ng ipatong ang kamay nito sa table niya habang ang isa ay nakapatong sa sandalan ng upuan niya dahilan para makulong siya sa mga bisig ng binata.

“Bakit kayo magkasama? Huh?” Tanong ulit nito na hindi niya pa rin maintindihan.

“Lumayo ka nga! Sino ba tinutu---” Nanlaki naman ang mata ni Leah ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng binata. “Sinundan mo ba kami? Ano ka stalker?” Gulat na saad ni Leah habang nakatakip ang mga bibig nito.

“Stalker na kung stalker. Ang ayaw ko sa lahat ay akin na nga may mang-aagaw pang iba. Nandito naman ako bakit siya ang kasama mo? The next time I see you together, I will punish you.”

“Teka nga! Ano bang problema mo? At kailan pa’ko nag---”

Hindi na natapos ni Leah ang sasabihin niya ng maramdamang may dumamping malambot na bagay sa kanyang labi. Nanlaki naman ang mata niya ng mapagtanto na labi pala ni Troy iyon.

“H-Hinalikan…niya…ako…”

“For now, this is your punishment.” Saad ng binata saka umalis sa harapan niya at bumalik sa upuan nito.

Ilang minutong natigilan si Leah dahil sa hindi pag-sink in ng ginawang paghalik sa labi sa kanya ni Troy. Ngunit isa lang ang naiisip niya kung bakit nagkakaganon ang binata.

“N-Nagseselos ba siya…?”