KABANATA 15 (1406 words)

“T-Troy…?”

Gulat na nakatingin si Leah kay Troy na nakatayo sa harapan ng pinto ng bahay niya.

“B-Bakit ka nandito?”

Nagulat naman siya ng mapagtanto na suot pa ni Troy ang hospital gown nito.

“T-Teka nga! Tumakas ka---”

“I’m sorry for everything. I miss you.”

Agad na niyakap siya ng binata dahilan para maputol ulit ang sinasabi niya ngunit agad rin siyang bumitaw dito at tiningnan ulit ito.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya dito.

“Nakakaalala na’ko. Naalala na kita. I’m sorry for everything I’ve done---”

“Eh ano naman kung nakakaalala kana?” Putol ni Leah sa binata.

Ngayong nalaman niya na nakakaalala na ang binata ay may parte sa kanya na masaya at galit.

Nakaramdam siya ng galit dahil hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa nito sakanya.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Troy sa mga braso niya at itinulak ito paalis ng tapat ng bahay niya.

“Umalis kana, Troy---”

“W-Wait! Let me explained. Gusto ko lang linawin ang nang---”

“Wala ka ng dapat linawin pa, Troy. Past is past. Kung ano man ang nangyari noon o nakakaalala kana wala na akong pake. Kaya umalis kana.” Saad ni Leah at pinipilit na itulak paalis si Troy.

Ngunit nagmatigas ang binata at muling niyakap niya ang dalaga ng mahigpit dahilan para mag-pumiglas sa kanya si Leah.

“Leah, please. Let me explained. Hindi totoo lahat ang mga sinabi ko noon. Mahal kita. Totoong mahal kita.” Ani ni Troy at saka tiningnan sa mga mata si Leah.

Hindi na namalayan ni Leah na tumutulo na pala ang kanyang luha. Nasasaktan pa rin siya kahit limang taon na ang nakakalipas.

Pinunasan ni Troy ang mga luha ni Leah saka hinagkan ang mga noo nito.

“Hindi totoo ang mga sinabi ko noon. Maniwala ka sa’kin please? Mahal na maha---”

“Kung mahal mo’ko. Ba’t mo ginawa sakin iyon? Bakit? Sa totoo lang, hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sinasabi mo ngayon na nakaka-alala kana.”

Lumayo naman si Leah kay Troy. Hahablutin sana ni Troy ang kamay nito ngunit agad na iniiwas ito ni Leah.

“It’s been five years since that day, pero masakit pa rin eh. Minahal naman kita. Pero ba’t ganun? Narinig ko mismo mula sa mga labi mo ang mga katagang iyon. Sa tingin mo hindi ako maniniwala? Huh?”

Hindi naman nakaimik si Troy at tumingin sa mga mata ng dalaga at pinakikinggan ang mga sinasabi ni Leah sa kanya.

“It’s because of Dad. Nakipag-deal ako sa kanya. Kapag hindi natuloy ang kasal namin Sabrina, sasaktan ka niya. Nang marinig ko iyon, nagalit ako sa Dad ko. Nagsend siya ng mga pictures natin na magkasama tayo.”

Tumigil naman sa pagsasalita si Troy at hinawakan ang mga kamay ni Leah.

“Leah, I’m sorry. Sasabihin ko naman ang lahat---”

“That’s enough.” Saad ni Leah at saka bumitaw sa pagkakahawak sa kanya ni Troy at akmang papasok na sa loob ng bahay.

“Leah, wait. Please! Listen to me---”

Pilit na kinukuha ni Troy ang mga kamay ni Leah ngunit iniiwas nito. Maya maya lang ay dumating si Ariel kasama si Carlo.

Nang makita ang nangyari ay agad naman na siya napatakbo papalapit kanila Leah. Ipinaharap niya si Troy sa kanya sabay suntok dahilan para Matumba ito.

“Oh my!”

Napasinghap naman si Leah sa nangyari. Nang akmang susuntukin ulit ni Ariel si Troy ay pinigilan na siya ni Leah.

“Ariel, tama na!” Yakap ni Leah kay Ariel.

“Anong ginagawa mo kay Leah?! Huh!”

“Please, please…Ariel tama na…” Hindi na mapagilan ni Leah ang umiyak habang yakap si Ariel.

Napatingin naman si Ariel kay Leah kaya naman ay kumalma siya at ipinulupot ang mga braso nito sa bewang ng dalaga.

Sakto naman ay dumating ang isang sasakyan at bumaba ang isang babae na si Sabrina kasama ang ina ni Troy.

“Oh my god, Troy! What happened?!” Gulat na tanong ni Sabrina at lumapit kay Troy para alalayan patayo.

Tinulungan rin ng ginang tumayo ang anak niya. Si Troy naman ay pinupunusan ang gilid ng bibig niya dahil sa dugo.

“Mama!” Sigaw ni Carlo at yumakap sa kanila ni Ariel at Leah.

Napatingin naman silang lahat kay Carlo na nakayakap kay Leah. Nang makita ni Troy ang bata ay may kakaibang saya siya na naramdaman na hindi niya maipalawanag.

Ngunit napawi iyon ng makita si Leah ang lalaki at ang isang bata na nakayakap sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasan na maiinggit sa nakikita niya.

“Kung hindi siguro nangyari ang noon. Ganito rin siguro kami ngayon ni Leah.”

Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti ng mapakla. Tiningnan niya muli si Leah at tinitigan ito sa mga mata nito.

“Hindi ako susuko, Leah. Patawarin mo man ako o hindi. Siguraduhin kong makukuha ulit kita.” Saad ni Troy saka bumaling ng tingin kay Ariel.

Saglit lang niyang tiningnan si Ariel at tumalikod na paalis ng bahay ni Leah. Sumunod naman sila sa Sabrina at ang ina ni Troy na inaalalayan papasok sa loob ng sasakyan.

Nang makapasok na ay umalis na sila sa bahay ni Leah.

“Mama. Anong ibig sabihin ng sinabi nung guy kanina?” Tanong ni Carlo kay Leah na nakatingala sa kanya.

Lumuhod naman si Leah upang magpantay ang mukha nila ng anak niya.

“Wala iyon, ‘nak. H’wag mo na lang pansinin, okay?”

“Okay po.”

Yinakap naman ni Leah si Carlo ng mahigpit.

“I’m sorry, son.”

*•*•*•*•*

Nakakatitig lang sa mukha si Ariel sa natutulog na si Leah.

Nang makapasok sila sa bahay kanina pinagpahinga niya na muna ito habang si Carlo naman ay ipinasundo niya kay Rian. Hindi na rin naman na nagtanong si Rian ng pumunta siya sa bahay upang sunduin si Carlo.

Pumunta naman si Ariel sa silid ni Leah upang tanungin kung okay lang ang dalaga ngunit ng makapasok siya sa silid nito ay tulog na ang dalaga.

Lunapit siya sa tabi ng dalaga at saka umupo sa may kama. Pinakatitigan naman nito Ariel. Doon niya lang napansin na may mga luha na tumutulo sa mga mata nito.

Pinunasan naman niya ang luha nito ngunit natigilan siya sa kalagitnaan ng magsalita si Leah.

“T-troy…”

“Sino ba siya sa buhay mo at hanggang sa pagtulog mo ay binabanggit mo pa rin ang pangalan niya?” bulong ni Ariel.

Kahit na matagal na silang magkakilala ni Leag, sa loob ng limang taon ay wala itong binanggit tungkol sa nakaraan niya.

Sa tuwing nagtatanong siya ay agad na umiiwas ang dalaga kaya naman ay naiintindihan niya iyon.

Tumabi si Ariel kay Leah dahil sa patuloy na pagiyak ng dalaga. Ipinatong naman ni Ariel ang ulo ng dalaga sa mga braso niya saka niyakap ito at kinumotan.

Hinalikan niya na muna ito sa noo saka tumitig sa mukha nito.

“I love you, Leah. Hinding-hindi kita ibibigay sa kanya.”

•*•*•*•*•*

Walang imik na bumalik ng ospital si Troy kaya naman ang mga pasyente at mga doktor, nurse doon ay nagulat sa itsura niya.

“Patawag naman si Dr. Ahoro.” Rinig niyang banggit ng ina niya sa counter.

Hindi niya na lang pinansin iyon at dumeretso agad sa silid niya dito. Tahimik lang rin na nakasunod sa kanya si Sabrina hanggang sa makarating sila sa silid ng binata.

Umupo naman si Troy sa kama niya at malalim na nagisip.

Ngayon na nakaka-alala na siya ay hindi siya papayag muli na mawalay pa siya kay Leah. Gagawin niya ang lahat upang mahulog ito sa kanya.

“What’s that?”

Takang napalingon naman si Troy kay Sabrina na nakatingin sa kanya.

“What?”

Napangisi naman ng kaunti si Sabrina . “Mahal mo pa rin ba siya?”

Tanong nito sa binata.

Hindi naman na ito sumagot pa sa kanya. Napatawa na lang si Sabrina. Hindi na nito kailangan pabg sagutin ang tanong niya dahil alam niyang mahal niya pa rin si Leah base na rin sa ikinilos nito kanina.

“Why? Bakit siya pa, Troy? Ano ba meron sa kanya na wala sakin? Huh?”

Hindi mapigilang maiyak ni Sabrina dahil sa loob ng limang taon ay tiniis at ginawa niya ang lahat para mahalin siya ng binata. Ngunit hindi pa rin ito makalimutan ng binata hanggang sa pagtulog nito ay banggit banggit nito ang pangalang “Leah” .

“Sagutin mo’ko, Troy. Bak---”

“Because she’s the woman that I lovedand I want for. At hindi magbabago iyon kahit na magka-amnesia ako or hindi.” Saad ng binata at tumingin ng deretso sa mga mata ni Sabrina.

Hindi na lamang umimik si Sabrina. Ngayong alam niya na ang dahilan, Nagdesisyon siyang umalis na lang doon at iwan ang binata.