KABANATA 16 (1720 words)

Nagising si Leah ng may liwanag na tumatama sa mukha niya. Agad naman siyang bumangon at inilibot ang tingin ng mapagtanto niyang nasa kanyang silid siya.

Napahawak naman si Leah sa ulo niya ng kumirot iyon ng kaunti hanggang sa may narinig siyang kumatok at nagbukas ng pintuan niya. Sinilip naman niya kung sino iyon.

“Ariel…” Saad niya ng makita niya ang taong pumasok na may dalang tray ng pagkain.

“Gising kana pala. Heto, pinagluto hindi ka na naka-kain kagabi.” Saad nito saka ipinatong sa ibabaw ng kama niya ang dala nitong tray.

“S-Saglit lang!” Saad ni Leah saka kumaripas ng takbo sa banyo.

Napatawa na lang dito si Ariel. Hindi na rin nagtagal si Leah sa loob at saka lumabas ng banyo.

Umupo naman siya ulit sa kama kung saan naka-upo si Ariel.

Hindi niya tuloy mapigilang ngumiti dahil sa kabaitan ng binata. Napaka-swerte niya at naging kaibigan niya ito.

Umayos naman siya ng upo at saka tiningnan ang nakahandang pagkain sa harap niya. Mayroong sinangag na kain, sunny side-up egg at hotdog, at sinamahan pa ng kape.

“Salamat!” Masayang tugon niya dito at sabay subo ng pagkain.

Masayang pinapanood na kumain ni Ariel si Leah. Wala pa rin talagang nagbago sa dalaga. Kahit may anak na ay maganda pa rin lalo na’t fresh na fresh na bagong gising.

Habang tinititigan ni Ariel ay hindi niya mapigilang magtanong sa dalaga.

“The guy yesterday…is that Troy?”

Napansin ni Ariel ang pagtigil saglit ni Leah sa pagkain ng marinig nito ang tanong niya.

“Wrong timing.”

“You don’t need to answer, if yo---”

“Yes.”

Natigil ang sasabihin ni Ariel ng putulin ito ni Leah at sagutin siya. Ngayon naman ay nakatingin na sakanya ang dalaga at itinigil na muna nito ang pagkain.

Bumuntong hininga muna si Leah at humarap ng ayos kay Ariel saka ito tiningnan sa mga mata. .

“I think, it’s time na kailangan mo ng malaman ang nakaraan ko. I know, it’s been five years at hindi ako nagku-kwento tungkol dito. It’s just that…”

Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay bumagsak na ang mga luha ni Leah kaya naman ay yinakap siya ni Ariel.

“Sshh! It’s okay. Don’t need to force yourself.”

Tumagal ng ilang minuto ang ganoong set-up nila hanggang sa tuluyan ng kumalma si Leah. Sinabi na rin ng dalaga dito ang nangyari sa kanila ni Troy five years ago.

Nung malaman ni Ariel iyon ay hindi niya mapigilang pagmumurahin ang binata dahil sa ginawa nito kay Leah.

Kumalma naman si Ariel ng maramdaman ang kamay ni Leah na humawak sa kamag niya.

“Hayst. So, Troy is Carlo’s real father?”

Tumango na lamang si Leah.

Napabuntong hininga na lamang si Ariel sa mga nalaman niya.

“A-Ayos ka lang?” Malungkot na saad ng dalaga sa kanya.

Tumingin naman dito si Ariel at nginitian saka hinaplos ang ulo nito.

“If I say no, ano gagawin mo?” Natahimik naman si Leah. Hindi niya inaasahan na iyon ang magiging sagot ng dalaga.

Nahalata naman ng binata sa mukha ng dalaga ang pagka-bigla at pagka-lungkot kaya naman ay hinawakan niya ito sa magka-bilang pisngi at pinaharap sa kanya ng ayos.

“Don’t be sad. Hindi ako galit sayo, okay? Yes, I’m upset. A little. But, I know you have your own reasons kaya hindi mo sinasabi sakin ang tungkol dito, and I understand that.”

Nang sinabi iyon ni Ariel sa dalaga ay medyo lumiwanag ang mukha nito.

“So, don’t be sad na. I’m always here.” Saad nito saka yinakap ang dalaga.

Hindi rin nagtagal ay yumakao rin pabalik sa kanya si Leah habang nakasubsob ang mukha nito sa dibdib niya.

“Thank you, Ariel. Thank you.”

•*•*•*•*•*

“Mama, bilisan mo!”

Natatawa na lamang na sumunod si Leah sa anak niyang si Carlo habang hila-hila siya nito sa kamay niya.

Nasa mall sila ngayon at nagliliwaliw dahil matagal na rin ng magawa nila itong mag-ina.

Hindi na rin muna siya pumasok ngayong araw dahil alam niya na rin ang mangyayari kapag pumasok pa siya sa trabaho.

Ngayon ay papunta sila sa isang palaruan dito sa mall. Nang maka-akyat ng third floor, ay hindi naman magkanda-mayaw sa pagirit si Carlo.

Pagbaba pa lang nila ng escalator ay bumungad sa kanila ang mahabang pila.

“Carlo! Huwag kang tumakbo.” Saad ni Leah at hinabol ang anak nito sa pila.

Matapos ang ilang minutong nakapila ay nakapasok naman agad na sila sa loob. Tuwang-tuwa si Carlo ng makita niya ang loob na puno ng mga paluruan.

Agad naman na hinawakan sa kamay si Leah ni Carlo at hinila ito sa basketball. Hinayaan niya na lamang ito at sumunod dito.

Ito na siguro ang pinaka-masayang bonding ni Leah at Carlo sa isat-isa. Marami silang nilaro ng anak niya. Sumakay sa kalesa-kalesa, sa I’ll na umiikot sa buong mall, sa padulasan, basketball at marami pang iba.

Halos nalaro na siguro nila ang lahat ng palaruang pambata na halos maging basang sisiw na ang anak niya sa mga ginawa nila ngayong araw at masaya siya na nageenjoy ang anak niya.

Matapos ang dalawang oras sa pagtambay sa loob ay nagdesisyon ng kumain muna ng meryenda sila Leah. Alam niyang nagugutom na ang anak niya kaya naman ay naghanap sila ng makakainan sa mall.

Nang makaupo sa isa sa mga table sa loob ng Jollibee ay tumingin siya kay Carlo.

“Anak, mag oorder lang si Mama, okay. Babalik agad ako.” Ngiting saad ni Leah kay Carlo.

“Mama, bilhan mo’ko nung paborito kung chicken joy, okay?”

Natatawa namang tumango siya dito. “Huwag kang aalis dito, okay? Saglit lang si Mama.” Saad niya at tumango naman ang anak niya sakanya.

Hinalikan niya muna ito sa noo bago siya umalis at pumila sa counter.

Habang nakapila ay hindi siya mapakali kaya naman ay sinilip niya si Carlo mula sa kinaroroonan niya ngunit hindi niya makita dahil medyo maraming tao ang dumadaan sa may gawi niya.

Kaya naman ay umalis siya ng pila para silipin ang anak niya. Para namang nanlamig sa kinatatayuan si Leah ng makitang wala ang anak niya sa table. Kaya naman ay agad siyang pumunta doon.

Wala nga doon ang anak niya at tanging bag na maliit lang ang naiwan doon. Hindi mapigilan ni Leah ang mataranta kaya naman ay kinuha niya ang bag ni Carlo at saka hinanap ito.

•*•*•*•*•*

Naglalakad papasok ng Jollibee si Troy para mag-order. Hindi na niya na kasi nagugustuhan ang mga pagkain sa ospital kaya naman ay tumakas siya. Kaya naman ay hanggang ngayon ay nakasuot pa rin siya ng hospital gown at nagsuot lamang siya ng itim na jacket at sandals.

Kaya kung papansinin ay lahat ng tao sa mall ay nakatingin sa kanya na nagtataka.

Habang busy sa pagpili ng pagkain si Troy ay may biglang bumangga sa hita niya.

“Ouchie!” Saad ng maliit na boses.

Tiningnan naman niya kung sino iyon at nagulat siya ng isang batang lalaki iyon na nakaupo sa sahig.

Kaya naman ay pinatayo niya ito saka pinag-pagan at sinuri kung may gasgas ba ito.

“I’m sorry, Mister.” Hinging paunmahin ng bata habang nakayuko.

“No. It’s okay. Hindi ka naman nasaktan diba?” Tanong niya dito.

Tumango naman ang bata saka siya tiningnan. Parang may kung anong naramdaman si Troy ng makita niya ang bata. Para bang nakita niya ito.

“Mister? Mister! I want to go na po. I need to pee!”

Natauhan lang si Troy sa malalim na pagiisip ng tawagin siya nito.

“I’m sorry, buddy. Tara samahan na kita.”

Sinamahan naman ni Troy ang bata sa banyo sa loob ng Jollibee.

“Hey, Mister. Don’t peak!” Saad ng bata at saka tinago agad ang birdie nito sa short niya.

Napatawa naman si Troy sa ginawa nito. “I’m sorry, Hahaha.”

“Can you help me to the faucet? I need to wash my hands, Mister.”

“Sure.” Sagot naman ni Troy at saka tinulungan ang bata na sumampa sa lababo.

Habang busy sa paghuhugas ng kamay ang bata ay hindi niya mapigilang titigan ang repleksiyon nito sa salamin.

Hindi niya alam kung nababaliw na ba siya pero hindi niya maiwasan na mapaisip na magka-mukha sila.

“I don’t know, why. But he’s my splitting image when I was a child.”

“Mister. Done na.” Saad ng bata kaya naman ay ibinaba niya agad ito.

Inabutan niya rin ito ng tissue para punasan ang malilit na kamay nito.

Habang busy sa pagpupunas ng basang kamay ang bata ay yumuko si Troy upang pantayan ang bata. Dahil sa kuryusidad dito ay hindi niya mapigilang magtanong.

“Hey, buddy. Where’s your Mom?”

Tumingin naman sakanya ang bata bago siya sagutin nito. “Nagoorder po siya ng pagkain for me.”

“So, nandito siya?”

“Yes, Mister. Tara na po baka hinahanap na po ako ni Mama.” Saad ng bata kaya naman ay binuhat ito ni Troy palabas ng banyo.

“Then, Sino ang Mama mo?” Tanong ni Troy sa bata habang busy ang mga mata nito sa pag-ikot sa paligid.

“My Mama---Oh! There! There! Mama! Mama! I’m here!” Sigaw bigla ng bata at kumaway ito sa harapan nila.

“Carlo! Anak!”

Bigla naman natigilan si Troy ng makilala niya ang boses ng sumagot sa bata kaya naman ay nilingon niya ito kung sino iyon.

Nagulat siya ng malaman niya kung sino iyon.

“Leah…?”

“Carlo, saan ka---T-Troy…?”

Hindi matapos tapos ni Leah ang sasabihin niya ng makilala ang nasa harapan niya at buhat-buhat nito ang anak niya.

Nang makita niya iyon ay nakaramdaman siya ng kaba at takot.

“No! Hindi niya pwedeng malaman na anak niya si Carlo.”

“Mama! This Mister help me to pee.” Saad ni Carlo at nagpumilit bumaba para makalapit kay Leah.

Hinawakan naman ni Leah ang kamay ni Carlo at saka tumingin dito.

“Tara na, Carlo. We need to go home na.” Saad niya saka hinila paalis ang anak niya ngunit nagbitaw ito sa hawak niya.

“But, you said na kakain tayo sa Jollibee?”

“Next time na lang baby, okay. Kailangan na nating umalis.”

“No! You promised! You would bu---”

“Carlo! Please.” Nagmamaka-awang saad ni Leah sa anak niya. Nang dahil sa biglaang pagsigaw niyang iyon ay biglang umiyak si Carlo na naka-agaw atensiyon sa mga kumakain sa loob.

Binuhat na lamang ito ni Leah at tumalikod na ngunit nahablot ni Troy ang kamay ni Leah dahilan para mapatingin ang dalaga sa binata.

“Leah…”

“I need to go now, Mr. Salvatore.” Saad ni Leah at tuluyan ng nilisan ang lugar na iyon.