KABANATA 14 (1516 words)

“We need to talk, hija.” Ani ng ina ni Troy saka hinawakan ang kamay ni Leah.

Nagulat naman si Leah sa ginawa nito pero nangingibaw sa kanya ang kuryosidad kung ano ba ang tunay na nangyari kay Troy ng iwan niya ito.

Lumabas naman sila sa kwarto at umupo sa upuan katapat lang ng kwarto ng binata. Nang makaupo ay napatingin naman si Leah sa ginang.

“Ano po iyong gusto niyong pag-usapan?”

Tumingin naman sa kanya ang ginang at bumuntong hininga bago ito magsalita.

“It’s about Troy, hija.”

Bigla naman siyang kinabahan at naalala niya bigla ang pangloloko na ginawa sa kanya ni Troy. Hindi naman niya mapigilan ang mapakuyom ng kamay niya.

Oo, mahigit limang taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sakanya ang mga sinabi nito at pangloloko na ginawa sa kanya ng binata.

Napansin naman ng ginang ang kamay ng dalaga na nakakuyom kaya naman ay hinawakan niya ito kaya napatingin sa kanya ang dalaga.

“Don’t be mad at Troy. I know na nasaktan ka ng anak ko noon but I know my son and he loves you.”

“Mahal? Huh. Kung mahal niya ako ba’t niya ginawa sakin iyon?”

Gusto sanang mag-react ni Leah sa sinabi ng ginang pero nagsalita ulit ito.

“I know na ikaw ang tinutukoy na babae ni Troy na nagugustuhan niya at masayang-masaya ako na malaman iyon. If it’s wasn’t for his Dad, it wouldn’t this have happened. Troy wouldn’t have had an accident and experiencing this.”

“Dad? Anong kinalaman ng Daddy ni Troy sa kanya?”

“A-Ano po bang nangyari kay Troy?” Hindi na napigilan ni Leah ang magtanong sa ginang.

“Nangyari ang aksidente ni Troy when he was hit by a truck ng sakay niya ang sasakyan niya. I’m not really sure the details but they said my son was chasing you that time.”

Nagulat naman si Leah ng marinig ang sinabi ng ginang sa kanya.

“Hinahabol ako ni Troy? Pero bakit? Diba ay ikakasal na sila ni Ate Sabrina?”

Bigla namang naalala ni Leah ang nangyari sa tapat mismo ng bahay nila. Nung araw na tinatawag siya ni Troy ngunit siya hindi nakinig.

“Leah, Please. I’m begging you, Lea…”

“I hate you, Troy. I f*ck*ng hate you.”

At saka umalis sa lugar na iyon na hindi na lumingon muli kay Troy.

Nakaramdam naman siya ng unting lungkot ng malaman niya ang katotohanan mula sa Mommy ni Troy.

Pero nangingibabaw pa rin sa kanya ang galit, kahit na alam na niya ang totoo hindi niya pa rin mapigilan na magalit dito.

Dahil kay Troy mismo nanggaling ang mga masasakit na salita na sinabi tungkol sa kanya. Hindi alam ni Leah kung paniniwalaan o maaawa siya dahil sa kalagayan ni Troy.

Sakto naman ay tumunog ang selpon ng Mommy ni Troy at sabay silang napatingin doon. Tiningnan naman iyon ng Mommy ni Troy saka tumingin kay Leah.

“Hija, mauna na muna ako. Ikaw na muna bahala kay Troy.” Saad nito saka tumayo at iniayos ang sarili.

Napaayos rin ng tayo sa Leah at inalalayan ang ginang.

“S-Sige po.” Napapayag na lamang si Leah dahil mukhang nagmamadali ang ginang.

Yinakap muna siya nito saka nagpasalamat. “Thank you, Leah.”

Pagkasabi noon ay umalis na ang ginang at naiwan ng magisa si Leah. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga saka napah-desisyunan na pumasok sa loob para samahan si Troy.

Nang makapasok ay lumapit siya sa tabi nito at pinaka-titigan ang gwapo nitong mukha.

“Galit ako. Galit na galit ako sayo at the same time naaawa ako. Hindi ko na alam kung maniniwala ba ako. Ang sakit. Masakit pa rin eh.” Saad nito at napahawak sa dibdib ng maramdamang sumakit iyon.

“Limang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin mawala yung sakit na ginawa mo sakin. Alam mo bang may anak ka? Huh. Syempre hindi mo alam.”

Maya-maya ay napatingin si Leah sa kamay niya ng may maramdamang basa. Nang makita na tubig iyon, namalayan niya na lang na umiiyak na siya kaya naman ay medyo lumayo siya sa binata at pinunasan ang mga luha nito.

•*•*•*•*•*

Habang hinihintay magising ang binata ay napatingin siya sa oras na nakadikit sa pader. Nakita niyang mag-aala una na kaya naman ay nag-desisyon siyang kumuha na muna ng pagkain sa canteen. Bago siya makalabas ng silid ay tiningnan na muna niya ang binata saka lumabas.

Nang makabili sa canteen at makakain ay bumalik siya agad sa kwarto ni Troy. Baka kasi ay bumalik ang mga doktor at nurse at suriin siya. Humingi na rin siya ng pagkain ni Troy baka sakaling pagbalik niya ay gising na ito.

Nang matapat na siya sa pinto ng binata ay pinihit niya pabukas ang pinto at saka pumasok.

“S-Sabrina…?” Gulat na bulalas ni Leah ng makita niya ang isang babae na nakatayo malapit kay Troy at dahil doon ay napalingon naman sakanya ang babeng iyon.

Hinding-hindi siya magkakamali dahil sa buhok at tayo nito ay nakilala niya agad.

Hindi siya makapaniwala na makalipas ang ilang taon ay magkikita muli sila. Napatingin naman siya sa kamay ng binata ng makita ang kamay doon ni Sabrina.

“What are you doing here?” Tanong ni Sabrina sa kanya sabay napatingin sa dala niyang pagkain.

Nagiwas siya ng tingin at inilapag ang dalang pagkain sa may mesa at kinuha ang mga gamit niya sa may sofa.

Nang makuha na niya ay dali dali agad siyang pumunta sa pinto para lumabas na pero bago iyon mangyari ay nahablot na ni Sabrina ang braso dahilan para mapadaing sa sakit dahil sa pagkabaon ng mga kuko nito sa balat niya.

“Tinatanong kita! Anong ginagawa mo dito?”

“Bitawan mo’ko!” Sigaw ni Leah saka hinablot ang braso niya at pinihit pabukas ang pinto at lumabas.

Ngunit bago pa siya makalayo ay may sinabi si Sabrina.

“Ang lakas mo naman magpakita. Akala mo ba ay makukuha mo si Troy? Puwes, hindi ako mapapayag na makuha mo siya ulit! Tandaan mo iyan.”

Nang matapos sabihin iyon ni Sabrina ay saktong dumating ang ina ni Troy. Napatingin naman sila doon at nakita ni Leah sa ginang ang gulat at pag-alala.

“Hija…”

Lumapit naman dito si Leah. “Mauna na po ako.” Saad niya at umalis na sa lugar na iyon.

•*•*•*•*•*

Bigla na lamang naimulat ang mga mata niya dahilan para magulat ang mga tao sa loob ng silid.

“Troy!”

“Son!”

Napadaing naman si Troy sa sakit ng ulo niya saka hinawakan ito.

“Ugh.”

Sakto naman ay dumating ang mga doctor at nurse para suriin siya.

“Kamusta ang anak ko?” Tanong agad ng Mommy ni Troy.

“Okay lang naman ang anak niyo. Kailangan lang natin na kumpirmahin kung nakaka-alala na ba siya o hindi.” Pagkasabi nun ng doktor ay agad naman silang bumaling kay Troy.

Tumingin naman ang ginang kay Troy at hinawakan ang mukha nito.

Napatingin naman sila pareho ng biglang may pumasok sa silid.

“Troy! Baby! Are you okay?” Tanong ni Sabrina ng makalapit agad ito sakanya at sabay yakap.

Ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil bumitaw sa pagkakayakap si Troy sa dalaga na ikinagulat naman ni Sabrina.

“Why? May masakit ba sayo? Tata---”

“Leah… Where’s Leah?”

Natigilan naman pareho si Sabrina at ang ina ni Troy sa sinabi niya. Tiningnan naman ni Troy ang dalaga at nagtanong uli dahilan ng hindi pagsagot ni Sabrina.

Walang umimik kaya naman ay napatingin si Troy sa braso niya ng makita niya ang nakatusok na karayom doon.

Pinagtatanggal niya ang mga iyon kaya nagulat naman ang ina niya sa ginawa niya.

Nang matanggal ay bumangon siya, nakaramdam siya ng pagkahilo ngunit agad siyang nahawakan sa mga braso ng ina niya.

“Sir, hindi pa po kayo pwedeng bumangon.”

“Anak, dito ka na muna ngayon. Hindi ka pa magal---”

“No, Mom. Kailangan kong puntahan si Leah.” Saad niya at tinanggal ang pagkakahawak sa kanya ng ina niya.

Pinipigilan rin siya ng mga doktor at nurse ngunit lahat sila ay hindi mapigilan ang binata.

Bago pa makalabas ng silid si Troy ay may tumawag na sakanya.

“Troy…”

Napatingin naman si Troy sa tumawag sa kanya. Nangungusap na nakitingin sa kanya ang mga mata ng dalaga ganoon rin ang mukha nito, ngunit mas nangibabaw sa kanya ang makitang muli si Leah.

Hindi niya na ito tiningnan muli at lumabas na ng tuluyan sa silid.

•*•*•*•*•*

*Tok Tok Tok…* (Katok sa pinto)

Napatigil naman sa ginagawa si Leah ng marinig ang katok sa pinto. Hindi niya na sana ito papansin ngunit narinig niya uli pagkatok sa pinto.

Kaya naman ay tumayo siya sa upuan at iniwan sa sala ang ginagawa niya.

“Sino iyan?” Sigaw niya habang papalapit sa may pinto.

Ngunit wala siyang narinig na sumagot kaya naman ay napagdesisyunan niyang buksan ito.

“Sino ka ba at---”

Hindi na natapos ni Leah ang sasabihin ng maramdamang may pumalibot sa kanyang kamay at mahigpit siyang yinakap.

“Leah! I miss you, Leah. I’m sorry for everything I’ve done. I love you. Hinding-hindi na kita pakakawalan.”

Nanigas ang katawan ni Leah ng malaman ang taong yumakap sa kanya. Kaya naman ay bumitaw siya sa pagkakayakap at nagulat siya ng makumpirma ang taong yumakap sa kanya.

“T-Troy…?”