Chapter 3: Bagong biktima

AYON sa nakuha kong impormasyon, kinapos ng hininga ang biktima habang natutulog kung kaya dinala ito ng nobya sa hospital. Iniwan lang ito sandali sa higaan at pagbalik ng babae ay dilat na ang mga mata nito at wala ng buhay. Nalaman ko rin na may ibang babaeng nabuntis ang lalaking ito at nawala ang ipinagbubuntis." Mahabang salaysay ni Ashton sa apat na kaibigan.

"May nakita ka bang kakaiba sa kanyang katawan?" tanong ni Micko kay Ashton.

"Wala siyang sakit sa puso, tingin ko ay hindi pareho ang kriminal sa mga napaslang tatlong taon na ang nakraan."

"Pero wala ring sakit sa puso ang tatlong lalaki na namatay noon sa probinsya. Namatay rin na dilat ang mga mata matapos dalhin sa hospital." Sabat ni James habang tinitignan ang papel kung saan nakalagay ang medical result ng biktima.

"Ang tatlong lalaki ay inalis ang pagkalalaki nila nang nasa morgue na sila."

Marahas na napalingon si Ashton kay Cloud na seryosong nakasandal ang ulo sa dalawang braso nitong magkahupong habang nakaupo.

"At itong biktima ngayon ay kompleto pa rin ang katawan habang nasa morgue." Dugtong pa na saad ni Cloud.

"Hindi maari!" ang naibulong ni Ashton habang pinag tagni-tagni ang kaso sa nakaraan at ang naabutan kagabi sa morgue.

"May iba ka pa bang napansin kagabi?" Naitanong ni Dexter kay Ahston nang mapansin ang pangungunot ng noo nito.

"Mukhang babae ang killer at nakalampas pa sa mga kamay ko kagabi." Palatak na sagot ni Ashton nang maalala ang babae na nasa morgue kagabi. Kinuwento sa mga ito ang nangyari kagabi.

"Posible iyang naisip mo dahil mukhang may galit sa mga lalaki ang killer. Sa dami nang maaring kunin sa bangkay ay ang private part nito sa katawan ang kanyang inaalis." Sang-ayon ni James kay Ashton.

"Pero bakit kapag nasa morgue na ang bangkay bago inaalis ang pagkalalaki nito?" nahihiwagaang tanong ni Micko.

"Maari nga na ang babaing iyon ang killer at naudlot ang nais gawin nang dumating ka." Conclusion ni Cloud sa diskusyon.

"Next time, huwag kang mabihag sa ganda ng mata ng babae." Naiiling na payo ni Micko, kay Ashton.

"Ang mahalaga ay may clue na tayo ngayon sa kaso. Report ko ito kay General upang mabigyan ng babala ang kalalakihan na babaero," ani Dexter habang nililikom ang mga papel na nasa lamesa.

Napatingin si Ashton kina Micko at Cloud at katulad niya ay nagkatingan ang dalawa.

"Bilang lang sa daliri ang naikama ko." Defensive na turan ni Micko.

Natawa si Ashton sa kaibigan, mabuti na lang at nakapag asawa na sina Jeydon at Dexter. Malabo ring mabiktima ng killer si Cloud dahil wala itong babae. At siya? Hindi rin naman siya babaero pero magaling siya magpaligaya ng babae.

Nailathala ang balita ukol sa speculation ng imbistigasyon sa kaso ng lalaking namatay. Itinugma rin ito sa dating kaso na hindi pa na resolba hanggang ngayon. Isinaad din sa balita na maaring babae ang killer pero hindi nila isinama sa balita ang tungkol sa enkwentro ni Ashton at ng babaing pinaghihinalaan.

...

TULUYAN na niya akong iniwan!" Tumatangis na saad ni Gwen habang nakayakap kay Yvonne.

"Huwag mo siyang iyakan at panghinayangan. Noong nawala ba ang anak ninyo, umiyak siya?"

Kumalas si Gwen sa pagkayakap sa kaibigan at tinignan ito sa mga mata. "Kahit niloko niya ako, mahal ko pa rin siya."

"Tama na, kaya maraming lalaki ang manloloko dahil din sa ating mga babae na nagpapakanmartir para sa kanila." May halong inis na wika ni Yvonne habang inaalo ang kaibigan. Nag-aalala siya na baka mabinat ito dahil isang linggo pa lang ang nakalipas nang makunan ito.

Biglang tumahan si Gwen at humarap sa kaibigan nang may maalala. "Napanuod mo ba ang balita?"

"Anong balita?" Balik tanong niya dito at umiwas ng tingin sa kaibigan.

"Iyong tungkol sa kaso noon ay ni-link nila sa pagkamatay ni Luis ngayon. Ayon pa sa balita ay babae ang killer at may galit sa mga lalaking babaero." Nananantya ang tingin ni Gwen sa kaibigan habang nagsasalita. Bigla siya nakaramdam ng kaba para dito.

"Hindi ko alam ang tungkol diyan at alam mo namang hindi ko hilig ang manuod ng television. Matulog ka na at baka mabinat ka pa, huwag mo munang kaisipin ang problema. Isipin mo ang iyong sarili dahil walang ibang mag-aalaga sa iyo kapag nabinat ka." May kasamang paninermon na ani ni Yvonne.

Tahimik na humiga si Gwen at nag-iisip ng malalim. Kalauna'y palihim na sinulyapan ang kaibigan na nakatalikod sa kanya. Wala siyang alam sa pagkatao nito maliban sa kung ano ang trabaho. Siya lang kasi ang palakwento sa kanilang dalawa.

Nahiga na rin si Yvonne nang makitang tulog na si Gwen. Ayaw siyang dalawin ng antok kung kaya nanatili siyang nakatitig sa kisame. Naiinis siya sa lumalabas na balita, napanuod niya iyon at nag-aalala na maaring lumala ang pangyayari.

...

"MAY BAGO na namang biktima." Pagbibigay alam ni Dexter sa kasamahan nang ma kompleto na silang apat sa opisina.

"Tingin ko ay hindi na babae ang killer." Kunot noong wika ni Micko nang makita ang larawan ng biktima kagabi.

"Mukhang mali ang paglabas ng pahayag ukol sa kaso. Ginagamit na ng ibang sindikato ang pangyayari upang litohin tayo. Tignan niyo at inalis ang ari ng lalaki pero iba ang dahilan ng pagkamatay nito." Tinuro ni Ashton ang larawan.

"Pero sa hospital pa rin ang lugar kung saan naganap ang krimen." Sabat ni Cloud.

"Kailangan nating magmatyag mabuti," ani ni Dexter bago binalingan ng tingin si Ashton. "May bago ka na bang lead sa unang kaso?"

"Nahanap ko na ang tinutuloyan ng isa nitong nobya. Paalis ako ngayon upang magmanman at magtanong para sa dagdag impormasyon." Sagot ni Ashton sa kaibigan.

Naiwan ang tatlo na pinag-aaralan ang kaso. Dumiritso si Ashton sa Calamba Laguna kung saan nakatira ang unang nobya ng biktima. Pasimple siyang tumayo sa harap ng maliit na boarding house at nagmanman muna.

"Mag-ingat ka ha! Tawagan mo ako kapag naroon ka na." Paalam ni Gwen sa kaibigan na paalis upang umuwi sa probinsya nito. Bakasyon lang umano ito dahil may sakit ang ina.

"Salamat, ikaw rin mag-ingat dito at huwag e-stress ang sarili." Ganti ni Yvonne sa kaibigan.

Napatingin si Ashton sa babaeng nagsasalita at nakatikod mula sa kinaroonan niya. Hinahagilap sa isip kung saan niya ba narinig ang tinig na iyon. Lalapitan sana niya ito upang makita ang mukha ngunit nakapara na ito ng bus at agad na sumakay.

"May kailangan ka ba sa kaibigan ko, Kuya?" tanong ni Gwen sa lalaki nang makitang habol nito ng tanaw ang papalayong bus kung saan nakasakay ang kaibigan.

Nilingon ni Ahston ang babaeng nagtatanong. "Wala naman. Ikaw ba ang girlfriend ni Luis?"

May pag-aalinlangan na tumango si Gwen sa tanong ng lalaki. "Bakit mo po ako kilala?" may pagdududa niyang tanong dito. Guwapo ito at maganda ang pangangatawan, gayon pa man ay hindi dapat siya magtiwala dito agad lalo na at sangkot ang kanyang ex-boyfriend.

"Huwag kang matakot, isa akong detective at gusto ko lamang magtanong sa iyo ng ilang katanongan." Nagpakilala si Ahston sa babae bilang member ng eagle's wings agency.

Agad na napanatag ang loob ni Gwen pagkarinig sa pangalan nito. Sikat ang codename nito at ikinagalak niya na makita ng personal ang member niyon. Bagay sa lalaki ang matawag na eagle two.

"Pasok tayo sa loob," anyaya niya sa lalaki at nagpatiuna na sa loob ng bahay. "Pasensya na dahil maliit lamang ang aming tinutuloyan."

"No problem, ang babae na umalis kanina ay ang ka-roommate mo?" tanong ni Ashton habang iginagala ang tingin sa loob ng bahay.

"Opo, magbabakasyon siya sa kanilang probinsya." Sagot niya sa binata habang inaabutan ng malamig na tubig ito.

"Thank you," bahagya siyang ngumiti sa babae nang abutin ang ibinibigay nitong tubig. "Maari ko ba marinig ang kwento niyo ni Luis upang mabigyan linaw ang kanyang pagkamatay?"

Walang pag-alinlangan na ikinuwento ni Gwen sa binata ang naging takbo ng relasyon nila ni Luis. Maging nang makunan siya at kung paano nagalit ang kanyang kaibigan na si Yvonne kay Luis.

"Maari ko ba makita ang larawan ng kaibigan mo?"

"Pwede naman po," ani nito at binuksan ang hawak na cellphone. Mayroon silang selfie doon ni Yvonne ngunit parehong may suot na sunglass.

Tumayo si James pagkakita sa litrato ng dalawa at nagpaalam "Salamat sa pagpaunlak. Asahan mo na hindi ito ang una nating pag-uusap."

"Walang anoman, detective, welcome po kayo dito anytime." Malapad ang ngiti na sagot ni Gwen sa binata. Nakipagkamay pa ito sa kanya na ikinakilig niya. Bigla niyang nakalimutan ang nag-iiyak na puso dahil sa pagkawala ng nobyo nito.

Naipilig ni Ashton ang ulo pagkalabas sa bahay ng babae. Napapalatak siya dahil halata ang pagpakita ng babae na pagkagusto sa kanya kahit na nakunan na ito at kakamatay lang ng nobyo. Habang nagmamaneho ng kotse pabalik sa kanilang ahensya, hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang mukha ng babae na nakita sa larawan kanina. Mapang-akit ang ngiti na nakapaskil sa labi nito at kahit natatakpan ng sunglass ang mata ay napakaganda ng mukha niyon. Pero agad din niyang sinaway ang sarili nang maalala na isa itong nurse. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip kung kaya hindi niya napansin na iba na ang daang kanyang tinatahak.