Chapter 2: Mystery
"MAY sakit ka ba?" nag-aalala na tanong ni Yvonne sa kaibigan nang madatnan ito sa kanilang silid na nakahiga. Nagtataka siya dahil ang alam niya ay may pasok ito. Pang umaga ngayon ang duty niya sa trabaho at ito naman ay pang gabi.
"I'm pregnant!" ang sagot ni Gwen at biglang umiyak.
"Then, congratulations?" may pag-alinlangan na bati niya dito. Ang alam niya ay matagal ang relasyon ng mga ito. Minsan pa nga ay sa kanilang silid natutulog ang lalaki kapag wala siya roon. Ipinagtaka niya ngayon ay tila pasan ng kaibigan ang mundo sa hitsurang nakikita dito.
"Gago siya, sinungaling! Ang akala ko ay nagbago na siya at ako na lang ang babae sa buhay niya!" Sunod-sunod na mura ni Gwen sa nobyo nito habang pinupokpok ng kamay ang unan.
Naningkit bigla ang mga mata ni Yvonne dahil nakaramdam din ng galit. Ayaw niya sa lahat ay may babaeng umiiyak dahil sa lalaki. Bumabangon ang galit sa kanyang dibdib kapag may nakikitang babae na niloloko ng lalaki. "Ano ang ginawa niya?"
"Bukod sa akin ay mayroon pa siyang iba at malaki na ang tiyan ng babae!" Sumisinghot na salaysay niya sa kaibigan.
Nangangalit ang bagang ni Yvonne dahil sa galit. Awang-awa siya sa kaibigan nang makitang nakasapo ito sa impis na tiyan. "Ano na ang plano mo ngayon?"
"Kailangan ko siyang kausapin at ipaalam ang kalagayan ko."
"Hindi pa niya alam?" Nangunot ang noo ni Yvonne.
Umiling si Gwen bilang sagot. "Pinuntahan ko siya kanina sa baording house niya upang kausapin sana. Ngunit nakita ko siya sa labas na may kasamang babae at malaki na ang tiyan."
"Nakita mo lang, hindi mo kinumpirma?" Naiinis na tanong muli ni Yvonne sa kaibigan.
"Natakot ako na marinig ang katotohanan." Nakayuko ang ulo na sagot nito kay Yvonne.
"Anak ka ng tipaklong, paano kung kamag-anak niya pala iyon? Halika at samahan kita para kausapin siya." Hinila niya patayo ang kaibigan. Kahit wala pa siyang tulog ay hindi niya alintana iyon. Alam niya na may pagkaduwag ang kaibigan, hindi rin naman kalayoan ang inuupahan ng lalaki kung kaya nilakad lang nila iyon.
Pagdating nila sa bahay na tinutuloyan ng lalaki ay nakabukas iyon kung kaya pumasok na sila. Naabutan pa nila na kumakain sa kusina ang ka-room mate ng binata.
"Kayo pala!" Nagulat pa ito at maagap na pinigilan sila sa pagkatok sana sa silid ng mga ito.
"Gustong makausap ng kaibigan ko si Luis," ani Yvonne sa lalaki habang nakataas ang isang kilay niya.
"Ah eh wala siya dito."
Lalong tumaas ang kilay ni Yvonne sa tinuran ng lalaki. Halatang pinagtatakpan nito ang kaibigan kung kaya tinabig niya ang kamay nito at malakas na kinatok ang pintuan.
"Ano ba? Mga istor—" hindi na naituloy ni Luis ang iba pang sasabihin pagkakita sa dalawang dalaga na nakatayo sa harap ng pintuan.
"Hon, sino ang kumatok?"
Dinig nila na tanong ng isang babae na nasa loob ng silid nito.
"Ah mga kaibigan ko, hon, sandali ha at diyan ka lang." Sagot nito sa babae at mabilis na isinara ang pintuan.
Nagpupuyos sa galit ang kalooban ni Yvonne sa nakikitang pakaladkad na inilayo ng lalaki ang kaibigan niya sa silid nito. Napasunod siya hanggang labas at pinanuod na nag-uusap ang dalawa.
"Hayop ka, kailan mo pa ako niloloko?" Pinagbabayo ni Gwen ng suntok sa dibdib ang lalaki.
"Tumigil ka nga sa pagngangawa!" Hinuli niya ang kamay ng nobya at pilit na pinakalma. "Hinaan mo ang boses mo at baka marinig niya tayo."
"Natatakot ka na malaman niya na may iba ka pero sa akin ay hindi?" hindi makapaniwala na tanong ni Gwen sa nobyo.
"I'm sorry, mahal kita pero kailangan ko siya panagutan dahil buntis na siya." Mahinahon na sagot ng lalaki.
"Buntis rin ako!" pabulyaw na turan ng dalaga na ikinapatda ng lalaki sa kinatayoan. "Tatanggapin ko na nakabuntis ka ng iba, ako lang ang pakasalan mo."
Napasimangot si Yvonne sa nakikita sa kaibigan. Mahigpit itong yumakap sa lalaki, nagmukhang martir tuloy ito sa kanyang paningin ngayon.
"Patawad pero siya ang pipiliin ko dahil manager siya sa pinagtatrabahuhan ko." Pilit na binaklas ang braso ng dalaga na nakapulopot sa kanyang beywang.
"Gago ka pala eh!" Galit na dinuro ni Yvonne ang lalaki at hindi na nakatiis sa naririnig. Hindi na siya nakapag timpi, gusto niya itong suntokin nang marinig ang pahayag nito sa kanyang kaibigan. "May kinakalantari ka na pala, nagagawa mo pa ring galawin ang kaibigan ko?"
"Huwag kang makialam dito, problema namin ito." Sikmat ng lalaki sa kanya kung kaya lalong nagpuyos sa galit ang kanyang kalooban.
"Isa kang gago! Dapat sa isang tulad mo ay pinuputulan ng kaligayahan!" Nanlilisik ang kanyang mga mata dahil sa galit.
"Tama na, Yvonne!" Awat ni Gwen sa kaibigan ngunit hindi ito nagpapigil.
"Pipiliin mo ang babae na iyon dahil ba mas maganda ang kanyang katayoan sa trabaho?" tanong ni Yvonne sa lalaki.
"Wala ka namg pakialam doon, umalis ka na at isama iyang kaibigan mo!" Pagtataboy nito sa dalawang dalaga.
"Damn you, fucker! Ganoon na lang? Buntis ang kaibigan ko at ikaw ang ama!" Tumaas na ang timbre ng boses ni Yvonne dahil sa galit. Bukod sa kaibigan niya si Gwen ay hindi niya hahayaang may babaeng niloloko ng lalaki. Sa lakas ng kaniyang boses ay alam niyang naririnig ng lahat ang kaniyang sinasabi.
Tarantang itinulak ni Luis ang nobya dahil ayaw niyang makita ng isa pang nobya ito. Sa lakas ng pagkatulak niya ay natumba ito at dinugo. Natakot si Luis at hindi alam kung ano ang dapat gawin. Ang isa pa nitong nobya ay umiiyak habang nakatitig sa mga ito. Mabuti na lang at naroon ang kaibigan niya at ito ang nagbuhat kay Gwen upang dalhin sa hospital.
Ginawa ni Yvonne ang lahat bilang nurse upang maampat ang pagdurugo ng kaibigan hanggang sa makarating sa hospital. Ngunit mahina ang kapit ng bata kung kaya ito'y nawala. Labis ang paghihinagpis ng kaibigan dahil tuloyang nakipaghiwalay na dito ang nobya at pati ang anak ay nawala rin.
"Huwag mo nang iyakan ang gago na iyon. Marahil ay ginusto ito ng nasa itaas na kunin na ang angel na nasa sinapupunan mo dahil anak iyon ng isang walang kwentang lalaki!" Mahabang turan ni Yvonne sa kaibigan. Hindi niya ito iniwanan hanggang sa makalabas ng hospital. Hindi na nito pinaalam sa pamilya na nasa probinsya ang nangyari dito.
...
MAY BAGONG kasong papahawakan sa atin si General Max." Anunsiyo ni Dexter sa mga kasamahan. Wala pa si Jeydon dahil nasa honeymoon pa at dalawang buwan ang bakasyon nito.
"Masilan ba?" tanong ni Micko sa kaibigan.
"Kailangan na matutukan at mapag-aralang mabuti. Ang kaso na ito ay tatlong taon na ang nakalipas. Hindi nalutas at naungkat lang ito ngayon dahil may namatay nakaraang lingo na kapareho sa nangyari noon." Pagkukuwento ni Dexter sa apat na naroon.
"Sino ang hahawak ng kaso?" Tanong ni James habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Napangiti siya nang mabasa ang text ng asawa na naglilihi na ngayon.
"Nakipag quicky ka na naman sa ka s. o. c mo? (sex on chat)" Kantyaw ni Ashton kay James nang mapansin ang kakaibang ngiti sa labi ni James habang nagbabasa ng text message.
"Loko! Ano ang akala mo sa akin tigang tulad mo?" Pabirong sagot ni James kay Ashton.
Nagkatawana sina Dexter at panandalianh nakalimutan ang kanilang trabaho.
Hindi ba nakakaubos ng lakas ang gabi-gabing pagniniig?" Tanong ni Ashton sa kaibigan habang nakangiti ng nakakaloko.
"Try mo, tol, huwag ka na magtanong." Sabat ni Dexter sa usapan ng dalawa.
"Mukhang kailangan pag-aralan ang katawan ng namatay."
Napalingon silang lahat kay Cloud na siyang nagsalita. Sobrang seryso ito at bukod tanging hindi sumasali sa kanilang biruan.
"Pinsan, uminum ka na ba ng gamot mo?" pabirong tanong ni Micko kay Cloud na nakatutok ang mga mata sa hawak na papel.
Napaangat ng ulo si Cloud, napapalatak pa siya namg makita na sa kanya nakatingin ang lahat ng naroon. "Tsk, anong gamot?"
"Gamot para matanggal iyang sobrang kaseryusohan sa pagkatao mo." Nakangising sagot ni Micko sa kanyang pinsan.
"Ulol!" Binato niya dito ang hawak na papel na may larawan bago ipinilig ang kanyang ulo. Kung may makarinig sa kanila na ibang tao ay iisipin ng mga ito na mga taong kalye sila. Pangkanto kasi minsan ang binabato nilang salita sa bawat-isa.
Pinulot ni Ashton ang papel na ibinato ni Cloud. "Mukhang tama si Cloud," aniya nang makita ang nasa larawan.
"Ikaw ang dapat na humawak sa kasong iyan, Tol Ash." Ang wika ni Dexter habang tinitignan din ang mukha ng bangkay na nasa larawan.
Sumang-ayon ang iba pa kay Dexter. Siya ang may alam sa pagsusuri sa katawan ng tao dahil isa siyang doctor. Tinanggap niya iyon bilang pagsasanay na rin bilang manggagamot.
"Nasa morgue pa ang bangkay hanggang ngayon, puntahan mo at suriin." Utos ni Dexter kay Ashton.
Pahintamad na tumayo si Ahston at nagpaalam na sa lahat upang puntahan ang kailangan niyang imbistigahan.
Nagsuot siya ng damit pang doctor at mask sa mukha bago pumasok sa morgue. Ngunit naantala ang paghakbang niya nang maramdaman na may ibang tao sa loob. Ang alam niya ay walang ibang tao doon, inihanda niya ang baril na nakasukbit sa beywang nang maisip na baka ang killer iyon, Madilim ang paligid at tahimik, dahan-dahan siyang lumapit sa anino na nakatayo sa harap ng bangkay.
"Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito?" magkasunod na tanong ni Ashton sa tao.
Halatang nagulat ang taong hindi niya alam kung babae ba o lalaki. Naging alerto siya nang kumilos ang kamay nito at may dinukot sa bulsa.
"Huwag kumilos ng masama!" Mabilis niyang banta dito bago pa ito makakuha ng armas laban sa kanya.
"Hindi po ako lalaban!"
Naibaba agad ni Ash ang hawak na baril nang makitang cellphone ang kinuha ng babae upang gawing ilaw sa paligid. "Humarap ka!"
Nakasuot din ito ng mask kung kaya mata lang ang nakikita niya tulad ng sa kanya. Ngayon lang niya napansin na naka puting damit din ito na katulad ng sa nurse.
"Bakit hindi mo binubuksan ang ilaw?" may pagdududa niyang tanong kahit na maganda ang mapupungay na mga mata ng babae.
"Hindi po gumagana ang ilaw, Doc." Umiwas ng tingin ang babae sa kaharap.
"Ano ang ginagawa mo rito sa ganitong oras?"
"Ang dami mo namang tanong, doc, ikaw ba ano ang ginagawa mo dito sa ganitong oras?" pamimilosopo niyang sagot sa lalaki.
Napakamot sa ulo si Ash sa tanong ng babae. Oo nga naman, ano ang ginagawa ng isang tulad niya doon?
"Kitams, nahihiya ka pang umamin na mangbabalsamo ka." Napapailing na wika ng babae nang hindi agad nakasagot ang binata. "Una na ako, doc, ikaw naman ang magbantay sa kanya."
Napamulagat ng mata si Ashton nang mabilis na umalis ang babae. Alam niya na nakangiti ito nang nakakaloko sa kanya kahit na hindi niya nakikita ang bibig nito.
"Naisahan ako niyon ah! Sa guwapo kong ito? Taga imbalsamo lang?" kausap ni Ashton sa sarili. Pero nang mahinuha ang lahat ay napatda siya. Hindi pala siya naisahan bilang kapalit nito sa pagbantay sa patay.
"Darn, what the hell, Ash?" namura niya ang kaniyang sarili. Hindi na niya maabutan ang babae kahit habulin pa niya ito. Sa bilis kumilos niyon ay tiyak na expert ito sa pagtakas. Ang ibig lang sabihin ay hindi tunay na nurse ang babaeng iyon. Dalawa lang ang maaring maging papel nito sa kaso, pwedeng ito ang makatulong sa kaniya upang mahuli ang kriminal o katulad niya ay imbistigador din ito.