NMKIMB 16
LINZIE'S POV:
"Your dad? Wow." Hindi makapaniwala niyang komento. Hindi niya aakalain na sa likod ng mga paghuli ay may isang tao ang nasa likod nito.
Subalit hindi ganon kakilala ang pangalan niya. Ilang taon lang 'yon, ilang taon lang naging bantog sa mamamayan ang pangalan ng aking Tatay hanggang sa mawala na. Wala na rin nakaalala sa sinapit niya at hindi man lang inaalala ang kaniyang ginawa sa bansa.
Pero hindi naman 'yon ang problema sa akin. Mas mabuti na 'yon na walang nakakaalam sa pamilya namin, maganda na ang malayo sa alalahanin.
"Yes po, pero matagal na po nangyari 'yon. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit siya nakatakas?"
Nagtataka pa rin talaga ako sa mga nangyayari. Sa pagkakaalam ko malakas ang seguridad sa underworld. Walang sinuman sa mga bilanggo ang makakatakas hanggat wala pa sa oras at panahon ng kanilang paglaya.
May naturang paghuhusga rin dito. Kailangan mapatunayan sa mga opisyales ang ginawang krimen ng mga nasabing suspek. Kailangan mo ng matibay na ebidensya, kung wala kang maipakita ikaw ang ikukulong nila.
Ganon ang patakaran. Once you lie, you'll suffered.
Kung maliit man ang nagawang kasalanan, mapupunta sila sa ibang kulungan sa underworld. Sesentinsyahan sila ng taon ng pagkakakulong at magdudusa sa kulungan na hindi ko alam kung ano ba ang itsura sa totoong mundo.
Kaya nalilito at nagugulumihan ako. Saka nakakaramdam din ako nang matinding inis at galit sa mga nagbabantay at nangangalaga sa mismong kulungan.
Ginawa ni Tatay ang lahat para mahuli lang ang Bobby na ito. Nagpanggap pa siya para lang mapalapit sa target niya. Muntikan pa siyang mapunta sa bingit ng kamatayan kung hindi siya marunong ng suntukan.
He did all his best but someone thrown it away. Pinalaya ang taong hindi na dapat makawala pa sa underworld. O pinatakas ng walang alam ang mga nasa kaitaasan.
May alam kaya si Queen Z? Sa pagkakaalam ko siya ang namumuno ngayon.
Hindi ko lang alam kung napalitan na ba siya sa trono. Sa pagkaalam ko nasa edad na rin ang dalawa sa panganay niyang anak, siya na lang ang maghuhusga kung sino ba ang karapat-dapat sa trono.
Bakit ko ba iniintindi ang mga taong hindi dapat inaalala? Tsk! Baka!
"'Yun din ang nais kong malaman. Pero sa ngayon kailangan na muna nating malaman kung saan ba namamalagi ang Bobby na ito. Mukha ngang tama ka, hindi ko mahanap-hanap kung saan ko ba siya hahanapin." Nagpalabas muna siya ng buntong-hininga saka naisipan buksan ang kaniyang laptop.
Napahawak naman ako sa aking baba. Napapikit at inaalala ang bawat detalye noon na nakita ko ng aksidente sa opisina ni Tatay sa loob ng bahay.
Maganda pa ang buhay namin noon. Malaking bahay at sariling kotse. Pero simula ng mamatay siya, nagkasira-sira na rin ang lahat.
Hindi ko na alam kung sino na ba ako. Sinasanay ko na lang ang sarili ko sa iba't ibang imahe. At ibang ugali. Wala na akong pagpipilian pa, kundi ang maging ibang tao.
Napabuntong-hininga na lang ako sa aking naiisip at muling inalala ang nakaraang eksena na nakita ko ang mga files sa loob ng mga kahon ni Tatay.
Napangisi naman ako nang makita ko na. Para akong tanga kung makangiti nang demonyo na may binabalak na kung ano.
"What's with that face? Care to share?" Napadilat ang aking mga mata at natagpuan ko na lang ang aking sarili na napatitig sa mukha ng lalaking nasa harapan ko.
Nilagay niya ang kaniyang kaliwang kamay at gamit ang mga daliri, ginawa niyang suklay ito. Sinuklay niya ang unahang buhok patalikod.
Wala siyang bukol sa noo, kahit na anong istilo ng buhok ay bagay na bagay sa kaniya. Tagatak na rin ang kaniyang pawis sa mismong loob nito.
Animo ay nanonood ako ng isang modelo na lalaki sa T. V. nang-aakit na hawakan ang kaniyang ilong at pisilin iyon. Sobrang ganda ng pagkakakurba nito, matangos at may maliit na tigyawat na wala siyang pakealam.
"I know I'm good looking guy. Don't look at me like that." Napalunok naman ako ng sariling laway.
Napalingon pa ako sa ibang direksyon at saka pinaypayan ang aking sarili gamit ang kaliwang kamay.
"Ang init naman. Hindi ba bukas ang aircon dito?" Mas lalo akong binanas ng makita ang pagguhit ng kakaibang ngiti sa labi nitong boss ko.
Ngayon ko lang nakita na may maliit din siyang dimples. Maliit man pero bagay na bagay pa rin sa kaniya.
Tang*na mamatay na ba ako?
"Back to your senses, Link." He snapped his hands on my face.
Kaya napangiti ako nang alanganin saka na-pa-peace sign na lang. Pailing-iling pa siya sa kaniyang nakikita.
Samantalang ako rito ay hindi na mapakali sa aking kinauupuan. Para akong nasa ulap o hindi kaya ay nasa sky city. Pinagmamasdan ang ibaba kung gaano ito kalalim kaya tatambol nang tatambol ang dibdib ko sa matinding kaba. Pero may kakaibang feeling na kapag nahulog ka, may sasalo sa iyong kakaibang nilalang na magpapaalab sa iyong pusong nalalantay.
Haist! Back to work Linzie! Baka sabihin na ni Sir Jack na may gusto ka sa kaniya—ay wait! Wala nga ba?
Pati ang sarili ko nakikipag-away na sa aking isip. Parang alam ko na ang tadhana ko, sa mental talaga ang bagsak ko.
"May naalala lang ako," tanging nasabi ko na lang para itago itong nasa isipan ko. At hindi na siya magtaka pa sa aking kinikilos na napaka-weird talaga sa akin.
"And what is that?" Tumaas pa ang kilay niya at muling tinuon ang sarili sa laptop niya.
Inaalam ang lokasyon ng taong unang target namin. Pero kahit anong gawin niyang paghahanap kung ang tao naman ay wala sa mismong ibabaw, makikita niya ba?
Magaling din ang Bobby na 'yon. Kayang-kaya niyang gawin ang mga bagay na hindi inaakala ng lahat na mayroon pala.
Sa raming panahon na ang lumipas, at wala na rin ang aking ama. Baka may tyansa pa na bumalik siya o naglipat ng lokasyon na parehas pa rin ng pinagtataguan niya.
"What if we find him in the underground?" Napatingala agad ang kaniyang ulo at tiningnan ako nang nagtatakang tingin.
"Underground?"
Hindi makapaniwala na lumabas sa aking bibig. Napakibit-balikat balikat na lang ako at napakagat sa labi.
"Kung may underworld... may underground din, 'di ba? I mean sa ilalim ng lupa. Sa isang underground bar kasi nahuli ni Tatay si Bobby. Mahirap lang makapasok sa underground bar... " Napahalumbaba ako sa naiisip ko.
Hindi naging madali ang lahat kay Tatay sa paghuli sa Bobby na 'yon. Buhay sa buhay talaga at pride sa pride.
"Anong dapat nating gawin? Anong ginawa ng tatay mo para makapasok sa loob?" Sinarado na niya ang kaniyang laptop at ako naman ang pinukusan ng kaniyang atensyon.
Nagpalabas na naman ako nang buntong-hininga pero malakas na ngayon.
"Can you give me a permission?" Tinitigan muna niya ang mga ikinikilos ko.
Mahaba ang naging katahimikan. Hanggang ngayon nasa ganito pa rin kaming senaryo. Hindi niya inaalis ang kaniyang sarili sa pagkakatitig sa akin.
Animo'y kinikilatis niya nang mabuti ang lahat. Inaalam ang katotohanan gamit lang ang pagtingin sa isang tao.
At sana payagan niya ako. Dahil 'yon lang ang magagawa kong pagtulong, at ang iba ay sa kaniya na lang.