NMKIMB 15
LINZIE'S POV:
"I'm waiting." Bungad sa akin ni Sir saka hinila ako sa loob ng opisina niya. Itinuro niya pa ang nag-iisang upuan at sinenyasan na umupo. Wala na rin akong nagawa kundi ang sundin siya.
Maski siya ay malayang umupo sa upuan na para talaga sa kaniya. Nilagay niya pa ang dalawa niyang palad na nakayukom sa may baba niya at seryoso akong tiningnan.
Tama nga ang sinabi niya kagabi na pupunta siya sa bookstore para malaman ang sagot ko sa alok niya. Isang alok na malaki ang impact sa akin.
'Yun nga lang dumating siya rito ng mga hapon na at malapit na akong magsara. Hindi ko aakalain na ang dami talagang customer dito.
Kahit na gano'n man ang business owner, ang mga customer naman ay patuloy na naglalaan ng oras para magbasa o hindi kaya ay magbili na lang.
Noong mga panahon na nagpunta ako rito, wala pang katao-tao. Iilan pa lang ang nalagi rito. Kaya nakakapanibago sa akin.
Saka pinag-isipan ko talaga ang magiging desisyon ko. Hindi ganon kadali ang kahahantungan ko kapag pumasok ako sa ganitong trabaho.
Ayokong makisali sa mga away ng iba. Lalong-lalo na't kung siya pa ang magiging partner ko. Baka masaktan niya lang ako kapag nagkataon. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko sa iba pero kung siya na ang pinag-uusapan.
Bago sa akin.
Hindi ko matatalo ang isang Mafia King.
'Haist what should I do?'
Pwede bang ibalik ang oras kung paano ako makipagbuno sa mga armadong lalaking 'yun. Dapat hinayaan ko na lang na nakawin ang mga libro para hindi ako masangkot sa ganitong klase ng desisyon.
Ayos lang sa akin na sumali. Ang inaalala ko lang ang mama ko. Baka kapag nalaman niya ang ginagawa ko rito sa siyudad baka magkaroon na naman ng war sa pagitan namin.
"What's the problem?" Pinasadahan niya ako ng tingin matapos makita na hindi ako komportable sa usapan.
Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa napapansin ko sa kaniya.
Muntik na nga akong mag-assume kagabi na ako ang inaalala niya. Tawag pa nga niya sa akin ay Link kahit na malayo sa tunay kong pangalan.
I don't know. Basta ang cute lang.
Kaso nga lang mas mahalaga nga pala sa lalaking ito ang libro at business niya. Bakit pa ako aasa?
Napayuko na lang ako sabay labas ng mahinang buntong-hininga.
Paano ba ito?
"Is that about your schedule in this bookstore? No need to worry, hanggang alas sais na lang ang pasok mo. At may isang oras ka pa sa—"
" Not that sir." Pagpapatigil ko sa dapat niyang sasabihin. Napataas naman ang kilay niya sa ginawa ko.
Kaya napatikom ako at kinagat ang ibabang labi ko. Nakalimutan ko nga pa lang boss ko nga pala ang kaharap ko.
Ang bastos ko naman para patigilin siya sa pagsasalita.
"Ayoko sa lahat ng pinapatigil ako sa pagsasalita. You can tell me pagkatapos. Don't ever do that again, are we clear Ms. Franzie?"
Napatango-tango pa ako. " Sorry po sir. Hindi ko lang talaga sinasadya. Hindi ko pa po kasi alam kung ano ang isasagot ko 'e,"
" Then what's the reason. We can solve it? Pero kung gusto mo bang maging partner ko? Ayokong pinagsasalita ako nang matagal at mahaba pa tapos sa huli wala rin pala akong mapapala."
"'Yun na nga po sir. Kahit na gusto ko pong sumali. Ang nanay ko naman po ang may ayaw na sumabak ako sa laban. Baka raw mamatay na rin ako tulad sa tatay ko." Pagdadahilan ko agad sa kaniya.
Ginulaw-galaw ko pa ang kamao ko dahil sa labis na kaba kapag magkasama at magkausap kami nitong amo ko.
Tumatambol nang napakalakas at animo ay may paparating na masamang unos. May nararamdaman din akong lindol sa mismong dibdib ko.
Mamatay na siguro ako sa kaba?
Punyeta!
"Who told you na mamatay ka? May nabalitaan ka bang namatay sa partner ko?"
Umiling-iling naman ako sa pagsasalungat din niya sa sinabi ko. Halata sa boses nitong si Sir Jack na maging partner niya ako.
Pero bakit ako pa? Marami naman na mas malakas at kayang-kaya siyang tulungan sa pakikipaglaban.
Ako? Simpleng tactics lang at self defense lang ang kaya kong gawin. Bonus na lang kapag napuno na talaga ako sa mga taong ayaw papaawat at gagawin talaga ang gusto.
"W-wala..."
"Then what's the point? Anong pinoproblema mo sa pagiging partner natin? Nanay mo? Kaya nating itago. Buhay mo? Hindi ko naman ilalagay ang buhay mo sa peligro, I just need someone to be with me to wake me up,"
" T-tapos na po kayo?" Tanong ko na medyo nauutal. Napansin ko kasi na tumigil siya saglit kaya napag-isipan kong magsalita at humingi ng permiso.
"Go on." Nagsenyas pa ang kanan niyang kamay sa aking harapan. Napatango agad ako sa naging tugon nito.
"Ano pong ibig ninyong sabihin na gisingin kayo? Saan po?"
"Tsk. I'm out of control when I'm mad. You can do whatever you want to do with me. Basta maibalik mo lang ako sa dating diwa ko. Ayokong may mapatay ako ng wala sa oras."
" Ah" napanganga pa ako habang nakikinig sa sinasabi niya.
Saka ngayon ko lang napansin na ang daldal pala ni Sir Jack. Pero alam kong ipinapaintindi lang niya sa akin ang dapat gawin ko. Sa magiging trabaho ng partner niya kung maging kami man.
"Hindi po ba ako makikipaglaban katulad ng ginagawa mo?" Paninigurado ko pa.
"It's your choice thou~, bahala ka kung gusto mo akong tulungan. Pero ang pinaka-prior mo talagang gawin ay gisingin ako sa naturang diwa."
" Ah! Okay I got it na! Akala ko mahirap." Ngumiti pa ako nang tipid at saka napailing na rin.
" So are you in?"
"Okay sir! Basta hindi malaman ni Nanay ang gagawin ko."
"Ikaw rin ang magde-desisyon niyan. So let's start our target. " Pagkatapos niya 'yung sambitin ay muli siyang lumabas ng opisina niya.
Hindi ko alam kung saan ba siya pupunta. Nasa loob kami nitong bookstore pero nasa main office ng owner o niya.
Hinintay ko na lang ang pagbabalik ni Sir Jack at naisipan na lang na mag-cellphone. Mukhang matatagalan pa ata ang pagbabalik niya.
***
"Parang kilala ko sila," paninigurado ko pa habang hinahawakan ang bawat larawan na nasa lamesa.
Kaya pala natagalan itong si Sir Jack ay nakalimutan niya ang gamit niya sa loob ng kotse. Hindi ko na rin alam kung anong oras na ba.
Basta ang alam ko lang, matagal na kaming nasa office at pinag-uusapan pa ang tungkol sa magiging misyon namin.
Limang larawan, tig-iisang mukha at lahat ng ito ay minsan ko ng nakita sa personal man o sa telebisyon.
"Are you sure?" Nagtatakang tanong naman sa akin nitong si Sir Jack.
Tumango-tango naman ako at itinuro ang pinakauna. Ito yata ang unang target namin.
Hindi ko lang alam.
"Ito si Bobby, ang dakilang tagalabas at tagapasok ng mga delikadong armas na nakukuha pa sa iba't ibang bansa na kayang pumuslit ng mga ito. Hindi lang 'yun, nanggagahasa rin siya ng mga babaeng natitipuhan niya at brutal din itong papatayin. Wanted siya rito at bibigyan ng malaking halaga ang makakakita kung saan ba siya nagtatago kasama ang iba pa. Pero masyadong magaling sa pakikipagtaguan ang Bobby na ito, lalo na't wala na sa mundo ang taong nakahuli sa kaniya." Tumigil na ako sa pagpapaliwanag sa kaniya.
Hindi ko alam kung ilang sentence na ba ang lumabas sa bunganga ko. Saka na-e-enjoy rin ako sa mga impormasyon na gusto kong ipamahagi sa kaniya.
Pero may part pa rin sa akin na parang may na-mi-miss ako.
"And who he is?" Lumingon muna ako sa direksyon niya. Kitang-kita ko kung paano mapa-arko ang kaniyang labi matapos makita ang porma ng mukha ko.
Ngumiti naman ako nang peke. "My dad."