NMKIMB 17
KINABUKASAN
(8AM)
JACK'S POV:
"Anong meron na naman d'yan sa mukha mo at nakabusangot ka?" Inis na singhal ko sa lalaking ito na kakapasok pa lang sa kwarto ko.
Kapag nagkikita kami naaasiwa na agad ako sa pagmumukha niya. Kung noon ayos lang sa akin na makita siya araw-araw para may mapaglabasan ako ng inis at galit ko.
Pero ngayon... ayoko na. Ayoko na talaga.
Hindi man niya aminin sa akin, kahit na sa sarili niya ay lalaki siya. Ang kilos naman niya kapag kasama ako ay parang bakla na umaalam pa sa totoong nararamdaman niya.
Minsan ay napapaisip na lang ako na may gusto sa akin ang lalaking ito at ginagawa lang na dahilan na takot siya magsolo sa kama niya.
Napansin kong napanguso naman si Froyd sa aking harapan at mabilis na lumapit sa akin.
He spread his arm side by side and ready to hug me when I pointed the gun to his face.
Nag-iimpake na ako ng mga gagamitin ko para bukas. Hindi kami makagawa ngayon ng aming misyon dahil na rin sa imbistasyon ng mga Yuazzer.
Kaya ang gagawin ko na lang ay kunin ang lahat ng mga kailangan. Kapag ipagpapabukas ko pa, mawawalan na ako ng oras. Kailangan ko pang pumunta sa umaga sa ka-meeting ko at saka aalamin ang kalagayan ng kakambal kong si Kreiah.
Ang tagal ko ng hindi nakakausap ang kakambal ko. Maski si Rizhui ay hindi na napapapunta sa bahay. Parang may ginagawa na naman ang g*go.
Kung ano naman 'yon hindi na ako kasali sa problema nila. Hindi naman ako kailangan, saka may sarili rin akong buhay.
"Ang sungit mo talaga. Yayakap lang 'e. Damot!" Nagtatampong saad nitong si Froyd sa akin at muling lumayo sa aking direksyon.
Binaba ko na rin ang aking baril nang makita si Froyd na wala ng balak pa. Kung meron man, wasak na talaga ang mukha niya sa akin.
"Ano bang nangyayari sa iyo? Para kang tanga na sisimangot sabay mapapangiwi. Sabihin mo nga nakadroga ka na ba? Hindi ko na dapat tanungin pa, halata naman na." Straight forward kong tanong sa kaharap ko sabay bawi na rin. Wala namang ibang dahilan pa kundi ang nakadroga siya.
Napaismid naman siya sa sinabi ko at may kinuha sa kaniyang bulsa sa kaliwa. Ang cellphone lang pala niya.
Ano namang konektado ng telepono sa problema niya ngayon? Hindi talaga magiging tahimik ang buhay ko kapag kasama ang isang 'to. Nakakahilo!
May kinalikot siya ro'n at pagkatapos ay marahas na pinakita sa akin ang message na ikinaduwal ko naman nang biglaan. Walang preno at walang signal na magagawa ko 'yon.
Literally na napaduwal talaga ako sa mismong direksyon niya.
Napalayo pa ang cellphone ni Froyd sa akin at maski siya ay napaatras sa ginawa ko. Pero abot pa rin ng s*ka ko ang cellphone niya at maski ang kamay niya.
Napahawak ako sa aking dibdib at pinipigilan na naman ang mapas*ka. Namimilipit ito sa sakit. Hindi kinaya ang nakita ko sa cellphone niya.
Sana hindi ko na lang tiningnan para hindi ako maghirap nang ganito.
I'm not against with LGBT+ but... I'm still not ready to see something dark.
Susuportahan ko sila at itataas ko ang bandila nila basta walang magpapaalala o magpapaalam sa akin ng mga nakatagong pangyayari—na ang tanging may alam lang dapat ay ang magkarelasyon.
Ako 'yung lalaki na masasabing mahalaga ang pribasiya.
"Heto tuwalya!" Nilahad niya sa akin ang tuwalya na nasa kama ko.
Agaran namang gumalaw ang aking kanang kamay. Hindi ako lumingon sa direksyon ni Froyd, ginamit ko lang ang instinct ko kung nasa'n ito saka hinila sa kamay niya.
Narinig ko pa ang pag-aray nitong si Froyd pero hindi ko 'yon pinansin.
Pinunasan ko ang aking bibig mula ilong hanggang sa ilalim ng aking leeg. Bago ilagay sa sahig na nagsambot.
Pagkatapos kong linisin ang bastos kong ginawa, ay napalingon ako nang matalim sa likuran ko.
Tumayo na ako sa aking pagkakaupo. Dahan-dahan na tumapak sa sahig habang nakayukom ang dalawa kong kamao.
Namumutla naman itong lalaki sa nakita at hinarang ang dalawang palad na nakabuka sa aking harapan.
Pero tinabig ko 'yun kaya napaatras din siya at napatama sa pader. Wala na siyang maatrasan pa dahil mali ang napuntahan niya imbis na pinto.
Itinaas ko ang kanang braso ko. Naka-ready na rin ang aking kamao na patamaan ang mukha niya pero naiinis akong inalis 'yon sa harapan niya at ibinaba na lang.
"Give me a hint kung ano ang ipapakita mo. Alam mong hindi ako sanay makakita ng s*x with the same gender. Matanda ka na, pagsabihan mo si Aze na huwag mag-se-send ng mga ganiyan sa iyo. Tsk!" Pagpapaalala ko na lang dito at naisipan na bumalik muli sa aking ginagawa.
Mamayang alas sais ng hapon ay pupuntahan ko na ang bahay na kinaroroonan pansamantala ni Link. Mabuti naalala ko ang gagamitin niyang dress bukas.
Hindi naman sa akin magagalit ang kapatid ko kapag kinuha ko ang isa sa dress niya. Hindi pa naman niya nagagamit, minsan din umalis ang babaitang 'yon. Mas inaasikaso pa niya ang walang kwentang si Rizhui kaysa sa sarili niya.
Tsk! What a love? So sick like hell.
Kapag naalala ko ang mga pangyayari sa aking nakaraan at sa aking kakambal. Binabalot na naman ang aking puso ng galit at pagkamuhi sa pag-ibig o pagmamahal na sagrado raw at napakahalaga.
Ano namang mahalaga ro'n? Sasaktan saka iiwan? Tang*nang pagmamahal 'yan!
"Pupunta ka rin ba sa A. J. Y Academy?" Mabilis ang paglingon ko sa direksyon nitong si Froyd.
" What do you mean? Ikaw ang partner ni Aze? Hindi na ako magugulat pa. Kinuha mo?"
Marahan naman ang kaniyang pagtango. Napangiwi na lang ako sa nakikita at muling inayos ang aking gamit na nilagay ko na sa back pack na kulay itim.
"Wala akong magagawa. Ang kulit kasi, hindi ako tinatantanan sa bar magmula pa kahapon o noong isang—nakaraan nakaraang araw pa."
" Ang sabihin mo unti-unting napapalapit sa iyo ang bata."
" Hindi naman na siya bata." Pagtatanggol naman niya na ikinailing ko na lang.
Bahala silang dalawa. Magtaguan sila nang magtaguan. I mean si Froyd lang pala.
"I don't care. Ang ipapaalala ko lang sa iyo na ingatan mo ang sarili mo. Hindi ordinaryong relasyon lang ang papasukin mo,"
" I said I'm not inlove with him. I'm a guy."
"Hindi ko pa sinasabi na inlove ka tanga! Pinapaalalahan lang kita. Ogag!"
" Mas ogag ka! Nakakadiri ka rin! Grrr!" Napagirahaw pa ang kaniyang katawan habang nakatingin sa tuwalya na pinampunas at pinangtaklob ko muna sa dumi ko.
Napaismid na lang ako at saka tumayo sa aking pagkakaupo. Dahan-dahan ko ring itinaas ang bag ko at dinala sa direksyon ng aking kama.
Nilagay ko ito sa may unan ko at muling tiningnan si Froyd na naka-cross arm na.
"Nasa'n si Makot at mukhang hindi mo na nakakasama? Break na agad kayo? Si Aze na ang pumalit?"
" Punyeta ka talaga! Sabing hindi nga ako bakla 'e! Ahh! Ayoko na talaga sa iyo!" Nagdadabog pa ang kaniyang kanang paa sa may sahig.
Nagkaroon ng mahinang tunog na nakakarindi sa pandinig kaya napangiwi ako.
Pagkatapos niyang magdabog sa aking harapan ay malakas ang bawat pagbagsak ng sapatos niya sa sahig at lumabas na nang tuluyan sa aking kwarto.
"AHHH! WALA KA TALAGANG PUSO JACK!" Dinig ko pang pag-aangil niya sa labas.
Galit na galit talaga sa lumabas na kataga sa aking bunganga. Napakibit-balikat na lang ako sa mga naririnig ko at naisipan na lang na mag-asikaso ng sarili.
Pupunta muna ako sa bookstore para malaman kung ano na bang nangyayari sa loob.