Kabanata 74
Kulay asul na dagat, bituing kumikislap, at mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mga tanawin na hindi
ko pagsasawaan. Ang gaan lang sa pakiramdam, matapos ang mapait na dinanas ko sa buhay. Dinanas
namin sa buhay ng asawa ko. Heto... kahit paano nakakangiti na ako. Kahit paano panatag na ang loob
ko. Higit sa lahat ramdam ko na ang saya. Ang tunay na saya, sapagkat kasama ko na ang mga mahal ko
sa buhay.
Dalawang buwan na ang lumipas mula noong dumaan ang bangungot sa aming buhay. Hindi pa ganoon
ka tagal. Sapat lamang na maghilum ang mga sugat at pasa sa aming mga katawan. Pero 'yong sugat na
gawa ng bangungot na 'yon sa aming mga puso. Nandito pa rin, hindi pa tuluyang naghilum.
Pero kahit na nandito pa rin ang sugat. Hindi naman ito hadlang na maging masaya ako ng tuluyan.
Paunti-unting usad lang. Hanggang sa tuluyan naming malimot ang bangungot na iyon.
Sa dumaan na dalawang buwan. Ang daming nagbago. Ang daming nangyari. Gaya na lamang ang kasal
namin sa simbahan ng asawa ko.
Ilang araw kasi paglabas namin ng ospital, kaagad ginanap ang aming kasal. Ayaw kasi pumayag ng mga
magulang namin na hindi kami makasal sa simbahan. Kaya ayon, wala kaming magawa, kun'di ang
pumayag.
Masasabi kong iyon na pinakamasayang araw na nangyari sa aming buhay. Sapagkat, muli kong
nakasama si Mama, ang mga kaibigan ko, at bukod do'n, buong puso akong tinanggap ng pamilya ng
asawa ko.
May kunting lungkot man dahil wala si Dorry... Ang babaeng reyna ng lihim. Hindi man lang tumawag.
Walang paramdam. Hindi na rin siya namin ma contact. May pa sabi-sabi pa na pwede namin siya
puntahan sa Canada. Sino ang pupuntahan namin do'n. Umalis na siya.
Balita sa amin ni Danica, nagpaalam daw sa mga magulang na lalayo raw muna siya. Ang problema, ayaw
din sabihin ng mga magulang nito kung nasaan siya. Hayaan na lang daw muna ang anak nila sa desisyon
niya at 'yon ang makabubuti sa kan'ya.
Nakakainis talaga ang babaeng 'yon. Ang labo niya. Sa tuwing aalis, lagi na lamang nag-iiwan ng
katanungan sa aming isipan.
Higit sa lahat, laging nag-iiwan ng sakit sa puso ni Nelson, na mas naging bitter pa ngayon. Masayahin pa
rin na naman siya, makulit at loko-loko pa rin. Pero lokohin niya ang sarili niya. Kami hindi niya maloloko.
Alam naming nasasaktan siya. Alam namin na malungkot siya. Kahit hindi niya pa sabihin.
Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa dalawa no'ng araw na umalis si Dorry. Ayaw magkwento ni
Nelson. Sa tuwing magtatanong kami ay umiiwas siya. Nililihis ang usapan. Hindi na lang namin siya
kinulit. Baka kasi lalo pang maging bitter.
May mga pagkakataon talaga sa buhay na 'yong inaasahan mo ay hindi mangyayari. Hindi magkakatotoo
at hindi matutupad. May mga bagay na kahit gusto mo ay hindi magiging sa'yo, kahit anong pilit mo.
Higit sa lahat may mga taong kahit sobra mong mahal pero kailangan mo e-let go, dahil wala namang
kayo.
"Asawa ko, Vi..." malambing na tinig at yakap mula sa likod ang nagpabalik ng diwa ko.
"Asawa ko..." tugon ko, at sumandal sa dibdib niya habang yakap na ang mga brasong mahigpit na
nakayakap sa akin.
"Pasok na tayo, malamig na..." Halik sa batok ang kasabay ng mga salitang 'yon. Panay lambing kasi
nitong asawa ko. Nasa honeymoon stage kaya ulit kami.
"Sa tingin mo, sa ginawa mo ngayon manlalamig pa ako?" tanong ko. "Yakap mo pa lang, nag-iinit na
ako," may himig lambing sa boses ko. May kasamang landi na rin.
Sabi nga niya 'di naman masama lumandi, basta sa kan'ya lang. Nakakahawa kalandian nitong asawa ko.
Bungisngis ang tugon niya. Kasabay no'n ang pinong halik sa leeg, pababa sa balikat ko.
"Hindi ka ba nagsasawa, kakatingin sa mga alon na 'yan?" Lumingon ako para makita ang mukha nito na
parang pinagseselosan pa ang mga alon. Pero halik sa labi ang salubong nito sa akin at matamis na ngiti.
Huminga na lamang ako ng malalim at ngumiti rin kalaunan.
"Hindi... hindi ako magsasawang tingnan ang mga alon na 'yan, kasi naging saksi ang mga 'yan sa mga
napagdaanan ko. Ang dagat, at buong isla na ito naging saksi kung paano ako bumangon mula sa
pagkalugmok."
Kahit may bakas ng bangungot ang islang ito. Daig naman 'yon sa masasayang alaala na nabuo namin
dito ng asawa ko. Dito kami muling nagtagpo at dito naging isa.
"Asawa ko... tulog ka na yata," puna ko nang hindi siya nagsasalita. Nakalapat lamang ang labi sa leeg ko
at panay ang paghinga ng malalim.
"Hmmm..." tugon niya.
"May gusto ka ba'ng sabihin? May gustong itanong?"
Simula nang dumating kami rito sa isla, ramdam ko na may bumabagabag sa kan'ya. Oo masaya kami
lagi. Panay lambingan.
Pero may pagkakataon na nahuhuli ko siyang tulala. Malalim ang iniisip, at katulad ng ginawa niya
kanina, panay ang buntong-hininga.
Ayaw niya magsalita, ayaw magtanong. Pero ramdam ko kasi, na ang tungkol pa rin sa pagdukot ni
Romeo sa akin ang nasa isip niya.
Alam kong marami siyang gustong itanong, maraming gustong alamin. Pero hindi niya magawang
magsalita. Siguro inaalala niya lang ang mararamdaman ko. Ni minsan kasi, hindi namin na pag-uusapan
ang nangyari sa akin sa resort habang bihag ako ni Romeo.
Akala ko hindi magiging problema, kahit hindi namin pag-usapan 'yon. Pero sa ngayon, kailangan na yata
naming pag-usapan ang nangyari.
"Alam mo asawa ko... ramdam ko naman na iniisip mo pa rin ang tungkol sa nangyari sa akin sa resort."
Ramdam ko ang pagluwag ng yakap niya. Hanggang tuluyan niya na akong binitiwan.
"Tama ako hindi ba?" tanong ko, kasabay ang pagharap sa kan'ya.
Yuko lamang ang ulo niya at hindi na umimik.
"Walang ibang nangyari sa resort, maliban sa sinaktan niya ako. Oo, ilang beses niya na sinubukan na... "
Hindi ko magawang bigkasin ang tangkang pang-aabuso na naman ni Romeo sa katawan ko.
Pinangungunahan na naman ako ng galit. Bumalik na naman ang sakit. Bumalik na naman lahat ng
ginawa niya.
Pumikit ako, kasabay na ang pagpatak ng mga luha.
"Asawa ko... sorry... 'wag ka nang umiyak. 'Wag mo na isipin 'yon!" Pag-alo niya sa akin. Kinulong niya
ang pisngi ko sa mga palad niya kasabay no'n ang pagpahid ng mga luha.
Pag-iling lamang ang tugon ko. Oo, masakit nga balikan ang mga nangyari. Pero alam ko na kailangan
naming pag-usapan 'yon. Kailangan maging malinaw ang lahat.
Hindi rin kasi maganda kung may kinikimkim o pagdududa sa loob at hintayin na lamang kung kailan
sumabog.
Ayokong pagmulan pa iyon ng away. Ayokong dumating ang panahon na maging rason sa aming pagaaway ang mga isipin at bagay-bagay na hindi nabigyan ng linaw.
"Tahan na asawa ko... sorry, hindi sana ako umakto ng ganito."
"Naintindihan ko naman ang nararamdaman mo. Alam kong darating din ang panahong 'to. Babalikan ko
ang nangyari para maging malinaw lahat."
Hindi na siya nagsalita o nagtanong pa. Niyakap na lamang niya ako.
"Asawa ko... naniniwala ka ba na walang nangyari sa amin?" humikbi kong tanong.
Sandali siyang hindi umimik. Mas humigpit pa ang yakap niya.
Matiim kong naipikit ang mga mata. Mahirap nga namang paniwalaan na walang nangyari. Lalo't alam
niya kung gaano ka baliw si Romeo. Lahat nga ginawa na niya, makita at mabawi lang ako. Ang maangkin
pa kaya ang katawan ko.
"Aminin ko, ang hirap paniwalaan dahil alam ko kung gaano ka hayop si Romeo. Pero ikaw na ang
nagsabi na wala ngang nangyari. Kaya salita mo ang panghahawakan ko. Naniniwala ako na walang
nangyari sa inyo. 'Tsaka wala ka naman dahilan para magsinungaling, hindi ba?!"
Tumango lamang ako. Talagang walang rason para magsinungaling ako. "Pero 'yong pagdududa niya,
ramdam ko pa rin.
"Pasok na tayo," matamlay kong aya. Yuko ang ulo na naglakad palayo sa kan'ya. Sumama kasi talaga
ang loob ko. Nando'n pa rin ang pagdududa niya.
Sana pala pinili ko na lamang ang tumahimik. Wala pa rin naman palang silbi ang mga sinabi ko. Mas
sinaktan ko lamang ang sarili ko.
Sabi ko pa na ayokong pagmulan ng away ang pagdududa. Mukhang do'n na ang punta namin.
Hindi man lang kasi niya ako hinabol. Hindi man lang ako sinuyo. Tahimik lamang siyang nakasunod sa
akin. Kahit hindi ako lumingon alam ko dahil kita ko ang malaki niyang anino na humarang sa daanan ko.
Agad kong tinungo ang closet pagpasok sa kwarto. Nilagay sa bag ang mga damit namin. Habang pigil
ang pag-iyak.
"Vi... " Kinuha niya ang bag at binalik sa loob ang mga damit.
"Uwi na tayo bukas," sabi ko habang pigil ang pag-iyak. Nasa harap pa rin ako ng mga damit.
" 'Yon ba talaga ang gusto mo?" tanong niya.
Pagtango lamang ang naging tugon ko. Kasabay no'n ang pagkuha sa bag na hawak niya at nilagay ulit sa
loob ang mga damit na binalik niya sa closet.
Pero pinigil niya ang ginagawa ko. Niyakap pati ang mga kamay ko. "Vi... 'wag ka nang magtampo... hindi
mo naman maalis sa akin na mag-isip ng iba. Alam ko ang ugali ni Romeo."
"Tumahimik ka na lang, Diego, please!" walang ligoy kong sabi. Na nagpahinto sa pagsasalita niya.
"Diego?!" ulit niya. "Tinawag mo ng buo ang pangalan ko?"
"Diego naman talaga ang pangalan mo, hindi ba?" sagot ko at tinuloy na ang ginagawa. Mga damit ko
lang ang nilagay ko sa bag.
"Ikaw na ang bahala sa mga damit mo," sabi ko pa, bago siya iniwan at agad na humiga.
Nanatili lamang siyang nakatayo sa harap ng closet.
Tumalikod ako at pinikit ang mga mata para hindi siya makita. Hindi ko akalain na magawa niyang akong
pagdudahan at hindi paniwalaan ng mga salita ko.
Kung nasasaktan siya dahil sa naiisip niya. Lalo na ako. Ako na alam ang totoo. Ginawa ko ang lahat hindi
lamang ako makuha ni Romeo. Pinili ko ang masaktan.
Masakit na ang akala kong tao, na siyang maniniwala sa sasabihin ko ay nagawang pagduhan ang mga
sinabi ko. Tahimik na pumapatak ang mga luha ko habang yakap ang unan na katabi ko.
Maya maya ramdam ko na ang paghiga niya sa tabi ko. Pero walang nang galaw kasunod no'n. Lalo tuloy
akong naiyak. Wala na yata siyang plano na suyuin ako. Bahala nga siya. Marahas kong pinahid ang mga
luha ko.
"Ayaw mo na ba talaga akong pansinin?" tanong niya, matapos ang mahabang katahimikan. Pero wala
pa rin akong napansin na paggalaw.
Hindi ako umimik. Nagkunwari akong tulog. Bahala nga siya.
"Sorry..." halos pabulong niyang sabi. Hindi pa rin ako umimik. 'Tsaka, wala ngang tulog na magawa pang
sumagot.
"Vi..." Kasunod ng pagtawag niya sa pangalan ko ang pagyakap sa akin. Hindi ako gumalaw, hindi rin
nagreklamo. Tulog nga kasi ako.
"Hoy... tulog ka na ba talaga?! Vi," may lambing na sa boses niya. Pero hindi ako kinilig, tulog ako
Tulog!
"Vi..." Magawa ko pa ba kayang magtulog-tulogan? Kagat na niya ang tainga ko. Damn! Nakikiliti ako!
Pero bahala paninindigan ko pa rin ang pagiging tulog.
"Ano ba!" Sht... nagising daw ako at nawaksi siya nang hindi ko sadya.
"Vi... alam ko, gising ka. 'Wag ka na magalit, please... sorry na kung sumama man ang loob mo. Sorry,
dahil 'yong nararamdaman ko lang ang iniisip ko. Selos kasi ako... nawala sa isip ko na hindi mo na pala
mahal ang lalaking 'yon!"
"E... gago ka pala! Selos lang pala dahilan mo!" ayon, tuluyan nang nagising ang gising.
"Kung ano-ano pa ang pamasok sa isip ko. Bumalik ang galit, bumalik ang sakit sa puso ko, dahil diyan sa
letseng selos mmmm."
Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla nitong sinakop ang mga labi ko.
"Mahal kita..." bigkas niya habang sakop pa rin ang labi ko at sarap na sarap pa rin kahit hindi ko tinugon
ang mga halik niya.
"Gusto mo ba talagang umuwi na bukas?" tanong niya.
"Oommmm..." Sasagot lang naman sana ako.. Pero nauwi sa ungol nang pumasok ang dila niya bibig ko.
"I love you, Vi..." Sandali niya akong tinitigan, bago ulit hinagkan at kumubabaw sa akin.
Hindi na ako nagreklamo at sa pagkakataong 'to, tinugon ko na ng buong puso ang mga halik niya,
kasabay ang pagkapit sa batok niya.