Kabanata 73

Makapigil hininga ang muling pagkikita ng dalawa. Literal na pigil-hininga ang ginawa ko.

Ewan ko ba, bakit ako ang kinakabahan sa muling pagkikita nila. Malalaki na naman sila at nasa tamang

mga edad na. Alam na nila kung paano i-handle ang problema nila.

"Panaginip..." saad ni Nelson at muling pumikit.

Umawang ang bibig ko. Dahan-dahan akong lumingon kay Dorry, na sa tingin ko parang sasabog sa pula

ng mukha. Pero ngumisi kalaunan.

"Anong sabi mo, Nelson?!" iritang tanong nito.

Dobleng lingon ang ginawa ni Nelson nang marining ang boses ni Dorry. Muli pa nitong kinusot ang mga

mata. Nagmukha tuloy siyang tanga.

"Bakit Nelson, lagi ba akong laman ng panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Dorry.

Kumunot ang noo ni Nelson. Bumakas ang pigil na inis sa babaeng nagwasak ng puso niya noon. Hindi

man lang alam nitong mald¡tang si Dorry ang dulot ng ginawa niya.

"Asa ka!" sagot nito kalaunan.

Ay... mukhang bitter na rin itong friend naming nawasak ang puso noon, dahil din dito rin sa friend

naming bitter din noon. Pero sa nakikita ko, lalo lamang akong nadismaya. Mukhang malabo nga na

maging sila.

Ngumisi si Dorry sa tugon nito at tuluyan ng lumapit sa higaan ni Nelson.

"Asa?! Nakakain ba 'yon? Anong lasa? Matamis o mapait?" May pinupunto na sabi ni Dorry.

Umupo pa ito sa upuang katabi ng higaan ni Nelson, na parang wala lang. Sumulyap siya sandali kay

Nelson, ngumiti at umiling.

Kung kanina ay kita at ramdam ko ang pagka-tense niya. Ngayon, nawala na 'yon lahat. Nagawa nitong

takpan ang emosyong siya lang ang nakakaalam.

Pero si Nelson... bakas sa mukha ang inis. Ang bitterness sa muling pagkikita nila. Ni hindi na ito

tumugon sa huling sinabi ni Dorry.

Nakakagulat para sa isang taong makulit at hindi nauubusan ng sasabihin ay walang maibato na pang￾aasar dito kay Dorry.

Makahulugan ang tingin na pinukol ng mag-asawang Danica at Anthony sa amin ng asawa ko. Ramdam

din siguro nila ang tension na namagitan sa dalawa.

Pag-iling at kibit-balikat ang naging tugon ng asawa ko sa makahulugang tingin ng dalawa.

"Ano ba ang nangyari at pati ang isang 'to nandito rin sa ospital?!" turo niya si Nelson, habang nasa amin

ang mga mata.

"Hindi... sinabi sa'yo ni Danica?" tanong ko, kasabay no'n ang pag-iling ni Danica.

"Nawala sa isip ko, na kaibigan niya rin pala itong si Nelson. Kanina ko lamang naalala," paliwanag ni

Danica kasabay ang paghakbang palapit sa sofa. Naka-sunod naman sa kan'ya ang asawa.

Nilingon pa nito si Nelson na nakapikit na naman at nakapatong ang braso sa noo.

"Bakit, siya ba ang sumalo sa balang para sana sa inyo?" walang paki' na bigkas ni Dorry.

Tumawa pa ito matapos sabihin 'yon.

Hindi ko napigil ang sumimangot. Sa turan ni Dorry ngayon, bigla akong nakaramdam ng inis. Kung

ginagawa niya ang lahat ng ito para pagtakpan ang nararamdaman niya. Hindi na tama. Hindi lang si

Nelson ang natamaan niya. Pati ako. Ako na siyang dahilan kung bakit na pahamak si Nelson. At hindi

iyon biro. Hindi maaari na gawing biro.

'Tsaka anong karapatan niya na umakto ng ganito?! Siya na nga ang nang-iwan at nagsabi na kalimutan

ang nangyari sa kanila. Siya pa ang may ganang mang-asar. Mang-inis.

"Tama ka Dorry, siya nga ang sumalo sa bala na dapat para sa akin, kung hindi dahil sa kan'ya wala na

ako rito ngayon!" walang ligoy kong sabi na nagpahinto sa tawa nito.

"Vi..." Haplos ng asawa ko, ang likod ko. Hindi ko na kasi mapigil ang sarili. Ang inis ko! 'Yong ginawa

niyang pang-iinis kay Nelson, sa akin tumama. Ang sakit!

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ng asawa ko. Naghihintay ng kompermasyon kung totoo ba ang

sinabi ko. Pero hindi ko na magawang magsalita. K'unti na lang kasi papatak na ang mga luha ko. Ni ang

pagtango man lang, hindi ko rin magawa. Binalot na ako ng inis.

"Totoo..." sagot ng asawa ko. "Siya ang sumalo ng bala na dapat ay ako!" may bakas din ng inis ang

boses nito.

Tumiin ang bibig ni Dorry. Bumakas ang hiya o kung ano ang nararamdam niya. Magaling nga siya

magtago ng emosyon.

"Sorry..." yuko-ulong paghingi nito ng tawad.

"Nagbibiro lang naman ako, hindi ko naman akalain na iyon nga ang ginawa niya." Buntong-hinga ang

tumapos sa mga sinabi niya.

"Mia, hayaan mo na dati pa naman iyang gan'yan! Bitter na nga, lakas pa mang-asar! 'Tsaka, natural lang

sa tao na agad magbitaw ng salita, hindi pa man alam ang totoo."

Ayon may naibato rin itong si Nelson. Pero hindi pa rin magawang dumilat. Para namang natauhan itong

si Dorry sa mga pinagsasabi niya.

Ang kaninang mapang-asar na tingin, tuluyan nang naglaho. Ang tension napalitan ng katahimikan.

Mahinang katok ang bumasag sa katahimikang bumalot sa loob ng silid. Sila Doktora Jessa ang pumasok.

Syempre kasama sina Jane at Gema.

"Magandang umaga," masayang bati ni Doktora. Ngiti naman ang ginawad sa amin ng mga nurse.

Lumipat kami ng asawa ko sa kabilang side ng higaan ni Nelson at umupo sa gilid noon.

Ngayon wala na akong paki' kung malaman man nitong si Dorry na may Jane na itong si Nelson. Total

wala naman siyang ginawa kun'di ang mang-asar.

Ilang katanungan ang ginawa ni Doktora. Ilang mga bilin at sandaling tiningnan ang sugat ni Nelson.

Walang kurap naman si Dorry habang nagsasagawa ng checkup ang Doktora. Ewan ko lang kung

napansin niya ba ang tinginan nila Jane at Nelson.

"Dok... pwede na bang matanggal ito?" tanong ni Nelson habang turo ang catheter niya.

"You need to wait, mga three to five days pa Nelson. Para sure na hindi na bubuka ang sugat mo. 'Tsaka,

kahit naman matanggal na iyan, bawal pa rin ang physical contact!" sabi ni Dok. na nagpalipat-lipat ang

tingin sa kanila ni Jane.

"At kayong dalawa, bumalik na kayo sa silid ninyo," baling nito sa amin. "Alalahanin ninyo na hindi pa

kayo magaling. Baka mabinat pa kayo at maudlot ang loving-loving!" saad ni Dok na nagpatawa sa aming

lahat. Maliban kay Dorry.

"Tara na, girls..." agad namang sumunod si Gema. Pero si Jane, sumaglit pa ng kapa sa hita ni Nelson.

"Jane, balikan mo na lang si Nelson, kapag off mo na."

"Opo," nahihiyang tugon nito at yuko-ulo na sumunod kay Doktora.

"Diego, mauna na kayo ni Vianna May, kailangan n'yo na rin magpahinga. Kami na muna ang bahala kay

Nelson habang wala pa si Jane," sabi ni Danica.

Paminsan-minsan pa itong sumusulyap kay Dorry habang nagsasalita.

"Sama ka na rin sa kanila Dorry o baka gusto mo rin maiwan dito?"

"Sama na lang ako kanila," tugon nito kasabay ang pagtayo. "Pagaling ka, Nelson," bilin niya pa, saka

nauna ng lumabas.

"Pagaling ka, P're!" ulit nitong asawa ko sa sinabi ni Dorry.

Tumango na lamang si Nelson. Bakas pa rin ang inis, ngunit may halong lungkot ang mga mata.

Tahimik lamang namin na sinundan ang mabagal na paghakbang ni Dorry. Yuko pa rin ang ulo nito.

Panay taas-baba ang balikat.

Ngayon hindi ko na sigurado kung ano nga ba ang nararamdaman niya. Dahil ba nangyari sa kanila ni

Nelson, sa guilt dahil sa ginawang biro kanina o sa nalamang may Jane na si Nelson.

Ilang sandali na kaming nakahiga. Ang asawa ko sa higaan niya at ako sa higaan ko. Pero ang mga mata

namin walang kurap na nakatitig sa isa't-isa.

Syempre alam ko na ang nasa utak ng asawa ko. 'Yon ang tumabi sa akin.

Sandali itong nag-angat ng ulo para silipin si Dorry na tahamik at nag-iisang nakaupo sa sofa.

Umalis na kasi ang mga magulang namin, matapos kaming kumain kanina. Si Mama naman ayaw pa

sanang umuwi at gustong bantayan kami. Pero hindi ako pumayag. Ayokong mapuyat siya o ma-stress.

Lalo't kagagaling niya lang din sa sakit.

Maya maya ako naman ang nag-angat ng ulo para silipin si Dorry na hanggang ngayon tahimik pa rin.

Ngumuso ako sa asawa ko, senyas para kausapin niya si Dorry. Pero ang hina ng pick-up niya. Gumanti

rin nguso sa akin. Akala niya gusto ko ng halik.

Umiling ako kasabay ang pag-irap. Tinuro ko si Dorry.

"Kausapin mo," halos walang lumabas sa boses ko ng sabihin 'yon. Ayoko kasi na marinig ni Dorry.

Nakaramdam na rin kasi ako ng awa. Medyo nawala na rin 'yong inis ko. Nagpresenta pa siya na maiwan

dito para bantayan kami. Tapos hindi namin kakausapin. Baka maya maya mag-walk out na siya.

"Dorry..." may lambing sa boses ng asawa ko. Agad itong tumayo. Lumapit sa kinaroroonan namin.

"May kailangan ka?" tanong niya sa kaibigan.

"Pabalat ng mansanas, please..." may himig-lambing na tugon ng asawa ko sa kaibigan.

Tumango lamang si Dorry at tahimik na nagbalat ng mansanas. Nakamasid lamang kami sa kan'ya. Gusto

ko na siya ang unang magbukas ng usapan, ngunit parang wala talaga siyang balak na kausapin kami.

Bumuntong-hininga ako. Kumuha ng lakas ng loob para magbukas ng usapan.

"Dorry... sorry kanina ha..." Hindi ko alam kung bakit ako humingi ng sorry. Para saan ang sorry?! Dahil

ba sa nainis ako kanina. Ay, ewan! Basta lang may mapag-usapan kami.

Mapait itong ngumiti. Kasabay no'n ang pag-abot ng mansanas sa asawa ko.

"Sorry?" mapakla siyang ngumiti. "Ako nga ang dapat humingi ng sorry. Alam ko naman na naiinis kayo

kanina," tugon niya, kasabay ang pag-upo sa upuan na nasa pagitan namin ng asawa ko.

"Sorry kanina sa pagmamaldita ko... pero hindi ko naman intensyon na umakto ng gano'n. 'Tsaka hindi

ko talaga akalain na magagawa ni Nelson ang sumalo ng bala para sa kaibigan."

"Hay.. nako Dorry... ang dami pa nating hindi alam tungkol sa buhay ni Nelson. Kaya sana, kung may inis

ka man sa kan'ya. Pag-usapan ninyong mabuti. 'Wag ninyong idaan sa asaran. Para hindi kayo

magkasakitan."

Buntong-hininga lamang ang naging tugon ni Dorry. 'Yon nga siya. Hala, tago ng nararamdaman. Kahit

ang bigat na, sige pa rin sa pagpasan.

"Dorry... kailan pala ang balik mo sa Canada?" tanong ng asawa kong panay nguya sa mansanas at hindi

man lang ako binigyan.

"Bukas na..." tipid at malungkot na tugon ni Dorry.

"Bakit ang bilis?! Hindi ba pwede na kahit isang linggo man lang dumito ka muna?!" reklamo ng asawa

ko.

Umupo pa talaga ito at sumandal sa headboard. Bakas ang dismaya sa agarang pagbalik ni Dorry sa

Cadana.

"Gusto ko man sana na magtagal pa rito at makasama kayo. Pero hindi talaga pwede."

Kung kanina inis ako kay Dorry, ngayon hindi na. Gusto ko na siyang yakapin. Ramdam ko na naman kasi

ang bigat sa loob niya. Ramdam ko ang pait at sakit.

Sa dami ba naman ng napagdaanan ko! Pait, sakit at kung anu-ano pa. Hindi na banyaga sa pakiramdam

ko ang pinapakita niyang emosyon ngayon. Emosyon na ibang-iba sa pinakita niya kanina no'ng nasa silid

kami ni Nelson.

"Diego... halos mag-iisang taon na ang lumipas. Marami nang nabago sa buhay ko simula nang bumalik

ako sa Canada. Maraming tungkulin na dapat kong gampanan. Mga tungkulin na iniwan ko noon dahil sa

kahibangan ko."

"Dorry... may problema ba sa negosyo n'yo?" tanong ng asawa ko, na nahinto na sa pagnguya.

Umiling siya at ngumiti ng mapait. "Wala... malungkot lang talaga ako, dahil iiwan ko na naman kayo.

Hindi ko na naman kayo makakasama at mami-miss ko na naman kayo," pilit na tawa ang ginawa niya

kasabay ang pagpahid ng mga luha.

"Dorry... sabihin mo na, ano man iyang bigat na dinadala mo. Hindi sa lahat ng panahon kaya mong

pasanin lahat. Kaya mong itago at kimkimin. Handa kaming makinig. Alam mo naman 'yon, hindi ba?"

sabi ko, baka sakaling e-share niya ang pinapasahan sa balikat niya.

Pero pagak na tawa na naman ang ginawa niya.

"Ano ka ba, Mia... Ayos nga lang ako. Wala kayong dapat ikabahala. Iyong mga sarili ninyo ang dapat

ninyong inaalala."

Buntong-hininga na lang ang naging tugon ko. Hindi talaga namin siya mapipilit. Sana kung ano man ang

pinapasan at nagpapahirap ng kalooban niya ngayon. Malalagpasan din niya iyon.

"Babalik ka pa ba rito?" tanong ko.

"Hindi ko alam... baka hindi na!" Napabuga ng hangin ang asawa ko.

"Ano ba talaga ang nangyayari, Dorry?! iritang tanong ng asawa ko.

"Paulit-ulit?! Sabi nang wala akong problema. 'Tsaka kung ma-miss n'yo man ako, pwede n'yo naman

akong dalawin doon," sabi nito na may pilit na ngiti na naman.

"Anong oras ang alis mo bukas?!" tampong tanong ng asawa ko.

"Ala-sais ng umaga."

"Paano 'yan, hindi ka namin mahahatid!"

"Ay... naku, Diego! 'Wag kanang mag-alala, ihahatid ako nina Danica at Anthony. Susunduin nila ako rito

mamayang alas-kuatro ng madaling araw. Para may oras pa akong magpaalam sa mga magulang mo."

"Paano 'yong tinarayan ko mo kanina?" tanong ko.

" 'Wag kayong mag-alala, dadaan ako do'n pag-alis ko.