Chapter 34: Maxine Austria is Alive

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

MIGUEL

My physical body had suddenly quiver as I received the bad news. Sinong naglakas ng loob na magbigay ng utos upang i-assassinate ako?

I shouted in a shivery voice. “Melvin! Where's my guards? Stop whoever that shit in attempt of killing me!”

I wandered my sight to the vicinity but Melvin's figure didn't showed up. Where is he?!

Dala ng kaba at pangamba ay nagtago ako sa ilalim ng aking lamesa.

Oh, really, Miguel? Ito na ba ang the best hiding spot na mayroon ka? Mas mukha kang nakikipag-duck, cover, and hold sa posisyon mo.

Damn it! Pati ba naman utak ko kinokontra ako sa ginagawa ko!

Where do I hide? I'm old enough not to jump off from my office's window. I'm currently on the third floor of the building. Of course I can't. Even if I try to do so, there where will I meet my own death.

“Melvin!” I shouted again.

Oh, really again, Miguel? Do you want them to find you? I'm telling you, that's not the best thing you need to do under this situation!

What is happening to me? Kung ano-ano nang naririnig ko sa ulo ko!

I heard some footsteps coming from behind of the door in my office, minutes had passed and it briefly stopped.

Is that Melvin?

I wanted to shout again and confirm if it was really, Melvin, but I refrained myself, I remember what my brain said about this matter, about shouting to ask for help.

Napakainutil ng mga tauhan ko. Why they haven't responded till now? Sayang ang ibinabayad ko sa kanila.

There were noises coming from the behind of the door. Someone's knocking down the door through kicking. And it immediately stopped.

What is happening? Is it Melvin?

And another weird noise — someone had shot the knob by a gun. And I heard the creaking noise sound of the door gradually opened.

Bahagya kong inangat ang ulo ko to check who opened the door.

It's not Melvin! It was someone who wear a sexy, fitted, colored with a black and red suit. She wear a mask that only covers her upper portion of her face. Her lips is visible. And those lips seemed familiar.

“Miguel William Fernsby. The sole owner of M&A International,” wika nito nang may maririin na pagkakabigkas. “I wonder what M and A stand for? Is it Miguel and Aubrey, your wife? Or Maxine Austria's International?” she said before her lips widened, wearing a grin smile.

Nagtagpo ang mga mata namin. Kanina pa ba siya nakatingin sa may direksiyon ko?

Her voice was also familiar. As if I have already heard it somewhere for sometime.

Tumayo na 'ko't tuluyan nang nagpakita sa kanya.

“And who the hell are you?” I asked. Pirme itong nakatitig sa'kin na tila may baon-baong malalim na pagkagalit. Itinago ko naman ang pagkatakot at nagkunwaring hindi.

Gumuhit ang isang ngisi sa kaniyang mukha nang makita ako. Matapos niyon ay tinanggal nito ang suot na maskara.

This isn't real! “Maxine?!” I said after seeing her face again. How can this happen?

“Why?” aniya at humakbang nang isang beses. “Para kang nakakita ng multo,” nakangisi nitong sabi. She continued to make a couple of steps palapit sa akin.

Habang palapit ay may hinugot siya sa kanyang likuran. It was a kind of melee na may pa-‘s’ na korte. A kris!

“A-anong kailangan mo sa'kin?” I asked in a rattling manner. This can't be! Hindi ba't dapat ay patay na siya? Hindi nagawa ni Shadow nang maayos ang misyon niya! Naloko na!

“There's something… something you took from me, and you need to pay for it,” saad nito habang sinusuri ang talas ng hawak nitong patalim. Mabagal ang mga paghakbang nito habang nagsasalita na tila sinasadya niya akong takutin.

If I attempt to move and flee, paniguradong katapusan ko na. I know Maxine. She's one of the best hunter that Heiwa had, and had only left the group for being a hunter when she married Lincoln. It has been eighteen years nang huli kaming magkita. At panigurado akong tulad pa rin ito ng dati na matinik pagdating sa pagkitil ng buhay.

Anong gagawin ko. Paniguradong narito siya upang maghiganti.

“Are you ready, Supremo?” she said. After that, she gave me a cold and dark gaze. An enraged stare seeking for revenge.

Mabilis kong inilagan nang ibato nito ang hawak na kris. Luckily, I made a move in advance. Or else, it may had already hit me, penetrating my chest as her target.

I pull out the drawer of my table and picked my pistol I hid inside in case of emergency like this. I point my gun on her and started to pull the trigger.

I missed on first and second shot. She immediately run and hide behind the sofa near the wall of my office.

“Melvin! Where are you?!” I shout again expecting a response from Melvin.

“Oh, kung ganun pala, tapat pa rin sa'yo si Melvin? Siya ba? Siya ba ang inutusan mong patayin kami?” Maxine said, she must waiting for perfect moment to start an attack. She might have took her gun already which I had noticed was hanging on her waist a couple of seconds ago.

“Wala akong alam sa sinasabi mo!” sigaw ko. “Hindi ko magagawa 'yon sa inyo ni Ian. Parang anak ko na siya. Kabilang sa pamilyang itinatayo ko.”

“Sinungaling ka! Alam kong gusto mong solohin ang itinayo't pinaunlad ni Ian na kumpanya kaya't ipinapatay mo siya!” sigaw nito. “Sabihihin mo? Sino ang inutusan mo upang patayin kami?! Sino sa Heiwa?!”

Nakarinig ako ng ilang mga pagkaluskos na hindinko matukoy kung saan nanggagaling. “Kami at ang nag-iisa naming anak! Sinira mo ang pamilya ko! Kaya ngayon, magbabayad ka!” wika nito na halos di na maintindihan dahil sa mga hikbi nito't paghagulhol.

Nanatiling nakatutok ang baril ko sa sofa kung saan ito huling nagtago. Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay nanatili ako sa ganoong posisyon. Hindi dapat mawaglit sa aking pansin kung umalis ba 'to sa dating pwesto. Maigi nang nakaabang at maging alerto ano mang oras.

Nang matamaan ng mata'ko ang biglaan nitong pagtayo ay agad kong kinalabit ang gatilyo.

Tinamaan ito sa may balikat ngunit naiputok rin nito ang baril niya't tinamaan din ako sa parehong parte. Pareho kaming bumagsak dahil sa natamong tama ng bala.

Arghh! Pag minamalas ka nga naman! Hindi ko pa nagawang makailag sa pagkakataong yun. Masyado siyang mabilis at alerto, di gaya ko na matanda na't mabagal nang kumilos.

Ilang saglit pa'y nakarinig ako ng mga mabibilis na yabag galing sa labas. Papalapit ang mga yabag na 'yon dito.

Inuluwa ng pinto ang pigura ni Melvin kasama ang ilan ko pang mga tauhan. Mabilis silang nakapasok.

Nakita ako ni Melvin na nakahandusay sa sahig at nahihirapang abutin ang mesa upang tulungang itayo ang aking sarili. Agad itong lumapit sa'kin at inalalayan sa pagtayo.

“Sir Miguel. Anong nangyari?” takha nitong tanong sa'kin. Nagtaka rin ako sa itinanong nito.

Dapat ay narito lamang siya sa building, bakit parang wala siyang kaalam-alam sa nangyayari rito?

Teka! Nasan na si Maxine?

“S-si, Maxine! Hanapin niyo si Maxine!” sigaw ko rito. Mabilis itong tumugon sa sinabi ko nang makaupo na ako.

“Dito lang ho kayo. Magpapadala ako ng medic upang tignan ang kalagayan niyo,” saad nito bago umalis.

Nagtungo ito sa glass wall ng room facing the outside, at napansin kong basag na yun. Tila doon dumaan si Maxine upang makatakas.

Tiyak na di pa yun nakakalayo, may sugat siya. Mahihirapan siyang makalayo rito.

“Cedric! Go and find Maxine. Hindi pa nakakalayo si Maxine! Samahan niyo si Melvin. Kapag nakita niyo siya, patayin niyo agad! Madali!” wika ko.

Nabanggit sa'kin ng isa sa mga tauhan ko na nakatanggap sila ng order na kailangan ko ng back up dahil may nagtatangka sa buhay ko. Pero ang location na binanggit ko raw sa kanila ay sa bahay.

Kung gayon, nagpanggap si Maxine kanina bilang ako at siya ang nagbigay ng utos.

Kaya pala wala si Melvin dito kanina pa!

Paniguradong hinding-hindi titigil si Maxine hangga't 'di niya ako napapatay. Kailangan ko siyang maunahan sa binabalak. Kailangan niyang sumama sa asawa niyang nasa hukay na!

°°°°°°°

CLAIRE

“WHAT?!” singhal ko dahil sa sobrang gulat. Narito ngayon ang mga pulis at isang officer na nagpakilalang si Wilson Evans. Iniimbestigahan nila ang nangyaring pagpatay kina Eloise at Isay. Isa siyang forensic investigator at kailangan raw niya ng kopya ng fingerprints ko. “Teka! Pinagbibintangan niyo ba 'ko?”

“Hindi po kami nambibintang Ms. Dela Paz,” saad nito na nagawa pang mag-ayos ng belt na may mga nakasabit na kung ano-ano. “Maaring nagkataon lang na bago patayin sina Eloise at Isay, ikaw ang itinuturong huling nakaalitan nila. October 29, araw ng lunes, nagkaroon ng sagutan sa pagitan niyo ni Eloise. At tungkol ito sa isang lalaki. Ang masama pa nito'y, nagkabitawan kayo ng pagbabanta ng buhay sa isa't-isa. Sa sumunod na araw naman, ayon sa kaibigan ni Isay, nahuli mo itong nangongodigo ng mga test papers para sa 3rd quarter examination. Dahil dun, nagbanta si Isay na ipakakalat nito ang isang tsismis na gaya ng isyu sa pagitan niyo ni Eloise: ito ay tungkol rin sa isang lalaki. Tama ba?” pagbasa nito sa hawak na maliit na notebook.

Hindi agad ako nakaimik sa sinabi nito. “T-totoo nga ang mga bagay na sinabi mo, pero, the hell, hindi ko magagawang pumatay. Tapos dalawang tao pa! Myghad!” pangongontra ko rito.

“Kung ganun, maari bang makuha ang kopya ng iyong fingerprints upang mapatunayan natin ang sinasabi mo?” wika nito na may pagkindat pa sa'kin. Is he flirting or what? Only my Denver could do that!

Hindi na 'ko nakaangal pa't idiniin na ang mga daliri ko sa isang device na dala-dala ng mga 'to. Matapos no'y nagflash sa mini screen nito ang copy ng mga fingerprint ko.

“So, what will happen next? Pwede ko ba malaman kung saan niyo gagamitin ang fingerprints ko?” tanong ko nang mapagtantong dapat itinanong ko na ito sa kanila nung una pa lang. Nauna kasi ang pagkabigla ko sa pagdating at pagtatanong nila. Nakakainis!

“May unidentified fingerprint na nakita sa parehong crime scene na kinasangkutan ng mga biktima bukod sa fingerprints ng lahat ng occupants, since hindi parin nalalaman hanggang sa ngayon kung sino ang nagmamay-ari ng fingerprint na nakita, ikaw, bilang itinuturing na may relasyon sa mga biktima, ay gagamitin ang fingerprints mo upang i-match sa unidentified fingerprint. Alam mo na siguro ang mangyayari kung sakaling nagmatch iyon, isa pa, there's a considering motive that would lead you to kill Isay and Eloise,” saad nito na muli'y kumindat na naman sa'kin.

Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa ginawa. Iniisip ba niya talagang sa ganda kong 'to, magagawa kong pumatay? Duh! Never!

“Okay, you may leave my room now,” tamad kong turan. Tumayo na 'ko kasabay nila at inihatid sila palabas. “Balitaan niyo na lang ako kung ano nang nangyari. But still, I am confident that I'm not the murderer, 'cause I haven't murdered anyone. Not even one. 100%!” saad ko bago ko isara ang pinto ng unit namin.

Unbelievable! Masyadong mababaw ang sagutan namin ni Eloise. At ang pagbabanta ni Isay, alam kong hindi yun seryoso. Masyadong mabilis lang tumalon sa konklusyon ang mga pulis. Again! It's unbelievable!

<<<~*•*~>>>