Chapter 31: Someone from the Owl Group
TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.
°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
JEWEL
I heard the news from Jack that Zero's sibling was assassinated. Whoever done it, nagpapasalamat ako nang marami sa kanya.
Paniguradong galit na galit ngayon si Zero. Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang kapatid niya, 'di magtatagal ay siya na ang susunod.
“Jewel, wala pa rin po kaming ideya kung sino ang nagpatakas sa bihag. Pero may kuha po ng CCTV camera na tinulungang makatakas ni Zero ang bihag,” saad ni Jack. Siya ang inutusan kong mag-imbestiga kung sino ang traydor sa grupo.
“Zero?!” singhal ko sa narinig. “Sinusubukan talaga 'ko ng Zero na yan. Humanda siya sa'kin!”
Nagtungo ako sa Queen upang ipaalam sa kanya ang pagtatraydor na ginawa ni Zero.
“Do you mean, a traitor? My only Zero is a traitor?” saad nito matapos kong sabihin ang mga nangyari.
“Yes, Mrs. Queen,” sagot ko at bahagyang yumuko upang 'di makita ang mapanloko nitong mga mata. Ayokong mabasa nito ang iniisip ko. Mahirap hulaan kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak sa mga oras na 'to. Pero, sana'y pakinggan niya ang mga sinasabi ko at huwag nitong kampihan si Zero tulad ng palagi niyang ginagawa.
“You can not manage to execute well your plans at ngayon ay si Zero ang sinisisi mo? That's ridiculous, isn't it?” natatawa nitong sabi.
Gaya man ng dati na kinakampihan ng Queen si Zero ay 'di ko pa rin maiwasang magulat.
Bakit?! Bakit siya na lang palagi? Ginawa ko ang lahat upang mapabagsak siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mabitaw-bitawan ng Queen.
Itinago ko sa'king mukha ang pagkabigla at umayos ng tayo sa kanyang harapan. “I'm very sorry Mrs. Queen, hindi na mauulit.”
“You need to understand, Jewel, that if you planned something, it must be done the way how you planned it. You shouldn't blame anyone dahil sa kapalpakan mo. You should never forget kung ano ang nangyari kay Hyena,” seryoso nitong sabi. Walang emosyon ang lulan sa mukha nito subalit ganun na lamang ang takot ko sa tuwing titingin ako rito.
Darating din ang araw ko. Mapapabagsak ko rin si Zero. Pangako 'yan.
°°°°°°°
JAMMY
It's already nine in the evening nang naisipan naming bumalik na sa dorm. It's been a while nang maka-bond ko ulit si Sheila.
“Are you okay now, Sheila?” tanong ko rito and she responded me a nod. Akmang bubuksan na ni Sheila ang pinto nang mapansin ko ang mga blood stains sa ilalim nun.
Nang mabuksan ni Sheila ang pinto, tumambad sa'min ang nagkalat na dugo sa sala. Tila may hinilang duguang katawan patungo sa—
“Sa CR!” sigaw ko nang masundan ko ng tingin ang traces of blood sa sahig.
Madali akong nagtungo roon. Narinig ko ang mga yabag ni Sheila pasunod sa'kin. When I tried to open the door, naka-lock ito kaya't sinubukan pa namin itong gibain.
“Nasan ba sina Denver at Eloise?!” Natataranta't naiiyak na sabi ni Sheila.
I dialed his phone number and called him.
“Denver! Nasan ka ngayon? Bumalik ka na ng unit, it's an emergency!” saad ko sa kabilang linya right after nitong sagutin ang tawag ko.
Nang mabuksan namin ni Sheila ang pinto ng CR, tumambad sa'min ang katawan ni Eloise na naliligo sa sariling dugo.
“Eloise!” sigaw ko't agad na nilapitan si Eloise. Sinusubukan ko itong gisingin ngunit hindi ito nagrerespond sa ginagawa ko.
I checked for her pulse and I felt nothing. Wala na siyang pulso!
She has a deep wound on her head. It seems like it was hit by a hard round-shaped stuff. Napakaraming dugo ang umagos mula sa sugat niya sa ulo.
“Call for an ambulance, please.” saad ko na nagsimula na ring humagulhol sa pag-iyak.
Ilang saglit pa nang makarating si Denver.
“What happened here?!” gulat na tanong ni Denver nang makalapit sa'min.
“Hindi sumasagot sa tawag si Eloise kanina when I tried to call her. Pagdating namin dito ni Jammy, nadatnan na lang namin ang mga dugo na nakakalat sa sahig. At nang gibain namin ang pinto, ito na ang tumambad sa'min,” tugon ni Sheila na gaya ko'y humahagulhol na rin sa pag-iyak.
Agad na isinakay sa ambulansiya ang katawan ni Eloise. Nagsagawa na rin ng inspection sina Inspector. Kami naman ay sinabihang tumuloy muna sa dorm ng aming mga kaibigan dito sa campus dahil irerestrict ang unit namin for investigation.
Si Sheila ay tumuloy kila Hermione. Ako naman ay kila Andy, at si Denver naman ay kila Gabriel.
Hindi ko alam kung bakit mas pinili ni Denver kila Gabriel, samantalang may bakante rin naman kila Alex. Hindi ko rin alam kung kinausap na ba niya si Alex tulad ng request ko sa kanya kapalit ng pagsali ko sa Mystique Club.
“Really?!” gulat na tanong sa'kin ni Andy nang marinig ang kwento ko. May bahid ng takot ang kanyang mukha. “Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sino nang susunod sa'tin? Napanood ko na to sa sine, eh. Iisa-isahin tayong lahat dito hanggang sa maubos tayo,” nanginginig pa nitong sabi.
Hindi ko na siya kinibo matapos niyon. Hindi pa rin ako nakakabawi mula sa nangyari. Why Eloise? Anong kasalanan niya? Muli ay bumaha na naman ang luha sa'king mga mata. Kung sino man ang may gawa nito kay Eloise, napakasama niya! Hahanapin ko siya at pagbabayarin!
Kinaumagahan ay maaga kaming bumalik ni Denver sa unit. Nadatnan namin doon sina Inspector Tan at ilang pulis. Tila maaga silang bumalik upang ipagpatuloy ang imbestigasyon.
“How's the case, Inspector?” saad ni Denver nang malagpasan namin ang pulis na nagbabantay sa may pinto.
“Oh, Denver,” bati nito sa kanya. Naglakad ito palapit sa cr kung saan namin natagpuan si Eloise kagabi. “Wala pa naman gaano, pero sa tingin ko'y gawa ito ng isang babae.”
Narito kami ngayon sa may pintuan ng C. R. May nakaguhit na outline sa kung ano ang posisyon ni Eloise sa loob. Nakasara ang takip ng bowl at may mga blood stains sa gilid-gilid nito. Ang marka ng pagkakaupo ni Eloise sa bowl ang naiwan dito.
Ang marka ng dugo sa sahig ay malinaw na nagsasabing hinila ang wala nang malay na katawan ni Eloise papunta sa cr.
“Mukhang nang buksan ng biktima ang pinto,” wika ni Inspector Tan saka itinuro ang pinto palabas ng unit, “hinampas siya ng kung anong matigas na bagay sa ulo, matapos niyon ay hinila siya papasok sa C. R. May mga bruises rin sa leeg niya.”
Ipinakita nito sa'min ang ilang shots kay Eloise nang matagpuan ito.
“Posibleng may malay pa siya nang madala si Eloise dito sa cr. Since nanghihina na siya dahil sa tinamong sugat, hindi ito nakapanlaban nang sakalin siya ng culprit,” wika ni Denver na may paghimas pa sa kanyang baba. Bahagyang nanliit rin ang mata nito. “May mga narecover bang fingerprints?” tanong nito.
“Meron, sir,” saad ni officer Evans. Huli kong nakita si officer Evans sa Hade's building kung kailan pinagtangkaang patayin si Ivan Navarro na ace player ng baseball team.
Lumapit ito sa gawi namin at binasa ang hawak na maliit na notebook.
“May mga fingerprints sa doorknob mula sa pinto ng entrance at sa pinto ng cr. All of the fingerprints are owned by all of the occupants in this unit at mula sa unidentified person. We're still searching for a match and identification kung sinong may-ari ng fingerprint na yun. But there's another thing,” saad nito saka tumingin sa'min. “Walang nakitang finger prints sa katawan ng biktima, maging sa mga kamay nito kung saan siya hinawakan upang hilain ito papasok.”
Nagulat kami sa narinig. There's something wrong with it. What could it be?
“May alam ba kayo kung sino ang huling nakaaway ng biktima these past few days?” tanong sa'min ni Inspector.
“Wala naman, sa tingin ko ay si Sheila but they don't literally nag-away or had a scandal of cursing each other. It's too personal, but it's been three days na iniiwasan ni Sheila si Eloise because of a little misunderstanding,” sagot ko.
“And where's Sheila sa mga oras na pinatay ang biktima?” sunod nitong tanong.
“Magkasama kaming naglibot sa campus and talked about some stuff. It's already nine pm nang makabalik kami sa dorm and saw Eloise being in that kind of state,” paliwanag ko.
“According to our investigation, the estimated time of death is around eight to eight-thirty pm. Mainit pa ang katawan ng biktima kaya't hindi pa natitrigger ang algor mortis nito. It only says that the victim was killed less than an hour bago ito madiscover,” paliwanag ni Inspector sa'min.
“Pero, Inspector, na-check na ba ang CCTV footage around this building?” tanong ko rito.
“Unfortunately, ms. Fernsby, lahat ng CCTV cameras around the building were all destroyed. Pinutol ang wire sa lahat ng CCTV footages. And according to the last records of the footages taken, ginawa ito ng isang babae na naka-all-in-black na may takip sa mukha. Since fitted ang suot nito, we have determined her body figure which belongs to a female,” sagot nito.
“Pero sino naman ang gumawa nito kay Eloise?” nagugulumihanang tanong ko.
“That's the thing we need to figure out,” ani sa'kin ni Denver.
Hiningi namin ang copy ng cctv footage kung saan sinimulan ng culprit ang pagsira sa mga ito.
We just need to wait for the identification kung sino ang nagmamay-ari ng unidentified finger print sa mga door knobs.
It will take one to three days long bago iyon mahanapan ng match gamit ang computer scanning.
Masyadong matagal yun. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung ano ang ginamit na weapon to knock her off. Hindi iyon makita sa crime scene, kaya't possible na dinala niya iyon with her.
Nakakainis! Nauna na sina Sam at Austin, ngayon naman ay si Eloise! Could it be? Possible kayang may kinalaman dito si Jewel?
Pero ano namang kinalaman ni Eloise sa'min ni Denver? Hindi naman siya sumasama sa investigation activities namin ni Denver. Bakit siya madadamay dito?
Sino ba talaga ang nasa likod nito?
After ng morning class, nagyaya si Claire na kumain muna si Denver sa cafeteria kasama siya. But Denver keeps on refusing hangga't di ako sumasama. We should discuss the incident associated with Austin and Sam. Also the murder of Eloise.
“Nakakatakot naman pala, Denver,” nakapout na sabi ni Claire sa katabi. Tulad ng dati ay panay na naman ang yapos nito kay Denver.
Really? Kahit sa ganitong pagkakataon? Mukhang 'di ako makakapagfocus sa investigation kapag nasa paligid ang higad nito. Argh!
“May suspetya na ba kayo kung sino ang gumawa nun kay Eloise?” tanong nito.
Umiling lang si Denver bilang sagot.
May mga babaeng dumaan at tila pinag-uusapan ang insidenteng nangyari sa unit namin.
“Oo nga, grabe! Eh, diba, nung nakaraang linggo nagkasagutan pa 'tong sina Claire at Eloise about kay Denver?”
“Oo! Malandi talaga yang si Claire. Inaagaw niya si Denver mula kay Eloise.”
“Sssshh, wag kang maingay, girl. Nandito lang pala si ano—”
Napairap si Claire sa mga narinig. Bigla itong tumayo bitbit ang matatalim na tingin sa babaeng nag-uusap.
“Pinagbibintangan niyo ba 'ko?!” galit na galit nitong sabi. Nanlilisik ang mga mata nito, tila handang makipagkalmutan dahil sa mga daliri nitong naka-claw position.
Tumayo rin si Denver at tila may ibinulong kay Claire at sinubukan itong pabalikin sa pag-upo.
“Bakit? Hindi ba? Eh, diba nga, nagbantaan pa kayo na papatayin niyo ang isa't-isa dahil sa sobrang galit mo kay Eloise,” wika ng isang babae na may maangas pang tono.
“Oo nga! Siguro nga nagsasaya ka na ngayon kasi kasama mo na si Denver. At wala ka nang kaagaw,” saad naman ng isa pang babae. Maya-maya'y napatingin ito sa gawi ko. “Naku, ate, wag mo nang subukan pang maging third party, baka ikaw na ang sumunod kay Eloise. Demonyita yang si Claire,” dagdag nito.
Bigla naman akong natakot sa tinuran ng babae. Naalala ko tuloy ang pagpapakikala sa'kin ni Eloise sa'kin about kay Claire noong maging emcee ito sa auditorium. Same thing as theirs, tila may malalim na galit si Eloise kay Claire.
Akmang susugod na sana si Claire nang pigilan ito ni Denver at pilit na dinadala palabas ng cafeteria.
Sumunod naman ako dahil napansin kong ako na ang naging sentro ng atensiyon ng lahat.
<<<~*•*~>>>