Chapter 30: Marked X

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

JAMMY

Napalingon ako sa pinanggalingan ng pag-atake.

Walang duda. Isa iyong sniper at mataas na kalibre ang gamit. Tumilapon si Sam matapos itong tamaan sa bandang balikat. Maging si Austin ay tumilapon rin sa lakas ng impact.

It came from a building na malapit lang dito. Pero sa dami ng mga gusali sa pinanggalingang direksiyon, hindi ko malaman kung saan yun eksaktong nanggaling.

I immediately call the ambulance. I also called Inspector Tan to start an investigation sa nangyari.

I turned my gaze back to Sam at Austin. They were severely injured. I felt a sudden weight on my chest. Doon ko na lamang napansin na bumuhos na pala ang mga luha sa aking mga mata.

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking sugat ni Sam. Halos maligo na ito sa dugo. She's unconscious. Kay Austin naman, nagtamo rin siya ng sugat sa balikat. Probably, the bullet penetrates from Sam and tumama kay Austin. Di tulad ni Sam, si Austin ay may malay pa rin.

“Are you, okay, Austin?” humahagulhol sa pag-iyak si Eloise.

A familiar voice resonated from a distance. “Austin!”

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses and to mys surprise, I saw Sheila standing right in front of the glass door ng restaurant. What?! Sheila's here?

Madali itong lumapit kay Austin.

Gaya ni Eloise, napuno na ng luha ang mukha ni Sheila. “W-what happened in here?!” bulyaw nito aa kasama.

“H-hindi ko alam. Ambilis ng pangyayari. B-bigla na lang silang bumagsak!” humagalhol pa rin si Eloise nang sumagot ito.

“I'm fine, I-I'm fine,” wika ni Austin na nahihirapan pang magsalita. He continuously groaning.

Ako naman ay tulala lang na pinagmamasdan ang mga ito. A-anong gagawin ko? H-hindi ko alam ano ba ang dapat na gawin sa mga oras na ito.

Ang tagal dumating ng ambulansiya!

Nang dumating na ang ambulansiya ay maingat silang dinala ng mga rumespondeng team papasok. Matapos niyon ay mabilis na umalis.

Kasama roon sina Denver at Sheila sa magkahiwalay na ambulansiya.

“Are you okay, Eloise?” tanong ko rito. Hindi pa rin ito tumatahan sa pag-iyak at alam kong gusto niyang sumunod doon upang alamin ang kalagayan ni Austin. “Let's go back to campus?”

Tumango si Eloise sa'kin. She hugged me before I could make a step kaya't I hugged her back.

“He'll be okay, Eloise. They will be okay,” saad ko't inalo-alo ito.

Ipinagluto ko si Eloise ng hapunan pagkabalik namin sa dorm. She was still very concerned and occupied kaya't minabuti kong hindi na 'to hayaang maabala pa sa kakainin ngayong gabi.

Denver and the rest are not yet back. Sana'y okay lang sina Sam at Austin. Whoever tried to shoot them down, malaking posibilidad na si Sam ang target. Katatayo lang ni Austin when Sam was shot. And the high caliber sniper is clearly an intent for instant kill.

Sa lakas ba naman ng baril na 'yon, tumilapon si Sam for almost one and a half meter away from where she stood. Nadamay pa si Austin sa pagtilapon nito.

Hindi kaya iniisa-isa na kami to hunt down?

Imposibleng si Zero ang may kagagawan nito, they're siblings. Perhaps it was Jewel or the Queen herself!

It's been three days passed nang isugod sa ospital sina Sam at Austin.

Sam is still in critical condition while Austin gradually recovers.

“I will not turn down again the Mystique Club. Tama na ang pagiging duwag. Whoever these men behind this organization, dapat na silang maghanda. Dahil aalamin at ipapaalam ko sa lahat ang masamang gawain nila.” Denver said habang pirmeng nakatitig sa ginawa nitong connection map sa dingding malapit sa sala.

Zero, Jewel, and Hyena were all connected to the Queen. Zero is Connected to Samantha. Hyena has an 'X' mark on top of his photo, it means he's already dead.

“Thyke must be connected to Jewel. Kasama niya si Thyke when I was abducted,” wika ko.

Gulat na nilingon ako ni Denver. “You saw the face of Jewel?!”

I nodded in response. “Yes, but it's too blurry from my point of view because of the anaesthetic they forced me to inhale. Dahil dun, 'di ko makilala ang mukha niya. But I'm pretty sure Jewel is a girl. She was called ‘Ms. Jewel’ by Thyke bago ako mawalan ng malay,” paliwanag ko.

Gayundin ay isinulat ni Denver ang pangalan ni Thyke at ikinonekta ito kay Jewel. Sa ibaba ng pangalan ni Jewel ay ang markang F, stands for female.

“Kailangan din nating malaman kung sino 'yung tumulong sayo. Kung bakit ka niya tinulungan at kung bakit siya naroon nung araw na 'yon,” wikang muli ni Denver.

We're now inside the classroom and the class started pero mukhang wala roon ang atensiyon ni Denver. Pirme itong nakatingin sa may bintana at tila malalim ang iniisip. Probably because of Sam.

Pagtunog ng bell sign as lunch break, si Eloise lang ang sumama sa'kin sa cafeteria. Palagi nang umiiwas sa'min si Sheila. Hindi ako sanay sa ganoong behavior niya. I know that she is also concerned about Austin at hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakabalik sa school. But avoiding us? Mukhang may mas malalim pa rin itong dahilan.

Tungkol pa rin ba 'to kina Eloise at Austin?

Pagdating namin ni Eloise sa cafeteria, I saw Sheila and Hermione eating, sharing the same table. Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa. Mabuti naman at nariyan si Hermione para kay Sheila. At least, meron siyang nasasabihan ng problema niya.

Hindi ko na tinawag ang pansin ni Eloise upang makita niya ang nakita ko. It might be awkward for us kung ilalayo rin namin ang sarili namin kay Sheila that for sure, gagawin ni Eloise kapag nalaman niyang malapit lang sa table namin ang dalawa.

“I heard, sabi ni Denver, makakabalik na raw bukas si Austin sa campus. He's okay now. Medyo 'di lang niya naigagalaw nang maayos ang kanang braso nito,” wika ko.

“That's good. I already missed him,” sagot naman ni Eloise na ngayo'y nakabusangot na ang itsura.

“But Sam, she's still unconscious. Maraming dugo ang nawala sa kanya at kailangan siyang masalinan ng dugo. Only if I can donate mine.”

“She's type A-B right?” tanong nito. “Sad, we don't match.” A sad face was drawn on her gorgeous face.

“Don't worry, makakahanap din naman sila agad ng dugo for her.”

Nagpatuloy lang kaming kumain till the bell rang again.

After class, dumaan muna 'ko sa Mystique Club. Ngayon ay wala na 'kong pakeelam sa sinabi sa'kin noon ni Zero. Hindi niya pagsasayangan ng oras ang tulad ko after on what happened to Sam, I supposed.

Teka! Alam na kaya niya ang nangyari sa kanya? That Ezekiel Montemayor! Wala siyang puso kung pababayaan niya lang ang kapatid niya!

“Great, you're here,” seryosong nakatitig sa'kin si Denver nang makapasok ako. “Finally, naisipan mo ring bumalik,” dagdag nito.

“How are you?”

“The club is fine.” Ibinaling nitong muli ang atensiyon sa kaniyang laptop.

Don't tell me, it's the Plants Vs. Zombies again! After all of what happened. Nagagawa pa rin niyang maglaro ng lan game?!

Napansin siguro ni Denver ang pagtatakha sa mukha ko kaya't iniharap niya sa'kin ang laptop.

“This is the list of profiles ng mga nawawalang estudyante sa building Zeus, including Mathilda,” saad nito.

Lumapit ako rito at naupo sa isa sa mga monoblock kaharap ng kanyang mesa.

First on the list was Albert Pino, TVL student section A. He was reported missing on August 6. Huli siyang nakita sa loob ng unit nila till August five, around nine to ten pm.

Kasunod nito ang roommate na si Mike Evans na nasa section A din. He was reported missing on August 15. Huli rin siyang nakita kasama ang natirang roommate around eight to nine naman ng gabi.

Next is Stephanie Shin. Also a TVL student at B ang section na kinabibilangan nito. She was reported missing on August twenty-five. Huli siyang nakita at nine pm nang magpaalam itong makikipagkita sa boyfriend nitong si Emil Minares na Stem Student. Nasa Athena's building naman ito nang mga oras na nawawala ito.

Next is Carla Baldonado. A TVL student as well at nasa section D ito. September nine naman naireport ang pagkawala nito. A loner girl. Maging ang mga roommates nito ay iniwan siyang mag-isa sa dorm at mas piniling sa ibang dorm mag-stay. This was also the time nang magsimula nang abandonahin ng mga TVL students ang building Zeus. Last seen: 6:30 pm sa cafeteria.

Last is Mathilda Quizon. Of course, TVL student. Vice president ng SSG at violinist ng Orpheus band at tulad ng dalawang nauna, she belongs to section A. She was reported missing on October sixteen. Last seen was 5:45 pm kasama ang mga kabanda nito galing practice. Hindi na rin siya nag-i-stay sa building Zeus nang mag-start ang disappearances sa building Zeus, rather, she's staying with her friend Hermione sa Vulcan's building. At nadiskubre lang ang katawan niya noong October nineteen sa cr ng building Zeus sa first floor dahil sa ghost hunting na isinagawa ng taga Paranormal Club.

Ang magkakapare-pareho lang sa kanila ay lahat sila mga TVL students at tumutuloy sa building Zeus. Pare-pareho ring huling nakita mula hapon pagabi.

It only implies that the abduction happened in the evening.

“Wala pa ring clue kung sino ang nasa likod ng pagkawala ng mga estudyanteng yan. Since hindi sila gaanong magkakakilala, at wala ring koneksiyon ang bawat isa bukod sa magkaklaseng sina Albert at Mike, walang lead sa kung ano ang posibleng dahilan bakit sila nawawala,” wika ni Denver. “Since narecover na ang katawan ni Mathilda and she's already dead because of Iya, malaki rin ang possibility na patay na rin ang iba. However, as Inspector Tan interrogating Iya, palagi nitong dinedeny na siya ang may kasalanan sa pagkamatay ni Mathilda. But her statements can't even use dahil nadiagnose siya of having schizophrenia. Her hallucinations believed to be the main reason why she killed Mathilda.”

“Or maybe hiwalay na kaso si Mathilda. Pwedeng itinago lang siya ni Iya after knocking her off kung saan. At sinubukang gamitin ang disappearances mystery upang ilayo sa kanya ang sisi,” sagot ko naman.

Maya-maya pa'y dumating si Sheila na agad naming ipinagtaka.

“Oh, Sheila. Nagawi ka rito? May problema ba?” tanong ko rito.

Sandaling nakipagtitigan sa'min si Sheila. Panay pa ang pagyuko nito at pinaglalaruan ang mga kuko nito na tila nagdadalawang isip sa bagay na sinadya niyang pumarito.

“Jammy, can we talk?” nakapout nitong sabi sa'kin. Napatingin muna ako kay Denver bago ko sinundan si Sheila na agad ring lumabas ng club.

We made our way to Jade's Garden at doon privately nag-usap. It's already 5:30 when we got here.

“What is it, Sheila?” I asked in confusion.

“Wa-wala naman. I just need someone to talk to,” naiiyak nitong sabi.

Awtomatikong napahaplos ako sa bubok nito upang patahanin.

“It's okay, Sheila. You can open up everything to me,” saad ko rito. Niyakap niya 'ko nang marinig ang mga sinabi ko.

“It's Austin,” nagsimula na ito sa paghagulhol. “I'm really scared. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala siya.”

Pilit ko naman 'tong pinatatahan.

“Magiging okay din siya, Sheila. Don't worry.”

“I-I just can't help myself but to overthink to what might happen to Austin,” nagsimula nang bumagsak ang mga luha nito.

“Shhh, everything will be fine, okay?” saad ko rito at inalo-alo ang likod.

“Kamusta pala si Eloise,” tanong nito. Tumahan ito saglit at tumingin sa'kin.

“She's worried. Worried about you and also to Austin,” tugon ko. “Bakit umiiwas ka na sa'min, Sheila? You can tell me everything, I will listen,” dagdag ko.

“N-nothing. I'm just jealous. Jealous of Eloise,” saad nito.

Hinawakan ko ang kamay nito kaya't napatingin itong muli sa'kin. “Look at me into my eyes, Sheila. It's okay to feel jealous. At di kita pipigilan kung gusto mong umiwas sa bestfriend mo. But please, talk to her whenever you're ready, okay?” saad ko rito. Tumango naman ang huli.

Nagkwentuhan pa kami ni Sheila bago umalis ng Jade's Garden.

Ikinwento niya sa akin kung paano sila naging magkaibigan ni Hermione. Sadya raw na palakaibigan at mahinhin itong si Hermione kaya't madali lang itong napanatag na magsabi ng hinanakit sa kanya.

Nagkayayaan pa kaming kumain muna sa cafeteria at naglibot-libot sa campus.

<<<~*•*~>>>