Chapter 32: Madame's Invitation

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

JAMMY

Nakasalubong ko si Sheila noong papunta pa lang ako sa Mystique Club. It's already four pm at katatapos lang ng afternoon class.

“Oh, Sheila, kamusta ka na?”

Ngumiti ito sa'kin bilang sagot. “Ayos lang. Pero nag-aalala pa rin ako. Hindi pa rin ba nalalaman kung sinong pumatay kay Eloise?” namumugto na naman ang mga mata nito habang nagsasalita.

“Hindi pa, eh. Pero ginagawa lahat ni Denver at ng mga pulis ang makakaya nila upang mahuli ang kung sino man ang nasa likod nito.”

Tumango naman ito sa'kin kahit napipilitan. Naiintindihan ko siya. Kahit na may hindi sila pagkakaintindihan ni Eloise, masakit pa rin para sa kanya ang nangyari sa kaibigan. Ilang taon din silang magkasama sa campus na 'to.

Nagpaalam na sa'kin si Sheila matapos niyon. Ako nama'y dumiretso na sa Mystique Club.

“What?!” gulat kong tanong nang marinig ang balita mula kay Denver.

Tila nagdidilim ang paningin nito. Nakakuyom ang mga kamay at tila nagpipigil ito ng galit.

“P-patay na s-si Sam?” Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig. Akala ko'y ligtas na siya.

“Nagkaroon ng kumplikasyon sa sugat niya. Marami ring dugo ang nawala sa kanya at hindi agad siya nakabawi nang masalinan ng dugo,” malamig ang boses nito. Ngayon ko lamang siya nakitang ganyan. Sam must be so special to Denver. No. She really is.

Tumayo ito't umalis ng club.

“Teka! Denver! San ka pupunta?” tanong ko rito. Hindi lamang ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

What am I gonna do now?

Bumalik na 'ko sa dorm nila Andy.

“Hey, Jammy. Want some ice cream?” saad nito habang naka-indian-sit sa sahig at hawak ang mangkok na may laman na ice cream.

Umiling ako rito at dumiretso na lamang sa temporary room ko.

“Siya nga pala, Jammy. Wag ka munang gaanong maglililibot ng campus. Ang hirap mong bantayan. Masyado kang gala,” pasigaw pa nitong sabi habang may laman pa ang bibig nito.

Tsk. Binabantayan ba niya talaga ako? Ni di ko man lang nararamdaman ang presensiya niya sa tuwing lumalabas ako ng dorm. Dito ko lamang nakikita ang nakakairitang pagmumukha niya.

Sisimulan ko na sanang ipahinga ang sarili ko nang may kumatok sa pinto.

“What?!” iritable kong sabi.

“Jammy, narito ang manliligaw mo,” pasigaw na sabi ni Andy mula sa likod ng pinto.

Sino namang manliligaw? Wala akong manliligaw!

“I have no time for your jokes, Andy. Manahimik ka!” pabalik kong sigaw.

“Idiot! It's Gabriel!”

Napabangon naman ako sa narinig. Ano namang kailangan ni Gabriel sa'kin?

Binuksan ko ang pinto at iniluwa niyon ang pigura nina Andy at Gabriel.

“Oh, Gab, anong meron?”

“Kakamustahin ka lang sana,” tila nahihiya pa nitong sabi.

Okay. He's totally different from the old Gabriel that I met from the first time. Ang sungit-sungit kaya nito! Anong nangyari? Mas mukha na siyang si old Thyke dahil sa mga ikinikilos nito mula pa nung nakaraan.

“I'm fine, Gabriel,” wika ko saka tuluyang lumabas ng room.

Nagtungo kaming tatlo sa sala upang doon mag-usap. Ilang saglit ding hindi umiimik si Gabriel at tingin nang tingin sa gawi ni Andy.

“What?” wika ni Andy na hanggang ngayo'y lumalamutak pa rin ng ice cream.

“Pwede ba kaming mag-usap nang kami lang?” tanong nito sa kanya.

“No way! Pinapabantayan siya sa'kin ni da—,” napatigil ito sa pagsasalita na parang may napagtanto, “I mean, pinapabantayan siya sa'kin ni lolo. Kaya hindi pwede.”

Napatitig na lang ako sa kanya nang masama. Really?

“Wag mo nga kong lokohin, Andy. Alam ko namang 'di mo talaga 'ko binabantayan, and I don't need you to monitor me, I can handle myself. Sige na, may pag-uusapan lang kami,” saad ko naman dito.

“What the hell! Nandito kaya kayo sa room unit ko! Kayo ang mag-usap sa labas!” mapang-asar nitong sabi.

Pirme namang nakatitig kami ni Gabriel sa kanya nang masama. Tila natakot naman ito kaya't tumayo ito.

“Okay, okay. Pero saglit lang, ha. Ayokong mag-stay sa labas nang matagal, lalo na't gan'tong oras, maggagabi na. Baka kung ano pang mangyari sa'kin,” wika nito.

'Di kami sumagot sa sinabi nito at hinayaan na siyang lumabas.

Lumapit sa'kin si Gab at may inilabas na papel mula sa bag nito. Iniabot niya iyon sa'kin.

“Ano ito?”

“That's an invitation from madame Jasmine. Gusto ka niyang makita at makausap.”

“Bakit naman? Sinong Jasmine yun at anong kailangan niya sa'kin.”

“I can't explain it clearly sa ngayon. But all I can say is madame really wants you to meet her. Maybe she wanna know you more and she has an offer for you.”

“O-kay?” saad ko naman na may bahid pa rin ng pagtataka. Whoever this madame Jasmine, hindi pa sa tingin ko ang panahon para harapin siya.

“Pero hindi naman nagmamadali si madame, kapag ready ka na saka ka magsabi. Maghihintay kami,” sagot naman nito.

Tumango na lang ako sa kanyang sinabi.

Tumayo na siya't nagpaalam sa'kin. Inihatid ko naman ito palabas. Sa may pintuan ay nakita ko si Andy na nakatanday sa dingding.

“Oh, ba't nandiyan ka?” pauna kong tanong. “Wag mong sabihin na nakikinig ka sa pinag-usapan namin?”

Hindi na nakialam si Gabriel at dire-diretso nang naglakad sa hallway palabas ng building.

“What?” he said. “Hindi, ah! Ayoko lang lumabas, baka may dumukot din sa'kin,” wika nito sabay subo ng ice cream mula sa kutsara.

Napailing na lang ako sa ginagawa niya. He's unbelievable! Hindi ko alam na nag-eexist pa rin pala ang mga tulad niyang duwag.

Isinarado ko ang pinto at inilock. Hindi agad ito nakaresponde sa ginawa ko. Narinig ko ang sunod-sunod na katok ni Andy sa pinto matapos niyon.

Napangisi na lang ako sa ginawa. Andy has slow response and reflexes. “Jammy! Papasukin mo 'ko! Wala akong dalang susi!” sigaw nito na 'di ko naman pinansin.

°°°°°°°

Ngayong araw ay nakaattend na ng class si Austin. Mukhang bumubuti na ang kalagayan niya. May suot itong arm sling sa kanang braso. Dahil siguro sa hindi pa rin nito maigalaw nang maayos yun dahil na rin sa natamong sugat.

“Kamusta ka na, Austin?” tanong ko. Narito kami ngayon sa cafeteria kasama si Sheila.

“Okay na 'ko. P-pero ang inaalala ko ay si Denver. Paniguradong sobrang nasaktan yun sa pagkawala ni Sam,” ani nito. Malungkot ang mukha nitong nakaharap sa'min ni Sheila. “Siya nga pala, nasaan si Eloise? Himala namang 'di niyo siya kasama.”

Nagkatinginan naman kami ni Sheila dahil sa sinabi.

“A-Austin,” wika ni Sheila. Tila natatakot ito sa sasabihin. Nakapako ang tingin nito kay Austin na para bang hinuhulaan kung anong magiging reaksiyon nito.

“Bakit, Sheila?”

“Kasi—” hindi mapakali si Sheila. Palipat-lipat ito ng tingin. Iniiwasan ang titig ni Austin sa kanya. Di sigurado sa sasabihin. “W-wala… wala na si Eloise, Austin.”

Ang dating malungkot na mukha ni Austin ay napalitan ng pagkagulat. May mabilis na bumagsak pang luha mula sa kanang mata nito na sinundan ng kabila.

Natigilan si Austin mula sa narinig. Maging ako'y tila nakaramdam ng takot sa reaksiyon niya. Para ba itong nag-iipon ng lakas upang magwala o kung ano.

“A-anong ibig mong sabihing wala na? Lumipat na siya ng eskwelahan?”

“W-wala na siya! Patay na siya, Austin! Patay na!” lumakas ang boses ni Sheila nang sinabi iyon.

“Nagpapatawa ka ba, Sheila? Pa'nong mamatay si Eloise, eh, wala namang sakit yun. Masiglang-masigla nga yun nito pang mga nakaraang araw hindi ba?”

Ngayon ay hawak-hawak na ni Austin sa magkabilang braso si Sheila na bahagyang nakabaon pa ang mga kuko nito rito.

“A-Austin, bitawan mo muna si Sheila, okay?” saad ko rito. Mabilis naman itong tumugon sa sinabi ko. Tila natauhan sa ginawa.

“Ano bang ibig mong sabihin, Sheila?” Takha nitong tanong. Madiin ang pagkakasabi nito.

Ako na ang sumagot sa mga katanungan niya. Takot na takot ang itsura ni Sheila sa ginawa ni Austin. Maging siya'y bumagsak na rin ang mga luha.

“P-patay na si Eloise, Austin. May pumatay sa kanya,” wika ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Austin sa narinig. Napadabog na lamang siya nang malakas sa mesa gamit ang kaliwang kamay dahilan upang tumalbog ang mga plato na nakapatong rito. Tumapon din ang laman ng mga baso ng tubig.

“W-wag kayong magbiro ng ganyan! H-hindi yan nakakatuwa,” saad nito na panay ang iling.

Tumayo ito't napaatras sa'min. Natumba pa nga ito dahil nawalan ng balanse nang mabangga ng paa nito ang upaan sa kaniyang likod.

Agad kaming napatayo ni Sheila at sinubukan siyang tulungang tumayo. Pero ayaw nitong magpatulong.

Naging sentro na kami ng atensiyon dahil sa nangyari.

Tumayo si Austin at mabilis na tumakbo palabas ng cafeteria. Nag-iwan muna ito ng mga nanlilisik na tingin sa'min bago siya tuluyang lumabas.

“Austin!” sigaw ni Sheila dito ngunit hindi na ito muling lumingon.

“Hayaan mo muna siya Sheila,” saad ko rito habang inaalo-alo.

°°°°°°°

ZERO

Magulo ang kwarto dahil sa pagwawala na ginawa ko kagabi. Basag-basag ang mga gamit, sira-sira ang mga furnitures at kung ano-anong mga gamit ang nakakalat sa sahig.

“Zero!” saad ni Peter nang makita ang itsura kong nakahilata sa sirang kama. “Ano bang nangyari sa'yo?”

Lumapit ito sa'kin at inalis sa kamay ko ang hawak-hawak na bote ng alak.

“Alam mo ba ang nangyari kay Sam?” wika ko rito habang tinutulungan akong tumayo. “P-patay na siya! Narinig mo yun? Patay na ang kapatid ko!”

Pinaupo ako nito sa couch sa sala bago ito nagpunta ng kusina. Bumalik itong may dala nang isang baso ng tubig.

“Oh, heto. Inumin mo upang mahimasmasan ka,” wika nito. Mabilis ko yung kinuha at ininom ang laman nun sa isang lagukan. Tila uhaw na uhaw ako.

Matapos niyon ay ang paulit-ulit kong pagsinok.

“Alam mo, hindi mo maipaghihiganti ang kapatid mo kung yan ang aatupagin mo. Paulit-ulit ka, eh. Kagabi pa yan,” saad nito sa'kin na nakapakrus pa ang mga braso.

Nanatili namang nakapako ang tingin ko sa kaniya. Umiikot pa ang paningin ko dahil sa hilo.

Hindi ko alam ang sasabihin sa taong ito. Alam kong tapat ito sa'kin ngunit hindi ko alam kung tapat pa rin ba 'to sa'kin hanggang ngayon. Hindi ko na alam kung sino pang pagkakatiwalaan ko. Hindi ko na alam.

“Inutusan ko na nga pala si Henry na hanapin kung sinong pumatay sa kapatid mo,” saad nito saka bumalik sa kusina.

Pagbalik nito ay may dala-dala nang tasa. Umuusok pa ang laman nito.

“Oh, heto. Magkape ka. Marami kang nainom kagabi,” wika nito saka ipinatong ang tasang may platito sa pwetan sa ibabaw ng glass table malapit sa'kin. “Wala ka bang balak puntahan ang kapatid mo?” tanong nito sa'kin bago umupo sa tabi ko.

Bago ako makasagot ay may mga katok na dumagundong mula sa likod ng pinto.

Dagliang tumayo si Peter at pinagbuksan kung sino ang naroon.

“Peter! Kiel!” rinig kong saad ni Henry kaya't napalingon ako sa gawi nito. Bumagsak ito na agad namang sinalo ni Peter.

Sugatan ito. Mukhang napalaban.

“Anong nangyari Henry?” tanong ko rito. Ngayon ay mas malinaw na ang paningin ko.

“Kiel! H-hindi ka na pwedeng bumalik sa base. Kailangan mo na ring umalis dito. Gusto kang patayin ng lahat ng generals. Kasama roon si Jewel!” saad nito habang nakahawak ang kamay nito sa balikat. May tinamo siyang sugat doon.

“Anong ibig mong sabihin? Hindi hahayaan ng Queen yun!” singhal ko.

“Hindi ko rin alam. Pero nagkampi-kampi ang lahat ng generals para sa planong patayin ka,” wika nito.

Matapos niyon ay may mga putok ng baril na dumagundong sa buong sala.

Lahat kami ay napadapa at nagtago sa mga sementadong dingding.

Maya-maya pa'y may babaeng nakaitim na galing sa likod bahay ang nagbato ng kung ano sa basag na bintana. Matapos niyon ay biglang tumahimik. Nahinto ang pamamaril mula sa labas.

“Phoenix!” saad ko nang makita ito. May takip man ito sa mukha ngunit kilala ko ito. Hindi ako pwedeng magkamali! Siya nga ang Phoenix!

“Magagawa niyo ba silang pigilan hanggang sa mailayo ko rito si Zero?” wika nito na gamit pa rin ang dating voice changer nang una ko siyang makita.

Tumango ang dalawa. Tinulungan akong makatayo at makaalis ng Phoenix habang ikino-cover kami nina Henry at Peter.

Sana'y maging ligtas sila at magawang makabalik. Sila na lamang ang tauhan na pinagkakatiwalaan 'ko.

<<<~*•*~>>>