Chapter 23: The Trick
TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.
°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
JAMMY
“Walang meron sa ibaba? Then there's two possible conclusion. May nauna nang kumuha sa mahalagang gamit na sinilip niya sa ilalim ng cabinet, or maybe, wala talagang meron sa ilalim.” Napakunot ako sa naging pahayag ni Denver. Is he for real? Seryoso ba siya? “At may kung sino na nag-utos sa biktima na silipin ang bagay sa ilalim upang dumapa ang biktima. But the truth is, wala naman talagang meron sa ilalim and it was just dictated to execute the bait. And base to my surmise, the request must be from the one who texted him before he went to the veranda,” nakangising turan ni Denver.
So does it mean hindi ito simpleng aksidente lang but an attempt to murder?!
Naglakad si Denver papasok ng room.“The moment na dumapa ang victim at sinilip ang ilalim ng cabinet was also the time ng pagbagsak ng pigurin sa ulo niya. Kakwestiyon-kwestiyon ang mga pangyayaring yun. The figurine weighs about four to five kilos and has six to seven inches in diameter. Hindi yun basta-bastang mahuhulog mula sa flat surface. Unless, may nagtrigger nun para mahulog exactly the moment when the victim lies facing the floor,” patuloy nito.
“Ano bang nais mong sabihin? Na may nagtangka sa buhay ni Ivan?” pasigaw na turan ni Ella kay Denver. Muli na namang bumuhos ang luha nito sa mata na kanina pa niyang pinipigilang bumagsak.
Napapalakpak naman ang babaeng kasama ni Denver.
Maaliwalas na ngiti ang ipinaskil nito sa mukha.“Ang galing-galing mo talaga Denver!” saad ni Claire.
Muli lamang nagsalubong ang kilay ko dahil sa kaartehan nito. Binabawi ko na ang pagpuri ko sa kanya kanina. Hindi siya maganda.
“Officer Evans, nasan na ang copy ng text conversation ng biktima bago siya mawalan ng malay?” sigaw naman ni Inspector Tan sa isang police officer.
Dali-dali itong lumapit at iniabot ang tatlo hanggang apat na piraso ng mga papel.
(8:01 am. Saturday, 08/13/18)
Mom: Ivan, dear, nasan ka?
(11:46 am. Saturday, 08/13/18)
Mom: I'm sorry if I haven't answered your calls yesterday. I was too busy, eh.
(5:33 pm. Saturday, 08/13/18)
Mom: Ivan, happy birthday, dear. There's a gift I hid under the display cabinet. Kindly check of it. Hope you'll like it, dear. Again, happy birthday.
(5:33 pm. Saturday, 08/13/18)
Ivan: Really, mom? Of course, I will appreciate it, like it, and love it. Ngayon pa nga lang na-eexcite na 'kong makita yun.
(5:34 pm. Saturday, 08/13/18)
Mom: That's good, son. Anything for you.
Kung ganun, momma niya ang kausap niya kanina? How weird naman na sa ilalim ng cabinet niya itatago ang gift niya para sa anak niya?
“This is unbelievable!” sigaw ni Ella matapos mabasa ang hawak na copy. “Imposible ang iniisip niyo! Nasa Canada ngayon ang mommy ni Ivan!” protesta nito.
Hindi lamang ito pinansin ni Denver bagkus ay nagpunta lang ito sa veranda at nag-inspect. Matapos niyon ay bumalik ito sa loob, at binuhat ang isa sa mga upuan at dinala sa veranda.
Ginamit ito ni Denver bilang tungtungan upang inspeksiyunin ang nasa ibabaw ng cabinet. Nagsuot muna ito ng plastic gloves bago kung anong may kinuha ito mula sa ibabaw ng cabinet. Pagkatapos nito ay kinuha nito ang phone niya mula sa bulsa at in-open ang flashlight application. Inilawan nito ang hawak. Isa iyong chess piece — pone.
Inilipat niya ang tutok ng ilaw sa pader kung saan sa harap nito nakapwesto ang cabinet na pinaglagyan ng mga pigurin.
Ang pader na ito ang nagsisilbing divider sa bawat veranda sa magkakatabing room unit ng bawat dormitory building.
Kinuhanan niya ng litrato ang pader, matapos nito ay bumaba si Denver at lumapit kay Ella.
Litong-lito man ang huli ay pirmeng nakatitig kay Denver ang mga mata nito. Magkaharap ang dalawa at malapit ang mukha sa isa't-isa.
“Denver! Ano bang ginagawa mo?” maarteng tanong ni Claire.
Hindi ito pinansin ni Denver, bagkus ay nanatili lang na nakapako ang mga tingin nito kay Ella.
“Are you jealous?” siko sa'kin ni Austin. Nabaling ang tingin ko sa kanya. “Tignan mo nga yang mga mata mo. Para kang mangangain ng buhay,” natatawa pa nitong sabi. Inirapan ko lang naman siya at di na kinibo.
“May I borrow your phone?” tanong ni Denver kay Ella.
Kahit na nagugulumihanan ay sinunod na lang ito ni Ella.
Nang maabot ni Denver ang phone ni Ella, daglian itong kinalikot ni Denver at nagpabalik-balik ang tingin sa copy ng conversation na dinala ni officer Evans kanina at sa phone ni Ella. Ano man ang tintignan niya sa phone ni Ella, sigurado akong ikinukumpara niya iyon sa kung ano ang nakalagay sa copy ng conversation.
“Great!” malawak na ngiti ang bumalot sa mukha ni Denver. Tumingin ito samin nang matalim bago magsalita. “Isa sa inyong lima ang nagtangkang pumatay sa biktima,” saad nito.
“What?” gulat na sabi ni Rey. “How do you say so? Nasabi naman na siguro sayo nina Inspector na nanatili lang kami sa loob ng sala nang maaksidente si Ivan. What makes you conclude na pinagtangkaang patayin si Ivan ng isa sa amin? Wala naman siyang kaaway mula sa aming lima,” patuloy nito.
Inilapag nito sa mesa ang chess piece na nakuha niya mula sa ibabaw ng cabinet.
“I found this chess piece on that cabinet,” wika nito. Saka kinuha muli ang phone nito at may ipinakita sa'ming picture. “And, as you carefully analyze this photo here, may unusual mark sa wall sa likod ng display cabinet, next before the smaller figurines,” dagdag nito.
“Those marks. It is the same as the baseball,” ani naman ni Austin saka binalikan ang baseball na nasa veranda. Gamit ang plastic gloves ay pinulot niya ito at tumungtong sa upuan na dinala roon ni Denver kanina. “The mark on this wall and the design on this baseball matched together, it perfectly fits together,” saad nito saka bumabang muli.
“Great! It only implies na ginamit ang baseball at chess piece na 'to to trigger the figurine to fall directly on the victim's head,” nakangising wika ni Denver. Nakapako ang tingin nito sa apat na baseball player. “At tanging baseball player lang din ang makakagawa nun,” dagdag nito.
Naging kabado ang itsura ng apat sa narinig.
“Wow! You're too awesome, Denver,” papuri rito ni Claire. “Sya nga pala, pano naman na-trigger ng salarin na mahulog ang pigurin from the cabinet?” sunod nitong tanong.
“Madali lang,” saad ni Denver saka isa-isang tinanggal sa mesa ang mga nakapatong doon na baso, pinggan at ilang mga bote at vape.
“Teka, Denver. Anong gagawin mo riyan?” tanong naman ni Rey sa ginagawa ni Denver. Pero hindi ito kinibo ng huli.
Binuhat ni Denver ang table at inilipat sa dingding ng kwarto. Sunod naman ay nagtungo itong muli sa veranda at kinuha ang pigurin ng buddah na bumagsak sa ulo ng biktima kanina. Ipinatong ito ni Denver sa table malapit sa pinaka-edge ng table.
Sa likurang bahagi sa paanan ng pigurin ay inilagay ni Denver ang chess piece kaya't mukha na itong naka-slant.
“And the victim,” saad ni Denver bago ilagay sa ilalim ng mesa ang isang piraso ng bote, sa tapat ng ipinatong nitong pigurin.
Kami naman ay tahimik lang na pinanonood ang ginagawa ni Denver. Hinihintay ang resulta sa binabalak nitong ipakita sa'min.
Kinuha ni Denver ang baseball mula kay Austin. Inihagis-hagis pa niya ito sa ere pagkatapos ay sasaluhin. Ginagawa niya ito nang paulit-ulit na parang naglalaro ng joggling. Matapos niyon ay ibinalik ni Denver ang tingin nito sa apat na baseball player bago inihagis papunta sa dingding malapit sa pinaglagyan niya ng table at pigurin.
Hindi ito tumama sa pigurin pero tumalbog ito pabalik at tinamaan mula sa likod ang pigurin kaya't madali itong nahulog mula sa kinalalagyan. Naiwan ang chess piece sa ibabaw matapos bumagsak sa sahig ang pigurin. Nabagsakan ng pigurin ang boteng inilagay ni Denver kanina sa ilalim ng mesa. Nadurog ito't nagkalat ang mga bubog nito sa sahig.
“That way,” maikling turan ni Denver saka muling ngumisi.
Namilog ang mata't labi ng apat sa nakita.
“Pero imposible! Wala namang tao sa veranda bukod kay Ivan kanina!” pangongontra ni Michael. “At kung meron man, madaling mapapansin iyon ni Ivan.”
“Wala nga. Pero pwede mo paring i-execute ang trick kung nakapwesto ka sa rooftop ng old clinic building,” saad nito.
Bumaling ang tingin ni Denver sa isa sa mga baseball player dito sa silid. “Hindi ba, Arnold?”
Nagulat ang lahat sa inilabas na rebelasyon ni Denver. Nabaling ang atensiyon ng lahat kay Arnold.
“Nasa dalawapu't lima hanggang tatlumpung metro ang layo ng veranda mula sa rooftop ng old clinic, pero kung isa kang magaling na baseball pitcher, madali mo lang maisasagawa ang trick. Sa tamang paghahanda at pagsasanay,” dagdag pa ni Denver na ngayon ay nakangising nakatingin sa gawi ni Arnold.
Nanginginig si Arnold at 'di makatingin nang diretso kay Denver. Gayunpaman, batid ko mula sa mukha nito ang labis na pagkagulat.
“B-bakit a-ako?!” saad nito nang matauhan.
“Sino bang lumabas para mamili ng junkfood? At sino ba ang mukhang hindi uminom ng alcoholic drinks sa inyong apat?” pabalik nitong tanong.
“Ayoko lang uminom! Isa pa, inaasikaso ko lang ang kakainin namin kaya nagluto lang ako kanina. Pero hindi ako!” pagtatanggol nito sa sarili.
“Hindi ba't gaya ni Ivan, isa ka ring pitcher ng team?” saad ni Denver bago nito itinaas ang phone ni Ella. “Only one truth prevails ika nga ni Shinichi Kudo,” wikang muli ni Denver saka ngumising muli nang nakakaloko.
“Hindi match ang phone number ng mommy ni Ivan sa phonebook ni Ella at sa phonebook ni Ivan.” Habang nagsasalita ay pirmeng nakapako ang mga tingin ni Denver kay Arnold. “Bakit kaya? Let's see,” dagdag ni Denver saka kinopya ang numero na nakalagay sa conversation record between Ivan and her mom sa phone dial ni Ella. Tinawagan ito ni Denver.
Ilang saglit pa'y nag-ring iyon and it was coming from Arnold's phone!
“Ngayon mo ipaliwang kung bakit ‘Mom’ ang pangalan mo sa phonebook ni Ivan and you're texting him as if you're his real mother.” Tila naging bato na si Arnold sa kinatatayuan nito. Nakaawang ang bibig at tila di makapaniwala sa mga sinambit ni Denver. “It's absolutely you who lured Ivan to go to the veranda at silipin sa ilalim ng cabinet ang tinukoy niyang gift, na wala naman. It's only a bait upang dumapa siya sa paghahanap.”
Matinding pagkagulat ang bumalot kay Arnold. Hindi ito makaimik, nanginginig na tila hindi alam kung anong palusot pa ang kanyang sasabihin.
“The truth is, since you're also a great pitcher as Ivan, ginamit mo 'yon upang isagawa ang naisip mong trick. Mula sa rooftop ng old clinic, ibinato mo ang baseball papunta sa target mo, na sa tingin ko'y matagal mo na ring pinagsanayang gawin. The way kung paano ko napabagsak ang pigurin mula sa table at binasag ang bote sa ilalim nito, sa ganoong paraan mo rin iyon ginawa mula sa display cabinet. Tungkol naman sa phone number ng mom ni Ivan, you replaced it with your number. Madali mo na lang magagawa yun since roommate naman kayo ni Ivan,” paliwanag ni Denver.
Napaluhod na lang si Arnold sa mga narinig. Nanginginig parin ito tulad kanina at patuloy ang pag-iyak.
“Tama lang sa kanya iyon!” sigaw nito na tila nawawala na sa tamang katinuan.
“Arnold! Ano bang sinasabi mo?!” umiiyak ring tanong ni Ella.
“Wala ka kasing alam! H-hindi mo alam ang nararamdaman ko! Wala ni sino man sa inyo ang nakakaalam! Hindi niyo alam ang pakiramdam ng palaging nakukumpara. Siya na lang palagi ang magaling! Sa paningin ni dad! Sa paningin ng buong team! Sa paningin ng lahat ng tao rito sa academy. At lalong-lalo na, sa paningin mo, Ella! Sino bang nakakapansin sa'kin? I'm just a loser. Kahit gawin ko pa ang lahat upang mapansin niyo, hinding-hindi ko mapapantayan si Ivan. Hindi ba? Nasa kanya na ang lahat ng atensiyon! Sa kanya ka na rin, Ella, hindi ba?” tila nababaliw nitong sabi saka hinawakan sa magkabilang braso si Ella. Nagpupumiglas naman si Ella at may bahid ng takot ang itsura nito.
“Sige na, sige na. Damputin niyo na yan. Ayoko ng drama,” tamad namang wika ni Denver saka hinawakan si Claire sa kamay at hinila palabas ng unit.
Ako naman ngayon ang napaawang ang bibig hindi dahil sa pag-amin ni Arnold ngunit sa paghila ni Denver kay Claire. Teka, may namamagitan na ba sa dalawang 'yon?
“Ano? Selos ka na naman diyan?” tanong muli ni Austin.
Inirapan ko si Austin bago magsalita. “Che!” wika ko saka sumunod na lumabas. Napansin ko pang napailing-iling muna ito bago ngumiti at sumunod sa'kin.