Chapter 24: Jewel's Greeting

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

JAMMY

Matapos ang nangyari sa Hades' building ay bumalik na kami ni Austin sa dorm. Si Denver? Hindi ko alam kung saan nagpunta. Wala rin naman akong pakealam sa ulupong na yun.

Nabalitaan naming nagkaroon ng blood clotting sa utak ni Ivan dahil sa ginawang pagtatangka ni Arnold sa buhay niya. Ayon kay Inspector Tan, mukhang matatagalan pa bago makabalik ang ace player sa paglalaro.

Why are these people resort their hatred and insecurities to violence?

Walang sumunod na client noong linggo kaya't petiks lang kami ni Denver sa Mystique Club. Nais ko sana siyang tanungin kung ano ang ginawa nila ni Claire kagabi. Only God knows what they did or where did they go last night. Sa kanya pa naman nanggaling ang mga salitang “Do not wander at late at night,” sa school premises. What a total hypocrite.

Ngayong araw ng lunes ay maaga akong pumasok upang hindi mahuli sa klase. Lately kasi I felt like I'm so lazy attending my classes, especially at morning period.

“Oh, Thyke. Maaga ka rin pa lang pumasok. Kamusta ang weekend?” bati ko rito bago umupo sa designated seat ko.

Ngumiti ito nang pilit sa akin. Bakas sa mata nito na naiilang ito sa akin. “Ayos lang naman. Same routine pag weekends. Magsisimba, pagkatapos ay maglalaro ng online game sa personal computer ko sa kwarto,” sagot nito. Inayos muna nito ang kanyang salamin sa mata bago muling ibalik ang attention sa notes nito.

May problema ba?

Ngumiti ako sa kanya bilang ganti. Ilang minuto rin nang dumami na ang bilang ng estudyante sa classroom namin. Kasunod niyon ay ang pagdating ni ma'am Lohiko para sa entrepreneurship subject namin.

Pagsapit naman ng lunch time, same routine, ay nagtungo kami nina Eloise at Sheila sa cafeteria. Matapos kumain ay papunta sana kami ng Mystique Club nang mapansin ni Sheila si Thyke na kalalabas lang sa building Zeus.

“Diba't wala nang tumutuloy sa building Zeus dahil sa madalas na disappearances ng mga estudyante roon?” tanong sa'min ni Sheila.

Tumango kami sa kanya bilang tugon.

Isang mapag-usisang mukha ang ipinaskil ng isa pa naming kasama. “Eh, ano naman ang ginagawa niya roon?” sunod na tanong ni Eloise.

Nagkibit-balikat lang kami ni Sheila bilang sagot.

Hindi nagtagal ay dumating ang isang pamilyar na babae sa aming gawi. Malawak na ngiti ang bumati sa'min ng ito'y aming tignan. “Oh, Jammy. Saan kayo pupunta?” tanong ni Hermione samin. Mukhang maayos na ang kalagayan nito.

“Sa Mystique Club,” sagot ko naman. Panay ang tingin nito sa isang direksyon kaya't nagtaka ako. “May hinahanap ka ba, Hermione?”

Bigla naman itong nag-pout sa'kin. “W-wala naman. Gusto ko 'yang hair clip mo. Sa'n mo yan nabili? Walang ganyan sa Mnemosyne Market, eh.” saad nito. Mula sa pag-pout ay naging masiglahing bata ang asta nito. Ambilis ng transition. Parang si Denver lang.

“Ayy, ito ba?” wika ko saka tinanggal ang aking hair clip. “Oh, eto. Sayo na lang.” Buong ngiti kong inilahad sa kanya ang hair clip. Lumawak naman ang ngiti ni Hermione habang kumikinang ang mga mata nito sa inabot kong hair clip.

“Uy, salamat, Jammy, ha,” aniya saka ako biglang niyakap. Nagtaka man ako sa ginawa niya pero yumapos na rin ako.

Kung 'di niyo naitatanong. Matagal ko nang gustong magkaroon ng kapatid. At ang gusto ko ay babae upang maging kasundo ko.

Matapos niyon ay nagtungo na kami ng Mystique Club at iniwan na si Hermione. May pupuntahan pa raw ito kaya't hindi na siya sumama sa'min.

“We have another client. Nag-iwan siya ng note sa pinto kanina,” bungad ni Denver pagkarating namin.

“Mr. Ramirez. May little concerns lang ako sa maintenance room dahil may masangsang na amoy doon. Di naman namin madetect kung saan yun galing. Nagsimula ang masangsang na amoy noong thursday, at masyado nang nakakasulasok para saming mga taga Vulcan's building. Sana matulungan mo kami. Salamat,” it read.

“Teka, bakit parang pamilyar sa'kin ang handwriting na 'yan?” wika ko. “Kilala mo ba Denver kung sinong nagpadala niyan?” sunod kong tanong.

Umiling muna si Denver bago magsalita. “I have no idea. Pero, sana may interesting sa masangsang na amoy doon,” sagot nito.

A minute of silence before Eloise prompted to speak. “Tagal na rin, Denver, nang huli kaming magpunta rito ni Sheila. Tanda mo ba nung—”

“Just forget the past,” pagpuputol ni Denver sa sinasabi ni Eloise.

Bahagyang nanahimik ang tatlo at bumalik sa dati ang nakakabinging katahimikan sa maliit na silid matapos niyon.

“Siya nga pala, Denver. Paano mo nafigure-out agad na si Arnold ang culprit?” pambabasag ko sa katahimikan.

Tila natatawa itong tumingin sa'kin bago sumagot. “It's very simple,” panimula nito. “Nung pabalik na tayo para ibalik kay Claire ang alaga niyang ibon, napansin kong may lumabas mula sa old clinic at may dala-dalang mga junkfoods. That's pretty unusual since ilang metro ang layo ng Mnemosyne Market mula sa old clinic. And the fact that the old clinic is abandoned, it adds the suspicion towards him. Kahit na nagtataka ako kung anong ginagawa ni Arnold doon, di ko na lang pinansin. Naiugnay ko lang na may kinalaman pala ang pagbagsak ng alagang ibon ni Claire sa pagtatangka sa buhay ni Ivan nang malaman kong isa rin siyang pitcher. Malas lang niya't nakita ko siyang galing siya sa old clinic pagkatapos nating madatnan na bali ang pakpak ni Zora,” paliwanag ng ulupong. “I'm just sad for the sparrow and Ivan. They got injured by Arnold in one shot. Isn't it amazing?” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. What's amazing in causing others to be injured? This guy is totally lunatic! Tsk!

Napatango-tango na lamang ako sa kanyang kinekwento. Hiding my real reaction towards his arrogance.

Umalis na kami matapos sabihin ni Denver na siya nang bahala mag-inspect sa kung anong meron sa maintenance room. Habang pabalik sa klase, tila may nararamdaman akong hindi maganda. Napatigil ako't nailibot ang tingin sa paligid.

“Bakit, Jammy?” takhang tanong ni Sheila sa akin.

Ibinaling ko ang atensiyon sa huli and shot her a serious glance. “Feeling ko may matang nagmamatyag sa'tin. Parang sinusundan tayo,” wika ko.

Her face were confused and her brows were slightly knitted. “W-wala naman,” utal na sabi ni Sheila. Bakas sa itsura nito ang pagkatakot.

“Wag mo nga kaming tinatakot, Jammy!” saad naman ni Eloise. “Tara na nga, umalis na tayo rito. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa sinabi mo,” pag-aaya nito.

Sumunod na lang kami ni Sheila sa kanya at nagbalik na sa classroom. Kung sino man ang sumusunod sa'min, sigurado akong may masama siyang binabalak. Hindi nagiging panatag ang loob ko sa tuwing iniisip ko ang tungkol doon. Mas mabuti nang mag-ingat.

It is currently P. E time at oras na ng pagpapalit ng damit. Napatigil ako nang mapansin kong tila may nagpumilit na nagbukas ng locker ko dahil sa mga gasgas sa susihan nito. I know that these marks weren't here the last time I checked.

“May problema ba Jammy?” tanong sa'kin ni Sheila.

“Sa palagay ko may nagbukas ng locker ko habang wala ako,” sagot ko rito. Namilog ang mata ni Sheila nang mapansin rin ang mga gasgas sa susihan ng locker ko.

“O! M! G! Jammy! May secret admirer ka!” patiling sabi ni Sheila.

Hindi bagay sa kanya maging si Eloise.

Wait!

Teka!

Is Sheila mimicking Eloise?

Di ko na lang pinansin ang sinabi niya at binuksan na ang locker ko. Tumambad sa'kin doon ang bouquet of flowers at isang kapirasong papel.

“Sabi ko sayo, Jammy, eh. May secret admirer ka,”

“No! He's not a secret admirer,” sagot ko saka ipinakita ang kapirasong papel.

‘Hi, Jammy. Would you mind if I ask you to go to the rooftop of Athena's building? I have prepared a little surprise for you.

See you there after class. - Denver.’

Kaya pala pamilyar ang handwriting nito. Galing pala kay Denver.

“It's Denver,” ani ko.

“Wahh! Is it really Denver?” saad nito na parang di naniniwala. “O! M! G! Jammy, alam mo bang hindi mahilig mang-surprise yang si Denver bukod sa mga nakakainis niyang pranks? This is the first time he behaves so sweet and romantic, oh my! Ang swerte mo!” kilig na kilig nitong sabi.

I swear, I know she is trying to mimic Eloise. Hindi siya ganyan normally, eh. From the way Eloise talks and to the minimal hand gestures, Sheila definitely is trying to mimic her friend. But why?

“Talaga?” tanong ko rito saka inamoy-amoy ang flowers na padala ni Denver. Hindi ko mapigilang ngumiti kaya't ginawa ko na.

“Awiee, kinikilig ka, noh?” panunukso ni Sheila sa'kin.

“Hindi, ah!” todo tanggi ko sa sinabi. “This is also the first time I have received bouquet of flowers from an admirer. Hindi ko lang in-expect,” dagdag ko.

Pumunta na kami sa open field para sa exercises. Tulad ng sinabi ni ma'am Hinonez, magtetraining kami kung paano gamitin nang tama ang arnis.

There were twelve stances na siyempre, nakakatamad sauluhin. At napakaraming strikes na karamiha'y inversely proportional sa certain target.

Since puro lamang swinging at twirling ang movement ng arnis, madali lamang akong naka-catch up sa lesson. However, sa dami ng techniques at defense move na kailangan matandaan, nahihirapan akong makipagsabayan kay Austin. Siya ang partner ko, este, ka-sparring ko ngayon.

“You might be unconscious now if you don't know how to guard your left temple,” wika ni Austin sa'kin habang naka-oblique stance.

Ako? Hindi ko alam kung may tawag sa stance na ginagawa ko. Hawak ko ang arnis at naka-ibaba ang kanan kong kamay habang nakatukod ang isa sa tuhod ko dahil sa paghingal. Ano bang tawag dito? Surrendering stance? Time pause? I don't know!

“I hate this one. Mas gusto ko pa ang spear fighting kaysa rito. I'm very frustrated. Ni di man lang ako makatama sa'yo,” pagpoprotesta ko.

“Oh, really? You're into spear fighting, huh?” komento naman ni Austin saka tumayo nang kaswal. “Quickly… get up. We're going to check Denver. May importante raw siyang sasabihin,” dagdag nito. Agad ko naman 'yong sinunod at inilagay na sa bag ang pares ng arnis na dala-dala ko.

Nagtungo kami ng Mystique Club at doo'y nadatnan naming nakahawak ang dalwa nitong mga kamay sa ulo nito. Nakataas ang parehong paa sa mesa. Katabi niyon ang laptop nito at isang baso ng kape na sa tingin ko'y katitimpla lang dahil nag-eevaporate pa ang usok mula sa baso.

“Anong nangyari, bro?” bungad tanong ni Austin.

“Someone—”

Habang tinititigan ko si Denver ay siya naman ang unti-unting pagkawala ng tunog sa boses nito. Hindi ko na siya maintindihan. Ang alam ko lang ay nagliliwanag siya kung saang spot siya naroon. Hindi ko alam kung bakit hindi na 'ko naiirita sa usual posture niya mula nang magbukas ang Mystique Club. Pero ang tanging naaalala ko na lamang ay ang ipinaabot niya sa'king bulaklak at mensahe kanina sa locker ko.

Magkikita kami mamaya sa Athena's building. It will be a~~

“Jammy? Are you okay?” takhang tanong sa'kin ni Austin.

“Do you know who Jewel is?” sunod namang tanong ni Denver.

Bigla akong natauhan sa pangungulbit sa'kin ni Austin. OMG! Nag-daydream ba 'ko? Shemay! No! No! No, Jammy! No!

“Huh? Who, who's Jewel?” lito kong tanong. Tila nawawala ako sa sarili't nakaligtaan lahat ng sinasabi ni Denver kanina.

“The one who sent us a service request,” wika ni Denver saka ibinaba ang mga paa nito. Lumapit ito sa'min at muling nagsalita. “That's only a bait. Someone tried to knock me off while he's on behind. Mabuti na lang at alerto ako. Nagawa 'kong pigilan siya sa binabalak na patulugin ako using a handkerchief with anesthetic. The bad thing is… nakatakas siya, pero may iniwan ulit siyang mensahe para sa'tin,” saad nito sa'ka inabot sa'min ang panibagong note.

‘Great! The Mystique Club is back. But, we're not scared of the threat that you might cause. And I'm not scared if you have managed to take down Hyena, I must thank you, I've got what I wanted. Zero might be in silence by this time, however, there's someone to replace him unto his evil doings. And it's me, Jewel. So better watch out, my little foes.

“Teka! Pamilyar talaga sa'kin ang handwriting na 'to.”