Chapter IV Another Nightmare
LEIGHNA
"Mommy! Mommy! Wake up!" Takot na pagsisigaw sa akin ni Azi habang nasa kalagitnaan ako ng mahimbing kong pagkakatulog.
Nakailang ulit pa siya nang pagsisisigaw bako napamulat ng tuluyang ang aking mga mata. At sa pagkakataong iyon agad ko siyang tinanong kung bakit panay ang pagtawag niya sa akin habang ako'y natutulog.
"Bakit ba Azi, can't you see that mommy is sleeping?" Pabulong kong tanong sa kanya sapat lamang upang marinig niya nang maayos.
Tatawagin pa sana akong muli ni Azi ng talikuran ko ito, dahil gusto ko pang matulog.
Ngunit, kakatalikod ko pa nga lang sa kanya ay bigla nanaman itong nagsalita.
"May tao po sa baba. K-kanina pa po katok ng katok. Sobrang nakakatakot po. Hindi rin po ito tumitigil sa pagkatok, hindi po namin alam ni kuya Leimer ang gagawin. Yaya Loureiss is not here pa po." Takot nitong pagpapaliwanag sa akin. Sa tono ng boses niya mababakas na nagsasabi nga siya ng totoo at walang kinalaman ang pagpaprank nila ng kuya niya.
Dahilan ito ng tuluyan kong pagbangon, lalo pa't wala si Kelmer at si Yaya Loureiss, tanging kami lamang tatlo ang naririto sa loob ng bahay.
Agad nga kaming lumabas ng kwarto ni Azreille kahit na alam kong nakapaa lamang ako at upang matukoy namin agad kung sino nga ba itong katok ng katok.
"Where is your kuya Leimer?" Pagtatanong kong muli kay Azi, habang naglalakad kami patungo sa gawi ng aming salas.
"He's on the receiving area po, kanina ko pa po sinabi sa'yo mommy." Naiinis niyang pagsasaad. Dala ng kabang naramdaman ko kanina, nakalimutan ko nang naikwento na rin pala ni Azi kung nasaan si Leimer.
"Bakit mo iniwan ang kuya mo doon? Paano na lamang kung aksidenteng mabuksan ang pinto na yun?" Nag-aalala kong tanong sa kadahilanang bata pa si Leimer at wala pang masyadong alam sa dapat niyang gawin na maaring makapahamak sa kanya o sa amin.
"He told me po na puntahan kayo at gisingin na." Pagsasaad ni Azi na nag-aalala na rin sa kung ano ang kalagayan ng kuya niya. Mas lalo akong kinabahan sa isiping nag-iisa lamang siya sa salas kaya mas binilisan namin ang aming paglalakad.
Bago pa man kami makarating sa hagdan ni Azreille binilinan ko na siyang huwag nang sasama pa sa akin at dumiretso na lamang sa kanilang kwarto at hintayin ang kuya niya roon. Upang matiyak kong pareho silang nasa ligtas na lugar sakaling mabuksan ang aming main door.
"Huwag ka ng sasama pa sa akin. Just go straight to your room at hintayin mo na lamang ang kuya mo roon. Naiintindihan mo ba ako?" Maawtoridad kong utos kay Azi at agad naman siyang tumango. Ngunit hindi ito umalis sa kanyang kinatatayuan.
"Go to your room now!" Pag-uutos kong muli kay Azi, na agad din naman niyang sinunod, dala na rin nang takot niya sa boses ko na hindi ko naman sinasadyang mapalakas.
Wala na akong natanggap na kahit anong salita o reklamo mula kay Azi, tanging pagtango at pagsunod lamang ang ginawa nito, maaari ngang natakot siya sa tono ng boses ko kaya hindi na siya nangunit o nagtanong pa.
Dali dali akong nagtungo sa gawi ng aming receiving area upang salubungin at pagsabihan si Leimer na magtungo na sa kwarto nila ni Azi.
Bumungad nga sa akin ang malalakas na kalabog ng pinto at si Leimer na nakatuon lamang ang buong atensyon sa aming main door.
Agad ko siyang nilapitan upang pagbilinan, at kausaping manatili lamang sa kanilang kwarto sakali ngang makapasok itong panay ang katok sa aming pinto.
"Baby makinig ka sa akin, kailangan mong pumunta sa kwarto niyo ng kapatid mo at kailangan ninyong ilock ang pinto, okay? Bubuksan niyo lamang ito, kapag sinabi ko. Understood?" Pabulong kong wika kay Leimer, sapat na upang kami lamang ang makaririnig. Halos hindi na makaimik si Leimer nang tumingin ito sa akin marahil sa kaba at takot na kanyang nadarama sa mga oras na ito.
Kagaya ni Azi, tango lamang ang tanging sagot nito sa akin. Agad siyang tumakbo patungong 2nd floor namin nang marealize ang mga pinagsasabi at bilin ko sa kanya.
Tiniyak kong nakapunta na siya sa kwarto nila bago ko harapin ang pinto. Nakakailang katok na nga ang tao sa labas na tila nais na nitong sirain ang pinto makapasok lamang.
Nilakasan ko ang loob ko upang makalapit sa pinto at ilang dipa pa nga lamang ang layo ng kamay ko sa door knob ng bigla namang nawalan ng kuryente.
Wala akong makita, sa kadahilanang nawalan ng kuryente at bumungad sa akin ang napakadilim na sala.
Agad kong kinapa ang bulsa ng suot kong damit, at hindi ako nabigo dahil nasa loob ng bulsa ang cellphone ko.
Agaran ko itong kinuha at itinurn on ang flashlight sa cellphone ko upang magkaroon ng liwanag sa aking paligid kahit pa hindi ganon kaliwanag ang maidudulot nito.
Nawala na ang kuryente't lahat lahat pero ang misteryosong tao sa labas ay walang tigil sa pagkatok, at hababg tumatagal mas lalong lumalakas ang magkakasunod na katok nito.
Naisipan kong magtungo muna sa kusina upang maghanap ng bagay na maaaring makatulong sa akin kung sakaling mabuksan nito ang pinto.
Wala akong ibang maisip na maaari kong ipanghampas sa kanya kundi ang walis tambo. Kinuha ko na lamang ito dahil baka sakali ay makatulong ito sa akin.
Nang makuha ko na ang pakay ko sa kusina ay dahan dahan akong nagtungo sa pintuan.
Naisipan kong sumilip sa maliit na bukas mula sa pintuan na tanging kami lamang ni Kelmer ang nakakaalam.
Ngunit laking gulat ko nang pagsilip ko dito may sumisilip ring mata mula sa kabila.
Agad kong pinatay ang ilaw sa cellphone ko at sinigurado na nakadouble lock ang pinto. Iniharang ko rin ang ilang sofa na kayang mailagay doon upang mas makatulong na mahiral siyang mabuksan ang aming pinto.
Kinabahan ako sa di ko maipaliwanag na dahilan, dahil lamang sa nakita ko mula sa kabila.
Napakadilim ng buong paligid maging sa labas ngunit malinaw kong nasilip ang mata nito na sumisilip din.
Nang walang ano-ano'y napatakbo ako sa taas at nagtungo sa kwarto ng mga anak ko. Di ko na naisip na maaari akong matalisod o ano ang tanging nasa isip ko ay makalayo sa aming maindoor at makarating sa kwarto nina Leimer.
Hindi ako kumatok sapagkat baka makatunog ang misteryosong tao sa labas na nagtungo ako sa isa sa mga kwarto sa taas. May posibilidad na marinig niya ang ingay na maidudulot ko gayong napakatahimik ng buong paligid.
Tanging mahinang bulong lamang ang nagawa ko sapat na upang marinig nina Leimer at Azreille para mapagbuksan ako ng pinto.
"Leimer, Azi, si Mommy ito. Buksan niyo ang pinto, please baby." Nakailang tawag pa ako sa kanilang pangalan bago nila ito tuluyang buksan.
Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto nila at masigurong nailock namin ang pinto, ay agad kong binuksan ang cellphone ko at hinahanap sa contacts ang pangalan ni Yaya Louriess upang tawagan ito.
Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko habang hinahanap ang pangalan ni Yaya Loureiss sa contacts.
Alam kong hindi ugali ni Yaya Loureiss na ioff ang cellphone niya pero out of coverage ito.
Nakailang tawag na ako pero ito lang ang tanging sagot sa akin ng cellphone ko.
Napagdesisyunan kong tawagan si Kelmer, at nagbabakasakaling masasagot niya ito agad.
Nakakaisang tawag palang ako sa numero ni Kelmer pero pareho lang din ang sagot ng cellphone ko sa akin. Pareho silanh out of coverage.
Sinubukan ko muling tawagan si Yaya Loureiss, nagbabakasakaling masasagot na niya ang tawag ko. Hindi pa man din nagriring ang cellphone niya ay bigla namang nasilabasan sa notification ko ang ilang balita tungkol sa serial killer.
Ang ilan ay nagsasabing pagala-pagala daw ang taong ito at naghahanap ng mabibiktima.
Mas lalo akong natakot dahil dito, hindi pa man din ako naktitiyak kung totoo nga pa ang mga balitang iyon ay matindi na ang kabang nararamdaman ko.
Na baka yung panay ang katok sa labas ang ang pinaghihinalaan na pala nilang serial killer.
Hanggang ngayon hindi pa rin ito tumitigil sa pagkatok. Kulang na lamang ay sirain niya ito.
Rinig na rinig na ang malalakas na pagkatok nito sa pinto dahil sa katahimikang bumabalot sa buong bahay.
Tagiktik na rin ang pawis sa nuo ko dahil sa takot na aking nadarama.
Ng mawalan na akong pag-asang matatawagan ko pa sina Yaya Loureiss at Kelmer, ay tinigilan ko na.
Nakikiramdam na lamang kaming tatlo sa nangyayari sa baba.
Nagulantang kaming tatlo sa biglaang pagtunog ng cellphone ko, at hindi ko pala ito naisilent man lang.
Kaya agad kong tinignan kung sino ang biglaang nagmessage sa akin.
Tila nagkaroon ako ng pag-asa nang si Yaya Loureiss pala ang nagtext sa akin.
I immediately texted her back sinasabing humingi siya ng tulong dahil mayroong misteryosong tao sa labas na panay ang katok.
Sinubukan kong muling idial ang numero ni Kelmer at nagbabakasaling masasagit niya ito. Ngunit bigo na naman akong muli.
Ilang segundo nga lang ng pagreply ko kay Yaya Loureiss ay agad din itong tumawag sa akin. Agad kong sinagot ang tawag ni Yaya Loureiss ng sa ganoon ay mas magkaintindihan kaming dalawa.
"Ma'am Leighna, nandito na po ako sa may labas po ng gate. Wala naman pong tao sa may pinto po ng bahay ninyo." Siguradong sagot sa akin ni Yaya Loureiss.
Naguluhan ako panandalian sa sinagot sa akin ni Yaya Loureiss. Dahil ng sabihin nga nitong wala namang tao sa labas ay siya ring pagkawala ng malalakas na katok.
"S-sigurado ka ba Loureiss na wala kang nakitang tao riyan sa labas?" Naguguluhan kong tanong kay Yaya Loureiss.
"Sigurado po ako ma'am, wala po talagang tao rito sa labas."
"Ma'am papasok na po ako, dahil mabibigat po ang dala ko po. Namalengke po kasi ako kanina, naubusan na po kasi tayo ng stock."
"Sige, hintayin mo ako riyan at pababa na ako." Sagot ko sa kanya mula sa kabilang linya.
Kaya agad naman akong bumaba habang hindi ibinababa ang tawag ni Yaya Loureiss.
Kasabay nito ay ang pagbalik muli ng kuryente, at doon ako mas nakampante marahil sa nakikita ko na aking dinaraanan.
Nasa huling hakbang na ako ng hagdan ng napagpasyahan kong tanungin si Yaya Loureiss kung nasa labas pa rin ba siya.
"Yaya Loureiss, nandyan ka pa ba, pumasok kana sa gate at sasalubungin na kita."
"Opo ma'am naririto pa po ako, nakapasok na po ako ng gate ma'am."
Abot kamay na ng aking kamay ang door knob ng may narinig ako mula sa kabilang linya.
Bagay na ipinagtataka ko dahil napakalakas ng pagkakabagsak nito.
Taranta akong tinanong si Yaya Loureiss kung anong nangyayari, pero wala ng sumasagot mula sa kabilang linya.
Ilang mabibigat na yabag ang narinig ko at tila paghatak sa isang mabigat na bagay.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sumigaw, dahil sa labis na kabang nararamdaman ko.
***
Gulantang akong napabangon mula sa kamang hinihigaan ko, dahil ang akala ko ay nasa may tapat ako ng pinto ngunit nandirito ako ngayon sa kwarto namin kasama si Kelmer.
Gulantang din akong napatingin sa orasan malapit sa mini table dito sa aming kwarto, dahil mag-aalas tres palang ng umaga.
Hindi ko mawari kung totoo ba ang nangyari o sa panaginip lamang ito nangyari, totoong totoo lahat at detalyado-detalyado. Mas lalo akong kinabahan sa isiping ilan sa mga napapaginipan ng isang tao ay nangyayari sa totoong buhay o sa hinaharap hindi man ngayon maaaring sa susunod na araw. Ma lalo lamang akong natakot hindi para sa akin kundi para sa aking pamilya lalo na sa aking mga anak.