Chapter V Unknown Caller

LEIGHNA

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuhang mag-move on dala ng panaginip ko na 'yon.

Totoong-totoo ang lahat ng mga pangyayari. Pati na rin ang takot na aking nadarama sa mga oras na iyon.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang masamang panaginip na iyon, o baka nga dala ko pa hanggang sa susunod na araw.

"Ano ba?! Masyado ba akong maliit sa paningin mo upang hindi mo ako makita?" Iritadong saad ng babae na hindi kalayuan sa gawi ko.

Dahil nga sa kalutangan ko, ako pala ang pinagsasabihan niya, sa kadahilanang aksidente ko pala siyang nabangga.

Napangiwi nalang ako ng makita kung sino ang nabangga ko. Walang iba kundi ang wirdo kong katrabaho. At himalang mataray pala siya, sadyang tahimik lang na tao.

"I-Im sorry, malay ko bang nariyan ka." Utal kong paghingi ng tawad na may halong paninisi.

"So ganyan pala humingi ng sorry ang isang katulad mo? How sincere you are, should I admire you that way?" Sarkastiko nitong wika, kasabay ang mapanghusgang titig sa akin mula paa hanggang sa dumapo ang kanyang mga mata sa aking mukha.

Ngayon ko lang pala napansin na kaya pala ganyan siya kataray at umasta dahil sa nag-ayos siya ngayon. Mukha siyang tao sa maayos na pagkakalagay niya ng kolorete sa kanyang mukha at binagayan pa ng fitted dress with matching blazer top.

"Excuse me lang ha, nabangga lang kita, pero kung makareact ka dyan, kala mo big deal yun sa'yo. May I just remind you bago ka lang dito, akala ko pa naman hindi ganyan ang ugali mo, nagkamali pala ako." Agad nagbago ang reaksyon ko nang mapagtantong hindi ko nga pala gusto ang ugaling ibinungad niya sa akin.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, dahil agad akong naglakad ng mabilis.

Konting konti nalang talaga iisipin kong siya ang serial killer na nababalita sa tv. Pero babae siya at paano niya naman yun magagawa? Talagang wirdo.

Muling bumagabag sa aking isipan ang bawat pangyayari sa aking panaginip. Pinilit kong pagpaniwalain ang sarili ko na hanggang panaginip lamang sila, walang totoo ni isa sa mga pangyayaring iyon. Pero ang ipinagtataka ko kung bakit takot na takot ako ramdam na ramdam ko pa din ang kabang nararamdaman ko sa panaginip ko na iyon tila hindi maiaalis pa.

Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili, lumanghap at t huminga nang palabas. Kung tutuusin pwede ko namang hindi na pagtuunan pa ng pansin iyon, pero tila hindi ko yata kaya lalo na't hindi lang ang buhay ko ang maaaring malagay sa kapahamakan.

Kung sana alam lang ni Kelmer ang nangyayari sa akin at ang nararamdaman ko, edi sana kahit papaano napapanatag ang loob ko, may napaglalabasan sana ako nitong masasamang panaginip ko na 'to.

Itanggi ko man sa hindi habang tumatagal, mas lalong pinagtutuunan ng pansin ni Kelmer ang trabaho niya kaysa sa amin.

Pero naiintindihan ko naman siya sa gusto niya, he just want the best for us lalo na sa mga anak namin, kahit pa na pareho kaming may trabaho.

***

Time just go fast, and I agree with that. Natapos ang araw ko na halos walang pumapasok sa isipan at sistema ko, walang bagay na ibang sumagi sa isipan ko kundi ang mga kaganap sa aking panagip.

Ni hindi ko na nagawa pang magpaalam kina Camie. Masyadong ukopado ang isipan ko sa mga oras na yun.

Hindi na ako dumaan pa kahit saan dahil dumiretso na ako pauwi sa amin, bago magdilim.

Nakauwi naman ako sa bahay ng maaga ngunit ni isang tao sa bahay ay wala akong nadatnan.

Maaaring nasa paaralan pa ang mga bata, yun ay kung oo.

Nagtungo ako sa kuwarto upang magpalit ng damit pambahay at maghanda na ng hapunan namin, nang sa ganoon ay uuwi silang may madadatnang pagkain.

Natapos akong magluto ng pawisan, dahil nakaligtaan kong i-on ang aircon namin.

Pagod at antok ang nadama ko matapos gawin ang dapat kong gawin dahil sa mayroon pa akong oras.

Dahil sa nakabibinging katahimikang bumabalot sa loob ng buong bahay at sa pagod na nararamdaman ko, hindi ko naiwasang makatulog sa sala.

***

Nagising ako sa ingay ng telepono na malapit sa kinahihigaan ko.

Agad akong nagmulat ng mata at sinagot ang tumatawag sa telepono. Nagising na ako lahat lahat wala pa rin silang lahat at malapit ng magdilim.

Inabot ko ang telepono at bagot itong sinagot.

"Hello? Cuero residence speaking, who's this?" Pagpapakilala ko sa telepono upang sumagot din ito.

"Is this Mrs Leighna Cuero?" The caller asked me back, with a tone of having a porker face kahit hindi ko naman ito nakikita, pero mahahalata mo pa rin sa tono ng pananalita niya.

Naguluhan ako sa pagsagot nito sa akin dahil sa alam nito ang pangalan ko gayong family name lang naman namin ang nabanggit ko.

Pero isinawalang bahala ko na lamang ito, dahil maaaring sa mga dokumentong nasa kanila, o maaaring sa pinagtatrabauhan ito ni Kelmer.

Pero I have this side na tila pamilyar sa boses ng kausap ko. It was like I already talked to him before na hindi ko maalala kung saan at kaninong boses ito nagmumula.

"Yes, this is Mrs Leighna Cuero, how may I help you sir, and who's this again?" I forwardly asked nang sa ganoon malaman ko ang punto kung bakit ito napatawag, gayong wala naman kaming inaasahang tawag.

"You must be killed." Diretsahan nitong sagot over the phone.

Magsasalita sana akong muli, ngunit bigo na ako dahil pinatay na agad nito ang tawag.

Nanigas ako sa kinauupuan ko at sandaliang napatulala nang marealize ko ang mga salitang binanggit nito, iniisip kung totoo at tama nga ba ang narinig ko mula sa kanya.

Prank call ba ito, o sadyang wrong telephone number lang ang kanyang natawagan?

Pagbabanta ba iyon, dapat pa ba akong makampante sa kaligtasan ko o ng pamilya ko o babala ba ito sa akin?

His last word brought a trauma to me. The way he said those words makes me nervous and I don't know why. It was just a simple words yet it brought huge strange.

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at mabilisang tinawagan ang numero ni Yaya Loureiss, dahil alam kong sa mga oras na ito ay kasama na niya ang mga bata.

Hanggang ngayon ay wala pa din sila kaya nag-aalala na ako. Binabalot na ng dilim ang buong kapaligiran ng silipin ko sa binta malapit sa puwesto ko habang sinusubukang tawagan si Yaya Loureiss.

Nakailang dial pa ako bago ito sagutin ni Yaya Loureiss. Walang ano-ano naman akong nagsalita ng masagot na nito ang tawag ko, hindi ko sadyang mapasigaw pero sa pag-aalalang nararamdaman ko ay hindi ko na napakalma pa ang sarili ko.

"Loureiss, where are you, nasaan sina Azrielle at Leimer?" Walang preno kong litanya dala ng matinding takot.

Ilang segundo akong naghintay sa isasagot sa akin ni Yaya Loureiss pero bigo ako kaya muli akong nagtanong, umaasang sa pagkakataong ito ay sasagutin niya ang tanong ko.

"Yaya, do you hear me? I said where on Earth are you?!" Hindi ko na naiwasang mapasigaw over the phone dahil sa hindi pagsagot agad sa akin ni Loureiss.

Muli akong nagsalita, nagbabakasakaling sasagot na siya sa tanong ko.

"Uulitin ko, nasaan kayo?! Hindi mo ba ako naririnig, nasaang lupalop ba kayo?!" Mangiyak ngiyak kong tanong kasabay ang pangingig ng aking kamay mula sa cellphone, dala ng galit at tensyong nadarama ko.

Masyado na akong nag-aalala sa kalagayan ng mga anak ko. Kung ligtas lang ba sila sa kung nasaan sila ngayon o baka may nag-aabang na ba sa kanila at humahanap ng tiyempo upang mapasama sa mga biktima nila. Na baka yung tumawag sa akin kanina matagal na pala kaming minamanmanan.

Saglit akong napahinto sa pag-iisip ng may marinig akong kakaiba mula sa kabilang linya. Kaya nagsalita akong muli at umaasang ligtas sila at pauwi na.

"Yaya Loureiss, do you hear me, again where are you and the kids?" Kalmado kong tanong, kahit pa sasabok na ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig kong katawan.

"H-hello ma'am. Ma'am sorry po wala wala po kasi ang signal dito po sa playground. Nandito po kami ngayon, b-bakit po ma'am , may problema po ba?" Kinabahan ding tanong ni Yaya Loureiss sa kadahilanang napataas ako ng boses kanina habang hinihintay ang pagresponde nito sa tanong ko.

"Umuwi na kayo rito. Right now!" Maawtoridad kong litanya, ng sa ganoon ay umuwi sila agad at huwag nang humirit pang ilang minutong pananatili at paglalaro sa playground.

"O-opo ma'am p-pero ayaw pa po ng mga bata na umuwi."

"I said umuwi na kayo, as in now. Just tell them na pinapauwi ko na sila, no buts just do what I have said." I ended the call right after what I did, hindi na naghintay pa ng sasabihin mula kay Yaya Loureiss dahil hahaba lamang at usapan at mas lalo lamang silang matatagalan doon.

Kahit pa nasa playground lang sila nitong subdivision namin, hindi ko pa rin maiwasang kabahan o makaramdam ng takot lalo na't nasa labas sila ng bahay at malayo sa puder ko.

Gulantang akong napatingin sa gawi ng telepono ng biglaan itong mag-ring.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi, sa pag-aalalang baka tumawag na nanamang muli ang tumawag kanina.

Tanging si Yaya Loureiss lang ang ini-expect kong tatawag pero hindi siya sa landline namin tatawag kundi sa mismong cellphone number ko.

Nakakailang ring na ang telepono pero nagdadalawang isip pa rin ako kung sasagutin ko ba ito o hahayaan na lamang sa pagring.

Namalayan ko nalang nga ang aking sarili sa hindi maintindihang pangyayari at hawak- hawak ko na ang telepono at handa ng sumagot dito.

Hinintay kong maunang magsalita ang nasa kabilang linya bago ako mag-salita. Upang malaman kung si Yaya Loureiss ba o ang misteryosong tumawag kanina.

Pero imbes na salita ang dapat na marinig ko, it was just a horrible laugh coming from a voice of a man.

It was like pamilyar na naman ang tawa niya at narinig ko na ito somewhere that I didn't know at hindi ko matandaan kung saan at kailan ko ito narinig.

Handa na akong magsalita ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Yaya Loureiss kasama sina Azi at Leimer.

Halos tumalon na ang puso ko sa sobrang takot at pagkagulat na nararamdaman ko.

"Ma'am okay lang ho ba kayo?" Alalang tanong sa akin ni Yaya Loureiss at agad tumakbo sa gawi ko.

"Hala ma'am bakit po putlang-putla ho kayo?" Ani Yaya Loureiss, na kinakabahang usisain ako.

Kasabay nito ang muling pagsalita ng tao mula sa kabilang linya. "Kayo na ang susunod sa mamamatay."

Tuluyan ko ng nabitawan ang hawak hawak kong telepono. Napaupo na lamang ako sa couch dala ng pangambang aking nadarama.

Unti-unting nanglabo at dumilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan ko ng hindi namalayan ang sumunod na nangyari sa akin.