Chapter III News

LEIGHNA

Nagising ako sa ingay ng tv na nagmumula sa sala.

Medyo antok pa ako pero pinilit kong bumangon.

Si Kelmer nalang sana ang uutusan kong patayin ang nakabukas na tv, ngunit mahimbing na itong natutulog.

Tatayo pa lang ako ng biglaang sumakit ang ulo ko at tila nahihilo ako. Dahil na rin siguro ito sa nangyari kagabi sa kadahilanang late na ako nakatulog.

Bahagya muna akong naupo at pinagpahinga ang sarili at mariin na napapikit.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto, bago muling imulat ang aking mga mata at tumayo.

Ewan ko ba, ngunit kay aga aga namang binuksan ni Loureiss ang telebisyon at napakalakas pa nito.

Pababa pa lamang ako ng hagdan rinig na rinig ko na ang napalakas na ingay na nagmumula sa tahimik na sala.

Ilang hakbang pa lamang bago ako makarating sa first floor ay tinawag ko na agad si Yaya Loureiss, nagbabakasakaling maririnig niya ako.

Ngunit tila bigo ako sa pagtawag kay Yaya Loureiss, dahil natatalo ng ingay ng telebisyon ang boses ko.

"Yaya Loureiss!" Pagtawag ko sa kanyang pangalan kahit pa hindi ako nakakatitiyak na maririnig niya ako.

Nakarating na ako sa sala ngunit ni anino ni Yaya Louriess ay walang lumitaw. Kaya wala rin akong ibang nagawa kundi ang magtungo sa gawi ng aming telebisyon at patayin ito.

Papatayin ko na sana ang telebisyon ng mawala ang antok ko dahil sa balitang pinapalabas.

Lahat ng sakit ng ulo ko ay tila ba nawala dahil sa nakikita ko.

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko at nanlalamig sa nakikita kong balita mula sa telebisyon. Mga karumal dumal na pagpatay.

"Ilang babae nanaman ang natagpuan sa bakanteng lote na karumal-dumal na pinagpapatay. Pinaghihinalaang masusuing pinag-aralan ang kanilang pagpatay sa mga biktimang ito. Sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin ito ng mga awtoridad upang matukoy at malaman kung sino ang may kagagawan nito. Muli ay pinag-iingat ang lahat, lalo na angmga kababaihang ginagabi ng nakakauwi galing sa kani-kanilang trabaho. Muli ito po si——" Hindi ko na pinatapos pa ang news anchor at pinatay ko na agad ang tv, na hindi ko naman dapat agad papatayin pero may nagtulak sa akin na hindi ko na dapat ito panoorin pa at patayin na lamang ang telebisyon.

Nakaramdam ako ng matinding kaba dulot ng napanood kong balita. Sa hindi maipaliwanag na dahilan tila lahat ng mga nakita ko sa telebisyon ay nakita ko na kung saan man ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Pamilyar sa aking isipan pero ang alalahanin kung saan ang eksaktong lugar ay hindi ko maalala.

Kalat na nga ang patayan, pero masyado namang marahas ang nangyayari sa panahon ngayon. Ganoon na lang ba kawalang-awa ang ang tao, nakapamarahas na gawain walang kapatawaran.

Masyado din yatang galit ang serial culprit na ito, at mga babae pa talaga ang palagi niyang biktima. Base sa nakita kong larawan kanina, ngunit babae man o lalaki kailangang- kailangang mag-iingat lalo na sa daan kung mapagtitripan ka ng hindi mo kilala.

Baliw din yata itong culprit na ito, wala sa tamang katinuan kung pumatay, ano nga ba ang aasahan ko sa ganitong klaseng tao, hinihiling ko na sana mahuli na agad ang taong ito sa lalong madaling panahon dahil habang tumatagal mas lalong dadami ang mabibikta ng baliw na ito.

Napagpasyahan kong matulog nalang muli, dahil masyado pang maaga para maghanda ng makakain namin. Lalamig lamang ito kung ihahanda ko na ngayon mas maiging itulog na lamang lahat ngayon dahil masyado nanamang maraming gumugulo sa aking isipan.

***

Gulantang akong nagising dahil sa panaginip ko. Nang mapatingin ako sa alarm clock namin ay huli na pala ako sa trabaho, kaya napagpasyahan ko na lamang na ipagpaliban na muna ang pagpasok, maiintindihan naman ako ng boss namin.

Nakatitiyak din akong maagang umalis si Kelmer, dahil ang gisingin ako ay hindi na niya nagawa pa, o ang magpaalam man lamang sa akin o di kaya mag-iwan man lamang ng mensahe ay wala.

Hindi ko na rin nagawang ihatid ang mga bata dahil kahahatid lang ito ni Yaya Loureiss, sapagkat wala na silang tatlo dito. Nakatitiyak din ako mahuhuli na sila kung hihintayin pa nila akong magising upang ihatid ang dalawa.

Ako na lamang mag-isa ang naiwan.

Nang makarating ako ng kusina ay agad akong naghanap ng gamot sa emergency kit ngunit bigo akong makahanap ng gamot sa sakit ng ulo.

Wala naman na akong ibang choice kundi ang lumabas ng bahay at bumili ng gamot sa pinakamalapit na pharmacy sa labas ng subdivision namin.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi mangamba, o matakot kahit alam kong sa gabi lamang sila naghahanap ng mabibiktima. Nasa labas pa din ako at tiyak akong napakamapanganib.

Dahil sa pangyayari kagabi at sa napanood ko kanina, hindi ko maiwasang pakalmahin ang sarili ko, at huwag mag-isip ng kung ano anong ikapaparanoid ko.

Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa malayo na hindi ko kilala.

Mga matang nanlilisik at ang tanging nais ay ang makapatay ng tao.

Hindi ko maiwasang matakot hindi lang para sa akin kundi na rin sa aking mga anak. Sa aking pamilya.

That news was to harsh for the eyes of the viewers.

Hanggat maaga pa ay dapat na nilang mahuli ang serial killer na ito.

Wala pang nakakaalam kung sino siya o sila, dapat lang nila itong pagtuunan ng pansin dahil may buhay na tiyak akong mapaglalaruan nila.

Sa kakaisip ko tungkol sa balitang iyon ay nakarating na pala ako sa pinakamalapit na pharmacy dito sa amin.

Agad akong nagtungo sa kahera at sinabi kung ano ang kailangan ko.

"Ano po ang kailangan niyo ma'am?" Pagtatanong ng nag-iisang kahera sa botika.

"Gamot sa sakit ng ulo 'yong sampung tableta na sana." Sambit ko at agad naman itong pumunta sa gawi nito. Sampung tableta na ang binili ko incase kailanganin muli ay may nakareserve na sa bahay.

Iniabot ko ang bayad ko at hinintay na maibalik sa akin ang aking sukli at gamot kasama ang resibo nito.

Matapos kong bumili ng gamot ay agad din akong bumalik sa aming bahay at ininom na ang gamot na binili ko kasabay ang pagkain dahil may nakahanda naman na, na tiyak kong si Yaya Loureiss pa ang naghanda.

Napagpasyahan kong magpahinga muna at nagbabakasakaling makakakuha ako ng sapat na pahinga.

Muli akong bumalik sa kuwarto at inilapat ang sarili sa malambot na kutson at ilang minuto nga lang ay nakatulog na akong muli.

"Mamatay kana! Huwag ka ng magtago pa dahil mahuhuli at mapapatay din kita!" A strange voice of a man echoed in the whole room, as he slowly walking towards my direction.

Hindi ko nga maalala kung paano at kailan ako nakapunta dito, ang alam ko lamang kailangan kong tumakbo at magtago sa kanya.

Ni hindi ko din maalala kung saang lugar ako napunta, dahil nakatitiyak akong hindi naman ako pumupunta sa ganitong lugar. Lugar na napakadilim at tila walang hangganang pasilyo na kung ilalarawan ko para itong isang tunnel, marumi, mamasa-masa at may naksusulasok na amoy na hindi ko alam kung saan nagmumula.

Nalaman ko na lamang na may humahabol sa akin at kailangan kong magtago upang hindi niya ako mahuli.

Maingat akong nagtatago upang hindi ako makagawa ng anumang ingay nang sa ganoon hindi niya ako mahuli at mapatay.

"Kung ako sa'yo sisimulan ko ng magpakita at tumakbo imbes na magtago. Dahil oras na makita kita agad kitang papatayin. Pagpipirasuhin ang katawan, at pagieksperimentuhan ang bawat bahagi ng katawan mo." Saad nito na tatawa tawa pa, na parang mamatay taong kontrabida sa mga pelikula.

Pawis na pawis na ako sa kinalalagyan ko habang maiging nagtatago. Kinakapos na din ako sa paghinga dulot ng nangingibabaw kong takot at mabilis na pagtibok ng puso ko.

Dahan dahan akong gumapang hanggang sa makalayo ako sa pinaggalingan ko. Maingat at dahan dahan akong gumagapang ng sa ganoon ay makakakuha ako ng tiyempo upang makatakbo.

Ilang dipa mula sa kinaroroonan ko ay napagpasyahan kong tumayo ng dahan dahan at tumakbo papalayo sa kinaroroonan ko.