CHAPTER 4: ST LUKES
ANNIE
“ miss dito ba ang daan papuntang cityhall? Pasensya bago lang kami” tanong ng isang lalaki na may edad..
“ ah si papa?? Oo gusto niyo samahan namin kayo?” napa awang ang labi ko, kakaiba din itong si annie mamaya holdaper ang mga ito.
“ sige kung hindi kami nakakaistorbo” ngumiti si annie at tinignan ako.
“ tara??” umiling ako.
“ mamaya holdaper ang mga iyan” sabi ko, natawa siya sa sinabi ko.
“ walang holdaper na milyon ang kotse no, tara” nauna na siya kaya sumunod ako, doon siya sa harap sumakay at ako sa likod. Hindi ko na tinignan kung sino ung mga lalaki, pinag patuloy ko na lang ang pagkain ng fishbol ko.
“ st lukes ka nag aaral tama??” tanong ng isang lalaki.
“ yup! ikaw din diba, wAlang hindi makakakilala sa isang mendez” sagot ni annie.
“ tsk” iyon lang sabi na pamilyar talaga saakin, iniisip ko nga kung saan ko siya nakita.
“ dito na” sabi ni annie, bumaba na kami.
“ salamat sa pagsama saamin” sabi ng may edad na lalaki, naglakad na kami uli ng maalala ko kung sino ung lalaki.
“ nag aaral siya sa pinag aaralan mo?” tanong ko.
“ oo pero di siya masyadong active, kahit ganun naipapasa niya ang mga exams. Diba?? gWapo tapos matalino pa, bonus na ung pagiging mayaman niya” sagot niya.
“ crush ko nga siya pero napaka pihikan niya ata sa mga bbabae, wala pa akong nakikitang may kasama siyang babae “ tumango na lang ako.
Dahil nakapag ubos naman na ako ng tinda ay umuwi na ako, dumiretso ako sa kusina para mag hugas dahil andaming hugasin. Sinunod ko naman ang sala na andaming dumi, tinignan ko ang magulang ko na nakaupo lang at nanunuod.
“ ma paki abot nga po ung punas” pinupulot ko kasi ung mga pinag kainan nila, tinignan ko si mama na parang walang narinig.
“ ma” tawag ko, tinignan niya ako..
“ ikaw na, nanunuod kami” anlapit ng punas sakanya, tumayo na ako at kinuha tsaka pinunasan ung mesa sa sala. Tumayo na ako ng makita kong inilapag lang nila ung pinag kainan nila, malapit naman ung basurahan.
Kaya nga ako bumili ng basurahan na marami para hindi na sila mag pagod na mag tapon ng basura sa labas.
“ ma, pa itapon niyo naman sa may basurahan” tinignan nila ako
“ sira ka ba?? Aatakihin kami ng hika pag nag basura pa kami” kumunot ang noo ko,
“ anlapit po ng basurahan sainyo, ayan lang po” turo ko, tinignan nila.
Doon ay kinuha ni papa at ibinasura saka padabog na umupo saka nanuod uli, minsan naiisp ko na nirarason na lang nila ung hika nila para hindi sila gumalaw, masyado naman ata silang nasanay na ako na ang lahat ng gumagalaw
Pumunta ako sa kusina para iayos ang ititinda ko naman bukas, dadamihan ko ngayon at umaasang mauuboos para kung may masobra ay itatabi ko para kung sakaling may kailangan sa school ay may pera ako.
Habang hinihintay ang araw para pumasok sa school, mas ginagalingan ko naman ang pag titinda ko para makaipon ng makaipon. Anong oras na ako nakauwi dahil pinaubos ko muna ung tinda ako, naku 8 na pala.
“ anong oras na ngayon ka lang uuwi, tyra baka nakakalimutan mong may pakakainin ka pa” hindi ko na pinansin si mama at nag luto na, sana man lang nag luto na sila kung wala pa ako. Maski kanin lang kasi hindi naman nakakapagod ang pag luto sa rice cooker.
“ kayo na po sana nag luto, meron naman pong mailuluto” sagot ko.
“ mapapagod kami, gusto mo bang mas lumaki ang gastos mo?!!!” napailing na lang ako, tinola na lang ang iluluto ko mas mabilis.
“ bakit ka ba ginagabi??” tanong ni mama.
“ kailangan ko po mag ipon para sa pag aaral ko” biglang hinablot ni mama ang braso ko.
“ mag aaral ka?? Tyra nag iisip ka ba??!!!” inis na sabi ni mama
“ kayo na po nag sabi na mag aral ako diba po?” tanong ko.
“ sinabi mo myrna??” tanong ni papa.
“ aba ang sabi ko mag aral siya at konsensya na lang niya na pag may nangyari” sabi ni mama.
“ kaya okay lang sayo na kung may mangyari saamin ay okay lang?? ganun ba tyra?!!” galit na sabi ni papa.
“ wala pong mangyayari sainyo basta lagi po kayong iinom ng gamot at susundin ang bilin ko, mga pagkain niyo iluluto ko na po para kakain na lang kayo” sagot ko, hindi na sila nakaimik.
Anong oras na ako natapos mag ayos ng ibebenta ko, kailangan ko ng sanayin ung sarili ko dahil mas lala pa ito pag mag aaral ako.
Dalawang araw na lang ay pasukan na kaya kasama ko si annie ngayon para bumili ng gamit ko, pati bag ay binilhan ako. Sabi ko gastos ko dahil may naipon naman ako pero sabi niya itago ko na lang para pag kinailangan ko ay may magagamit ako.
Gabi na ako nakauwi at sobrang pagod ko, nadatnan ko ang bahay na magulo. Nilinis ko na muna bago ko mag luto, tulad ng dato ung basura nila hindi parin nila maitapon. Hinayaan ko na lang dahil wala na ako lakas para mag salita pa.
“ oh may gamit kana? Inuna mo pa iyan kaysa sa mga pagkain natin??” sabi ni mama.
“ kakapalengke ko lang kahapon ng pagkain natin ma” binuksan ko ung ref, waLa ng laman???
“ may bisita kami kanina, iniluto na nila lahat kulang pa nga” hindi ko alam kung maiinis ako o hindi na lang kasi baka lumala pa.
“ mamalengke na lang po ako bukas” tumango siya at iniwan ako, hindi ko alam kung iiyak ko na lang. Gaya ng dati gabi na ako na ako natapos para mag handa ng tinda, Inayos ko pa kasi ung gamit ko sa school para wala akong makalimutan.
Pasukan na kaya maaga akong naluto na ulam nila, mainit na din ung tubig para mag timpla na lang silang kape. Inilagay ko na ung gamot nila sa mesa para hindi nila makalimutan.