CHAPTER 3: SCHOLAR
TYRA
“ tyra my pa scholar ang papa ko baka gusto mo mag try??’ si annie, kaibigan ko siya na anak ng mayor saamin.
“ hindi ko naman pwedeng iwAn ang magulang ko, alam mo naman iyon” sabay subo ng isaw
“ ano ka ba, malalakas naman ang magulang mo, hindi naman sila baldado. May hika lang sila at lagi naman silang may gamot. May pa gamot si papa na monthly kaya wala ka ng iisipin pang gamot. Ung gatusin pwede ka naman mag benta sa school, atleast doon madaming tao, mas madaming kita” nabuhayan ako sa sinabi ni annie.
“ sige, kakausapin ko sila mama” uming si annie.
“ tyra para sainyo to, 18 kana at dapat alam mo na kung ano ang dapat para sainyo lalo pat hindi natin masabi ang panahon. Big opportunity na ito, hindi mo naman sila pababayaan eh, mag aaral ka para sakanila, sainyo” ngumiti ako.
Dali dali akong umuwi matapos naming mag usap ni annie, nadatnan ko ang magulang ko na nanunuod ng t. v. umupo ako sa harap nila, tinignan nila ako.
“ mag aaral po ako” kumunot ang noo ni mama.
“ paano ka mag aral eh wala tayong pera?? Ung kinikita mo ay kasya lang saatin pang araw araw” sabi ni mama.
“ may scholarship pong ibibigay ang mayor natin, hindi naman po ako titigil sa pqg titinda dahil once na papasok ako mas maraming customer” ngiti kong sabi.
“ wag na tyra, mag tinda ka na lang. Paano kami pag kailangan namin ikaw?? Lalo na pag umatake ang hika namin” singit ni papa.
“ lagi niyo naman pong dadalhin ung inhaler niyo, isasabit niyo lagi sa leeg niyo tulad ng ginagawa natin pag nag titinda ako. Para naman po saatin ito pag nakapag tapos ako, short course lang naman po ang kukunin ko para hindi matagal” akala ko sasaya sila pero hindi, naka tingin lang sila saakin.
“ hindi natin masabi tyra, kailangan ka namin. Tama na yang pag aaral na iyan, mag luto kana ng pagkain natin” utos ni papa, tinignan ko si mama na walang imik. Tumayo ako at nadismaya dahil gusto ko pa man din pero ayaw nila.
Nag luto na ako ng pagkain namin, pagkakataon na ang lumapit saakin pero aya nila mama at papa. Naalala ko tuloy ung sinabi ni annie na 18 na ako, okay naman siguro kung ako ang mag desisyon para sa sarili ko?? Gusto ko talaga mag aral/
“ wag mo ng balakin na mag aral” napa tingin ako”si mama.
“ bakit ayaw niyo po?? Para naman ppo saatin ito” sagot ko.
“tama ang papa mo, mas kailangan namin ikaw kaysa sa pag aaral na iyan. Ayaw mo bang lagi kaming kasama mo?? Gusto mo ung nasa school ka?? Nahihirapan?? Pa nag titinda ka hindi na kailangang mag isip isip pa, kung mag aaral ka pipigain mo pa ang utak mo at pag bumagsak nakakahiya ka” nalungkot naman ako sa sinabi ni mama, bakit hindi sila naniniwala na kaya ko??
“ hindi naman po masamang subukan lalo pat wala naman pong mawawala saakin ma? Kung tutuusin kaya niyo naman po diba??” kumunot ang noo ni mama
“ nanunumbat kana ba dahil sa ayaw naming mag aral ka??” umiling ako.
“ malakas naman po kayo at lagi kayong may gamot, hindi ako nag kulang sa pag bigay ng gamot niyo at naibibigay ko din po ang kailangan ng bahay at ng pagkain natin kaya bakit hindi po ako pwedeng mag aral?? Maski iyon lang po ma” kita ko ang inis sa mukha niya.
“ dahil hindi mo nga kaya, mapapahiya ka lang. ssige! Mag aral ka pero pag may nangyari saamin kasalanan mo, konsensya mo na lang pag namatay kami!” umalis siya ng galit, napa buntong hininga na lang ako.
Kumain na kami ng hindi nila ako pinapansin, buo na talaga ang desisyon ko. Mag aaral ako at ppatunayan ko sa magulang ko na kaya ko silang pag sabayin, hinding hindi ko sila pababayaan kahit nag aaral ako.
Maaga akong naki pag kita kay annie, sinamahan niya ako sa papa niya at nag palista ako para maging parte ng scholarship program niya, ipinalista ko din ung pangalan nila mama at papa para makatanggap ng libreng gamot.
Mabuti na lang daw ay nakahabol ako bago pa isubmit, papunta kami ni annie ngayon sa nag pi-pishcol. Sobrang saya ko talaga na sa wakas ay makaka pag aral na ako kahit short course lang.
“ ano sabi ng magulang mo??” nawala ang ngiti ko.
“ ayaw nila, sinabi pang pag namatay sila ay kons3nsya ko na lang daw” napa taas ang isang kilay ni annie.
“ ang o. a ah, hindi ba sila masaya na makaka pag aral ka?? Hindi naman sila ang gagastos kundi si papa at hindi mo naman sila pababayaan kasi maag titinda ka parin” tumango ako.
“ hay naku, yaan mo sila ang mahalaga makaka pag aral ka at proud ako sayo” niyakap niya ako kaya niyaka ko din siya.
“ dibale malapit ng matapos ang semester na ito, isang buwan lang ay makaka pag simula kana. Wag mo ng isispan pa ang gamit mo dahil sagot ko na” ang saya ko na ay kaibigan ako na tulad niya.
“ basta pag yumaman kana wAg mo akong kakalimutan” tumango ako at niyakap siya.
“ at babala wag na wag kang maatract sa mga lalaki, isipin mo lagi ung pag aaral okay???” kumunot ang noo ko,
“ bakit lalaki agad?” tanong ko.
“ ay naku andaming hot and gwapo sa school kung alam mo lang, nakakalaglag panty kaya. Naku kung hindi lang talaga ako anak ng mayor baka pinatos ko na sila” natawA naman ako.
“ mabuti nga at naging anak ka ng mayor” sumimangot siya, natawa na lang kami.
Kinuha na namin ung pagkain namin at naglakad lakad ng may bumisina na kotse, may sumilip na lalaki pero familiar ung isa pang nasa loob.