CHAPTER 5: FUTURE
IVAN
“ rEady na ang sasakyan ivan” unang araw ng pasok kaya kailangan kong pumasok, alam niyo na bilang kilalang tao kaya ganito.
“ magpapakita lang ako tapos alis na din” sabi ko kay mr. raven
“ pumasok na din kayo, unang araw” sagot niya.
“ heto nanaman tayo” nag lakad na ako.
“ ivan naman, sige na pumasok kana. Maswerte daw ang unang araw ng klase, malapit na din naman kayo matapos kaya sige na” sumakay na ako sa kotse, sumunod naman siya.
hindi niya ako tinigilan hanggang makarating kami sa skwelahan, may naka agaw ng pansin ko. Kumunot ang noo ko at nilapitan siya, nagulat pa sa pag dating ko.
“ may hinahanap ka??” hindi niya ako pinansin at pinag patuloy ung pag hanap.
“ ey” tawag ko sakanya.
“ future ko, ung future ko ang hinahanap ko kaya wag kang magulo” suplada niyang sabi, aba ganito pa ang gagawin saakin?? Bumabawi??
“ ayon nahanap ko na, nahanap ko na ung future ko” lakas niyang sabi habang naka tingin saakin, naka taas ung isa kong kilay.
“ narinig mo ba iyon, future niya daw si ivan…. Naku mukhang bago, di alam pumila” rinig kong sabi ng nasa likod.
“ kaya nga, kung alam niya lang ang haba ng pila tapos ganito??” sagot naman ng isa.
“ your future is me?” tanong ko sakanya, lagi kaming nagkikita pero di ko pa siya kilala.
“ huh?? Nahanap ko na sabi ko, nahanap-----”
“ tyra kanina pa kita hinahanap” ung anak ng mayor.
“ oh mr. Mendez”
“ ung kasama mo mukhang nawawala kaya tinatanong ko siya tapos ang sagot---”
“ ang sagot niya is nahanap niya ung future niya na si ivan” singit ng isang babae, kumunot ang noo ng anak ng mayor tsaka tinignan ung kaibigan niya.
“ future??” natawa na lang ung babae.
“ hahaha mali pagkakarinig nila tsaka andito ako para mag aral, tara na annie” hinila niya ung kaibigan niya.
“ tyra daw pangalan” nilingon ko agad si mr. Raven, halata namang pinipigilan ang ngiti.
Nag lakad na ako, pinuntahan ko na ung dean ng school at naki pag usap. Andaming sinasabi na hindi naman ako interesado, matapos akong maki pqg usap ay lumabas na ako. Bumungad saakin ang malapad na ngiti ni mr. Raven.
“ pasok na kayo?” tumango ako at lumitaw na nga ang malawak na ngiti niya.
Natapos ang klase ko ng eleven am, nagugutom na ako at hanggang ngayon ay naka sunod parin si mr. Raven saakin.
“ kakain ka?” tumango ako, nauna na siya sa may canteen ng school at nag reserve na ng upuan ko. Umorder naman na ako ng makakain namin ng may mapansin ko ung babae sa harap ko, which is si tyra.
“ ano na hinahanap mo?” tanong ko.
“ ung abot kayang pagkain” sagot niya.
“ all the food is here are free, kasali iyon sa binabayaran sa school kaya kahit ano pa ang orderin mo ay wala kang babayaran” nanlaki ang mata niya.
“ ang kulit mo naman kasi tyra, sabi kasing libre lahat kaya go choose na” tumango siya at namili na ng oorderin niya.
“ annie saan tayo memesa? Puno na” luminga linga sila habang kami ni mr. Raven ay nakaupo na.
“ dito na lang po kayo mga miss” sabi ni mr. Raven, tinignan niya ako.
“ okay lang ba mr. Mendez??” tanong ni annie.
“ yeah join us” sagot ko, umupo naman na silang dalawa.
“ tyra share tayo sa mga kinuha nating food” sabi ni annie, tumango naman si tyra kaya nag si hatian sila ng food nila.
“ sir---” sinamaan ko agad ng tingin si mr. Raven, balak niya pang gayahin.
Andaming mga bulungan sa paligid, ito ang ayaw ko ung may sasabihin ung mga ibang tao. Kaya ayaw ko din mapalapit sa mga babae dahil ganito nga.
“ kamusta ang unang araw mo tyra??”
“ ahm nakaka panibago pero ang saya” sagot niya.
“ first timer?” tanong ko.
“ oo, masyado kasing family oriented tsaka mga kj ang parents niya” sagot ni annie.
“ annie naman” inirapan niya ung kaibigan niya.
“ sinasabi ko lang ang totoo, ni hindi man lang sila naging masaya na papasok kana” anak nga ng mayor, napaka direct to the point.
“ hayaan mo na, ang mahalaga nag aaral ako” mukhang may issue siya about sa parents niyA.
“ ahm excuse me, totoo ba??” may lumapit saamin na babae na nahihiyang nag tatanong.
“ totoo ang alin?” tanong naman ni annie.
“ ito oh??” pinakita niya ung phone niya, isang news article na nagsasabing may asawa na daw ako kaya hindi ako nakikitang may kasamang babae.
Ang hindi makapaniwala ay mula pa ito kay tita??? Talaga?? Kailan pa ako ikinasal? Tinignan ko si mr. Raven.
“ aalamin ko para sayo” sabi ni mr. Raven
“ totoo bang kasal kana?” andaming naka tingin saamin at gustong malaman ang sagot, napa buga ako ng hangin
“ yes” sagot ko, para tantanan na din nila ako. Kung hindi ko sasabihing hindi pa ako kasal malamang magwawala ang mga tao kaya mas okay ng sabihin kong kasal ako.
Hindi ko alam kung anong pakulo nanaman ang ginagawa ni tita para sabihin na kasal ako, ni wala siyang abisu tungkol dito.
Umingay ng sinabi kong kasal ako, napa buga ako ng hangin. Pinag patuloy ko ang pagkain ko pero naririndi ako sa mga bulungan na naririnig ko.
“ tara na” tumayo na ako ng tumayo naman ni tyra, tinignan ko siya.
“ saan tayo pupunta?” tanong niya, kita ko ang palihim na ngiti ni mr. Raven.
“ tyra ang tinutukoy niya ay ung butler niya, hindi ikaw” singit ni annie, napa awang ang labi niya.
“ ohhh hahhaha sabi kasi tara na, malay ko ba hehe” umupo siya, tumayo na si mr. Raven at nag lakad na kami paalis.
“ napaka Inosente niya diba??” napa iling ako at hindi na umimik, baka kung ano nanaman ang isipin niya. Hindi malaman kung lutang ba siya o slow siya, kung ano ano sinasabi.