CHAPTER 29: DEBT

IVAN

Grabe ang nangyari, dahil sa away nila lahat ng customer ko ay umalis at andaming nabasag. Kaharap ko sila ngayon si tyra at cobi, hanggang ngayon nagtuturuan parin sila kung sino ang may kasalanan sakanila sa nangyari,

“ Worth of damage?? Milyons”sabi ko sakanila, hindi sila nakaimik.

“ ang malala sinasaway na nga kayo hindi pa kayo mag tigil sa kakaaway niyo??!! Ano ba kayo batang mga gangster???!!!! Anlaki ng perwisyo na ginawa niyo, alam niyo ba iyon at pwede ko kayong ipakulong sa ginawa niyo” tinignan nila ako.

“ sorry ivan, unang araw ko palang tapos trainee pa ganito na agad ang nangyari” sabi ni cobi.

“ stop acting na nag tra-trabaho ka talaga pwede ba” inis na sabi ni tyra.

“ stop acting na alam mo naman ang kanyang buhay para sabihin mo sakanya yan, tyra ang buhay nagbabago at ung inaakala mong mayaman na tao ay mahirap na ngayon at naghahanap ng buhay pero sa ginawa mo inalisan mo siya ng karapatan”

“ hindi parin maka move on??? Ikaw lang ang broken dito sa mundo at ganyan ka makareak??! Hmmm??”

“ kinakarma na nga sila, wag mo ng dagdagan dahil ung bata ang kawawa pag walang makain. Please, tama na. move on na tayong lahat, nag uumpisa na tayo bagong daan at kung ayaw mo parin at mananatili ka sa nakaraan then go!! Solohin mo, wag mo kami idamay” naiinis na ako, sa tagal kong nag hintay, sa tagal kong umasa at ngayon nagsisimula uli ako saka naman ganito.

“ cobi” napa tingin kami sa taong may karga na bata at hingal na hingal.

“ annie” nilapitan siya ni cobi, kinuha ung anak.

“ ngayon ko lang nabasa ung text mo, ano---” huminto siya sa pag sasalita ng makita kami.

“ boss ko si ivan tapos ung nakaaway ko si tyra” napaawang ang labi niya.

“ malaki ba ang nabasag niyo??” tanong niya, tumango si cobi.

“ paano na?? anong---”

“ chill, hindi ko na ipapa bayad pa” sagot ko.

“ mananatili din sa trabaho si cobi kasama si tyra” nanlaki ang mata ni tyra na tumingin saakin.

“ bakit kasama ako???” tanong niya.

“ dahil ikaw ang magbabayad ng mga nabasag niyo, napanuod ko bawat anggulo at ikaw ang may mali kaya mag tra-trabaho ka dito hindi sa labas kundi dito kasama ko sa office dahil baka madagdagan pa ang babayaran mo pag sa bar ka mag tra-trabaho” tinaasan ko siya ng kilay.

“ bakit ako lang?? kasama siya sa naka basa----”

“ ikaw ang nauna tyra, no more chats…. Bukas kana mag sisimula at maaga kang papasok dahil kasama kitang maglilinis sa mga kalat mo” tumayo na ako.

“ tutulong na lang ako sa paglinis” pahabol ni cobi.

“ sige, ikaw bahala. Makakauwi na tayong lahat para maka pag pahinga na at sana kalimutan na ang mga nangyari ngayon dahil ayokong naapektuhan ang business ko sa pansariling galit niyo” tinignan ko si tyra na inirapan ako.

“ lika na at hatid kkita” dugtong ko.

“ hindi na” pamamatigas niya pero hinila ko siya at lumabas na, isinakay ko na sa sasakyan.

“ bakit ka ba namimilit!!” inis niyang sabi.

“ dahil sumosobra kana!!!” inis ko ding sabi para matameme siya.

“ susunduin kita bukas sa ayaw at sa gusto mo” madiin kong sabi, inihatid ko siya na tahimik kami hanggang makauwi.

Pinag buksan ko siya ng pinto, sakto naman na lumabas ang mama niya. Lumapit siya saamin at hinarap ko siya. Nag iba na din pala sila ng tirahan at mabuti na lang ay namemorya ko ang daan.

“ mauuna----”

“ pumasok ka muna” seryosong sabi, kumunot ang noo ko,

“ hindi na ma, yaan niy0---”

“ papasok siya sa loob” madiin niyang sabi at nauna na siya kaya sumunod na kami, mukhang hindi na ako makakatulog nito dahil madaling araw na. basta tungkol kay tyra nagugulo ang buhay ko, haiiissssst!.

“ umupo kayo” nauna na siyang umupo kaya umupo kami.

“ binibenta ko siya, bilhin mo na” napa angat ang dalawang kilay ko sa sinabi niya, ang bilis din ng tibok ng puso ko.

“ ma naman---”

“ manahimik ka, para sayo din ito at naaawa na ako sayo…. Dahil sa kagagahan mo at hindi ko alam kung saan nag punta ung pinag aralan mo sa utak mo!” ano ba pinag uusapan nila.

“ binibenta ko siya kapalit ng bayaran mo lahat ng utang niya---”

“MA!!!” sita ni tyra.

“ ano gusto mo??!!! Tumakbo ng tumakbo habang buhay??? Mag tago lagi ganun ba????!!! Tyra!!! Hindi na ako magtatagal sa mundo baka nakakalimutan mo!” Umiyak na ung mama niya.

“ dahil lang sa nasaktan ka nagkaloko loko na ang buhay mo, hindi ikaw ang dapat mag dusa anak kundi dapat ung nanakit at hindi lang si cobi ang lalaki sa mundo at alam ko siya lang nag bigay ng importansya sayo pero nagmamakaawa ko sayo ibalik mo na ang tyra na anak ko” iyak niyang sabi.

“ ivan, kunin mo na siya basta bayaran mo ung utang niya. Ikaw na bahala sakanya pero wag mo sanang sasaktan, kung gagawin mong katulong sige! Okay lang basta matapos na ang trabaho niya dahil ayoko ng makita pa siyang ganito ka miserable” hindi ko alam na ganito ang sitwasyon ni tyra, andaming nangyari dahil sa panlolokong iyon.

“ ma heto na po ung damit ni tyra” ung kapatid ni tyra.

“ ate naman, ma wag namang ganito” pakiusap ni tyra.

“ hindi!!! Tama na na ikaw ung ung nasusunod, hinayaan kita dahil nasaktan ka pero hindi ko kayang makita pang sinisira mo ang buhay mo kaya mas okay na ito dahil mas tiwala pa ako kay ivan kaysa sa ibang mga lalaki diyan!”

“ sige na, alis na kayo…. Bukas ko na ibibigay ung detalye para sa utang niya ivan, alis na dalhin mo itong gamit niya” binuhat niya at ibinigay saakin sabay tulak saamin palabas ng bahay tsaka isinara ung pintuan.